SINAPO NI Phoenix ang nakaumbok niyang tiyan. Nararamdaman niya na parang umiikot ang anak niya sa tiyan niya. Baka nga naaaligaga rin ito dahil sa naging pagtatalo nila ni Vance at sa iniisip niya.
Huminga siya ng malalim at hinaplos ang tiyan niya. “Baby, I am sorry. Parang tanga lang si Mommy. Pati ikaw naaapektuhan dahil sa amin ng daddy mo. Dahil sa akin. Basta titiyakin ko na makakatulog tayong dalawa ngayong gabi.”
Wala namang mawawala kung tatawag siya. Karapatan pa rin naman niya iyon. May karapatan siyang magalit kung ipapahiya siya ni Vance dahil sa pambababae nito. Bahala na ito kung anong interpretasyon nito kapag nalaman nitong nag-uusisa siya - kung dahil nagseselos siya o sadyang gusto lang niya itong asarin. Pangangatawanan na lang niya ito para sa ikatatahimik niya.
Pero kanino naman siya magtatanong? Kay Deutsch? No. Kakampi ito ni Vance at numero unong babaero. Malay ba niya kung kasabwat pa nito si Vance o baka ito pa ang nagbibigay ng tips sa pambababae ng asawa niya.
Si Amery. Of course, matutulungan siya nito. Malapit pa rin siya dito at paminsan-minsan ay nagtatanong sa kanya tungkol sa mga research nito sa school. Kumukuha na kasi ito ng anthropology sa University of the Philippines at mukhang interesado ito sa subject. She was too eager to learn, actually. Gusto daw nitong matulad sa kanya. Baka oras na para mapakinabangan niya ito.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at pinindot ang numero nito. Malakas ang kaba sa dibdib niya habang pinapakinggan ang pagri-ring ng phone nito. Ano nga ba ang sasabihin niya dito? Paano ang tamang pagtatanong nang di naman halata na may problema sila ni Vance o gusto niyang pabantayan ito?
“Hello!” anang mahinang boses ni Amery habang naririnig niya ang jazz music sa background.
"Hello, Amery!" bati niya dito.
"Ate Phoenix, bakit wala ka dito sa party? It is fun. A bit boring for me but I am sure you will enjoy the relaxed setting of this place.”
Isa sa mga kaibigan ni Vance noong college ang nag-open ng boutique hotel sa Antipolo.
“I-I am not feeling well,” nausal lang niya.
“Oh, yes. Sabi nga ni Vance kanina kina lolo na masama ang pakiramdam mo. It must be hard to be pregnant. Maraming bagay kang hindi nae-enjoy,” malungkot nitong sabi. “You are probably missing working for the excavation team.”
“There are some things that you have to sacrifice for your child.”
“Hindi ko pa iyan nai-imagine ngayon. There are so many things I wanna do and places I wanna go to. So, no, it is hard for me to imagine about having a kid. Not in five years or ten years from now.”
Bata pa si Amery. Malamang sa edad na iyon ay di pa nito naiisip na magkaasawa o magkaanak. Marami pa itong gustong gawin sa buhay lalo na kung ngayon pa lang nito sinisimulang i-explore ang bagong kurso. Ganoon din naman siya noong kaedad niya ito. Kundi lang dahil sa proviso sa testamento ng Tito Mauricio niya ay hindi naman niya maiisip na magkaroon ng anak. At kundi dahil sa anak niya, hindi siya tatawag ngayon para lang alamin kung anong ginagawa ni Vance. Ibababa niya ang pride para sa katahimikan nila ng anak niya.
“Kumusta si Vance?” tanong niya.
“Uhmmm… Mukhang hindi rin maganda ang pakiramdam ni Vance. He tried his best to look interested in business but he is not into it. He looks rather… sad.”
“Talaga? Malungkot siya?” tanong niya.
“Yes. Nasa bar siya at umiinom ngayon. Parang wala siya sa mood na makipag-usap sa ibang tao. Kahit pa sabihing business. Iba siya ngayon. Dati kahit masama ang pakiramdam niya ay hindi mahahalata sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho at pakikipag-usap sa mga associates niya. He seldom stay at the bar alone. He was all business. Ngayon parang wala siyang gana. Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya.”
