He had always been straightforward about what he wanted in a relationship. Wala silang naging usapan ni Jezzie tungkol sa set up nila. He just took what he wanted then callously kicked her out of his flat. Ni walang paliwanag. Ito lang ang babaeng sa palagay niya ay hindi niya natrato nang patas. While she gave herself to him in pure abandonment. Hindi ito katulad ng ibang babaeng nakarelasyon niya. She was an innocent.
“Kanino ka ba ipapakasal ng lolo mo?” tanong ni Marcoe.
“Lady Kesca La Fleur of Kingdom of Marquinton. Anak siya ng isang baronesa. You know how obssessed my grandfather is with titles and aristocracy. At ilang buwan na lang daw ang bibilangin. They want to fix the wedding right away.”
“So you don’t have a choice about it?” Andreas asked. “Do you think it is really a mismatch?”
“Sabi ni Mommy, mabait siya, maganda at mukhang matalino. May mga charity projects siya sa Pilipinas,” kwento niya.
“At ayaw mo sa matitinong babae,” sarkastikong sabi ni Ryuji. “So she’s not your type?”
“The idea of marrying the woman who isn’t my choice is not my type.” Kahit pa siguro gaano kaganda si Kesca La Fleur at gaano kabait. Gusto niya ng kalayaan. “Pero wala akong magagawa. My grandfather will disown me. And it might affect my family as well. Marami na kaming pinaghirapan para sa Royal Air. I really can’t believe that my grandfather will do this!”
Close sila ng lolo niya noong bata pa siya. Paborito nga siya nitong apo dahil siya ang panganay. Nang magbinata siya, naging mahigpit na ito sa kanya. Nag-excel siya sa eskwelahan at sa trabaho. At reward na niya ang makabukod ng bahay at mai-date ang kahit sinong babae na gusto niya. Kahihiyan daw sa pamilya ang ginagawa niya dahil wala siyang babaeng sineseryoso. Kaysa naman daw magpakasal siya sa babaeng di babagay sa pamilya nila o kaya ay may di magandang reputasyon, ito na ang pipili ng ipapakasal sa kanya. Magiging baronesa ang pakakasalan niya kaya oras na para umakto siyang aristokrato.
“Grandfathers can be really manipulative,” sabi ni Alonzo. “Bata pa lang ako alam ko na iyan. Matagal ko nang ihinahanda ang sarili ko sa arranged marriage. It is a family duty. Kaya magtino ka na lang. Kung maganda ang trato mo sa asawa mo, parang nakabawi ka na rin sa mga babaeng nasaktan mo.”
“Is that enough?” tanong niya. Kaya ba niyang magpakatino sa isang babaeng hindi naman niya mahal? Iyon lang at bawi na siya? That was hell!
“Kung gusto mo mag-public apology ka. Ipa-announce mo sa lahat ng istasyon ng TV, radyo, cable, diyaryo at pati sa Internet. Mag-sorry ka sa lahat ng mga babaeng niloko mo,” pangangantiyaw ni Marcoe.
“That’s not funny!” usal niya at ininom ulit ang kape niya. Isang babae lang naman ang gusto niyang hingan ng paumanhin. Si Jezzie.
Nagpapahinga na ang mga kaibigan niya na pawang pagod sa biyahe at trabaho ay nagkalakas siya ng loob na tawagan si Jezzie sa cellphone nito. Naka-off iyon. Sumunod niyang tinawagan ay ang hotel nito subalit ang sabi ay nag-check out na daw ito pati ang kasama nitong flight attendant.
Tinawagan niya ang opisina ng Royal Air. “Hello! I want to know where Captain Jezzie Castellano is staying. She’s not in her hotel.” Nag-aalala na siya kung ano ang nangyari dito at saan ito pumunta.
“I will transfer your call to Sir Raddison.”
Maya maya pa narinig na niya ang “hello” ng kapatid niya. “Kuya, are you flying out of London today? Pwede mo munang hiramin ang piloto ko.”
“No. I want my pilot. Jezzie.”
“She already resigned. Umagang-umaga nandito siya para mag-file ng resignation. Kailangan daw niyang umalis.”
“Resigned?” pasigaw niyang tanong. “And you didn’t tell me about it?”
“Akala ko alam mo na. Sabi niya alam mo na ang tungkol dito.”
Ibinagsak agad niya ang telepono at hindi man lang nagpaalam sa kapatid niya. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ng flight attendant niyang si Faye. Ang mga ito ang magkasama sa hotel.
“Hello! Faye, are you with Jezzie? I want to talk to her.”
“Kahahatid ko lang sa kanya sa airport, Sir. Nakaalis na ang flight niya.”
“Saan siya pupunta?”
“Mabuti pang huwag na lang ninyong malaman at putulin na ninyo ang communication ninyo sa kanya,” anito sa malamig na boses. Samantalang laging masayahin si Faye at malambing sa kanya. Galit din ito sa kanya. Alam na siguro nito na siya ang dahilan kung bakit umalis si Jezzie.
Nanlumo siya. Umalis na si Jezzie. He felt like a lowly cow. Ni hindi man lang niya ito nakausap. Ni hindi siya nakahingi ng tawad. Ilang babae pa ang nasaktan niya bukod kay Jezzie? Pakiramdam niya ay si Jezzie lang ang natrato niya nang hindi maayos dahil ang ibang babae ay nagkakandarapa pang bumalik sa kanya.
She left. Maybe it was for the best. Mabuti nang huwag na lang siya nitong makita kahit kailan.