“Sanay akong uminom. Napapatumba ko nga ang mga kasamahan kong piloto at flight engineer dati sa inuman.” Pero di naman siya lasengga. Mataas lang ang tolerance niya sa alcohol. Kaya walang lalaking makakapagsamantala sa kanya.
“One of the boys na ang tingin niya sa iyo.”
“Ganoon ba?” tanong niya at hinaplos ang nakatirintas na buhok. “Ibig sabihin hindi ako mukhang babae?”
She was disappointed. Pinahaba pa mandin niya ang buhok niya para magmukhang babae. Hindi rin pala iyon effective.
“Paano ka magiging babae?” Hinila nito ang kamay niya at pinatayo. Ihinarap siya nito sa salamin. “Tingnan mo ang uniform mo. This is the male pilot’s uniform.” Pinalo nito ang puwit niya. “Dapat nagpalda ka at hindi pantalon.”
Lumayo siya agad dito. “Ano ka ba? Sa mas komportable ako sa pantalon kaysa sa palda. Hindi ako sanay.”
Tinanggal nito ang tali ng buhok niya at kinalas sa pagkakatirintas. “At hindi mo rin inilulugay ang buhok mo.” Ginulo nito ang buhok niya. “Dapat ganyan. Ipakita mo ang kagandahan mo.”
“MUkha akong bruha,” reklamo niya at muling itinali ang buhok. “At hindi iyan neat. Parang maduming tingnan.”
“Masyado ka ring stiff.” Binuksan nito ang dalawang butones ng blouse niya. “Ganyan. Ipakita mo ang cleavage mo. Sayang naman ang boobs.”
Tinampal niya ang kamay nito at isinara muli ang butones. “That is not appropriate.”
“Not appropriate ka diyan. Sige! Mamatay kang virgin nang hindi natitikman si Wyndham Archer.”
Umupo siya sa kama at malungkot itong tiningnan mula sa salamin. “Gusto ko lang naman na irespeto ako.”
“Respeto? Nirerespeto ka nga pero hindi naman babae ang tingin sa iyo. Aba! Insulto iyan sa kagandahan ko.”
“Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.”
She was hopeless! Bata pa lang siya nang mamatay ang nanay niya sa sakit sa matris. Kaya naman tatay niya ang kasa-kasama niyang lumaki at ang eroplano nito. O kaya ay inaalagaan siya ng malayo niyang tiyahin na puro maton ang anak. Maging ang kahalubilo niyang kaibigan ng tatay niya ay puro maton gayundin sa aviation school. Kaya naman siga-siga siya at may pagka-tomboyish.
Aminado siya na hindi niya kayang gayahin ang mga babaeng magaganda na naghahabol kay Wyndham. At ayaw niyang maging katulad ng mga ito na halos ibilad na ang katawan sa maraming tao.
“Love is a gamble, my dear. Kung gusto mo si Sir Wyndham, kailangang mapansin ka niya. Come on! Twenty-six ka na. Where is your sense of adventure? Nakakalipad ka nga sa ere. Many men can do less. Bakit hindi mo kayang mag-risk para sa pag-ibig?”
“Hindi ko alam kung paano magmukhang babae,” pag-amin niya.
Ngumiti ito at nilagyan ng cream cleanser ang mukha niya. “Don’t worry, my darling. Ako ang fairy godmother mo. Mapapasaiyo si Wyndham Archer kagaya ng kahilingan mo. Hihihihihi!”
HINDI mapalagay si Wyndham sa presensiya ng bisita nilang si Baronessa Arabella La Fleur ng Marquinton, isang maliit na kaharian sa Meditteranean. She had been sending secret messages that he didn’t like.
Inaasahan niya na simpleng family dinner lang ang lahat. Naroon ang lolo niyang si Sebastian Archer, ang pinuno at founder ng Royal Air. Kasama rin ang mga magulang niya at ang bunsong kapatid na si Raddison na mas madalas na kausap ng baronesa. Subalit mukhang ang interes ng baronesa ay nasa kanya.
Nakahinga siya nang maluwag nang ihatid na niya sa sundong limousine ang baronesa. “Good night, Baronessa!” aniya at kinintalan ng halik ang likod ng kamay nito.
“Goodnight, handsome young man,” malambing nitong sabi at hinaplos ang pisngi niya. “I’ll see you in Marquinton. Si?”
“Of course, Baroness. We will visit your paradise soon,” sabi naman ng lolo niya. Napilitan na lang siyang tumango at ngumiti.
He couldn’t even perfect his smile. Nararamdaman niya ang matinding banta sa kanya dahil sa presensiya ng baronesa kahit nang makaalis na ito.
Nagpaalam siya sa inang si Margaret. May usapan sila ng piloto niyang si Jezzie. Na-enjoy niya ang flight nila dahil sa pakikipaglaban nila sa turbulence. Parang mga player sila sa isang video game kanina. Ang kaibahan lang ay nakataya ang mga buhay nila. It was a safe flight. Baka sakaling mas ma-relax siya sa company nito kung makikipag-kwentuhan siya dito kaysa magtagal sa bahay.
Plano niyang iwasan ang lolo niya sa pag-aakalang magpapahinga na agad ito subalit sinadya siya nitong lapitan. “You should start cutting down your womanizing, Wyndham. It is time to face your responsibility in this family.” Tinanguan nito ang ama niya. “Jeffrey, Raddison, follow me to the library.”
“Just what the hell is that?” bulalas niya nang maiwan na lang silang mag-ina.
“Watch your mouth, Wyndham,” babala ng mama niya.
“Hindi ko ba ginagawa ang responsibilidad ko sa pamilyang ‘to? Habang nagbabagsakan na ang maraming airlines company, hindi tayo gaanon naapektuhan. I work so hard and I barely sleep at all.” And he played hard as well. “What’s that threat with my bachelorhood, Mother?”
As much as he loved working for Royal Air, he also liked women’s company. Gusto niyang mag-asawa pero hindi pa ngayon. At lalong ayaw niya ng tono ng lolo niya na didiktahan siya nitong mag-asawa. Siya ang magdedesisyon kung kailan niya gustong mag-asawa. He won’t be pressured on this.
Pagdating sa mga problema, ang mama niya ang nakakausap niya. She was not English so she didn’t possess that stiffness that her father’s family possessed. She loved the warmness of her mother. Kaya nga mas gusto niyang manatili sa PIlipinas. Kapag nasa London siya ay hindi siya makahinga.
Pinaupo siya nito sa eleganteng sofa at tinapik ang kamay niya. “You must have a family of your own. TUmatanda ka na pero wala ka pang sineseryosong relasyon sa buhay mo. Wala ka pang anak.”
“Si Raddison nga wala pang girlfriend kahit thirty na.”
“Ikaw ang panganay. And your brother takes life more seriously. Kapag nagka-girlfriend iyan, tiyak na seseryosohin niya.”
“Don’t tell me I am marrying that baroness,” he asked with disgust. “I have so much respect for elderlies, Mother. She’s almost your age.”
Halos ibenta na siya kanina ng lolo niya. At dahil tanghali pa lang ay naroon na ang baronesa, tiyak na marami na itong napag-usapan at ang lolo niya. And he was not there to hear everything.
“Silly!” Mahina itong tumawa. “Of course not! You see, may anak ang baronesa. Lady Kesca La Fleur. I saw her pictures. She’s comely, very elegant and serene. Very innocent. Unlike the women you parade around.”
Kumunot ang noo niya. Kung ganoon ay ipapakasal nga siya ng mga ito sa isang babaeng di pa niya nakikilala. “Gaano pa katagal ang oras ko?”
“You have a few months before the wedding.”