Malungkot ba ito dahil sinuway niya ito o sa wakas ay nakokonsensiya ito dahil sa ginawa nitong paniniil sa kanya? Mabuti naman at apektado din ito. Akala niya ay wala itong pakialam sa isyu nilang dalawa. Mahirap siguro para dito na isuko ang kontrol sa kanya.
“May mga babae bang lumalapit sa kanya?” tanong niya.
“Marami naman laging mga babaeng lumalapit sa kanya. What else is new? Kahit na kasal na siya, hindi mo pa rin sila mapipigilang lumapit at akitin si Vance.”
Alam naman niya iyon pero iba pa rin pala ang naririnig mula sa ibang tao ang tungkol doon. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya. Parang gusto niyang sumugod sa party at bugawin na parang langaw ang mga babaeng dumidikit kay Vance.
Huminga siya ng malalim. “Does he flirt with them or even look interested?”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya. Oras na malaman niyang ine-entertain nito ang ibang babae ay tiyak
“Hindi nga. Masungit nga siya ngayon. Hindi niya pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Kapag makulit pa rin tinitingnan niya ng masama. Parang… naglilihi siya? Dahil ba buntis ka, ate?”
“Tapos na akong maglihi.”
“Baka naman nalipat ang paglilihi sa kanya.”
Muntik na siyang bumulanghit ng tawa. Hindi niya ma-imagine si Vance na naglilihi. Baka mas masungit pa ito kapag nalipat dito ang paglilihi niya. “Mag-isa pa rin ba siya ngayon?”
“Kausap niya ngayon si Kuya Deutsch. Mukhang may heart-to-heart talk sila.”
“Heart-to-heart talk?” tanong niya.
Parang hindi niya ma-imagine si Deutsch na nakikipag-heart-to-heart talk. Playboys don’t do the heart-to-heart thing. Si Deutsch pa. Wala naman itong alam sa seryosong pakikipagrelasyon. Ang alam lang nito ay makipag-fling at makipag-one night stand.
“I’ve never seen them this serious before. Gusto mo bang lapitan ko sila para marinig ang pinag-uusapan nila? I can be your spy,” anito at humagikgik.
“N-No! Huwag mong gagawin iyan.”
Kinakabahan nga siyang usisain si Vance ngayon, magpapa-espiya pa siya. Okay na sa kanya na malamang walang nakadikit na babae dito.
“Are you sure? Okay lang naman sa akin. That would be exciting. Mukhang pati si Kuya Deutsch nakikidrama din.” Pumalatak si Amery. “Ayan! Sunud-sunod ang inom ni Vance ng brandy. Hindi pala inom. Tungga. Parang naglalasing siya. Mas masarap pakinggan ang usapan ng mga lasing. Ngayon ko lang makikitang malasing si Vance kung sakali. Ano bang nangyari? May problema ba kayo?”
“Wala,” tanggi agad niya.
Ano bang pinagdadrama ni Vance? Siya nga itong ilang buwan din na hindi nagtrabaho at pakiramdam niya ay aping-api siya. Huwag nitong sabihin na ito pa ang mas magmumukhang kawawa ngayon dahil lang napilitan itong hayaan siyang gawin ang gusto niya.
“Pakiramdam ko may problema kayo. May other woman ba si Vance? That’s impossible. He adores you.”
“Are you sure?” tanong niya.
“Yes. Naalala mo noong crush ko pa siya at pumunta kayo sa party ni Lolo? I had never seen him so atuned to a woman. Tapos nang kasal na kayo, nag-i-sparkle ang mata niya kapag nagkukwento siya sa magiging anak ninyo. Marami daw siyang pangarap sa pamilya ninyo. He is so different now. He really wants to be with you.”
Posible kaya na may parte pa rin siya sa puso ni Vance? Hindi kaya niya tuluyang pinatay ang kung anumang pag-asa na mayroon para sa kanilang dalawa. Pwede pa ba nilang ayusin ito? May mali siya pero may mali rin naman ito.
Paano kung para maayos ang lahat ng ito ay kailangang siya lang ang magpakumbaba at hindi nito tatanggapin ang mga kasalanan nito. Babalik na naman siya sa dati? Siya pa ang kailangang magmakaawa at mag-adjust sa lahat ng gusto nito? No way!
