“I can’t help but kiss you.” Hinaplos nito ang gilid ng labi niya. “You are so beautiful.”
Tumikhim si Sebastian. “I am glad that you finally found yourself a girl who is respectable enough. You finally acquired good taste, Wyndham.”
“You like Jezzie?” hindii makapaniwalang tanong ni Wyndham.
“Yes. And I am glad that you finally found the woman that you will take seriously, So when is the wedding?”
Napaupo siya sa pagkagulat. Habang n akatitig nanan ang iba kay Wyndham. Bakit kasal na ang pinag-uusapan? Hindi pa nga siya nakakabawi sa nerbiyos nang ipakilala siya nito sa pamilya nito lalo na kay Sebastian Archer na nakaka-intimidate ang presensiya. Lalo siyang ninenerbiyos sa kasal.
“Don’t hurry, Old man. Jezzie and I want to take our time.”
Tumango-tango na lang si Sebastian. “Then we’ll discuss the ASCORP deal tomorrow. I want you to take care of it and some other accounts.” Tumayo si Sebastian at ibinuka ang kamay. “Welcome home, Wyndham.”
Bakas ang saya sa mukha ni Wyndham sa deklarasyong iyon. “Thank you, grandfather. This means so much to me.”
Matapos iyon ay iniwan na sila ni Sebastian dahil gusto na daw nitong magpahinga. NIyakap si Wyndham ng iba nitong kapamilya at ang pinakamatagal yumakap ay ang ina nito. “I’m glad you are home, son.”
Pinunasan ni Wyndham ang luha ng ina. “I miss you, Mother.”
Nakita niya ang bond ni Wyndham sa nanay nito. People in London were usually cold and formal. It was Margaret Archer who gives warmth to their home. Bahagi ng pagiging Filipino nito.
“Parang hindi mo inaalagaang mabuti ang sarili mo sa Africa. Look at you. Parang palagi kang pagod.” At hinaplos ang balikat ni Wyndham.
Tinabihan siya ni Raddison. “Masanay ka na sa nanay namin. Masyado siyang maalaga lalo na kay Kuya. At dahil girlfriend ka na ni Kuya, tiyak na uusisain ka ng nanay namin kung anong pag-aalagang ginagawa mo kay Kuya at pumayat siya, etcera.”
“I don’t have to treat Wyndham like a baby. He is a grown man.” Si Wyndham ang mas madalas na mag-alaga sa kanya.
“Hija, gusto mo bang samahan kitang mag-shopping?” alok ni Margaret.
“Shopping po? Wala po akong hilig mag-shopping.”
“Huwag mong tanggihan ang nanay ko,” sabi ni Wyndham. “Magiging busy ako nitong dadating na mga araw. Wala kang makakasama dito.”
Napilitan siyang tumango kay Margaret. Ayaw niyang ma-offend ito. “Wyndham, hanggang kailan tayo dito?” tanong niya.
“Until everything is settled. Bukas ko pa malalaman kung ano ang iba pang account na pahahawakan sa akin ni Lolo.”
“Paano kung matagalan?” Ayaw niyang magtagal pa sa London. Alam niyang may obligasyon doon si Wyndham at gusto siya nitong makasama. Pero may sarili din siyang plano. May trabaho din siyang kailangang gampanan.
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Think of it as a vacation for now. I just need to address this immediate problem then we will talk.”
HINDI matapos-tapos na pakikipag-kwentuhan ang ginawa ni Jezzie sa mga bata sa isang orphanage sa labas ng London. Nang malaman niyang pupunta doon si Margaret ay sumama siya. Mas gusto niya doon kaysa mag-shopping.
Lahat ng mga bata ay interesado sa mga lugar na napuntahan niya at mga taong nakilala niya. Hindi niya napansin na lumipas ang buong maghapon.
“Mukhang nag-enjoy ka kasama ang mga bata,” puna ni Margaret nang kumakain sila sa isang garden tea shop na nadaanan nila di kalayuan sa orphanage. “Hindi ka ba nakulitan sa kanila.”
“Katulad po nila ulila rin ako. Kahit po matanda na ako nang mawala si Papa, mahirap pa rin ang walang magulang. Kaya nga po maswerte si Wyndham dahil may pamilya siyang katulad ninyo.” Siguro kung buhay lang ang Mama niya, kasing lambing at kasing bait din ito ni Margaret. “Thank you din po pala sa pagtanggap sa akin.”
Naramdaman niya ang pag-aalaga sa kanya ni Margaret hindi lang bilang isang bisita. Parang nanay rin niya ito. Kaya lang niya nato-tolerate ang pagsa-shopping ay dahil gusto niyang i-please si Margaret. Kapag kasama niya ito ay nalilibang siya at nakakalimutan si Wyndham na subsob sa trabaho. Sunud-sunod ang meeting nito kaya sa gabi na lang sila nagkikita. Bumabawi ito sa mga panahon na nawala ito sa main stream ng Royal Air.
“Ako nga ang nahihiya sa iyo dahil sa ginawa ng anak ko.”
“Ano pong ginawa ni Wyndham?” tanong niya. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Margaret na labis niyang ipinagtaka. “Mabait po si Wyndham. Ang totoo, hindi nga po iyan tumitingin sa ibang babae mula nang maging girlfriend niya ako. Nakakatawa nga dahil hindi naman ako katulad ng ibang idine-date niya.”
“Mahal mo talaga ang anak ko?”
Nakangiti siyang tumango at kumagat ng English biscuit na ka-partner ng peppermint tea niya. “Dati ko pa naman po mahal si Wyndham. Kaya nga ako naging piloto dahil gusto ko siyang makasama. Umaasa ako na mapapansin niya ako sa dinami-daming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nang ayaw ko na sa kanya, saka naman siya lapit nang lapit. Basta hindi po madali ang pinagdaanan namin.”
Nagulat siya nang umiiyak siyang niyakap ni Margaret. “I am sorry. Mahal mo ang anak ko pero pinipilit ka niyang magpanggap. This must be hard for you. Nadamay ka pa sa problema ng pamilya namin.”
“M-Ma’am, hindi ko po kayo maintindihan.” Magpanggap saan? “Saka okay naman na po ang problema ng pamilya ninyo, di ba? Wala naman po akong ginawa para makatulong. Nagkita lang sila at nagkapatawaran ni Sir Sebastian.”
“It’s okay. Hindi ako galit kung hindi mo aaminin sa akin na kinuha ka lang niya para magpanggap na girlfriend niya.”
Sunud-sunod na iling ang ginawa niya. “Bakit naman po ako pagpapanggapin ni Wyndham na girlfriend niya?”
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit nag-away sila ng lolo niya?”
“Nalaman po ni Sir Sebastian na gumawa si Wyndham ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Lady Kesca. Kaya ipinadala siya sa Africa para turuan po siya ng leksiyon.”
“Halos itinakwil na rin siya ng lolo niya. At makakabalik lang siya kung makapagpapakilala siya sa lolo niya ng seryosong girlfriend at ipakitang mahal na mahal niya para makabalik siya sa pamilya.”
“Pero...” Nanlamig ang buong katawan niya habang inaanalisa ang lahat. “Ibig pong sabihin hindi ako mahal ni Wyndham? Ginamit lang po niya ako para maibalik ang lahat ng privileges niya bilang isang Archer?”