Chapter Wyndham, TB-EHD: 7

“ANO? Nag-resign ka? Bakit?” nanlalaki ang matang tanong ni Faye at hindi alam ang gagawin, kung tutulungan siyang mag-empake ng gamit o kung pipigilan siya. Kadarating lang nito mula sa overnight sa boyfriend nitong si Billy. On and off kasi ang relasyon ng dalawa. Kapag walang ibang girlfriend si Billy kapag nasa London ito ay nagiging girlfriend ulit ito ng binata. Kaya nasa hotel pa rin ito para tiyakin na may tutuluyan ito kung sakaling may ibang babae sa buhay ni Billy.

“Itutuloy ko ang pangarap ko na magtrabaho sa Africa. Alam mo ba na doon nagkakilala ang parents ko?” nakangiti pa niyang sabi.

“Aba! Hindi ko alam na may pangarap ka palang ganyan. Akala ko pangarap mo lang na pagsilbihan si Wyndham Archer. Ano nang nangyari sa date ninyo ni Sir Wyndham kagabi?”

“Wala,” kaswal niyang sagot at di ipinagpatuloy ang pag-eempake. Hangga’t maari ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang kahangalan niya. Pag-uwi niya ay umiyak siya nang umiyak. Mabuti na lang at wala si Faye. Kapag nasasaktan kasi siya ay gusto niyang mapag-isa. Pagkatapos niyon ay nabuo na niya ang plano. Di na niya kayang harapin pa at makasama si Wyndham.

“Anong wala?” Inagaw nito sa kanya ang damit na itinitiklop at ihinagis sa kama. “Tingnan mo nga ako at magkwento ka nang matino. Disaster ang date ninyo? Hindi niya nagustuhan ang ayos mo? Pangit ka daw ba?”

“Sabi niya maganda ako.”

Ilang beses bang sinabi ni Wyndham na maganda siya kagabi? Lima? Anim? Sampu? Pakiramdam pa nga nga niya kagabi ay nanalo siya sa Miss Universe. Noon lang kasi napuri nang todo ang kagandahan niya.Kahit ang tatay niya ay hindi man lang siya sinabihang maganda siya ni minsan.

“Okay. Maganda ka. Hinalikan ka ba niya?”

Marahan siyang tumango. “Oo.”

Natutop nito ang labi. “G-Ginulpi mo ba?” Nasapo nito ang ulo. “Naku! Na-orthopedic ba si Sir Wyndham?”

“H-Hindi. Nagpasalamat pa nga ako.”

“So did you two kiss?” nananantiya nitong tanong.

Yumuko siya at napilitang tumango. “Oo.”

Impit itong tumili. “You did more than kissing?”

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya pero tumango ulit. “Yes.”

“May nangyari sa inyo?” pabulong nitong tanong.

Umiling siya. “Nalaman niyang siya ang unang lalaki sa buhay ko. Nagalit siya at pinalayas aamko sa apartment niya.”

“Ha? Labo naman ng lalaking iyon. Bigla na lang nagalit sa iyo?”

Tumayo siya at ipinaghahagis na lang ang mga damit sa maleta niya. “Hindi ko alam kung bakit. Alam mo ba nang mga oras na iyon pakiramdam ko mumurahin akong babae. Even prostitutes were treated better than that.”

Sinugatan ni Wyndham ang puso niya. Tuwing titingnan niya ang sarili niya, pakiramdam niya ay siya na ang pinakapangit na babae sa mundo. Na wala ngang lalaking magkakagusto sa kanya.

Lalo pa siyang napaiyak nang makita ang make up niya na humulas. Hindi sapat ang magandang damit at make up para magustuhan siya nito.

HInawakan nito ang balikat niya. “I am sorry. Hindi ko alam kung anong pwede ko pang sabihin para gumaan ang pakiramdam mo.”

Napasinghot siya dahil di na niya mapigilang umiyak. “Mabuti pa noong mukha akong lalaki. Kahit paano nirerespeto niya ako.”

Huminga ito nang malalim. “Grabe! Crush ko pa mandin siya, ha? Tapos ganito lang ang gagawin niya sa iyo. Naku! Makikita ng lalaking iyan. Kapag nagkita kami, sasabihin ko kung gaano siya kawalang-kwentang lalaki. Tapos paiinumin ko siya ng muriatic acid.”

Natawa siya at pinahid ang luha. “Hindi na kailangan. Okay na ako dahil sinususportahan mo ako. Siguro wake up call na ito sa akin. Mabuti na rin ang nangyari. Sinasayang ko lang ang oras ko sa kanya.”

Kinuyom nito ang palad at itinaas ang kamay. “Right! That’s the spirit. Pero mami-miss kita, girl.”

Niyakap niya ito. “Ikaw din.”

“Sana guwapong piloto ang ipalit nila sa iyo.”

“Luka-luka ka talaga! Pwedeng mag-ask ng favor?” tanong niya at inilabas ang gunting sa gamit niya. “Gupitan mo naman ako. Katulad nung gupit ko noong unang pasok ko sa kay Sir Wyndham.”

“Ano? Mahaba ba ang buhok mo. Tapos gusto mo bob?”

“Hindi ko na kailangan ng mahabang buhok. Maaalala ko lang ang katangahan ko kay Sir Wyndham.”

Umiling ito. “NO! Malaking kasalanan ang iniisip mo. Hindi ko papayagan na masayang lang ang santambak na shampoo at conditioner para diyan. Hindi ko ugaling manira ng kagandahan.”

“Ako na lang ang gugupit,” sabi niya at hinawakan ang buhok niya. Walang pagdadalawang-isip niyang ginupit iyon. Walang halaga sa kanya ang ganda. Ang mahalaga sa kanya ay ibalik ang dignidad niya na winasak ni Wyndham.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.