“I want to join the search and rescue operation. Please!” pakiusap ni Jezzie subalit walang sinumang opisyales ang gustong pasamahin siya. Nagmistulang bingi ang mga ito sa hiling niya.
“Hiija, magpahinga ka muna,” sabi ni Alita at inalalayan siyang umupo sa bench. Inutusan nito si Raschid na kumuha ng maiinom.
Inabutan siya ni Wyndham ng tsaa. “Hindi ka talaga papayagan ng mga iyan. You are not in the condition to fly a plane. At delikado ang sitwasyon ngayon sa Zimbabwe. Rebels are on the lose.”
Dumating agad ang mga ito nang malaman ang balita habang paparating na rin ang pamilya at mga kaibigan ni Wyndham. Ilang oras na siyang tulala at wala siyang ginawa kundi ang umiyak. Sa isang plane crash din namatay ang Papa niya at may mga kaibigan na rin siyang nawala sa pagbagsak ng eroplano.Tanggap niyang delikado ang trabaho niya pero hindi niya inaasahan na iyon din ang mangyayari kay Wyndham habang may tampuhan pa sila.
“Dapat ako ang kasama sa eroplano na iyon,” usal niya sa pagitan ng hikbi. “Hindi dapat si Wyndham ang nandoon. Tapos wala man lang akong magawa para mailigtas o hanapin siya. And he crash at the Kafhue Swamp. Hindi madaling makapag-rescue ng bumagsak na eroplano doon.”
“He is a capable pilot,” matatag na wika ni Raschid. “Wala tayong magagawa ngayon kundi ang magdasal na lang. Ginagawa nila ang lahat para hanapin siya.”
Sa bawat pagdaan ng mga oras ay parang namamatay na rin siya. Mahalaga ang oras sa search and rescue dahil buhay ang nakasalalay. At wala siyang magawa kundi maiwan doon at maghintay. Lalo lang nadagdagan ang guilt niya.
Pakiramdam niya ay itinulak niya si Wyndham sa kapahamakan. Gusto lang naman niyang maging totoo ito sa nararamdaman sa kanya.
This was worse than losing him to another woman. It was worse than his deception. Sana gumising na lang siya nang maaga. Hindi si Wyndham ang dapat na nasa eroplanong iyon kundi siya.
Maya maya pa ay dumating na ang pamilya ni Wyndham. Halos histerikal na ang ina ni Wyndham na si Margaret. Matapos itong aluin ng lahat ay nilapitan niya ito. “Ma’am...”
“Jezzie, ang anak ko!” palahaw nito at niyakap siya. “Wala siya dapat sa eroplanong iyon. Dapat nasa Paris siya ngayon para sa meeting. Alam naman niyang delikado sa Zimbabwe. Ibinalik na siya ng Lolo niya sa Royal Air. Bakit kailangan pa niyang magpilit dito?”
“Ma’am, sorry po. Ako po ang dapat na piloto sa eroplano na iyon. Hindi ako nakarating sa oras kaya si Wyndham po ang umalis. I am sorry.” Sinulyapan niya ang pamilya ni Wyndham. “I am really sorry.”
She never felt so bad. Dapat ay nasa ibang bansa si Wyndham at hindi nanunuyo sa kanya. Hindi naman siya importante para dito. Bumalik na lang ito dapat sa dati nitong buhay. Kung ibang babae sana ang kasama nito, masasaktan siya pero di siya mamamatay sa pag-aalala. Ngayon ay wala siyang mukhang maiharap sa pamilya nito. Kasalanan niya ito.
“No! Ako ang may kasalanan. Hindi ako naging mabuting ina sa kanya,” may katatagang sabi ni Margaret.
“Huwag po ninyong sabihin iyan.” Sino bang ina ang gugustuhing mapahamak ang anak nito? Alam niyang mahal ni Margaret si Wyndham.
Isinubsob ni Margaret ang mukha sa palad. “Anong klaseng ina ako? Ni hindi ko siya maipagluto ng paborito niyang chicken pie noong bata siya. At siniraan ko rin siya sa babaeng mahal niya.”
Parang binundol ng tren ang puso niya. Wyndham’s mother was clearly distressed. Gaya niya ay matinding guilt din ang dinadala nito. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Mahal ka talaga ng anak ko. Akala ko kasi ginamit ka niya para makabalik sa pamilya namin. Nang pinili niyang sundan ka kaysa manatili sa London at asikasuhin ang pamamahala ng kompanya, alam kong mahal ka niya. And I really felt so bad dahil ayaw na akong kausapin ng anak ko.”
Nanlamig ang buong katawan niya. “Mahal ako ni Wyndham? Pinili niyang maging piloto para sa medical mission dahil mahal niya ako?”
Parang bumagsak ang puso niya sa matarik na bangin. Mahal siya ni Wyndham pero pinili niyang huwag itong paniwalaan. Hindi niya pinakinggan ang puso niya. Bakit hindi niya nakita ang katotohanan sa mga mata nito? Bakit hindi siya naniniwala sa nararamdaman niya samantalang sinasabi ng puso niya na mahal siya nito? Na totoo ang pagmamahal na ipinapakita nito sa kanya. She believed the worst in him.
Ngayon ay nasa delikadong sitwasyon di lang ang lalaking mahal niya kundi ang lalaking mahal din niya. Sana ay bumalik ito. Gusto niyang marinig nito na naniniwala siya dito. Gusto niyang maramdaman ulit ang yakap at halik nito. Kahit na magalit pa ito sa kanya basta makita ulit niya itong buhay.
“Bakit ginawa ninyo iyon sa kay Kuya?” paninisi ni Raddison na nakikinig lang sa di kalayuan. “Do you think he’d deceive us? Hindi nga niya natagalang magkunwari na mahal niya si Kesca La Fleur. I don’t think he’d do it again. Minsan na lang ma-in love si Kuya. Not for one minute did I believe he’s capable of deception. He is more than what the tabloids paint him. Iniisip siguro ninyong mababaw si Kuya but he has his own set of principles that I admire.”
Lalo lang silang na-guilty ni Margaret. Na-overlook nila ang magagandang katangian ni Wyndham. Totoo ang lahat ng pagmamalasakit nito sa kanya. He could easily ask other women to be his girlfriend. Kung talagang madali para dito ang magkunwari, hindi siya nito kailangang pagtiisan.
But he loved her. Napatunayan na nito iyon. May kondisyon man ang lolo nito o wala. Malaman man niya ang tungkol sa kasunduan nito sa lolo nito o hindi, tiyak na pupunta pa rin ito sa Zimbabwe bilang kapalit niya. Hindi nito hahayaang mapahamak siya dahil mahal siya nito.
“Raddison, that’s enough!” saway ni Jeffrey, ang ama ni Wyndham. “Your mother is suffering enough. You don’t have to blame her anymore. She’s guilty as she is. This is not the time to blame each other.”
“I am sorry, Father.” Niyakap ni Raddison ang ina at humingi din ng paumanhin dito. Tahimik din siyang nag-sorry.
“My grandson is a capable pilot. I am sure that he will get out alive and unscathed,” buong pagmamalaking wika ni Sebastian Archer nang nakataas ang noo. Mas matindi ang paniniwala nito sa kakayahan ni Wyndham.
Idinaan na lang niya sa panalangin ang lahat ng pangamba niya. Gusto pa niyang makitang buhay si Wyndham. And if he’d still take her back, she would surely won’t let him go. Sa pagkakataong ito ay magiging tama na ang lahat sa kanila.