Chapter HNL 112

“Ma’am Phoenix, kumain na po kayo ng tanghalian. Lalamig na po ang pagkain,” narinig niyang sabi ni Manang Carmela nang katukin siya sa nursery room.

Inangat ni Phoenix ang nakayukyok na ulo sa tuhod. Nakasalampak siya sa kahoy na sahig ng library at basang-basa ng luha ang mata. “M-Manang, maya maya na po. May tinatapos lang po ako,” sabi niya.

“Ayos lang po ba kayo?”

“Opo. Bigyan lang po ninyo ako ng twenty minutes. Kakain na din po ako,” sabi niya. Hindi naman siya pwedeng humarap sa mga kasambahay nang ganoon ang itsura. Magulo ang buhok niya. Malamang ay kalat na rin ang make up niya sa mukha at nanlilimahid dahil sa kaiiyak.

Alam ng mga ito na di normal ang pagsasama nila ni Vance dahil di sila magkasama sa isang kuwarto. Pero ayaw niyang malaman ng mga ito na may di sila pinagkakasunduan o umiiyak siya dahil doon. Mas gusto niya na sa kanila na lang ni Vance ang tungkol sa problema.

“Sige po. Iiinit na lang namin ang pagkain,” sabi ni Manang Carmela at narinig niya ang yabag na papalayo.

Isinandal niya ang ulo sa dingding at tumingin sa kawalan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakayukyok doon. Pag-alis ni Vance ay napasalampak na lang siya at umiyak nang umiyak sa awa sa sarili. Wala naman kasi siyang magagawa. Hindi naman niya ito mapipigilan kung gusto nitong makipagkita sa ibang babae.

Pero paano naman siya? Paano naman ang gusto niya? Paano naman ang karapatan niya? Gusto ni Vance na ito lang ang masusunod? Gusto nito na magmukha lang siyang dekorasyon sa bahay? Ayaw nitong irespeto ang kakayahan niya? Gusto nitong parusahan siya dahil sa naging kasalanan niya dati at inaakala nitong kasalanan niya?

Ginagawa niya ang lahat para maging mabuting asawa dito pero binabalewala nito. Gusto nitong kontrolin ang buhay. Gusto nitong mawalan siya ng silbi.

Matagal na panahon niyang tiniis ang malamig na trato nito sa kanya, ang pambabale-wala nito. She won’t take things lying down. Di siya papayag na tratuhin nito na parang dekorasyon lang sa buhay nito. Na kung saan lang siya nito ilagay ay doon lang siya pipirmi. Hindi siya dekorasyon na walang buhay. Hindi rin siya magiging sunud-sunuran dito kahit tinatapakan na nito ang pagkatao niya.

She was his wife. May sarili siyang pag-iisip. At gagawin niya kung anumang gustuhin niya. Wala na siyang pakialam sa gusto nito.

He wanted war. Ibibigay niya dito ang giyera na gusto nito.

Tinawagan niya sa cellphone ang numero ng taong ilang linggo na niyang gustong-gustong tawagan. "Hello, Sir Pietro.”

“Phoenix, kumusta ka na? Matagal na tayong di nagkakausap,” excited na sabi nito. “Ayos na ba ang pagbubuntis mo?”

“Uhmmm.. mabuti naman po. Kumusta po ang trabaho sa site?”

“We are excited with the new lithics we discovered.” Ang lithic ay mga kagamitang bato na gamit ng mga sinaunang tao. Ang mga iyon ang ginagamit ng mga ninuno noong wala pang metal. “I am sure mae-excite ka rin kapag nakita mo. At sa palagay namin ay marami pa kaming matutuklasan sa isla na ito. Parang may isang malaking community dito na nag-flourish mula noong new stone age hanggang sa bronze age. It is amazing.”

Nanakit ang lalamunan niya. Gusto niyang maiyak na naman dahil panibagong dagok na naman ito sa kanya. Wala siya sa El Nido nang matuklasan iyon. Parang nakatagpo ang mga kasamahan niya sa kayamanan pero di siya kaparte.

“Congratulations po. I am sure mag-iingay na naman ang Philippine archaeology dahil diyan.” Lumunok siya para pigilan ang sarili na humagulgol ng iyak. Kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Nandito siya para lumaban. Hindi siya maaring maging mahina. Huminga siya ng malalim. “Sir… open pa ba ang trabaho na inaalok ninyo sa akin?”

