He was asking her to stay. Kapag nanatili siya sa piling nito, alam niya kung ano ang susunod na mangyayari. He would possess her body and soul. Hindi pa niya naihahanda ang sarili para doon. At handa ba siyang harapin ang konsekwensiya? Oras na makuha ni Wyndham ang kailangan nito, baka balewalain na siya nito bukas. At hahanap na lang ito ng ibang babae. It would break her heart.
But what was the difference? Ito na ang pagkakataong pinakahihintay niya. Ang makita siya nito bilang babae. Isang maganda at kaakit-akit na babae. Hindi na niya makukuha pa ang ganitong pagkakataon. Minsan lang siya mabibigyan ng oportunidad na angkinin si Wyndham.
Ano ngayon kung wala na siyang silbi dito bukas? Hanggang pangarap na lang ba siya at magsisisi sa pagtulog niya sa gabi habang iniisip ito? No! she wanted to have good memories with him.
The role was reverse now. Instead of being the witch, he was the devil now and he was offering her. But she’d offer herself to him as a gift. Dahil mahal niya ito. At titiyakin niyang bukas ay wala siyang pagsisisihan.
He smoothed her hair back from her face. She drowned in his blue eyes which was as deep as the sea. Iyon ang huli niyang nakita bago nito muling mapusok na inangkin ang labi niya. Sa pagkakataong ito ay wala nang makakapigil sa kanila.
Slowly he tightened his arm around her and slid his hand into her hair. Humaplos ang kamay nito sa katawan niya. She was in a trance. Parang nasa ilalim siya ng mahikang nilikha ng bawat halik ni Wyndham at bawat haplos. Nalaman na lang niyang unti-unti nang nawawala ang saplot sa katawan niyang nang maramdaman niya ang malamig na hanging dumapo sa balat niya.
She didn’t care. Tuluyan nang tinangay ng hangin ang inhibisyon niya. Wyndham made her feel so desirable. Na parang wala siyang kailangang ikahiya sa sarili niya. Hindi niya kailangang ikumpara ang sarili niya sa ibang babaeng nakasama nito. Para sa kanya, siya lang ang babae para dito sa mga sandaling iyon. She had been waiting for this night all her life. And it was about to happen in more ways that she can imagine.
Lumakas ang kaba sa dibdib niya nang ihanda na siya nito sa pag-iisa nila. Nakarinig na siya ng kwentuhan kung ano ang mangyayari. Nakabasa na siya at nakanood. Pero walang naghanda sa kanya sa posibleng mangyari. How could she prepare herself if Wyndham was driving her crazy with his skilled hand and wicked mouth? There was no time to say no to him now. Wala siyang inaasahan kundi ang magagandang bagay na maari nitong ibigay sa kanya. While she would give him her body, heart and her soul. Sa paraang iyon ay malalaman nitong mahal niya ito.
She whimpered when she felt a sharp stab of pain when he pushed inside her. “Jezzie… you are a virgin?”
Kagat niya ang labi na tumango. “But it’s okay.”
“No!” usal nito at sinubukang kumalas sa kanya.
NIyakap niya ito nang mahigpit. “Wyndham, don’t leave me,” pakiusap niya. “I will be fine.”
“I said no!” mariin nitong sabi at gumulong palayo sa kanya. Wala siyang nagawa para pigilan ito. she suddenly felt empty.
Nagsisimula pa lang sila. Bakit ito tumigil? May nagawa ba siyang mali? “W-Wyndham, what’s wrong?” tanong niya sa nanginginig na boses.
Bumangon ito sa kama at dinampot ang damit niya. “Get dressed.”
Nanginginig niyang itinakip ang evening dress niya sa harapan niya. “May nagawa ba akong mali?”
She was a virgin and so what? He wanted a more experienced lover? Well, she couldn’t help that. Hindi naman siya katulad ng ibang mga babaeng sanay na sanay makipaglaro sa ibang lalaki. Habang siya ay dito lang handang ialay ang sarili niya. Dahil ito lang naman ang lalaking mahal niya.
Hinablot nito ang toweling robe nito at itinali ang sash. Ni hindi na siya nito nilingon pa. “I want you out of this room when I come back.”
“What?” bulalas niya.
Tiningnan siya nito sa malamig na mata. It was chilling her. The passion was gone. Parang isa siyang masamang babae at pinagsisisihan nitong hinawakan siya nito. “Just get the hell out,” mariin nitong utos at saka pumasok ng shower room. Napapitlag siya nang palabag nitong isinara ang pinto.
Tulala siya habang nagbibihis. Hindi niya alam kung paano siyang nakalabas sa penthouse condo nito. hindi na niya maalala pa. Wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya o kung nagtataka man ang mga taong nakakasalubong niya habang kasakay siya sa elevator at tahimik siyang umiiyak.
Damn Wyndham Archer! Ano bang kasalanan niya dito para tratuhin siyang basahan? Sa palagay ba nito ay isang cancer ang pagiging virgin? Inialay niya nang buo ang sarili niya dito pero itinapon lang siya nito? Binalewala ang pag-ibig at ang regalong inalay niya dito?
Oo. Hindi siya kasing ganda ng mga babaeng gusto nito. Hindi rin siya siguro kasing-sexy. Kung ayaw nito sa kanya, hindi siya nito kailangan pang ipagtabuyan palabas ng condo nito. Maiintindihan naman niya kung tatanggihan siya nito.
He made her feel like a dirt. Tinalampak nito ang puso niya at ang pagkatao niya. At wala itong karapatan na saktan siya nang ganito.
“I hate you, Wyndham. You don’t deserve to be loved.”
Hindi na niya ito kayang makita pa. Hindi na niya kaya pang magsilbi dito. Hindi siya martir. Hindi rin siya hangal. Dahil alam niyang bukas, ibang babae na naman ang ipaparada nito. Mas maganda. Maaring mas sikat sa kanya. At tiyak na hindi nito ihahagis sa labas ng condo nito matapos nitong angkinin.
Isang malaking pagkakamali na minahal niya ito.