Chapter Wyndham, TB-EHD: 41

“Are you sure about this? Gusto mong magtrabaho sa Nirvana Island?”

Tango ang isinagot ni Jezzie sa tanong ni Raschid. Pagbalik ng Kenya ay inabala niya ang sarili sa isang two-week safari. Iyon ang paraan niya para takasan ang anumang pakikipag-usap kay Wyndham. He tried to contact her several times but she decided not to pay attention. Ano na naman ang sasabihin nito? Kasinungalingan? Aasa lang siya na sana ay totoo ang sasabihin nito kahit naghuhumiyaw naman ang katotohanang di siya nito mamahalin katulad ng pagmamahal niya dito.

Sa pagbiyahe niya ay isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Gusto na niyang tuluyang putulin ang taling nag-uugnay sa kanila ni Wyndham. Magre-resign na siya at bibili na siya ng sarili niyang eroplano.

“Matagal ko na ring gustong umuwi ng Pilipinas. And Nirvana Island is a paradise. Hindi rin masyadong pressing ang trabaho.”

Nirvana Island was an island sanctuary. Doon na lilipat si Raschid dahil gusto ng Mama nito na umuwi na rin ng Pilipinas. At dahil nabanggit nitong nangangailangan ito ng piloto ay nag-volunteer agad siya. Tahimik ang lugar na iyon at dahil isang wildlife sanctuary ay parang hindi rin siya nalalayo sa Africa. Iyon ang tsansa niyang makalayo kay Wyndham.

“Pero paano kung hindi ka payagan ni Wyndham?”

“Wala siyang magagawa. Tatapusin ko lang ang lahat ng trabaho ko sa kanya.Nangako lang ako kay flint na ako ng piloto niya kapag pumunta siya ng Zimbabwe. After that, I am leaving.”

Pagbalik ng Nairobi ay ipinasa agad niya ang resignation letter niya. “Bakit magre-resign ka na? Dahil ba kay Boss?” malungkot na tanong ni Elai.

“He is all yours,” mapait niyang sabi. Tiyak na kakailanganin ni Wyndham ng babaeng ipapalit sa kanya. Kahit naman nang nasa London pa lang sila ay nagtatawagan na ang mga babaeng interesado dito.

“Sabi ni Sir kung magre-resign ka daw, ikaw mismo ang magpasa sa kanya. Puntahan mo daw siya sa opisina niya.”

She hesistantly took back her resignation letter. Nagawa niyang iwasan si Wyndham sa loob ng ilang linggo. Pwede pa siyang umiwas muli ngunit wala ring mangyayari kung pagtatagalin pa niya ang lahat. Kailangan niya itong harapin.

Pagbukas pa lang niya ng pinto ay bumungad agad si Wyndham sa kanya. “Oh, Jezzie!” Hinila siya nito sa loob ng opisina nito at niyakap nang mahigpit. “I miss you! Halos mabaliw ako nang hindi mo ako tawagan.”

She also missed him. Pero nangibabaw ang sakit na nararamdaman niya. Sa ilang beses na pananakit sa kanya ni Wyndham ay natuto na siya ng leksiyon. Wala siyang aasahang pagmamahal dito. Palabas lang nito ang lahat. Kung pangingibabawin niya ang puso niya ay parang kumuha lang siya ng lubid na ipansasakal niya sa sarili. Di na siya makakawala pa dito.

“Bakit? Hinahanap na ba ako ng lolo mo? Kinukwestiyon ka na ba kung bakit bigla na lang nawala ang babaeng mahal na mahal mo?” tanong niya sa malamig na boses.

Hinawakan nito ang balikat niya at bahagya siyang inilayo dito. May bahid ng sakit sa mga mata nito nang pagmasdan siya. “No! Walang kinalaman si Lolo sa pag-aalala ko sa iyo. Jezzie, bago pa tayo pumuntang London ganito na ako sa iyo.”

“Oo. Paraan mo para kunin ang loob ko,” kaswal niyang sabi. “Mas madali nga naman na kumuha ng isang babaeng patay na patay sa iyo para iharap bilang girlfriend sa lolo mo. Kaysa kumausap o magbayad ng babae para magpanggap na matinong girlfriend mo.”

Naging matiim ang anyo nito. “Hindi ka ba maniniwala sa akin kapag sinabi kong mahal kita? Kahit konti ba wala kang pinaniniwalaan sa pinagsamahan natin? Anong tawag mo sa panunuyo ko sa iyo?”

“A calculated move to make me fall for you. I must say that you are clever, Wyndham. O siguro masyado lang akong naive para mapaniwala mo. Akala mo ba hindi ko malalaman ang totoo?”

“Si Mama lang ang nag-isip na nagpapanggap ako. Tayo. Yes, gusto kong mabawi ang lahat ng inalis sa akin ni Lolo. Aaminin ko sa iyo, kinailangan kong dalhin ka sa London nang di ko sinasabi ang kondisyon niya para makabalik ako sa pamilya. Pero bakit kailangan ko pang sabihin?Naging totoo naman ako sa iyo. Kung ano ang nararamdaman ko sa iyo, iyon lang ang ipinakita ko. I love you.”

Mapait siyang ngumiti. “You don’t have to pretend that you love me. I don’t need your words. Wala nang kahulugan ang lahat sa akin. Direktahin mo na lang ako kung kailangan mong magpanggap ako na girlfriend mo ulit para mapaniwala ang lolo mo kung naghihinala man siya.”

“No! Hindi kita kailangan para magpanggap na girlfriend ko. Sinabi ni Lolo na pwede ko na ulit makuha ang lahat ng privileges na dating sa akin.”

Kinamayan niya ito. “Congratulations! Have a good life, Wyndham. Makakabalik ka na sa dating buhay. You don’t have to suffer my company or work in this pitiful region. Kung nakokonsensiya ka, huwag mo akong intindihin. I am fine! Iniintindi ko na lang ang ginawa mo.”

“Bakit ako makokonsensiya? Wala akong ginagawang masama.” Niyakap siya nito. “I want to stay here with you.”

Itinulak niya ito palayo. “Wyndham, tama na! This is over! Huwag mo nang sayangin ang oras mo na kumbinsihin ako dahil di ako maniniwala. Magre-resign na ako. Wala akong pakialam kahit tanggapin mo ang resignation ko o hindi. Gusto ko lang na makalayo sa iyo.”

Tinalikuran niya ito at dali-daling naglakad palayo. Kailangan na niyang makatakas. Nararamdaman niyang unti-unting bumababa ang pader na binuo niya sa paligid niya. Isang yakap pa mula kay Wyndham ay tiyak na matutunaw siya. Paniniwalaan niya ang lahat ng sasabihin nito. Hindi niya kakayaning tumingin pa sa salamin pagkatapos niyon. Sawa na siyang masaktan.

Pinigilan nito ang kamay niya. “Jezzie, I love you.”

Malayang pumatak ang luha sa mata niya. Hindi siya lumingon para makita ang katotohanan sa mga mata nito. Gustong-gusto niyang maniwala dito.

“Goodbye, Wyndham,” wika niya at patakbong lumabas ng opisina nito.

It was over. Kahit na masakit ay kailangan niyang iwan ang lalaking mahal niya. Nang tanggapin niya ito sa buhay niya ay ihinanda na niya ang sarili niya sa sakit. Na iiwan din siya nito at alaala na lang ang maiiwan sa kanila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.