Chapter Wyndham, TB-EHD: 3

Napahawak si Wyndham sa likod ng leeg niya. “Wedding?” Ilang babae na ang nagtangkang siluin siya pero walang nagtagumpay. And now a woman would just walk into his life and marry him? At sa manipulasyon pa ng lolo niya. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang bride niya. “This is insane. What happened to real love? At pumayag ka lang sa gusto nila?”

Contrary to popular belief, he believed in love and marriage. Masaya siya dahil lumaki siya sa isang pamilyang nagmamahalan ang mga magulang. And it made him too cautious as well. Ayaw niyang magpakasal kung kani-kanino lang. He enjoyed women’s company but none of them was enough to grab his attention for long. And his grandfather was ruining his happy days.

“You have to understand, son. The economy is down. Tayo rin apektado. Kaysa naman magbawas tayo ng eroplano at empleyado, we are opening to more location. And Marquinton is the new tourist haven.”

“The baroness is penniless.” Ano naman ang kakailanganin ng lolo niya sa isang baronesang wala namang salaping maiko-contribute sa pamilya nila?

“She has the title and the connection. Pwede niyang hilingin na ma-monopolize natin ang flights sa Marquinton. And it is the perfect location. It is in the heart of the Medditerranean. And you could be part of the aristocracy. It will do well to our name.”

Itinaas niya ang dalawang kamay. “Oh, yes! My grandfather’s fascination with aristocracy. He really won’t stop.”

Obssessed ang lolo niya sa titulo. Siguro dahil illegitimate itong anak ng isang duke at ni minsan ay hindi na-recognize. He still held a grudge to his biological father. Kaya kahit mas mayaman na ito sa pamilya ng ama, hindi pa rin ito tumitigil. Kailangan nitong bawiin ang nawalang karangalan sa kahit anong paraan.

“Why don’t we just buy a small country, turn it into his own little kingdom?” he sarcastically suggested. Of course, they were filthy rich. Kung gugustuhin nilang bilihin ang isang naghihirap na bansa ay magagawa nila.

Hinawakan ng mama niya ang balikat niya. “Wyndham, I don’t want to see you like this. You are wasting so much time with women who didn’t mean a thing to you. Kung may babae ka sanang sineseryoso, hindi ito gagawin ng lolo mo. Lady Kesca will do you good.”

A woman who was docile as a lamb with so much innocence around her. He wanted a woman who had a lethal combination of innocence and spunk. Hindi magiging sunud-sunuran lang kung kani-kanino at may sariling isip. He would be a good husband but she could never have his heart.

Kaya siya naging matagumpay ay dahil inilalagay niya ang puso niya sa kahit anong ginagawa niya. This marriage would be doomed even before it started.

“Paano kung hindi ko siya pakasalan?” tanong niya.

“Your grandfather will disown you. Rip you of everything. Make that us. Dahil pare-pareho tayong pupulutin sa kalye. He still controls the company and all the properties.” Huminga ito nang malalim. “At mas gugustuhin ko nang maikasal ka sa isang mabuting babae kaysa sa kung sinu-sinong babae lang ang makasama mo. You have nothing to lose but everything to gain.”

His grandfather was a stroke of genius. Alam nito kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya niya. He treated him like a prince since he was a kid being his firstborn grandchild. Ngayon ay nakaatang ang responsibilidad sa balikat niya. Mababalewala ang pinaghirapan nila ng pamilya niya kung babawiin lahat ng lolo niya. Masasaktan tiyak ang papa niya na mahal na mahal ang lolo niya.

“Damn it! Damn!” paulit-ulit niyang usal habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse niya. Tumuloy siya sa Inferno, ang bar na nasa ibaba lang ng flat niya. Umorder agad siya ng whiskey at inilagay sa isang conference call ang mga kaibigan niya. “Where are you, guys? I am in a ditch. Puntahan ninyo ako dito sa London. Now!” He could really use a company at the moment.

Anim silang magkakaibigan na halos magkakapatid na ang turingan gaya ng mga magulang nila. They practically grew up together. Heartbreakers as the press called them. They had the tendency to leave broken heart of women everywhere they go. At kapag may problema, sila-sila ang nagdadamayan kahit gaano pa ka-busy ang mga ito sa kanya-kanyang kompanya o kung nasaan mang parte ng mundo.

“I am in Amalfi,” sagot ni Andreas. May ini-inspect itong barko na gagamitin para sa kasalan ng isang kaibigan nito.

“Tokyo,” sabi naman ni Ryuji. “Ipapahanda ko na ang Lear Jet ko pero bukas pa kita mapupuntahan.”

“Kung magsu-suicide ka, i-postpone mo muna,” wika naman ni Alonzo. “I am in the middle of a family meeting.”

Magkakasama naman ang mga kaibigan niyang sina Nikos at Marcoe sa hot spring ng Thermophylae at nagre-relax.

“Ano ba ang problema mo?” tanong ni Marcoe.

“I am getting married.”

Nagsabay-sabay na nagsalita ang mga ito na nagpasakit sa ulo niya. Isa lang ang malinaw. They couldn’t come to his rescue tonight. And he never felt so alone.

“GREAT! I look like a slut!”

Hindi maipinta ang mukha ni Jezzie nang mapagmasdan ang itsura sa salamin matapos siyang ayusan ni Faye. Hindi niya nakilala ang sarili sa salamin. Kamukha na niya ang mga babaeng halos sawa kung lumingkis kay Wyndham. Makapal ang make up niya. Nakasuot din siya ng pulang evening dress na mababa ang neckline at halos wala nang tinakpan sa dibdib niya. pakiramdam niya ay nakahubad siya.

“Ano ba ang tingin mo sa mga babaeng nakaka-date ni Sir Wyndham? Hindi ba mga easy to get.”

“I am not one,” walang kangiti-ngiti niyang sabi at gusto nang burahin sa mukha niya ang make up.

“It is all for the show. Isa lang naman ang purpose mo. Ang mapansin ni Sir Wyndham na babae ka. Maganda, sexy at kaakit-akit na babae.” She pout her lips like a seductress. “Hindi ko sinabi na akitin mo siya ng bongga. O ibigay mo ang sarili mo sa kanya. This is all about flauting your womanhood to the man you want.”

She had been so uptight about it. Siguro nga ay late bloomer siya. Mas marami siyang lalaking nakakahalubilo sa trabaho niya kaysa sa mga babae. Wala kasing pinag-usapan ang mga ito kundi ang pampaganda at mga lalaki. Kaya siguro wala siyang kompiyansa pagdating sa pagiging babae niya at lalong hirap siyang mag-ayos at umakto gaya ng normal na babae.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.