“Ayaw mo lang yatang makipag-date sa akin.”
Umiling siya. “No. Wala akong magagawa dahil importanteng trabaho ito. Saka alam mo naman kung gaano ka-unpredictable ang trabaho ko. Kaya hindi ako basta-basta makakatango sa iyo.”
Pilit itong ngumiti. “It’s okay. Hihintayin ko na lang kung kailan ka available.”
“Paano kung ikaw naman ang hindi available?”
“I will always be available for you, chére.”
“Makikipag-date ka ba sa ibang babae habang hindi pa ako nakikipag-date sa iyo?” tanong niya nang bigla siyang matigilan. He was looking at her, half-amused and half-amazed. “Oh, I am sorry. I shouldn’t have asked that question. Silly me!”
Ayaw nga pala ng mga lalaki na tinatanong tungkol sa ibang babae.
“I am actually glad that you asked. Don’t worry, chére. I won’t go out with other girls.” He kissed her forehead. “Tatawagan kita bukas para I-check kung kailan ang date natin. I hope it is soon. Don’t make me wait for long.”
I hope it won’t be long, too. Kailangan na niyang tapusin ang investigative report ng kuya niya. So that she could keep her brother off her back. At libre na rin siyang makipag-date kay Marcoe kahit araw-araw pa.
WALANG kangiti-ngiting pumasok ng indoor pool area si Marcoe kung saan nagkakasiyahan na ang mga kaibigan niya sa paglalaro ng water volleyball.
“Look who is here!” anang si Wyndham na may hawak ng bola. Every week ay nagsasama silang magkakaibigan para maglaro ng kung anong napili nilang sports. Para sa gabing iyon ay sa bahay sila ni Ryuji sila. Parang isang malaking sports center kasi ang bahay nito at mayroon pang sariling sauna.
“Pwede bang sumali?” tanong niya at lumusong sa pool. “I feel like hitting anything right now.”
“Eksakto lang pala tayong anim,” sabi ni Alonzo at lumusong din sa pool. “Dito na ako sa team nila Nikos at Wyndham.” Habang kakampi naman niya sina Ryuji at Andreas.
“O, akala ko ba may hot date ka ngayon,” tanong ni Nikos.
“It’s not a hot date. We just had some coffee.” Bahagya siyang ngumiti nang maalala nang akalain ni Reese na date na ang pag-inom lang ng kape. Kung ganoong klase ng lalaki lang ang nagiging ka-date nito dati, they must be so lame. Reese deserved something better than just a cup of coffee.
“Bakit mukha kang nabasted nang dumating ka?” tanong ni Ryuji.
“Ako na ang magse-serve.” He tossed the ball on air. He jumped and hit it. Pumunta iyon sa kabilang bahagi ng net. “She refused to go out on a real date.”
“Basted ka nga kung ganoon, pare!” sabi ni Andreas at nakaabang sa pagbalik ng bola sa court nila.
“Baka naman may boyfriend na,” sabi ni Alonzo.
“Wala siyang boyfriend. May importante siyang trabaho na di niya pwedeng iwan. Ipinagpalit niya ako sa trabaho.” Habang ang ibang babae, nagkakandarapang iwan ang mga trabaho makasama lang siya.
Tinapik siya ni Ryuji sa likod. “Not good for a man’s ego, huh!”
“Kung ayaw niya sa iyo, sa iba ka na lang,” sabi ni Wyndham.
He looked at him sharply through the net. “You know the oath, man! A heartbreaker doesn’t easily accept defeat unless it’s real love you are against with. Trabaho niya ang kalaban ko. Hindi real love.”
He spiked and the ball landed on the other side of the net. Pilit iyong hinabol ni Wyndham. Sumadsad ito sa tubig. “Okay. I get your point.”
“Dude, warning lang,” seryosong sabi ni Andreas. “Hindi mo pwedeng paglaruan si Reese. She’s a Polavieja. Dalawang lalaki ang gigilit sa leeg mo kapag nagkataon. And Reese herself is formidable too. Sanay siya giyera at sa gulo. She earns money by cheating death. Malay natin kung ano ang gagawin ng pamilya nila sa iyo.Hawak pa mandin nila ang pinakama-impluwensiyang broadsheet sa Pilipinas.”
