"Oh, no! Oh, no! Oh, no!"
Natatarantang bumalikwas ng bangon si Phoenix nang makitang mag-aalas siyete na ng umaga. Dapat alas sais pa lang ay gising na siya para ipaghanda ng agahan si Vance. Pero napasarap ang tulog niya nang nakaraang gabi dahil malakas ang ulan at malamig ang panahon. Bago iyon ay kasabay niyang mag-agahan si Vance nang walang inaalalang kahit ano. It was the best sleep she had for almost a year.
Kung kailan naman sila magkasundo ni Vance ay saka pa ito nangyari. Baka iniisip nito na porke't magkasundo na sila ay wala na siyang pakialam dito at hindi na niya ito aasikasuhin. Ngayon nga niya ito dapat mas asikasuhin dahil mas dapat niyang ipakita dito na gusto niyang maging mabuting asawa dito.
Matapos maghilamos at magsepilyo ay dali-dali siyang lumabas ng kuwarto niya. Baka sakaling makahabol pa siya at maipagluto niya ito ng agahan. Subalit pagbaba niya ay natanaw niyang naghahain na sa lanai ang mga kasambahay at nakaupo na rin sa puno ng mesa si Vance habang nagbabasa ng diyaryo. Nakasuot na rin ito ng pang-opisina at mukhang handa nang umalis anumang oras.
Bumagsak ang puso niya. Palpak talaga siya. "Good morning," matamlay niyang bati kay Vance.
Tumayo agad ito at ipinaghila siya ng upuan. "Mukhang napasarap ang tulog mo,” sabi nito at kinintalan ng halik ang noo niya.
"Sorry. Hindi na kita naipaghanda ng agahan. Nakalimutan akong gisingin nila Manang Doria."
Bakit nga ba hindi siya ginising ng mga ito? Alam naman ng mga kawaksi sa mansion na masaya siyang ipinaghahanda ng agahan si Vance. At ngayon ay mas mahalaga para sa kanya na pagsilbihan ito gaya ng normal na maybahay.
"Hindi na talaga kita ipinagising. You need to sleep more. Saka masarap ang panahon kaya dapat lang na mag-relax muna kayo ni Baby," nakangiting sabi ni Vance at ibinuhos ang gatas sa baso niya.
"Pero kailangan kitang ipaghanda ng breakfast. Saka may mas bagay na necktie diyan sa suite mo..."
"Ako na ang naghanda ng agahan para sa iyo."
Natigagal si Phoenix. "Ikaw ang nagluto?"
“Fried rice, vegetable omelet at strawberry cream lang na paborito mo daw sabi ni Manang Doria. Hindi naman ako masyadong nahirapan,” kaswal na wika nito at nagkibit-balikat.
Himala. Hindi naman ito lumalapit sa kusina. Bukod sa teritoryo ni Manang Doria ang kusina, mas gusto ni Vance na mag-workout na lang o magtrabaho kahit gaano kaaga kaysa magluto. Anong okasyon at ipinagluto siya nito?
“Bakit ikaw ang naghanda ng agahan?” hindi niya maiwasang itanong.
Tumayo ito sa tabi niya at nilagyan ng fried rice ang plato niya. “Na-realize ko lang na palagi na lang ikaw ang nag-aasikaso sa akin. As husband and wife, sa palagay ko patas lang na ipagluto rin kita. Lagi kang maagang gumigising para sa akin pero di man lang kita napasasalamatan nang tama. So here I am, trying my best to please my wife.”
“Wala iyon,” sabi niya at uminom ng orange juice. “Sanay naman akong maagang gumising. Alam ko kung gaano karami ang trabaho mo. Hindi mo naman talaga ito kailangang gawin.”
“Hmmm? May trabaho ka rin naman pero nagagawa mo pa rin akong asikasuhin. And you are even pregnant,” he said in a gentle voice.
“Pero hindi naman kasing hirap ng trabaho mo ang trabaho ko. Dito lang ako sa bahay. Wala naman akong meeting at di naman ganoon kabigat ang responsibilidad ko. Nakaka-relax nga kapag nagluluto ako para sa iyo.”
“The same thing goes for me. Kahit sandali nakakalimutan ko ang nakaka-stress na trabahong naghihintay sa akin. Masaya akong ginagawa ito para sa iyo. Huwag mo na akong kontrahin. Aalis ako sa bahay nang magaan ang loob dahil alam kong naasikaso kita. Okay? Husgahan mo na ang luto ko. Sabi ni Manang Doria masarap daw iyan.”
