He groaned out loud. Swan’s Flight in the middle of nowhere. Iyon ang lugar na ayaw na ayaw niyang hawakan. Ang Africa. For him, it was a vast wilderness. Walang masyadong siyudad and there isn’t so much place to hang out with.
Wala nga halos tumatagal na manager ng Swan’s Flight sa Eastern Africa. Kahit mga piloto nila ay hindi tumatagal doon maliban na lang kung sanay sa pag-iisa at sa panganib.
It was a curse. Alam talaga ng lolo niya kung ano ang ayaw niya. Pinabalik nga siya nito sa pamilya nila pero ipinatapon naman siya nito sa isang lugar na hinding-hindi niya gugustuhing tirhan kahit kailan.
“Anong pong gusto ni Lolo na gawin ko? kailangan bang pataasin ko ang sales natin? How high? A hundred percent? Two hundred percent?”
Gagamitin niya ang charm niya para lang makaakit sila ng maraming tourist. Kayang-kaya niyang gawin iyon. Kampante naman siya na maganda ang serbisyo ng kompanya nila. They hired the best pilots, they had the best planes and they could offer a really great adventure for their clients.
“No! Hindi mo kailangang intindihin ang Swan’s Flight. Kung gusto mo daw makabalik sa dati mong buhay, kailangang may girlfriend kang seseryosohin mo. Iyong kaya mong pangatawanan at talagang mamahalin mo.”
Napasipol siya sa ideya ng lolo niya. “Now he wants me to find true love.”
“IYon naman talaga ang gusto namin para sa iyo sa simula pa lang, anak.”
Tumawa siya. “Are you serious? In Africa? Baka naman isang flamingo ang maging girlfriend ko o kaya buwaya.”
“Sabi ng Lolo mo hindi ka makakaalis ng Africa hangga’t hindi mo naipapakilala sa kanya ang babaeng gusto mong makasama habambuhay. Your old man is serious.”
Idinikit niya ang ulo sa malamig na pader. Parang gusto niyang iumpog na lang ang ulo niya doon. “Hindi talaga siya mauubusan ng parusa sa akin.”
“It is your choice this time, son. Take this seriously. MAs gugustuhin kong nandiyan ka na lang sa Africa kaysa naman nakikita kong naka-splash ang picture mo sa mga tabloids at kung sinu-sinong babae ang nakakasama mo. Mag-ingat ka rin sa babaeng pipiliin mo. KAmi nang dalawa ng lolo mo ang magtutulong sa pagdya-judge kung talagang mahal mo ang babaeng iyon o hindi. I want to see you fall in love for real, son. Make it quick.”
His mother. His own mother was now joining his grandfather’s scheme. A woman to fall in love with in Africa. Mukhang ngayon pa lang ay dapat na siyang magpaalam sa sibilisadong mundo. Baka hindi na siya makabalik pa doon.
“FINALLY, I am back!” usal ni Jezzie at inunat ang dalawang kamay. Kadarating lang niya Nairobi, Kenya kung saan naroon ang opisina ng Swan’s Flight. Katatapos lang ng isang linggong safari adventure niya kasama ang mag-asawang French nasa second honeymoon ng mga ito. Walang ginawa ang mga ito kundi ang magtalo nang magtalo at mag-away nang mag-away.
Habang ina-appreciate ng lalaki ang magagandang tanawin at kinukunan ng pictures, pinagseselosan naman ito ng asawa nito. Sa huli, nagkabati naman ang dalawa. Pero dumugo ang utak niya dahil sa batuhan ng akusasyon ng dalawa. Lalo na nang isumbong sa kanya ng babae ang pambababae ng asawa nito.
Kaya matapos niyang i-file ang report niya sa opisina ay tutuloy na siya sa apartment niya para magpahinga. At susubukan din niyang huwag pansinin ang bulletin board na puno ng mga pictures at print outs ng articles tungkol kay Wyndham. Pipilitin niyang huwag na lang pansinin pero sa bawat pagpatak ng araw, umuukil pa rin sa kanya ang nalalapit na nitong pagpapakasal. Hindi rin pala madaling alisin sa isip niya ang lalaking minahal niya ng ilang taon.
