Chapter Wyndham, TB-EHD: 11

Pagdating kay Raschid, he treated her like a girl should be treated. O hindi lang talaga ito mapili sa mga babae. After all, iilan lang naman ang pagpipilian nito sa lugar na iyon. The rest ay mga female animal species na. At kung iniisip nito na maiisahan siya nito, nagkakamali ito. Hindi siya mapapaikot ng kahit sinong lalaki ngayong nadala na siya kay Wyndham kahit gaano pa kaguwapo.

“Ready?” tanong ng doktor na si Flint, isang Filipino na isa sa mga flying doctors na ipinadala ng isang international non-government organization. Kasama na sa parte ng Royal Air na mag-provide ng aid sa mga Flying Doctors ng Africa para makarating sa mga lugar kung saan walang access ang mga tao sa matinong health care at matindi ang taggutom at ang sakit.

Tumango siya. “Flight plan is ready.”

“Ingatan mo ang dalaga namin,” ngingiti-ngiting bilin ni Raschid at tinapik pa sa balikat si Flint.

“Shut up!” singhal ni Flint dito. He had a gentle personality. He didn’t even know how to curse. Kaya tuloy nakakantiyawan ito na parang dalagang Filipina.

Malalapit ang mga Filipino sa lugar na iyon. Siguro dahil malayo sila sa Pilipinas at wala silang maaasahan kundi ang isa’t isa lalo na’t nasa isang kontinente sila na may kakaibang kultura, marahas na kasaysayan at marahas na klima. Mabuti na lang at may mga kasamahan siya sa trabaho na Filipino.

Sinaluduhan siya ni Raschid. “Goodluck sa date ninyo.”

“Baliw talaga siya,” usal niya dahil hanggang bago sila tumulak sa runway ay nangangantiyaw pa rin si Raschid sa kanila.

“Bakit hindi na lang natin totohanin ang date?” tanong ni Flint.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Gusto mong i-eject kita sa eroplano nang walang paraschute?” Di dahil hindi babaero si Flint, di ibig sabihin ay hindi ito nagpapalipad-hangin sa kanya.

Tumawa ito. “Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka?”

“Nah! Not interested. Mas gusto ko nang kasama ang eroplano. Konting sira lang, mabilis i-fix. Hindi pasasakitin ang ulo at puso ko. Saka nandito nga ako para umiwas sa mga lalaki,” mariin niyang sabi.

Kumunot ang noo nito pagkuwan. “Hindi ba boss mo si Wyndham Archer dati? Playboy ‘yon. Mabuti hindi ka niya naging girlfriend.”

“Nakita mo ba mga babaeng idine-date niya? Come on! Malayong-malayo ako sa mga iyon. Tingin pa nga niya sa akin drinking buddy.”

Bitterness was gnawing inside her again. Nakakapikon talaga. Bakit kailangan pang pag-usapan si Wyndham? Wala na bang ibang topic?

“His loss. You are a woman. A pretty one. How about we go out sometimes?”

“No! Ask the hyena, the lioness or the bafoons.”

Nagkibit-balikat ako. “I’ll try to ask you out again.”

Flint would surely have a hard time asking her out. She was already ruined as a woman. Tiniyak iyon ni Wyndham nang tanggihan siya nito at itaboy. Napakaraming panahon ang sinayang niya kay Wyndham. Sana lang magbagong-buhay na rin ito ngayong magpapakasal na ito.

That was the best he could to make ammends with her.

“YOU are a disgrace, Wyndham! You ruined your wedding and my plans for our family! Marquinton is already in our hands and we lost it.”

Tuwid ang tayo ni Wyndham kahit nang batuhin siya ng lolo niya ng baston at tinamaan ang binti niya. Galit na galit ito habang nakaupo sa eleganteng couch sa mamahaling suite na tinutuluyan nila sa La Brissa Hotel sa Baguio.

Sa ballroom ng hotel na iyon dapat gaganapin ang engagement party nila ni Lady Kesca La Fleur. Everything was in motion. Sa loob ng dalawang buwan ay naka-set na rin ang kasal nila – ang pag-iisa ng mga pamilya nila at interes nila.