“Okay. Pero bukas ako ulit ang magluluto.”
“Sure,” sabi nito at kinintalan ulit ng halik ang noo niya. “Kumain ka na. We can take care of our cooking schedule next time.”
Kimi siyang ngumiti at sumubo. Kung masaya itong pagsilbihan siya, sino ba naman siya para makipagtalo? Vance was taking care of her like a good husband should. And she was happy about it. Nagkusa kasi ito na ipagluto siya. He didn’t attempt that one before. Dati ay basta lang itong kakain ng luto niya, maiinis kapag nalamang siya at nagluto at sesermunan siya sabay papasok na ito sa opisina. Gone was the cold and aloof Vance now. Mukhang sinusubukan na nitong magbago.
“This is good,” aniya at nginuyang mabuti ang vegetable omelette. Nang masiyahan siya ay sumubo ulit ng isa pa.
“Totoo? Baka naman sinasabi mo lang iyan para bumuti ang pakiramdam ko. Baka ayaw mo lang sumama ang pakiramdam ko. I am open to criticisms, you know?”
Sumubo ulit siya ng vegetable omelette at nagpaka-food critic para sa kasiyahan ng asawa niya. “Mmmmm! Parang nagsu-swirl ang creaminess ng gatas sa dila ko. Malutong din ang gulay at nalalasahan ko ang freshness. Mas magaling ka pa nga yatang magluto sa akin,” nakangiti niyang sabi.
“Masarap nga. Ginawa mo pa akong bolera,” wika niya at ipiniraso ito ng omelette saka sinubuan ito. “Tikman mo. Masarap, ‘di ba?”
“Sige na. Ubusin mo iyan dahil alam ko na marami ka ring trabaho.” Bumalik ito sa upuan sa puno ng mesa at hinalo ang kape nito. “Nakausap ko si Pietro kahapon. Ibinalita niya sa akin ang development sa project niya. Marami kang kailangang i-compile at mukhang marami pa silang mahuhukay sa excavation site. Madadagdagan ang trabaho mo.”
The scene was so surreal. Noong isang araw lang ay pinagtatalunan nila ang trabaho niya. Iniisip pa nga niya na baka napipilitan lang ito na hayaan siyang magtrabaho. But it was real, right? Suportado na talaga nito ang pagtatrabaho niya.
Pakiramdam niya ay bumalik sila sa dati kung saan malaya nilang napag-uusapan ang trabaho niya. Hindi ba’t ito pa nga ang nagpakilala sa kanya kay Pietro. Naalala din niya kung paanong kumislap ang mga ito sa enthusiasm kapag ipinu-push siya nito para pagbutihan ang trabaho niya. She remembered how he helped her take a new direction in her professional life. Kung paano siya nitong tinulungan ang iba pang bagay na gusto niyang gawin. At kasama iyon sa pinakamasasayang araw sa buhay niya kung saan para napaka-perpekto ng lahat.
“Hindi naman nila ako minamadali. Alam nilang di ako pwedeng masyadong mapagod dahil sa kalagayan ko ngayon,” paliwanag ni Phoenix sa asawa. “Alam nila na priority ko kayo ng anak natin. That before I am an archaeologist, I am wife and mother-to-be first.”
“I am happy to hear that. Just don’t overdo the wife thing. Kapag kailangan mong magpahinga, kahit hindi mo ako asikasuhin. Alam ko naman na habang lumalaki ang baby natin, mas mahihirapan kang gumalaw. Basta huwag mong masyadong pipilitin ang sarili mo na magtrabaho okay?” nakangiti nitong sabi at ininom ang kape nito.
“Yes, Boss,” pabiro naman niyang sabi.
Ganadong kumain si Phoenix dahil alam niyang si Vance ang naghanda ng agahan para sa kanya. Iba pala ang pakiramdam kapag asawa niya ang nag-aasikaso sa kanya. Malaking achievement ito kumpara nang nakaraang araw na akala niya ay di na sila magkakasundo at hindi nito naa-appreciate ang efforts niya. Tiyak na gaganahan din siyang magtrabaho nito.
She was looking forward to informing her friend JK about this development. Tiyak na masisiyahan din ito para sa kanya. Of course, it was a far cry from the romantic marriage she had in mind but this was better than nothing. Ang mahalaga ay magkasundo na sila ni Vance.