“’Yung tutulong na gumawa ng journal for publication? Yes. Our hands are full right now. We need a person who knows what we are doing. Hindi pa ako makapag-announce ng opening sa trabahong iyon.”

“So it is vacant?” tanong niya sa excited na boses.

“Yes.”

“Baka pwede pa po ako. K-Kahit na hindi ninyo ako bayaran. Gusto ko lang makatulong at magkaroon ng part sa project. M-Malaking bagay po sa akin kung maibibigay ninyo sa akin ang trabaho. I will really work hard for it.”

Di niya maiwasang maging emosyonal at napaigik. Di niya alam kung dahil sa hormones o sadyang naawa na siya sa sarili niya o desperada na makuha ang trabaho. But she wanted the job so badly. Kahit na di siya dapat magmakaawa ay gagawin talaga niya. Gusto niyang makuha ang trabahong iyon o tuluyan na siyang mababaliw.

Ilang sandaling hindi nakaimik si Pietro. "Are you okay, Phoenix?"

"Yes. Everything is fine." Magiging okay na ang lahat basta ibigay lang nito ang trabaho sa kanya. “Excited lang po talaga ako na magtrabaho ulit lalo na’t may new discovery kayo.”

"Nakausap mo na si Vance tungkol sa trabahong ito?" maingat na tanong nito.

"Yes. Hindi ko naman po tatanggapin ito kundi pa kami nagkakausap,” puno ng kompiyansa niyang wika. “Saka kahit po ang doktor ko sinabi na ayos lang sa akin na magtrabaho dahil malusog naman kami ng baby ko. After all, di naman masyadong mahirap ang gagawin ko. Dito lang naman po ako sa bahay. D-Do you want to talk to my OB-Gyne first to confirm it?”

Wala namang problema kung kay Doktora Villamena ito magko-confirm. Magkakampi sila ni Doktora. Si Vance lang naman ang problema at ipinagdadasal na lang niya na hindi nito kausapin ang asawa niya tungkol sa trabaho niya. Mabubulilyaso ang lahat ng plano niya.

"No, I don’t have to. May tiwala naman ako sa iyo. When can you start?" tanong nito sa mas magaan at excited na tono. Mukhang nakahinga rin ito ng maluwag na di ito makakagawa ng hidwaan sa pagitan nila Vance kung tanggapin niya ang trabaho.

Nakahinga din naman siya ng maluwag dahil lusot siya. Mabuti naman at pinagkakatiwalaan nito ang salita niya.

Nakuyom niya ang palad at ngumiti. "Tomorrow? Today! As soon as possible. I am ready to start working anytime.”

"Good. I will email you some of our findings and notes tomorrow. Pwede mo kaming tawagan kung may mga tanong ka pa.”

Natutop niya ang bibig. “So it means I really got the job?”

“Of course. Pero paano ang salary mo…”

“Swelduhan man ninyo ako hindi, it doesn’t matter. I just really want this job. Gusto ko talagang makatulong sa research ng team.” Gusto lang niyang magkaroon ng silbi. Gusto lang niyang magawa ulit ang bagay na gustong-gusto niya. Gusto lang niyang makahinga at maging malaya sa pagiging tyrant ni Vance. “Oh, thank you! Thank you very much, Sir Pietro. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya.."

“Iba na talaga ang milyonarya. Hindi na kailangan ng sweldo,” pabiro ni Pietro. “But you are a professional. Baka sabihin ng asawa mo kinakawawa kita.”

“Pag-usapan natin ang bayad sa ibang araw. Huwag muna nating problemahin iyan ngayon, Sir. Mag-focus muna tayo sa trabaho.”

“Sure. Welcome back to our team, Phoenix.”

“Thank you. It is nice to be back.”

It was better than getting her scholarship in Oxford University or getting a job to work on the undiscovered pyramids of Egypt or seeing the mummies of popular pharaohs in history.

She was creating her own history. Vance can now party all he wants. May trabaho na siya. Wala na siyang pakialam dito o sa babae nito. Hindi na siya magpapatapak pa dito. Kaya niyang takpan ang sakit sa puso niya sa pamamagitan ng pagpapakasubsob sa trabaho.

Sa giyerang ito sa pagitan nila ni Vance ay siya ang magwawagi.

PARTY with my friends tonight. That new red dress will look good on you. Will fetch you at 7PM.