But he didn’t have the heart to push through the wedding. Kesca was beautiful, intelligent and everything a man could ask for. Parang isa nga itong anghel. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay nawalan siya ng interes sa isang babae. At sa isang babaeng pakakasalan pa niya.

“Father, please calm down,” anang daddy niya at nilapitan ang lolo niya subalit itinaboy lang ito.

“I don’t want to calm down. Your son wants to kill me!” humihingal na sabi ng matanda habang sapo ang dibdib. Binigyan siya ng nag-aakusang tingin ng ama niya. Pagdating sa kalusugan ng lolo niya ay maingat ito.

Sinapo niya ang sariling dibdi. “Old man, how am I supposed to get in the way of real love. That’s bad luck and we will be miserable forever.”

“How about us? We are also miserable. Your fiancee eloped and we are not the laughing stock of the whole world.” Inabutan ito ng tubig ng mama niya. Tinanggap iyon ng lolo niya subalit hindi pa rin kumalma ang sarili niya. “I don’t really mind if she eloped but you helped them elope. How about that for stupidity?”

Natuklasan niyang gaya niya ay bina-blackmail din ito ng nanay nito. Napilitan itong iwan ang nobyo nito para protektahan ang interes ng charity foundation na pinamamahalaan nito. Kapag di siya nito pinakasalan, mawawalan ng suporta ang mga batang naulila.

So he made an offer that she couldn’t refuse. Susuportahan niya ang foundation nito. Hindi na nito siya kailangan pang pakasalan.

“Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo?” mahinang tanong ng mama niya.

Huminga siya nang malalim. “I just don’t think that is fair, Mother. They are blackmailing her and they are using those poor children. That’s an act of a monster.”

At kahit matuloy pa ang kasal nila ni Kesca, magiging miserable lang silang dalawa. Hindi niya kayang angkinin ang isang babae na may ibang mahal. Kahit pa sabihin na playboy siya, hindi siya minsan man nang-agaw ng babae na pag-aari na ng ibang lalaki. Pagdating doon ay malinis ang konsensiya niya.

Kaya ng pride niya na ma-blackmail ng lolo niya. Pero hindi kaya ng konsensiya niya na tumulong sa pamba-blackmail sa isang babae na ang gusto lang ay pangalagaan ang kapakanan ng iba. Kesca had so much to sacrifice. Mas malaki ang sakripisyo nito kumpara sa kanya. Kung sana ay bukal sa loob nitong pakasalan siya pero hindi.

Alam niyang aanihin niya ang galit ng lolo niya pero pinaninindigan niya ang desisyon niya.

“You think you can outwit me? You think I’ll forgive you like I did when you were younger. Not anymore. You are not an Archer anymore!”

Tinatagan niya ang loob niya. Inaasahan na niyang sasabihin iyon ng lolo niya. Pero hindi niya naihanda ang sarili na masasaktan siya.

Malapit sila ng lolo niya sa isa’t isa. Mas malapit pa siya dito kaysa sa sarili niyang ama. Lolo niya ang nagpu-push sa kanya na mag-excel. Kung anuman ang ginawa niya para sa kompanya ay dahil iyon ang pangarap nito. Pero hindi niya ito hahayaan na panghimasukan ang pagpapakasal niya.

“Father, don’t be harsh,” maagap na sabi ng daddy niya.

Itinuro nito ang pinto. “Get him out of my sight!”

“Goodbye, old man,” sabi niya at yumukod bago umalis.

Tinapik ng kapatid niyang si Raddison ang balikat niya paglabas niya ng kuwarto. “Kuya, hayaan mo munang huminahon si Lolo. Kakausapin namin sila ni Daddy. Magpalamig ka muna.”

“Sa palagay ko hindi basta-basta mababago ang isip niya.” Ipinamulsa niya ang kamay. “Ikaw na ang bahala sa kanila. I know you are more dependable than I am. At huwag na huwag kang papayag na manipulahin ni Lolo.”

Kahit pa itinakwil siya ng lolo niya, hindi siya papayag na pati kapatid niya ay mapaikot nito sa kahibangan nito. Ang problema na lang ngayon ay kung paano niya sisimulan ang buhay niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.