“Busy ka ba mamayang gabi?” tanong ng asawa niya habang inaatake niya ang strawberry cream.
“Uhmmm… Wala na akong gagawin. Hanggang alas singko lang ako ng hapon nagtatrabaho,” paliwanag niya.
Alas singko siya nagsisimulang magluto. Sa pagkakataong ito ay plano na niyang gaanan ang trabaho sa kusina. Sila Manang Doria na ang maghihiwa at siya na lang mismo ang magluluto para hindi na siya masyadong mapagod.
“Pwede mo ba akong samahan sa importanteng business meeting mamayang gabi?” malumanay na tanong ni Vance.
Nahigit niya ang hininga. “I-Isasama mo ako?”
Marahan itong tumango. “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. But this is really important for me. Please.”
Happiness bloomed inside her chest. Hindi na siya binabalewala nito. Isasama na ulit siya nito sa business meeting nito. Ibig sabihin ay gusto nitong ipakita na magka-partner pa rin sila. And the his ‘please’ did it. Hindi siya nito basta inuutusan na parang ito ang batas o presidente ito na nagbaba ng presidential decree na kailangan niyang sundin. He really wanted her beside him – as his wife.
“Sige. Sasama ako sa iyo sa business meeting,” sagot ni Phoenix.
Ginagap ni Vance ang kamay niya. “Thank you.”
She was so looking forward for tonight. She would be back in her place beside Vance – as his wife, as his partner.
“DO I look good? Sa palagay mo ba hindi mapapahiya si Vance kapag ihinarap niya ako sa mga ka-meeting niya?” excited na tanong ni Phoenix sa kaibigang si JK habang ka-webchat ito.
Malapit nang mag-alas siyete at anumang oras ay dadating na si Vance para sunduin siya at dalhin sa business dinner nito. Kabang-kaba siya. It was like their first date all over again.
Naisip niya na sa isang high-end na restaurant sila pupunta. Kaya naman kuntodo ayos siya dahil gusto naman niyang bumawi dito matapos siyang di makadalo sa huling party kung saan siya nito dapat isasama.
Pag-alis pa lang ni Vance ay umiikot na ang isipan niya kung ano ang dapat niyang iayos sa sarili niya, kung anong dapat niyang isuot. She wanted to make an impression as his wife. Gusto niyang makatulong dito lalo na’t idiniin nito kung gaano kahalaga ang meeting na iyon.
Kinulot niya ang buhok niya. Her make-up was carefully applied and it only emphasized her glow. She decided to wear a blue-green A-line chiffon strapless empire long gown. Bagay na bagay iyon sa kabila ng baby bump niya. Tinernuhan niya iyon ng silver flat sandals na may diamond zirconia strap. She knew she looked good but she was not sure yet.
“Phoenix, kumalma ka nga. Nakasampung beses ko nang sinabi sa iyo na magandang-maganda ka. Kung ganyan lang sana ako kaganda kapag nagbuntis ako,” anito at nangalumbaba.
“Talaga?” tanong niya at inilapit ang mukha sa webcam.
Kinindatan siya nito. “Vance can’t resist you. Tiyak na guguwardiyahan ka niya para lang hindi ka tingnan ng ibang lalaki.”
“Come on! I am pregnant. Sa palagay mo ba pag-iinteresan pa ako ng ibang lalaki?”
“Kapag hindi ka pa niya nagustuhan sa itsura mo ngayon, ewan ko na lang. I am happy with this new development in your relationship. Siguro naman hindi mo na ako bubulabugin sa gitna ng intimate moment namin ni Joshua para lang sa mga kadramahan mo sa asawa mo?” nanlalaki ang mata nitong tanong.
“Sana nga hindi na. Pero gusto mo rin naman ang ginawa mong pagbawi kay Joshua, ‘di ba? You like being on top.”
Tinampal nito ang webcam nito at nakita niya ang pagba-blush ng kaibigan. “Baliw kang buntis ka. Go, now! Ikaw naman ang mag-girl on top. Ayon sa nabasa ko, cowgirl position ang perfect para sa mga buntis. I think Vance would really enjoy that.”
It was her turn to blush now. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ko iniisip na sa ganyan aabot ang date namin.”
“Girl, huwag kang pa-virgin diyan. Alam naman natin kaya ka nagmamaganda nang todo dahil gusto mong akitin ang asawa mo. Hello?! Huwag ka nang magkunwari. Thirsty is an arid land ang peg mo. Oras na para buhayin ang sex life mo, girl.”