NAGKUKUMAHOG na nagbihis si Jezzie. Tinanghali siya ng gising dahil hindi niya narinig ang huni ng alarm clock.Masyado siyang napagod dahil sa sunud-sunod na flight niya. Sinusulit niya ang mga huling araw niya sa Swan’s Flight. Kailangan niya ng sapat na pera para sa eroplanong bibilhin niya at sa panibagong buhay niya. At isang flight na lang ay tuluyan na siyang magiging malaya mula kay Wyndham.
She was total emotional wreck. Hindi siya nilulubayan ni Wyndham. Bagamat wala itong nagawa kundi tanggapin ang resignation niya ay di naman ito bumalik ng London. Nanatili lang ito sa Nairobi. At kapag nasa opisina ito o sa hangar ay nakasunod ang tingin nito sa kanya. Hindi siya nito kinakausap pero nagpapapasa naman ito sa mga kasamahan niya ng mensahe para sa kanya. He still feeds her and makes sure that she’s safe. Hindi niya alam kung bakit ayaw siya nitong sukuan samantalang wala naman na itong pakinabang sa kanya.
“Flint, I am sorry! Parating na ako diyan.”
Mag-iisang oras na siyang late. Fifteen minutes lang ang apartment niya mula sa airport. Iyon pa mandin ang huling misyon nito na kasama siya. Nagi-guilty siya dahil may mga taong naghihintay sa tulong na dadalhin nila.
“It’s okay, Jezzie. Hindi mo kailangang magmadali. Ibang pilot na lang ang maghahatid sa akin sa Zimbabwe.”
“No! NO! Ako ang sasama sa iyo. Nangako ako sa iyo, di ba? Saka ngayon lang naman ako na-late. I am almost there,” wika niya at pinara ang taxi.
“Paalis na kami, Jezzie.Baka hindi mo na ako maabutan. Let’s go out when I come back. Di ka pa naman siguro aalis, di ba?” She heard the roar of the plane’s engine. “I have to go! Kaya na namin ito.”
“Flint!” tawag niya dito subalit tinapos na nito ang tawag. Napilitan na rin siyang pumunta ng hangar. Excited pa mandin siya sa flight niya na iyon.
Pumunta siya sa aviation office para i-check ang detalye ng flight ni Flint. Gusto niyang matiyak na magiging maayos ang flight nito.Subalit nagulat siya nang makita kung sino ang pilotong nag-file ng flight plan.
It was Wyndham Archer.
“HINDI ko talaga maintindihan kung bakit inagaw niya ang flight ko. Iyon ang pinaka-huling kong flight. Kung inaakala niya na hindi ako aalis dahil doon, then he is so wrong. Aalis pa rin ako,” himutok ni Jezzie habang ineempake ang mga gamit niya. Para sa kanya ay iyon na ang huling araw niya dahil wala na siyang iba pang gagawin. Nakipag-coordinate na siya sa Human Resources Department para sa huling araw niya sa Swan’s Flight.
“Masyado bang pakialamero si Sir Wyndham kaya gusto mong umalis?” tanong ni Ivy na nakatingin lang sa kanya habang nag-aayos siya ng gamit. Walang sinuman sa mga kasamahan at kaibigan niya ang nagtangkang tumulong sa kanya.
“Mahal ka lang niya kaya gusto ka niyang protektahan. Kita mo naman. Iniwan niya ang trabaho niya sa London para sa iyo. At pinili niyang akuin ang delikadong flight para lang sa iyo. Tapos aalis ka na lang basta?” May halong pangongonsensiya naman si Elai.
“Sino ba ang may sabing gawin niya iyon lahat para sa akin? Wala naman siyang kailangang patunayan.” Kahit naman anong gawin nito ay hindi na niya paniniwalaan. Parang mahirap na kasing maniwala na para nga sa kanya ang lahat ng ginagawa nito. “Saka alam ba niya kung gaano kadelikado ang Zimbabwe ngayon? Hindi na niya naisip ang mga taong nag-aalala sa kanya.”
“Iyon naman pala! Nag-aalala ka rin sa kanya,” sabi ni Yasmin. “Pero since ayaw mo na kay Sir Wyndham, humayo ka na para kami na ni Sir Wyndham ang magpapakasaya. Ang dami mo kasing issues. Kunyaring ayaw pero obvious naman na patay na patay ka sa kanya.”