Tapos na siya doon. Nakuha na niya ang gusto niya. Napipilitan man ito o hindi, ang mahalaga ay hinayaan na siya nitong magtrabaho. Hindi na siya pwedeng maging malambot o sayang ang lahat ng ipinaglaban niya.
“Kaya naisip ko baka may problema kayong mag-asawa dahil mukhang malungkot siya. Tapos ako pa ang tinawagan mo ngayon para lang alamin kung anong ginagawa niya. May gusto ka bang ipasabi sa kanya? Sasabihin ko na miss mo na siya,” pagpapatuloy ni Amery.
Ipinilig niya ang ulo. “Silly, no! J-Just tell him to go home. At huwag siyang uuwing lasing. Hindi ko siya aasikasuhin kapag nalasing siya.” Baka sakaling matauhan ito sa pinaggagagawa nito sa banta niya.
“Sasabihin ko na, ha?”
Bigla niyang na-realize kung ano ang implikasyon ng sinabi niya kung sakaling makakarating kay Vance. Paano kundi ito umuwi dahil lasing ito at sumama ito sa ibang babae? Maaatim ba niya iyon?
Parang inuuka ang puso niya sa dibdib niya. Hindi ata iyon kaya ng dibdib niya. Erase! Erase!
“N-No! Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi ko,” maagap niyang sabi. Isa pa ay malalaman nito na mino-monitor niya ito.
“Paano ko sasabihin sa kanya na huwag siyang maglasing at umuwi na siya nang hindi mo sinasabi? Hindi ako pakikinggan niyan maliban na lang kung sabihin ko na pinauuwi mo siya. You are his wife. Of course, he will listen. Anong gagawin ko?” naguguluhang tanong nito.
Ipinilig niya ang ulo. “Never mind. Huwag mo na lang sabihin na nagkausap tayo. Don’t tell him that I am checking on him.”
Ang lakas ng kaba niya doon. Muntik na iyon. Kung nagkataon ay parang isa siyang asawa na kumuha ng private detective sabay nagpahuli. No! Hindi dapat malaman ni Vance na nakasunod siya sa kilos nito. Baka magalit lalo ito sa kanya. Di na siya nito pinakikialaman pero nakikialam pa rin siya sa kilos nito.
“Your LQ must be really serious,” Amery said in a low voice. As if she was fishing for information.
“Wala kaming LQ. Okay?”
“Okay. No LQ,” napipilitan nitong sabi para siguro matahimik na lang siya pero tiyak na hindi ito naniniwala. “Sayang. You are not here. I want to tell you about a cute professor of mine. He is so young and fresh. So charismatic. And he has a cute bun. I usually stare at it whenever he writes on the board. It makes me want to come to him and squeeze it.”
Umikot ang mga mata niya. “That is not polite. He your professor.” Lahat ng professor niya ay tinatrato niya nang may respeto. Kahit pa guwapo ang ilan sa mga ito. “For all you know, he is married with kids.”
“He is single. I am sure about that. In a few months, the sem is over. So can I already date him? Not unethical anymore? I never thought that geek guys are hot. He looks innocent in the art of kissing. It makes me wanna teach him how to do it.”
Ngumiwi siya nang marinig ang mataginting nitong halakhak. “Amery, my baby can hear whatever you are saying! Ano ka ba?”
Gosh! Malalaglag ang puso niya sa pinagsasasabi nitong si Amery. Kahit siya na magkakaanak na ay namumula sa mga sinasabi nito.
Humagikgik ito. “It is okay. If she is a girl, I will teach him how to make boys drool over her. Bye. I will tell Vance that you miss him so much and you want him to come home pronto.”
“Amery, huwag mong gagawin iyan!” utos niya.
Subalit naputol na ang tawag. Sinubukan niyang tawagan ulit si Amery pero di na nito sinasagot. Lagot na. Hindi naman siguro nito sasabihin ang pinapasabi niya kay Vance. Pero sabihin man nito o hindi, tiyak na hindi bubuti ang kondisyon ng relasyon nila ni Vance.
The best way to do it? Wala na lang silang pakialamanan sa isa’t isa.