Hindi mapigilan ni Jezzie na humanga sa eleganteng superpenthouse ni Wyndham. Doon sila tumuloy nang magsimula nang maging crowded ang Inferno at maya’t mayang naglalapitan ang mga babae dito. Hindi nila maituloy ang kwentuhan nila. They realized that they had so much similarity. Hindi nga sila mauubusan ng pag-uusapan. Mula sa mga paborito nilang musika, television shows, movies at pati mga lugar na napuntahan na nila. he was really intelligent. Saka niya natuklasan na marami pa pala siyang hindi alam tungkol dito. Higit pa sa mga nababasa gossip rags o sa mga usap-usapan ng mga kasamahan niya.
Hindi rin niya kailangang magpanggap dito. Natural lang ang flow ng conversation nila. As if they were two old friends.Kahit ang pagkailang niya ay nabawasan dahil palagi itong nakangiti.
Hindi iyon karaniwang flat lang. May intercom pa iyon at may dalawang dining room. May indoor at outdoor garden pa ito na parehong may manmade waterfalls.
“May malaking mansion na kayo sa labas ng London pero may condo ka pa rin dito. Is the city not big enough for you?” tanong niya habang pumipili ito ng wine mula sa sarili nitong bar.
“I need my freedom and my privacy. Kung nasa mansion ako, my family will keep tabs on my affairs. At hindi na ako bata.”
Hindi naman kaila sa kanya na kinukwestiyon ng pamilya ni Wyndham ang iba’t ibang nobya nito. she never really cared about those other girls. Ang mahalaga sa kanya ay nasa kanya ang atensiyon nito.
Napansin niya ang mga collection nito ng DVD at music CDs. “Nanood ka ng A Walk to Remember?” tanong niya. “Crush mo siguro si Mandy Moore.”
“I like the story. I have a book and the soundtrack as well. Gusto mo ba?”
“Iniyakan ko ‘to,” pag-amin niya.
“So you are a girl after all,” he teased.
“Excuse me! Hindi lang ako ang umiyak diyan. Gusto mo isa-isahin ko sa iyo kung sinu-sino ang mga tigasing pilots na kasama kong nanood nito at mas malakas pa ang hagulgol sa akin?” Ngumisi siya. “I bet umiyak ka rin.”
“I was busy comforting someone that time.”
“A girlfriend?” panghuhuli niya.
“She’s already married.” Isinalang nito ang soundtrack CD sa player. “Come on! Sa labas tayo. Maganda ang gabi ngayon. Hindi foggy.”
Umupo sila sa bench sa labas. Nagkukwentuhan lang sila habang pinapanood ang mga ilaw sa ng siyudad. Mula sa penthouse ay tanaw nila ang London Bridge. Parang pinagbigyan lang sila dahil sumilay ang buwan.
“Dancing in the Moonlight na,” sabi nito nang marinig ang introduction ng kanta ng Switchfoot. Tumayo ito at inabot ang kamay sa kanya. “Let’s dance.”
Umiling siya. “I don’t dance.”
Noong JS Prom nga niya ay hindi siya um-attend. Alam kasi niya na magiging wallflower lang siya. Pinili pa niyang pag-aralan ang makina ng eroplano ng Papa niya kaysa makipag-party.
Hinila siya nito patayo. “Hindi ka pwedeng tumanggi.” Hinapit siya nito sa baywang at hinawakan ang isang kamay niya. Awtomatiko naman siyang humawak sa balikat nito. “Just sway to the music.”
Sa kabila ng matinding kaba ay hindi naging mahirap sa kanya na sumunod dito. Sinusubukan ni Wyndham na maging komportable siya subalit mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Their bodies were so close against each other. A simple brush sent million bolts of electricity inside her body.
Gusto niyang umupo na lang dahil nanlalambot ang tuhod niya. Naramdaman niya ang labi nito sa buhok niya. Napapikit siya nang mahuli ng pang-amoy ang mabangong men’s cologne nito at ang natural nitong amoy. Lalo lang tumindi ang epekto nito sa kanya.
Dapat yata ay lumayo na siya at tapusin ang sayaw na iyon dahil baka gumawa pa siya ng ikakapahiya niya. But she didn’t want it to end either.
Humangin nang malakas at tinangay ang buhok niya. Dali-dali niyang hinawi iyon nang tumabing sa mukha niya. Ang ilang hibla pa nga ay humampas sa mukha ni Wyndham. “S-Sorry. Dapat yata inipit ko na lang.”
“You look like a witch.”
“Oo nga. Magulo na nga ang buhok ko.”
Baka mamaya ay sabihin nitong kulang na lang sa kanya ay walis tambo at lilipad na siya para mangain ng puso ng mga bata. Panira talaga ng moment ang hangin na iyon.
Tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa buhok niya. sumabog ulit ang buhok niya at malayang tinangay ng hangin. Ngumiti ito at sinuklay ng daliri nito ang buhok niya. “No. It’s perfect. You look like an enchantress. At lalabas ka sa kabilugan ng buwan para humanap ng lalaking maaakit at iaalay sa pagan god ninyo.”
“Ano?” tanong niya at tiningala ito. “Kung anu-anong nalalaman mo. Hindi ako member ng kulto. Ititirintas ko lang ang buhok ko.”
“Don’t! Maganda ka na.” Pinisil nito ang baba niya. “And you are really attractive and fun to be with. How come hindi kita napansin no’n?”
Umingos siya. “Sa dami ng babae sa paligid mo, wala ka talagang mapapansin. And besides, I am just plain, dull and not striking at all.”
“No. Don’t say that. That’s my mistake.” Sumilay ang kalungkutan sa mga mata nito. “Now it’s too late.”
“Late?” Naalarma siya nang maalala ang oras. “Oo nga. Alas dos na. Baka may meeting pa kayo bukas, Sir. Naabala ko na kayo. Babalik na ako sa hotel.”
Pinigilan nito ang balikat niya. “No. Please stay longer,” sabi nito at hinaplos ang pisngi niya na parang isa siyang babasaging bagay. O kaya ay isang diyosa na natatakot nitong madumihan.
“Ha? Pero…” Hindi ba ayaw na nito sa company niya? Baka mabait lang ito sa kanya pero wala namang ibang kahulugan iyon. Subalit iba ang nakikita niya sa mga mata nito. As if he was pleading her.
“Just stay,” he asked in ang much stronger voice.
Then he kissed her. It was a shock to her. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito. totoo ba ang nangyayari? Hinahalikan siya ni Wyndham. Nasanay na siyang mainggit sa mga kababaihan na nakaka-date nito. Masaya na siyang masabihan lang ni Wyndham na maganda. Sapat na iyon sa kanya. Pero ngayon ay hinahalikan siya nito na parang kaakit-akit siyang babae.
Wyndham was consuming her. Parang iisa na lang ang hanging hinihinga nila. She couldn’t handle this kind of passion. She was new to this but she was learning fast. And that kiss was not enough. Not nearly enough.
“I need you, Jezzie. Stay with me tonight.”