Tinitigan ni Phoenix ang text message ni Vance sa cellphone niya. Tumigil siya sa pagtatrabaho nang marinig niyang dumating ang mensahe nito. Di niya sana papansinin dahil gusto niyang mag-focus sa trabaho pero di niya alam kung bakit bigla siyang na-excite at binasa pa rin niya ang text message nito.

Tumaas ang kilay niya. Himala. Isasama siya nito sa party. Anong meron? Sa ilang party na dinaluhan nito nitong nakakaraang linggo ay hindi naman siya nito sinasama. Sasabihin lang nito na may dinner o party ito na pupuntahan.

Ngayon ay bigla siya nitong isasama? Anong meron? Baka may prospective client or investor. At kailangan na naman itong ipangalandakan na may asawa na ito at magkakaanak. Na hindi na ito eternal bachelor kaya responsible na ito at mapagkakatiwalaan. An image he had to project for the company.

Noon ay nasasaktan pa siya at nagdadrama bago tanggapin ang katotohanang iyon. Ngayon ay simpleng “Okay” lang ang isinagot niya sa text nito. Saka muli siyang bumalik sa harap ng laptop niya at nagpatuloy sa paggawa ng report para sa journal.

Hindi iyon madali dahil kailangan niyang i-tally ang lahat ng notes ng mga kasamahan niya. Ang observation sa bawat level ng nahuhukay na lupa, ang nakukuha at natutuklasan sa bawat metro o pulgada ng lupa at kung anu-anong mga pagbabago ang naroon sa paglipas ng panahon. Ngayon lang niya ito gagawin nang bumabase lang sa notes ng mga kasamahan. Hindi pa rin madali nang wala ang mga kasamahan sa tabi niya habang ginagawa iyon. And it was a challenge. It made things more exciting even.

Mas gugustuhin na niyang nahihirapan kaysa naman walang ginagawa at mukha lang palamuti sa bahay. It was fulfilling. Wala man siya sa El Nido, kasama pa rin siyang nagtatrabaho ng team. Habang binabasa niya ang findings ng mga ito at nakikita ang mga larawang padala ng mga ito ay parang kasama siya sa naghuhukay. Na nadudumihan din ng lupa ang mga kamay niya at nanlilimahid din siya gaya ng mga ito matapos ang buong araw na pagtatrabaho sa dig. She could literally feel the scent of the ocean and the force of the wind against her skin.

At higit sa lahat, nagagawa niya ang gusto niya nang hindi man lang nalalaman ni Vance. Di naman ito nakakahalata. Masyado itong abala sa trabaho habang siya naman ay patuloy sa pagsisilbi dito bilang mabuting maybahay. Akala nito ay nagbabasa-basa lang siya sa library kapag nakakulong siya doon. Di nito alam na enjoy na enjoy siya sa pagtatrabaho. Kahit paano ay di na siya nagmumukmok ngayon. Masaya na siya at fulfilled. At kapag masaya siya, hindi rin stressed ang dinadala niya.

Tinapos niya ang isang page at naghikab. Malapit nang mag-alas tres. Tumayo siya at naghikab. Inaantok na siya. Kahit naman pagod siya ay fulfilled siya. Tiyak na makakatulog siya na may ngiti sa labi.

Hinawakan niya ang tiyan. “Baby, tulog muna tayo. Isasama pa tayo mamaya sa party ng daddy mo.” Naramdaman niya ang pagsipa nito. Anim na buwan na ang dinadala niya kaya mas malikot na ito kaysa sa dati. They were a team. Kapag kinakausap niya ito ay sumisipa ito. “Oo. Makakalabas din tayo dito. Baka may makita na naman tayong ex-girlfriend niya. Kaya para di ako ma-stress, magtatrabaho pa si Mommy ng konti mamaya paggising ko. Okay?”

Marami pa siyang oras para matulog at dagdagan ang trabaho niya. Hindi siya makakapagtrabaho mamayang gabi dahil tiyak na late na silang makakauwi ni Vance.

Sa couch lang siya natulog. Tutal ay babangon din naman siya mamaya para ituloy ang trabaho niya. Hinayaan din niyang naka-open ang laptop niya dahil may tinatapos pa siyang i-download na documentary ng isang discovery sa China kung saan dati siyang kasama. Kailangan din kasi niyang pag-isipan ang ino-offer na online course na maaring makatulong para sa pag-aaralan niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.