“Hindi dahil may problema kami ni Wyndham, nawala na ang pagmamahal ko sa kanya.” Bumagsak ang balikat niya. “Pero sa palagay ko hindi na namin maayos ang problema namin. Parang niloloko ko lang ang sarili ko na magiging masaya kami.” O kung kaya nga siya nitong mahalin.
Parang isang fairy tale lang ang lahat. Imposibleng mahalin siya ni Wyndham. Maniniwala siya noong una na itinaboy siya nito dahil ayaw nitong maging unfair sa kanya dahil malapit na itong ikasal. Paano naman ang pagpapakilala sa kanya nito sa pamilya nito? Nakakatiyak ba siya na dahil mahal nga siya nito o nagipit lang ito at kinailangan ng tulong niya?
Pinili ba talaga siya nito o alam nitong siya ang magugustuhan ng lolo nito? Baka sa pamamagitan niya ay mapapatunayan nito sa lahat na kaya nitong magseryoso sa isang relasyon. Pero ang totoo ay hindi siya nito mahal. Baka nga pinagtitiisan lang nito na makasama siya.
“Kapag nag-resign ka wala nang bawian. Huwag kang manghihinayang kapag ako na ang bagong girlfriend ni Sir Wyndham,” ngingiti-ngiting sabi ni Yasmin at saka siya iniwan sa kuwarto.
“Huwag mo na ngang pansinin iyon,” sabi ni Ivy.
Nagkibit-balikat siya at pilit na ngumiti. “Tanggap ko na iyon. Sana lang ang ipapalit sa akin ni Wyndham iyong babaeng mamahalin talaga niya.”
“Ewan ko sa iyo!” nakairap na sabi ni Elai. “Tingin ko mahal ka talaga ni Sir Wyndham. Walang halong chever iyon. Kundi ka niya mahal, siguro matagal na siyang nagpatangay sa tukso ng alindog ko.”
Sana nga ay hindi rin nabubulag si Elai sa ipinapakita ni Wyndham sa kanya. Hindi naman kasi alam ng mga ito ang totoong sitwasyon nila ni Wyndham.
“Tawagan ninyo ako kapag bumalik na si Wyndham galing sa flight niya,” bilin niya. “I’ll give him a piece of my mind.”
“Akala ko ba wala na kayong kailangang pag-usapan?” tanong ni Elai.
“I’ll risk it. Kailangan ko rin magpaalam sa kanya.”
She knew that it was stupid. Alam niyang gagawa ng paraan si Wyndham para kumbinsihin siya na mahal pa rin siya nito. Kailangan niyang tatagan ang sarili niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya kakayaning harapin ang sarili sa salamin kapag hinayaan na naman niya si Wyndham na saktan siya.
HALOS hindi nakatulog sa pag-aalala si Jezzie. Mag-uumaga na ay wala pa siyang nakukuhang balita mula kina Wyndham at Flint. Nakadagdag pa sa pag-aalala niya ang kaguluhan ngayon sa Zimbabwe at ang mismong village na pinuntahan ng mga ito ay vulnerable sa sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at militar.
Hindi tuloy siya makapag-isip nang tuwid sa sobrang pag-aalala. Hindi siya makapag-empake. She even cancelled her meeting with the seller of the plane that she wanted to buy.
Kada oras ay naghihintay siyang mag-ring ang telepono para sabihin sa kanya ng mga kasamahan niya sa hangar na dumating na si Wyndham at safe ito. Iyon lang ang gusto niyang marinig. Nasisira ang lahat ng plano niya.
Oras na matiyak niyang safe na si Wyndham ay tutuloy na siyang umalis. She would go on with her life and she would let Wyndham go.
Nakatitig siya sa lumamig na niyang gatas. Ni halos hindi niya iyon nainom sa kaiisip kay Wyndham nang mag-ring ang telepono. Tinakbo agad niya ang sala at dinampot ang telepono. “Hello!” Let it be news about Wyndham.
“Jezzie, this is Mark. We have news about Sir Wyndham’s plane.”
“Is everything okay?” tanong niya. Oh, please! Sana ay safe si Wyndham.
“I am sorry. Sir Wyndham’s plane went down. Engine trouble. They fear that there are no survivors. I am sorry.”