Chapter Wyndham, TB-EHD: 12

Nakasampung lap si Wyndham sa Olympic size swimming pool sa hacienda ni Alonzo sa bago siya nakaramdam ng pagod. Pag-alis ng Baguio ay doon sila tumuloy na magkakaibigan. Matapos siyang itakwil ng lolo niya, wala siyang ibang naisip na takbuhan kundi ang mga ito lang.

“Breakfast?” alok ni Alonzo sa kanya. Naka-set na ang agahan sa poolside.

“Hindi pa rin sila gising?” tanong niya at umahon.

“Ryuji is busy giving orders to his staff. Iyong tatlo may mahabang conference sa mga girlfriends nila.”

Napailing na lang niya. Sino ang mag-aakala na magiging seryoso ang tatlong mga kaibigan niya sa babae samantalang dati ay sama-sama lang sila sa kalokohan. Kung naging kagaya siguro siya ng mga ito ay maiiba ang lahat.

Maya maya pa ay nagsisunod pa ang apat sa kanila. Gusto niya ang hacienda ni Alonzo dahil hindi ito agad-agad mapapasok ng mga reporters. Hinahabol siya ng mga ito mula nang i-announce niya na di na matutuloy ang engagement nila ni Kesca. Everything was in a frenzy. Kung anu-anong espekulasyon ang lumalabas na nahuli siya ni Kesca na may kasamang ibang babae at may anak na daw siya. They were painting him blacker than he was. Lalo lang iyong nakapagpagalit sa lolo niya.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Marcoe.

He shrugged his shoulder. “I don’t know. Sabi ni Mommy magpalamig muna ako habang mainit pa si Lolo. Kailangan ding iwasan ko muna ang mga reporters. I am just so tired. It was also an emotion rollercoaster for me.”

“Doon ka muna sa isla ng mga kapatid natin,” suhestiyon ni Ryuji.

May sariling exclusive island paradise riding and leisure club ang mga kaibigan niya. Guwardiyado ang lugar at malayo sa mga reporters. Hindi pa iyon bukas sa publiko pero welcome siya doon anumang oras.

“No! Ayokong problemahin pa ako ni Raddison.”

Kanya-kanyang suhestiyon ang mga ito kung saan siya pwedeng magbakasyon. Katulad ng bagong hotel ni Nikos sa isla ng Crete sa Greece, isang cruise sa Antarctica para makapaglamig o kaya ay ang vineyard ni Marcoe sa Bordeaux, France. Pati ang isang templo na madalas puntahan ni Ryuji sa Japan para daw ma-cleanse ang kaluluwa at isipan niya pero puro iling lang ang sagot niya.

“Ayoko rin nang walang ginagawa. I want to start somewhere.”

He practically had nothing. Binawi na ng lolo niya ang Gulfstream IV at Lear Jet niya. Wala na rin siyang mapapasukang posisyon sa Royal Air kahit janitor.

“How about start a new business? Pwede ka naming tulungan,” suhestiyon ni Alonzo.

Umiling siya. “Thanks but no. Ngayon pa lang abala na itong ginagawa ko.”

“Ngayon ka pa nagdrama,” sabi ni Nikos at inakbayan siya. “Pinagseselosan ka na nga ng girlfriend ko. Anniversary kaya namin ni Ariz ngayon.”

Pabiro niya itong sinuntok sa sikmura. “Mas mahal mo naman ako kaysa kay Arizona. Thank you.” Magpapahinga lang ako sandali. Siguro mas makakapagplano akong mabuti.”

Mas importante pa rin sa kanya ang pamilya niya. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Pinaninindigan niya ang desisyon niya. Pero kung may ibang paraan sana para magkasundo sila ng lolo niya ay gagawin niya. Mahalaga sa kanya ang pamilya niya. Kung sa palagay niya ay walang malalabag sa prinsipyo niya, handa siyang gawin para patunayang responsible pa rin siya. At karapat-dapat siya bilang isang Archer.

Nag-island hopping sila gamit ang yate ni Andreas para saglit na mawala sa isipan niya ang gulong kinasangkutan. Saglit siyang nakapag-relax. Bandang hapon ay nakatulog agad siya. Sa sobrang pagod at sa dami ng iniisip ay napahaba ang tulog niya at gabi na siya nagising. Hindi pa siya magigising kundi siya ginising ng tawag mula sa Mommy niya.

“Whyndam, how are you? Nasaan ka?” nag-aalalang tanong nito.

DUmapa siya sa kama habang nakatutok ang cellphone sa tainga. “Hacienda Luminares. Dito po muna ako kay Alonzo. I am fine, Mother. Just a bit tired. How’s Lolo? Galit pa rin ba siya sa akin?”

“Kinausap na siya ng daddy mo at ni Raddison. Kaya medyo kumalma na.”

“I hope he will see sense. Mali talaga ang ginawa nila ng Baronesa. I don’t want marriage out of blackmail. Maisasakripisyo pa ang mga inosenteng bata dahil lang sa kalokohan nila. Paano kami makakapagsimula nang maayos? At hindi rin kami sasaya dahil may mahal siyang iba,” paliwanag niya sa mommy niya.

“I know. I am sorry kung hindi agad kita makampihan. Baka atakihin ang lolo mo sa puso kapag tumulong pa ako sa iyo. But I care about you, son.”

“Thanks, Mother,” lambing niya. kapag may problema sa pamilya, ito agad ang kumakausap sa kanya dahil kung silang mga lalaki lang ang mag-uusap ay hindi sila magkakaintindihan. Ito ang nagpapakalma sa bahay nilang puro mga lalaki.

“Hindi ka na totally inaalisan ng karapatan ng lolo mo sa pamilya.”

“Really?” Hindi siya makapaniwala. “Sabi na nga ba! Hindi rin ako matitiis ni Lolo. Makikita rin niya ang mali niya. So I can go back to Royal Air?”

“Yes. Pero hindi sa dati mong posisyon. Hindi ka pa rin ibinabalik ng lolo mo sa iyo ang Lear Jet at Gulfstream IV mo. Hindi mo rin siya pwedeng makita at makausap…”

“What?” bulalas niya. “I thought everything’s okay.” Akala niya ay maibabalik na rin sa kanya ang mga prebeliheyo na nararapat sa kanya bilang isang Archer.

“Hindi ka na magre-represent sa bilang Vice President Operation ng Royal Air International.”

“Ano pong gusto niyang gawin ko? Maging janitor na lang?” sarkastiko niyang tanong dahil di niya mapigilan ang pagkapikon.

Hindi lang dahil Archer siya kaya niya nakuha ang posisyong iyon. He worked so hard. Mahirap din ang pinagdaanan niya gaya ng mga menial jobs ng mga lower staffs. Naging intern siya mula high school para lang mapag-aralang mabuti ang sistema ng kompanya. Hindi siya nagpapasarap lang.

“He is sending you to Eastern Africa. You will take charge of Swan’s Flight Africa.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.