Pagdating niya ng opisina ay nagulat siya nang iilan lang ang staff na naroon. “Where are they?” tanong niya sa naiwan sa table ng sekretaryang si Elai.
Wala doon ang mga administrative staff nila. Si Elai ay PIlipinong sekretarya ng head ng operation department nila. Filipina ito at siyang kinukuhanan niya ng schedule niya. ito rin ang numero-unong ilusyunada pagdating kay Wyndham. Ito ang pasimuno ng bulletin board ng binata. Kulang na lang ay maglagay ito ng altar para sambahin si Wyndham. Tirikan ng kandila at alayan ng bulaklak.
“They will go to a party at Kabukan Lodge. Didn’t they tell you that?”
Umiling siya. “Why? Is it some sort of a national holiday?” Wala rin namang may birthday sa mga kasamahan niya. Pero kadalasan ay nagkakaroon ang mga ito ng rason na mag-party kapag may holiday sa Kenya.
“No. But they said that the boss is coming.”
“Boss who?” tanong niya subalit hindi na nasagot ng staff nang kinailangan nitong sagutin ang tawag sa telepono. “Hello, Elai!”
“Jezzie, mabuti naman nakabalik ka na. pwede bang ikaw na lang ang sumundo kay boss sa airport.”
“Boss?”
“The gorgeous and available Young Master Archer. Nandito na kami sa lodge at nagpapaganda na kami para sa party. Kailangan natin siyang i-welcome at i-entertain. Minsan lang ang chance na ‘to.”
Kung ganoon ay dadating pala si Raddison. Saka niya naalala na dadalaw ito sa buwang iyon para sa isang meeting. Mas madalas sa Africa si Raddison habang hawak naman ni Wyndham ang Europe, North America at Asia.
Sasamantalahin ng mga kasamahan niya ang pagkakataon na akitin si Raddison. Hindi lang niya alam kung magiging effective iyon. Masyado itong focused sa business. She knew the pressure. Bilang pangalawang anak, mas naka-focus ang lahat sa performance ni Wyndham. He must prove his worth.
Mabuti nang si Raddison ang makita kaysa kay Wyndham. Hindi naman ito damay sa galit niya sa kapatid nito.
At dahil ikakasal na si Wyndham, dito na-focus ang atensiyon ng mga kasamahan niya. Marahil ay ganoon din ang ibang kababaihan sa mundo.
Nagtaka siya dahil isang commercial flight ng Royal ang nakalagay na flight at hindi ang Lear Jet na pag-aari ng pamilya Archer. Baka nagsagawa ng observation si Raddison. Matapos tiyakin na nakahanda na ang Cessna-180 plane na sasakyan nila papunta sa Kabukan Safari Lodge. Isang oras din iyon mula sa Nairobi kung gagamitin niya ang bush plane.
Kung ang mga kasamahan niya ay dala-dala ang pinaka-sexy na damit ng mga ito para sa party, jeans lang ang ibinaon niya na pang-overnight at long sleeve shirt. Kahit na ubod ng init sa Africa kung umaga ay malamig na malamig doon sa gabi. Isinuot din niya ang cap niya. Walang makakapagsabing babae siya.
Sana lang ay pumayag si Raddison sa ihinanda ng mga kasamahan niya. May pagkasuplado kasi ito minsan at kapag tinopak ay di nakikihabilo sa mga parties.
Maya maya pa ay inanunsiyo na ang paglapag ng eroplano sakay si Raddison. Hinagilap niya ito mula sa maraming mga tao. Then a tall figure emerged. Marami namang matatangkad subalit ang isang ito ang nakakuha ng atensiyon niya. He was simply not tall. His aura was simply captivating. Ang mga kasabay nitong kababaihan ay napapalingon dahil sa kaguwapuhan nito.
Sumikdo ang dibdib niya nang makita ang pamilyar na pigurang iyon. Tinanggal nito ang shades at sa halip na mga brown na makita ang makita niya ay asul ang mga iyon.
Hindi ito si Raddison Archer. It was Wyndham Archer.
And he was in Africa.