Chapter Wyndham, TB-EHD: 15

“MABABALIW talaga ako sa lalaking iyon,” usal niya sa sarili habang nakaharap sa salamin sa ladies room ng airport. Hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay sinabi niyang pwede siyang mag-relax dahil di tatapak ng Africa si Wyndham. She was wrong. Parang nananadya pa kasi ang tadhana. Nakatapak si Wyndham sa Africa at siya pa ang sumundo dito sa airport. Ni hindi man lang siya nasabihan na ito pala ang susunduin niya.

Nakabuti ang paghihilamos niya. Bahagya siyang kumalma. She was a bit emotional and ecstatic where Wyndham was concerned. Hindi pwedeng emotional wreck siya habang kasama si Wyndham. She won’t be fit to fly the plane. Baka mag-crash sila. Kailangan niyang maging professional. Ipapakita niya dito ang bagong Jezzie. Ang babaeng hindi interesado dito.

Paglabas niya ay naghihintay na si Wyndham. Bakas ang concern ang mukha nito. “Are you okay now?”

“I am always okay.” Taas-noo niya itong tiningnan habang walang ngiti sa labi niya. “This way to the hangar, Sir.” Saka niya hinila ang bagahe nito.

Inagaw nito ang handle ng bag sa kanya. “Ako na.”

“Kasama iyon sa trabaho ko, Sir,” aniya at hindi pinakawalan ang handle. Binilisan niya ang lakad nang subukan ulit nitong kunin ang gamit sa kanya.

Maya maya pa ay dumating na sila ng hangar. Ipinakilala niya si Wyndham sa ilang mga tauhan na nandoon. Magiliw ito sa mga tauhan. Kahit ang mga tauhan ng Royal Air na mababa ang posisyon ay kinakausap nito. Kaya naman minamahal ng mga tauhan ang trabaho ng mga ito. Wyndham listened to their grievances. One of the qualities that she liked about him before.

“Jezzie, I really appreciate this. Nakipagkita ka pa rin sa akin sa kabila ng hindi magandang ginawa ko…”

“We are using the Cessna-182 plane. Isang oras ang flight natin papunta sa lodge. Do you want to inspect the plane first, Sir?”

Hindi niya kailangan ng appreciation nito. Kailangan niyang tiisin ang presensiya nito sa loob ng ilang araw. Basta huwag na nilang pag-usapan ang nakaraan nila. Gagawin lang niya ang trabaho niya.

“It’s okay. I trust you.”

Gusto niyang humalakhak nang malakas. Trust her? A scorned woman was the last person a man like him should trust. Pwedeng magbago ang utak niya. Paano kung lunatic siya at maisip na lang niyang pabagsakin ang eroplano sa galit niya dito? Mas panghihinayangan lang niya ang babagsak na eroplano kaysa dito.

Nasa ere na sila nang ie-express nito ang paghanga sa magandang view. “How weird. Ang alam ko wala kayong hilig sa Africa,” di niya mapigilang komento.

“Ipinadala nila ako dito. I don’t have much choice.”

Nagtaka siya. She thought he was calling the shots in the company. Madalas ay ito ang magdikta kung saan nito gustong pumunta. Wyndham was a bit a brat sometimes. Kung ayaw nitong puntahan ang isang lugar o may tao itong ayaw kausapin, Raddison takes over.

“Anyway, the staff prepared a little party for you. Sana po ma-appreciate ninyo dahil matagal na nilang hinihintay na dumalaw kayo, Sir. I know you are used to glitzy parties.”

“I am not a snobb, Jezzie. Sa tagal mong nagtrabaho sa akin, kailan ba ako naging snobb? I don’t belittle people. Nakaka-appreciate ako ng mga simpleng bagay. And why are so formal?”

“I had always been like this, Sir,” idiniin pa niya.

Umiling ito. “No! Not the last time we were together.”

Tumigas ang anyo niya. he had the nerve to remind her of that night. At inaasahan nito na hindi na siya magiging pormal dito kagaya ng dati? Anong inaasahan nito? They could pick up where left off that night?

Hindi siya masokista. Kung ang ibang babaeng itinapon nito ay magpapasalamat sa pagkakataong mahalikan ulit paa nito, hindi siya ganoon. May pride siya.

“I don’t remember the last time we were together,” aniya sa malamig na boses.

Bumuntong-hininga ito. “I can’t really blame you. I am sorry for acting so crass and…”

“Sir, kung hindi ninyo napapansin, ayoko nang pag-usapan ang dahilan kung bakit mas pinili kong magtrabaho sa Africa at lumayo sa inyo. Kung gusto ninyong linisin ang konsensiya ninyo dahil ikakasal na kayo, then isipin na lang ninyo na pinapatawad ko na kayo. Nahihiya ako sa babaeng pakakasalan ninyo dahil kailangan pa nating pag-usapan ‘to. So please!”

Naging matiim ang labi nito at tumingin sa malayo. “Hindi na tuloy ang kasal namin. Hindi mo ba alam?”

“N-No.”

“My fiancée eloped with another man. It’s all over the news!”

Napangiwi siya dahil naramdaman niya ang galit nito. It must be humiliating. He was one of the most sought after bachelors in the world. Pinakahihintay ang pagpapakasal nito sa anak ng isang baronesa. Masakit marahil sa pride nito na hinahabol ito ng ibang kababaihan pero tatakasan lang ng babaeng pakakasalan nito.

“I am not aware. Ang totoo kadarating ko lang galing sa seven-day safari kaya hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko rin alam na ikaw ang susunduin ko. Ang alam ko si Sir Raddison ang susunduin ko. And I am sorry. Hindi ko alam na iyon ang nangyari sa engagement ninyo.”

Mapait itong ngumiti at tiningnan siya. “You don’t have to apologize. Iyon ang huling bagay na inaasahan ko sa iyo. It’s okay na pagtawanan ako. Sabihin sa akin na karma sa akin ang nangyari. Matapos ng pananakit ko sa iyo and Heaven knows kung ilan pang babae ang nasaktan ko.”

May isang bahagi niya na gusto talagang pagtawanan ito at lait-laitin ito. Na tama lang dito ang nangyari. Pero hindi siya malupit. Hindi niya ugaling sipain ang isang taong nakabuwal. Tama nang napahiya ito sa buong mundo.

Hindi niya inaasahan na makararamdam siya ng kahit anong emosyon para dito. Hiniling kasi niya dati na sana ay makatakas ang babaeng pakakasalan nito mula dito dahil di sasaya ang babaeng iyon. Malay ba niyang magdidilang anghel siya. She felt guilty. Nakikita kasi niyang nahihirapan si Wyndham.

“Sana lang Sir maging masaya kayo sa ihinanda ng mga kasamahan ko. Your engagement is not the end of the world.”

“So you won’t mind me staying here?” anito sa mas magaang boses.

Marahan siyang tumango. “I can tolerate your presence for a few days. Ilang araw po ba tatagal ang conference ninyo.”

Bahagya itong nagulat. “Conference? I am not here for the conference, Jezzie. I will be the new regional manager for Swan Air East Africa.”

“What?” bulalas niya at bahagyang nag-swerve ang eroplano nila. “Hanggang kailan kayo dito, Sir?”

“I don’t know.” Marahang sumilay ang ngiti sa labi nito. “Maybe forever.” Sumilip muli ito sa labas ng eroplano at inilabas pa ang kamay sa bintana. “Ah! I am starting to love Africa.”

She was starting to hate the place that she had to share with him. Wyndham in Africa forever? It was a like a curse. Parang sinabi nitong magsasama na sila habambuhay. Oh! She was starting to hate it!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.