Chapter Wyndham, TB-EHD: 10

Jezzie held her breath as she watched the breathtaking African safari sunrise. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan iyon habang nakasandal sa eroplano niyang Cherokee 235-250. Iyon ang official partner niya bilang isa sa mga piloto ng Swan’s Flight Africa, isang branch ng Royal Air na nagpaparenta ng mga charatered plain sa buong Africa. They usually cater to tourists. Tuwing nakikita niya ang pagsikat ng araw sa Africa, naaalala niya ang pelikulang lion king.

It was a thrilling experience. Hindi kasi naglalakihang airport ang madalas nilang lapagan. Gaya ng trabaho ng ama niya noong nasa Africa ito, isa rin siyang bush pilot. Ang mga remote areas sa Africa ang madalas niyang puntahan. Mga lugar na akala mo ay wala sa mapa at ang nakakahalubilo niya ay mga taong hindi gaanong nasisilayan ng sibilisasyon.

Mas at home siya sa ganitong trabaho. The possibilities were endless. Maraming magagandang lugar sa Africa na napupuntahan niya dahil sa pagiging bush pilot niya. Mula sa mga bushes, ang safari, mga dagat, lake, kabundukan at nakakakilala siya ng mga tao na iba ang kultura sa kanya. Malayo din siya sa siyudad. Malayo sa polusyon at ingay. Mas fulfilling ito kahit tatlong buwan pa lang siya sa trabaho niya.

Ayaw pa sana siyang pakawalan ni Raddison Archer. Isa kasi siyang asset ng pamilya nito at pinagkakatiwalaan. Pero mapilit siya. At kaysa tuluyan siyang mawala sa kompanya, itinalaga siya nito sa African branch ng Swan’s Flight, ang sister company ng Royal Air na namamahala sa mga chartered flights. Mabuti na lang at walang hilig sa Africa si Wyndham. Maari siyang manatili sa lugar na iyon habambuhay nang di sila nagkikita.

Naglalakad na siya papunta sa Kabukan Safari Lodge kung saan may susunduain siyang pasahero nang tumawag si Faye sa cellphone niya. “Girl, nami-miss na kita. hindi mo ba ako nami-miss?”

“Hindi. Sa dami ng mga lady orangutan dito, parang nandito ka na rin,” tukso niya dito.

“Excuse me! Ikumpara daw ba ako sa orangutan? Hamak mas maganda naman ako sa mga iyan. At hindi ka nila chichikahin tungkol kay Sir Wyndham.”

Hindi niya alam kung sadyang nananadya ang kaibigan niya. Ayaw na nga niyang makarinig ng tungkol kay Wyndham. “Hindi na! Alam ko na kung anuman ang sasabihin mo. Updated sa opisina namin ng balita tungkol sa kanya. Headquarters kaya ng Wyndham Archer Fans Club doon.”

Parang hindi siya makatakas sa anino ni Wyndham dahil addict dito ang mga kasamahan niya sa trabaho na babae. Ipiniprint ng mga ito ang articles at pictures tungkol kay Wyndham na matatagpuan ng mga ito sa internet. Saka ilalagay sa bulletin board.

Isang royalty ang turing ng mga ito sa magkapatid na Raddison at Wyndham. Pero mas madalas na malathala sa balita ay si Wydham ang maraming pin ups. Mula sa mga babaeng nakaka-date nito hanggang sa nalalapit nitong kasal.

“Hindi pa nila alam for sure kung ano ang nangyari sa engagement party niya. Huh! I know the juicy details.”

Naningkit ang mga mata niya. “Alam mo, ipagdadasal ko talaga ang kaluluwa ng babaeng ipapakasal sa kanya. Maganda siya, matalino at mukhang mabait tapos sa isang katulad lang ni Wyndham siya babagsak. Naku! Magiging miserable lang ang buhay niya sa lalaking iyon.”

Mukhang mabait ang babaeng ipapakasal kay Wyndham. Hindi katulad ng mga babaeng ipinaparada ni Wyndham noon. She was poised and elegant. And she felt sorry for her. Hindi niya hihilingin sa kahit sinong babae ang isang gabing karanasan niya sa kalupitan ni Wyndham. Paano pa ang babaeng makakasama nito habambuhay? Hindi marunong magmahal ni Wyndham. Sarili lang nito ang mahal nito. Mabuti na lang at nalaman niya ang totoo. Hindi niya kailangan pang sayangin ang buhay niya sa walang kwentang lalaking katulad nito.

“Bitterness,” kantiyaw nito.

“Mas masaya ako ngayong malayo ako kay Wyndham kaysa noong tatanga-tanga akong sumusunod sa kanya.” Paano kung gusto pa rin niya ito at bulag pa rin sa kasamaan ng ugali nito? Ipagluluksa pa niya na ikakasal ito sa iba. Magluluksa pa rin siya pero sa babaeng pakakasalan nito. She didn’t deserve Wyndham.

“Anyway, eto nga ang nangyari…”

“Faye, I have to go. Baka ma-late pa ako sa usapan namin ng pasahero ko. Next time ako naman ang tatawag sa iyo.”

“O-Okay. Mag-ingat ka na lang diyan.”

Ayaw na niyang makarinig ng kahit ano tungkol kay Wyndham. NAroon pa rin ang sugat sa puso niya. MInahal niya ito sa loob ng mahabang panahon para lang ihampas nito sa mukha niya kung gaano siya kalaking hangal.

Maayos na ang buhay niya ngayon. Malayo sa sakit na ibinigay nito. Kaya nga mamahalin na lang niya ang trabaho niya kaysa magmahal ng lalaki.

“Finally, the angel is here!” sabi ni Raschid, ang manager ng Kabukan Safari Lodge sa Kenya. May Filipino blood ito pero hindi halata dahil sa malalim at itim nitong mga mata na may mahahabang pilik at matangos na ilong. He was also more than six feet tall. Ibinuka nito ang mga kamay nang salubungin siya. “How about a breakfast and a kiss?”

Inaambaan niya ito ng suntok bago pa ito makalapit sa kanya. “Try it!”

“You really know how to put a blow on a man’s ego.”

Raschid reminded her of Wyndham. He was a major playboy. Dinadayo pa ito ng mga kababaihan mula sa kung saan-saang parte ng mundo. Ang alam niya ay may koneksiyon si Raschid sa mga kaibigan ni Wyndham dahil minsan niyang narinig na pinag-uusapan ng mga ito ang lodge ni Raschid. At nang ipadala siya sa Central Africa, isa ang lodge nito sa may exclusive contract sa Swan’s Flight Africa. Lahat ng mga safari air tours at ang air transportation papunta sa lodge ay Swan’s Flight ang nagpo-provide.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.