Natigagal ito. “You will really do that?”
“Yes. Believe it or not, I really want this marriage to work. Kaya kung sasabihin mo sa akin na ayaw mong magtrabaho ako, titiisin ko.” Sa pagkakataon kasing ito ay mas nakita niya ang totoong layunin ni Vance sa kanya. Na gusto lang talaga siya nitong alagaan. Kung iyon ang sakripisyong hinihingi nito ay gagawin niya.
Umiling ito. “Phoenix, you don’t have to stop doing anything that you love doing. Kung gusto mong magtrabaho, ituloy mo. Kung gusto mong asikasuhin ako, hindi rin kita pipigilan.”
Nagningning ang mga mata niya. “Really? O-Okay lang sa iyo na gawin ko lahat iyon?”
Tumango ito. “Yes. Masyado yata kitang nasakal at ayokong mangyari iyon. You see, ngayon lang ako magiging asawa at ama. Akala ko nagiging mabuting asawa ako kapag inalagaan ko kayo sa ganitong paraan. Pero mukhang di ka naman masaya. Para maging maganda ang kalusugan ng anak natin at ang kalusugan mo, gusto ko rin na maging masaya ka. Sabi naman ng doktor mo na okay lang sa iyo ang magtrabaho, di ba?”
“Pati ang pag-aasikaso sa iyo, okay lang sa iyo?”
Marahan itong tumango. “I appreciate it. Kung masaya ka talaga na alagaan ako, hindi kita pipigilan.” Ginagap nito ang kamay niya. “Just don’t overdo yourself. Kung hindi mag-aaway na naman tayo.”
“At maglalasing ka na naman?”
“No. We will talk this time. Priority natin ang anak natin at ang kalusugan ninyong dalawa. I don't want to be hard on you. I want to take care of you and our child. Sorry kung napigilan ko ang growth mo o iniisip mo na balewala ang self-worth mo. I trust you on this, Phoenix. Na aalagaan mo rin ang sarili mo at ang anak natin."
Kumabog ang dibdib niya. Pinagkakatiwalaan siya nito. Matagal na panahon na niyang di narinig ang salitang iyon mula kay Vance. At alam niyang matagal na panahon na niyang di iniisip ang salitang iyon dahil ang kawalan ng pagtitiwala ang sumira sa lahat ng magagandang bagay na mayroon sa kanya lalo na’t umikot ang buhay niya sa kasinungalingan. Ngayon ay parang binigyan siya ng bagong buhay ni Vance.
Bago pa niya makontrol ang emosyon niya ay niyakap niya si Vance. “Oh, thank you! Thank you, Vance. Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin na pinapayagan mo akong gawin ang lahat ng gusto ko. Kung paano mo ako binibigyan ng pagkakataon. I know I messed up a lot of times but thank you for giving me this chance.”
At sa sobrang saya niya ay nangilid ang luha niya. It was a relief. Parang isang mabigat na dalahin ang nawala sa dibdib niya.
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya. He cupped her face and stared at her with so much emotion in his eyes. “I messed up as well, Phoenix. May dahilan kung bakit gusto mo akong kamuhian at ayaw mo rin akong pagkatiwalaan. But if you are willing to make this work, so do I. If you are really sincere about this.”
“I am sincere, Vance. I really want to make this work. K-Kahit na hindi mo ako mahal, gusto ko ng masayang pamilya para sa anak natin. I don’t want our marriage to fall apart. Gusto kong ibigay sa anak ko ang pamilya na di ako nagkaroon. Isang pamilya na buo at may dalawa siyang magulang na nagmamahal sa kanya. I want it so badly, Vance. More than my uncle’s inheritance. More than my job.”
Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan. Pagkuwan ay ngumiti ito. “I believe you. Iyon din ang pangarap ko. Isang buong pamilya para sa atin. Na nandito tayong dalawa para sa magiging anak natin.”
Mahabang sandali silang nagkatitigan. Then she realized how close they were with each other. How their bodies were touching. Nakasuot lang siya ng manipis na dress at ito naman ay nakasuot lang ng roba. She suddenly felt hot all over, the air was suddenly charged with sexual current. Nahigit niya ang hininga. And Vance probably felt it, too.
Both of them jumped then stepped back. Na parang isang pulang linya ang tinawid nila at kailangan nilang maglayo muli dahil isa itong teritoryo na ayaw na nilang tawirin pa. Because it was dangerous. Because desire once caused her downfall. At sa palagay niya ay di pa sila handa ni Vance para doon.
“T-Tapos ka nang kumain at magkape k-kaya bababa na rin ako para mag-agahan. Errrr… if you are feeling better. Pwede mo naman akong samahan,” sabi niya at tinalikuran agad ito.
Mahirap na. Baka makahalata ito na pinagnanasaan niya ito. It would disrupt their peace treaty that she worked to hard to achieve. Mas mabuting maging platonic muna sila sa isa’t isa ngayon. Ayaw na naman niyang sumubo sa panibagong sakit ng puso at kabiguan.
"Phoenix!" tawag nito sa kanya nang akmang hahawakan na niya ang doorknob.
Natigilan siya at tumuwid ang likod niya. Marahan siyang pumihit paharap dito. "Yes?"
Nahigit niya ang hininga nang malalaki ang hakbang nito palapit sa kanya. He loomed over her like some dark lord. "Thank you for taking care of me last night."
Yumukod ito at hinaplos ng labi nito ang gilid ng labi niya. He kissed her. It was not a sensual kiss. It was just a kiss of gratitude. Pero di niya inaasahan na hahalikan siya nito. It was electric. Matapos ang lahat ng nangyari sa kanya, she never thought that she would feel overwhelmed by the sensation. And it was just a simple brush of his lips. Hindi pa mismong labi nito ang hinalikan niya.
Mukhang nagulat din si Vance sa ginawa nito at biglang umurong. “I… I must dress up. Marami pa akong trabaho sa opisina.”
“Oh, yes. Of course. Bababa na ako…” usal niya at nang di na niya alam ang idudugtong ay nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto ni Vance.
Malakas na malakas ang kaba ng dibdib niya nang makalabas. Okay na silang dalawa. Magkasundo na sila ngayon. And he kissed her. It must mean something good, right?
At parang teenager siya na ngumiti at pagkuwan ay humagikgik. Kahit na walang tulog ay buhay na buhay ang pakiramdam niya.
Pakiramdam niya ay magandang simula ito para sa kanilang dalawa.