Chapter Marcoe, French God of Wine: 10

Natigilan ito at biglang lumingon sa kanya. Mabuti na lang at naka-red ang traffic light. Kung hindi ay baka nabangga na sila. “Ibig sabihin babalik ka pa rin sa lugar na iyon kahit na delikado,” anito sa mas malumanay na boses.

Tumango siya. “Special assignment ito ni Papa sa akin. Siya mismo ang nag-request na gawin ko. And I have to do it.”

“I wont allow you to go back there.” Bumalik ang katigasan sa boses nito.

“Marcoe, hindi mo ako girlfriend. So stop acting as I am!”

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “You are right. You are not my girlfriend. Ano nga naman ang karapatan ko na pakialaman ka?”

Na-guilty siya nang hindi na ito nagsalita pa. Nakagat niya ang labi. Hindi na niya dapat pa sinabi iyon. “I am sorry.”

“Bakit ka nagso-sorry? Totoo naman ang sinabi mo.”

“Galit ka ba?” tanong niya at tinitigan ito,”

Umasim ang mukha nito. “Huwag mo na akong titigan kung ayaw mong mabangga tayo, Reese.”

Yumuko siya. “Sorry.”

“Hindi ako galit sa iyo. Nag-aalala lang ako. Hindi ko alam na bawal palang mag-alala sa iyo. Aaminin ko, sinundan kita. Gusto ko lang malaman kung saan ka pupunta. Nagulat na lang ako nang pumunta ka sa club. Nang makita kita na pinipilit magsayaw ng dalawang lalaki na iyon, di ko na napigil ang sarili ko. All I could think off was pull you out of that place.”

Nasapo niya ang noo. Parang ay pinipilipit ang puso niya. Kanina lang ay nahiling niyang sana ay magkasama sila. Natutuwa sana siya dahil kasama niya ito. Kung hindi lang nito pinakialaman ang trabaho niya.

“Hindi lang ako sanay nang ganito. Sa bahay, sa trabaho pati mga kaibigan ko naiintindihan ang ginagawa ko. Di nila ako pinakikialaman. Hinahayaan nila ako sa diskarte ko basta nagagawa ko ang trabaho ko.”

“Hindi ako nakikialam, Reese. Nag-aalala lang ako sa iyo.”

Huminga siya nang malalim. “Just the same, Marcoe. Nasira pa rin ang trabaho ko. Hindi mo naman kailangang mag-alala sa akin. I am trained to do this job. Professional ako. I know what I am doing.”

They were quiet during the rest of the trip. Maya maya pa ay itinigil nito ang sasakyan sa harap ng building kung saan naroon ang condo niya. “Thank you for taking me home,” aniya sa malamig na boses.

Pinigilan nito ang kamay niya nang lalabas na siya ng kotse. “Look. I am sorry about ruining your work tonight. Masyado lang talaga akong nag-alala.”

“Ang totoo, ayokong pahirapan ka. Hindi mo naman ako kailangang sundan nang sundan kung saan ako pumupunta. At hindi mo rin naman ako pwedeng pigilan na gawin ang trabaho ko. This is my world, Marcoe. I thrive on danger to live. If you can’t appreciate me, you are free to date other girls. Good night.”

“ANG tanga-tanga ko talaga. Bakit ko pa sinabi na pwede siyang makipag-date sa ibang babae?” nakapangalumbabang sabi ni Reese habang nakatitig sa laptop niya.

Ilang araw na niyang hinihintay ang tawag mula kay Marcoe pero wala. Kung bakit pa siya umaasa samantalang halos ipagtabuyan na niya ito. At ang masama, wala nang makuhang bagong impormasyon ang kapatid niya tungkol sa lead nitong si Marieta. Nasayang lang ang pagpapagod niya. Nawala pa sa kanya si Marcoe.

Bumuntong-hininga siya at yumukyok sa desk. “Guwapo na naging bato pa. Dapat talaga hindi ko na siya inaway.”

“Reese, nai-send mo na ba ang files sa base?” tanong ni Erik nang pumasok sa kuwarto niya. “O, bakit ka nakayukyok diyan?”

“I’m bored. Wala bang alien na mag-I-invade sa Earth para ma-cover ko?”

“Nasaan na iyong lalaking dumalaw sa iyo last week at nagbigay sa iyo ng bulaklak? Hindi ba guwapo iyon? Ang kwento nga sa akin ni Patty, nakita niya iyon sa Philippine Tatler. Mukhang wine tycoon. Mayaman. At nakita mo iyong mata? Blue gray! Tiyak na magiging maganda ang lahi ng magiging anak ninyo.”

Gusto niyang magpapalahaw ng iyak nang isa-isahin nito ang mga na-miss niya sa buhay. “Wala na po iyon, Dad.”

“Ang guwapo no’n, ah! Bakit mo pa pinakawalan?”

“Wala lang talaga akong swerte sa love life.” Mabuti pa ang mga babaeng nakaka-relasyon ni Marcoe, kahit sa picture may ebidensiya na nakasama ito. Ang iba pa nga ay ipinagmamalaki na naka-one night stand ito. Samantalang siya di natikman ang katawan nito. Ni hindi rin siya nahalikan.

Hell! Bakit pa ba niya iniisip si Marcoe samantalang wala na nga ito? Sinipa na niya sa buhay niya ang nag-iisang lalaking nag-alala para sa kanya.

Maybe he was dating another girl. Iyong hindi kailangang alalahanin kung saan-saan sumusuot para sa trabaho. Bakit nga naman ito magtitiis sa kanya?

Nag-beep ang cellphone niya. Number lang ang nakalagay sa sender. Naisip niya na baka isa sa mga kasamahan sa media na nagpalit ng number. Nanlaki ang mata niya nang makita ang nakasulat. FIRE @ LA BRISSA HOTEL.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.