Pero kailangan niya itong gawin para kay Wyndham, hindi ba? They would just have a drink and she would be appreciated this time as a woman.
Bumagsak ang balikat niya. “Okay. Susubukan ko.”
“Susubukan na ano?” tanong nito.
“Na huwag manggulpi kung may lalaking mambabastos sa akin. Pipiyansahan mo ba ako kapag nakulong ako?”
“Ano ka ba?” Kinuyom nito ang palad. “Kontrolin mo ang galit mo. This is your chance to show Wyndham Archer that you are the woman for him. Don’t screwup o ako mismo ang pipilipit sa leeg mo.”
Naglakad lang siya papuntang Inferno Bar na dalawang kanto lang mula sa hotel na tinutuluyan niya. Sa taas niyon ay ang flat na pag-aari ni Wyndham. Natagalan pa siya dahil nagtalo pa sila ni Faye. Gusto siya nitong pagsuutin ng high heeled pumps pero pinili niya ang simple flats na sandals. Mas gusto pa niyang maglakad sa kalsada ng London nang nakayapak kaysa ang pumlakda sa kalsada habang suot ang sapatos na may mataas na takong.
Fifteen minutes na siyang late sa usapan nila ni Wyndham. She had never been late all her life. Baka maasar ito sa kanya.
Saka niya naalala ang usapan ng mga flight attendant nila. Na mawawala daw ang galit ng lalaki sa isang magandang babae. Sana lang ay ganoon siya kaganda para mawala ang galit ni Wyndham sa kanya.
Sana lang ay magtapuan niya ang feminine wiles niya sa gabing iyon at magawa niyang harapin si Wyndham nang hindi gumagawa ng kahit anong maari nitong ika-turn off.
Nakita niya si Wyndham na nakaupo sa barstool at umiinom. Tatlong magaganda at sexy na blondes ang nakapaligid dito. Magmumukha siyang santa kapag ihinanay sa mga ito. Paano pa siya papansinin ni Wyndham?
But Wyndham just waved them off. Saka nito ibinalik ang atensiyon sa alak na iniinom. Mukhang hindi maganda ang mood nito.
Lumapit siya dito habang mahigpit na hawak ang purse na ipinahiram sa kanya ni Faye. Tumikhim muna siya bago tinawag si Wyndham. “Sir Wyndham.”
“What?” angil nito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ngumisi lang ito at ibinalik ang atensiyon sa iniinom. “Okay. You are pretty, Miss. Unfortunately, the last thing I need right now is a woman.”
“Ganoon po ba, Sir?” Pambihira! Nagpaganda-paganda pa siya tapos ay tatanggihan lang pala siya nito. “Sir, hindi po ba pinapunta ninyo ako dito?”
Tiningnan siya nito sa namumungay na mata. “Wala akong natatandaan na may pinapunta akong magandang babae ngayon. Sino ka ba? I am sure ngayon lang kita nakita, Miss. You work for Royal Air?”
“I am Jezzie Castellano, Sir. May usapan tayo ngayong alas diyes dito sa Inferno Bar,” paalala niya.
“My pilot? Jezzie Castellano?” Humalakhak ito. “Nagpapatawa ka, Miss?”
Lasing ba ito o sadyang hindi siya nito nakikilala? Napilitan siyang ilabas ang ID at ipakita dito. “Here is my ID, Sir. Kanina sinagupa natin a turbulence. At nangako ka sa akin na ililibre ako ngayon.” Hindi niya alam kung ladylike pa siya. Wala siyang pakialam. Basta maalala lang siya nito.
Kinuha nito ang ID at pinagpapalit-palit nito ang tingin doon at sa kanya. “Hindi kayo magkamukha. Saka hindi ba lalaki ka?”
Idinuldol niya ang daliri sa parte ng ID na nagsasabing babae siya. “Female, Sir. Female po ako.”
“Really?” di makapaniwala nitong usal. “How come I didn’t notice you before? That’s impossible! You are gorgeous!”
Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Sa wakas ay napansin nitong magandang siya at isang babae pero parang ininsulto naman siya nito. Mukhang tama si Faye. Hindi nito napansin na babae siya dahil di siya nag-aayos.
“I just don’t have the chance to dress up before. Pero kung hindi na ninyo kailangan ng company ko, maiwan ko na lang kayo, Sir.”
“No! No!” Pinigilan nito ang kamay niya. “Have a seat. Please.”
Inalalayan pa siya nitong umupo. Naghalo ang init at lamig sa katawan niya habang hawak nito ang kamay niya. Ngayon lang kasi may umalalay sa kanya sa pag-upo niya. sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay may nagturing sa kanyang babae siya.
“Thank you, Sir,” pasasalamat niya at tumikhim. Anong nangyari sa boses niya? Pati siya ay naging malumanay magsalita samantalang mas madalas siyang pormal at tigasin. Sinasapian na ata siya ng espiritu ng diwata ng kagandahan at kahinhinan dahil sa pag-aayos-babae niya. Or it must be Wyndham. He made her feel like a woman.
“No. Call me Wyndham. What would you like to have? O gusto mong lumipat tayo ng lugar. Parang hindi ka yata bagay dito. May magandang restaurant sa malapit.”
Umiling siya. “Okay na ‘to, Sir. I could use a drink.”
She was starting to have nerves. Mas kakalma siya kung iinom siya. At kung pupunta sila sa eleganteng restaurant, baka lalo siyang nerbiyusin. Hindi siya bagay sa ganoong lugar. Mas bagay siya sa mga may pagka-macho na bar.
“Cocktail for the lady…”
“Hard,” sabi niya. “Whisky.”
Kumunot ang noo nito. “Hindi bagay sa iyo ang hard drink. Baka malasing ka.”
“Kayo malalasing pero hindi ako,” sabi niya. “Sorry kung ako ang makakasama ninyo ngayon.” Siguro ay malalim ang problema nito para tanggihan ang isang babae.
“No. Ako dapat ang mag-sorry. You deserve a better company than I am. Marami lang akong iniisip ngayon. Family responsibilities and all. Being an Archer is not a picnic,” he said bitterly. “Magkwento ka sa akin tungkol sa iyo. Come to think of it. I don’t know much about you.”
“Wala na akong pamilya,” sabi niya. “NAmatay ang nanay ko noong ipanganak ako.”
“And your father is Captain James Castellano. I really respect him. Sino ang nag-aalaga sa iyo?” tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “Kaya kong alagaan ang sarili ko.”
“Boyfriend?”
Matinding iling agad ang isinagot niya. “Paano ako magkaka-boyfriend kung masyadong busy ang boss ko?”
Hinaplos ng daliri nito ang gilid ng labi niya. “Then the boss should have paid more attention to you. Bulag kasi siya.”
KUmunot ang noo niya. “Ano?”
“Never mind!” anito at umiling. Isang jazz music ang pinatugtog at natagpuan na lang niya ang sarili na sabay kumakanta. “Gusto mo ‘yan?”
“Mahilig sa jazz si Papa. Baby pa lang ako, iyan na pampatulog niya sa akin.” She suddenly missed her father.
“Ano pang klase ng music ang gusto mo?”
“Gothic. Dark stuff.”
“Ako din,” nakangising sabi nito. “Pero huwag mong sasabihin sa mga kaibigan ko lalo na kay Ryuji at Alonzo. Baka patingnan nila ako sa psychiatrist dahil baka bigla na lang akong maglaslas ng pulso o uminom ng dugo.”
“Weird. Hindi naman tayo bampira.”
“So it’s our secret.”
Inilapat niya ang daliri sa labi. “Secret.”