Chapter Wyndham, TB-EHD: 8

Babalik na siya sa pagiging dating Jezzie. Walang pakialam sa itsura niya. At ang tanging buhay ay ang paglipad. Sa lugar na pupuntahan niya ay walang Wyndham na gagambala sa puso niya. Natuto na siya ng leksiyon. At hindi niya kalilimutan ang aral na iyon. Hindi na siya magmamahal pang muli.

WYNDHAM was suffering from a tremendous headache when he woke up. Alas sais na siya ng umaga natulog at naubos niya ang twenty-year old borboun sa bar niya. He was wasted to the core. Hindi na siya magtataka kung paggising niya ay nasa impyerno na siya at nasusunog.

“Welcome back to the world of the living,” sabi ni Alonzo na nakahalukipkip at parang guardia civil na nakabantay sa tabi ng kama niya. Mukhang nagsidatingan na ang mga kaibigan niya dahil pumapailanlang na ang Tibetan chant. He was sure it was Ryuji’s doing. Kapag lasing siya, nagpapatugtog ito ng kung anu-anong religious chant para daw malinis ang kaluluwa niya.

Pero wala nang kaluluwang lilinisin sa kanya. Perhaps he really deserved that headache because he was a jackass last night.

“Will you just bring me back to hell?” ungol niya at muling isinubsob ang ulo sa unan. Hindi niya kayang harapin ang sarili niya sa salamin.

“Hell has three gates: lust, anger, and greed,” nakangisi niyang nilingon si Ryuji na nakasandal sa pinto ng kuwarto niya.

“Kaya nga bagay ako doon,” usal niya. A perfect ticket to hell. He was confused and hurt last night. And he did a major damage to an innocent woman.

“Ano? Hindi pa ba gising iyan?” tanong ni Andreas na pumasok na rin ng kuwarto niya kasama sina Nikos at Marcoe.

“Gutom na kami. Ayaw kaming pakainin ni Miss Janie hangga’t hindi ka daw nagigising. Dapat daw kasama ang Master niya kapag nag-serve siya,” reklamo ni Nikos.

“Baka gusto mong maawa sa amin, Kamahalan?” sarkastikong sabi ni Marcoe. “Kung saan-saang parte pa kami ng mundo galing. And we came here because you summoned us. Pagod na kami. Papatayin mo pa kami sa gutom.”

“Alright! Alright!” Pinindot niya ang intercom at iniutos sa matandang cook niya na pagsilibihan ang mga bisita niya. Galing sa Scotland si Janie at sa dating bahay na pinasukan nito ay kailangang kumain muna ang Master bago ito o iba pang tao kahit pa bisita. He hired the old woman because of her exceptional skills. Mas at home siya sa luto nito kaysa sa Michelin chef sa mansion ng lolo niya.

Nagbabad siya sa shower habang inaanalisa ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Hindi niya kayang harapin ang ibang tao lalo na ang mga kaibigan niya dahil nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay wala siyang kwenta.

He had a great time with a very nice woman. Jezzie. They laughed together and discovered a lot of things about each other. Hindi siya nagkakaroon ng ganoong pagkakataon sa ibang babae. Those women wanted to be photographed with him. To be popular. Then they wanted to be his lover. He didn’t bother to know who he really was. What he wanted in life.

But Jezzie was different. Sino ang mag-aakalang ang tahimik at efficient niyang piloto ay may itinatagong kagandahan. And she was interesting. Maraming interes ang pinagsasaluhan niya. Nakalimutan niya ang problemang dinadala niya. Sa gabing iyon ay gusto na lang niyang kalimutan ang lahat. Then he touched her and he kissed her. He lead her on.

Dapat ay nirerespeto ito. Pero anong ginawa niya? Tinrato niya itong parang basura. He threw her out just like that when she was demanding an explanation what she had done wrong. Ni minsan ay hindi pa niya tinrato ang kahit sinong babae nang ganoon. He had always been generous and nice. He shouldn’t have touched her in first place.

Parang nananadya naman na masarap ang iniluto ng cook niya para sa mga kaibigan niya pero siya ay masisiyahan na kumain ng toast at matapang na kape. Hindi lang simpleng hangover ang dinaranas niya. Sinusurot din siya ng budhi niya.

“Guys, do you think I treat women badly?”

Sabay-sabay na nagtinginan sa kanya ang apat niyang kaibigan maliban kay Alonzo na patuloy lang sa pagkain. “Kailan ka pa tinubuan ng konsensiya?”

“Naisip mo ba iyan dahil ikakasal ka na?” tanong ni Ryuji.

Pinagmasdan niya ang mga kaibigan. Tinatantiya ang mood ng mga ito. Hindi niya pwedeng i-confide dito ang nangyari sa kanila ni Jezzie. Sigurado siyang ibibitin siya ng mga ito nang patiwarik sa gilid ng penthouse niya.

“You call that karma,” kantiyaw ni Nikos. Isa itong notorious na playboy noon pero ngayon ay nagtino na at in love.

“Wala. Naisip ko lang kung meron sa kanila ang napaiyak ko dahil selfish ako.” Not crocodile tears. May mga babaeng idinadaan lang sa luha para manatili siya sa isang relasyon o kaya ay mas makakuha ng simpatya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.