“Ibig sabihin parang sleeping dragon pala ang babaeng gusto mo,” ngingiti-ngiting sabi ni Nikos.
Nag-serve siya at pinatama sa direksyon nito. “Kung dragon si Reese, tigre naman ang Arizona. Pasalamat ka nga at buhay ka pa rin hanggang ngayon.”
Saksi siya kung gaano katinding magalit ni Arizona, ang girlfriend ni Nikos. Kahit siya ay natakot. She was like a hellcat when she rants and raves. Sinapak at tinadyakan pa nito si Nikos sa pool.
“She may be a tigress. But she can be as docile as a kitten. Meow!” Umugong ang tawanan sa pool area.
“Don’t be deceived by the looks,” usal ni Alonzo. “I thought she was fragile and innocent when I first saw her. Pero nang malaman ko kung sino siya, nag-alala agad ako para sa iyo, Marc.”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay. I must admit that I am nervous with her. Hindi dahil natatakot ako na pilipitin niya ang leeg ko. Damn! Kapag nakatingin siya sa akin, nanginginig ang tuhod ko.”
Pumalakpak ang iba at nag-wolf whistle naman si Wyndham. “It must be love, man!” sigaw ni Wyndham at humalakhak.
Nagkibit-balikat siya. Di naman kasi niya matiyak kung in love nga siya kay Reese. Pero nararamdaman niyang maraming nagbago sa kanya. Kung iba siguro ang tumangging makipag-date sa kanya, hahanap na lang siya ng iba. But he only wanted to date Reese.
And his body’s reaction to her was insane. Yes, he was attracted to her. But it was more than a physical attraction. He wanted to take her in his arms and cuddle her. Kung pwede nga lang na itali na niya ito sa baywang niya para di na ito mawala sa tabi niya. If it wasn’t love, then it must be something near to it.
“You still have a problem. Di pa rin siya pumapayag makipag-date sa iyo,” paalala ni Ryuji.
“Ipaalam mo kaya sa Papa at kuya niya?” suhestiyon ni Alonzo. “Baka sakaling matulungan ka nila.”
“Il mio Dio!” bulalas ni Andreas. “Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Lalo mong hindi malalapitan si Reese. Hindi maganda ang reputasyon ng barkada natin sa kuya niya. Baka bigyan nila ng guwardiya si Reese para hindi mo malapitan. They will think that you will spoil her.”
“Anong balak mo ngayon, pare?” tanong Ryuji.
“Ano pa nga ba? Eh, di alisin ang sagabal sa mga plano ko.”
“WALA siya ngayon?” di makapaniwalang usal ni Reese habang kausap ang bartender sa Amethyst Club, ang pinaghihinalaang pugad ng drug retail ni Vicenzio Vicar. At sa malas ay wala doon ang hinahanap niyang lead.
“Oo. Day off ni Marieta ngayon. Madami ngang naghahanap sa kanya,” kwento ng bartender habang nagsasalin ng tequila. “Anong kailangan mo sa kanya? Baka matulungan kita.”
Inubos niya ang martini niya. “Hindi bale na lang. Babalik na lang ako.”
Nagngingitngit siyang bumaba sa bar stool. Punong-puno ng nagpa-party ang club. Maharot na rave music na pinatutugtog ng DJ ang pumapailanlang at ang malilikot na ilaw. She blended in because she was wearing a white long sleeve ruffled wrap, black leather skirt and knee-high boots. Medyo makapal din ang make up niya na puro dark ang kulay.
“Masasakal talaga kita, Kuya,” gigil niyang bulong sa sarili. “Pagbubuhulin ko kayo ng magaling mong informer. Puro na lang palpak ang mga impormasyon mo. Papupuntahin lang ako dito, day off pa niya.” Ipinadyak niya ang paa. “Sana nakikipag-date na lang ako kay Marcoe ngayon.”
Malamang ay di na makipag-date si Marcoe sa kanya. Baka inisip pa nitong nagpapakipot siya. Wala pa mandin sa bokabularyo niya ang magpakipot. Twenty-six na siya. At di niya dapat palagpasin ang chance niya. She missed it anyway.
“Miss, let’s dance.”