Nataranta siya. Hindi naman niya inaasahan na doon mauuwi ang usapan nila ni JK. “I-I have to go. Mukhang nandiyan na si Vance.”
Dali-dali siyang nag-exit sa Skype at nanginginig ang kamay nang i-shutdown ang laptop niya. Where the hell did that talk about sex come from? Nagtatanong lang naman siya kung maganda ang damit niya, bakit kailangang mauwi sa sex life niya ang usapan?
She suddenly felt hot and flushed. Namumula ang mukha niya at hindi iyon epekto ng blush on lang. Lumapit siya sa bedside table at nagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel ng tubig na nakaabang na doon. Nakailang lagok siya ng tubig at saka nanlalambot ang tuhod na umupo sa gilid ng kama. Natigagal na lang siya.
She never really thought about her non-existent sex life since she and Vance went back from their honeymoon. She felt her libido kick in when Vance was drunk but she was able to get hold of herself. Sa pagkakataong ito ay iba na. Pareho na silang matino sa pagkakataong ito. Malay ba niya kung ano ang naghihintay sa dulo ng gabing iyon.
For Pete’s sake, Phoenix Lee! You are pregnant! Ano bang iniisip mo at ine-entertain mo ito? Focus! Kailangan ka ni Vance para sa business meeting niya, sermon niya sa sarili.
Napapitlag siya nang makarinig ng katok sa pinto. “Ma’am, nandito na po si Sir Vance. Hinihintay na po niya kayo sa sala,” anang si Manang Carmella.
Sinapo niya ang dibdib at bumalik na naman ang malakas na kabog ng puso niya. “Pakisabi po pababa na ako, Manang!” sabi niya.
Hindi siya pwedeng humarap kay Vance na parang wala siya sa sarili. She must project the image of a proper wife. Proper wife.
Nang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya ay tiningnan niya ang sarili sa salamin para i-retouch ang lipstick niya at matiyak na presentable na ang itsura niya kapag humarap kay Vance.
Habang pababa ng hagdan ay nakatalikod sa kanya ang asawa suot ang black suit nito na nag-emphasize sa malapad nitong balikat. Mukhang seryoso ang kausap nito sa cellphone kaya hindi nito napansin na nakababa siya hanggang tumigil siya ilang hakbang mula sa likuran nito.
Naalala niya na kapag bumababa siya para sa date nila at naabutan niyang may kausap ito sa cellphone ay basta na lang niya itong niyayakap mula sa likuran para sorpresahin ito. Nag-e-enjoy siyang ihilig ang pisngi niya sa malapad nitong likod.
Mahigpit niyang hinawakan ang clutch bag niya habang pinipigilan ang sarili na lapitan ito at yakapin. Kung pwede lang gawin niya iyon ulit.
“I am ready to leave when you are, Vance,” nausal niya sa bahagyang malat na boses.
Dahan-dahan itong humarap habang nakatapat pa rin ang cellphone sa tainga nito. Tumigil ito sa pagsasalita at parang natigilan sa anyo niya. “I have to go. My wife is here. We’ll be there in less than an hour,” sabi nito sa kausap sa telepono at inilagay ang cellphone sa loob ng bulsa ng pantaloon nito saka lumapit sa kanya. “You look ravishing,” bulong nito sa kanya.
Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang init ng hininga nito sa tainga niya. She was not so sure but she felt his teeth nip the lobe of her ear. Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat. Nang tumingin siya ay nakita niya ang apoy sa mga mata ni Vance. Ipinilig niya ang ulo. NO. Baka imahinasyon lang niya iyon. At di lang nito sinasadyang kagatin ang tainga niya. Aksidente lang iyon.
“Saan tayo pupunta?” sa halip ay tanong niya kay Vance para kunyari ay patay malisya siya sa papuri nito at sa pagkagat nito sa tainga niya.
“Somewhere really nice,” sagot lang nito at hinawakan ang siko niya para igiya siya sa naghihintay na sasakyan.
“Okay,” nausal lang niya. Pa-mysterious effect pa ito. “I-I just hope that I look okay. That your clients will like how I look.”
Tiningnan siya nito sa mga mata. “Huwag mong isipin ang ibang tao o kung anong iniisip nila. I love how you look tonight. That’s all that matters.”
Ang weird ng sagot nito. Di ba dapat ay tiyakin nito na magugustuhan siya ng mga ka-meeting nito. “Pero Vance…”
Pinisil nito ang baba niya. “Sumakay na tayo sa kotse. Mahirap na at baka ma-traffic pa tayo.”
Must be really an important client. O baka naman involve ang ex-girlfriend nito kaya ayaw sabihin sa kanya. Baka pagtalunan pa nila o kaya ay masobrahan siya sa pagre-react.
Whatever. Ang mahalaga ay naroon siya bilang asawa nito. Wala na siyang pakialam sa ibang babae. Sanay naman na siya sa mga taong nagsasabi na dahil lang sa kompanya kaya siya pinakasalan nito. Matatag na ang loob niya. At hindi ang mga ganoong isyu mula sa ibang tao ang pagtatalunan nila ni Vance.
Kagabi nga ay lasing ito pero siya pa rin ang hinahanap nito. At sa gabing ito, gusto niyang ipakita kay Vance na naa-appreciate niya ang loyalty nito sa kanya bilang asawa nito. Kaya ipinangako niya sa sarili na magiging asset siya bilang asawa nito at hindi liability. Kung may ibang babae man na mang-aakit dito sa harap niya ay alam niyang tatanggihan ito ni Vance. It added more to her confidence.
Mas magaan na ang atmosphere sa bahay nila. Gaya ng pangako nito ay hindi na nito pinakikialaman ang trabaho niya. Lagi lang siya nitong tsine-check kung kumain na siya sa oras o kung ayos lang ang pakiramdam niya. He was more gentle now. Hindi na pautos ang tono nito kapag nagpapaalala. At least they found a middle ground. Mas considerate now. Habang siya naman ay inaalala ito at magiging anak nila bago ang sarili niyang kagustuhan. At kahit ano pa ang estado ng relasyon nila, importante ay manatili siya sa tabi nito lalo na sa mga okasyong kailangan siya nito.
Pinagkiskis niya ang mga palad nang tinatahak na ng sasakyan nila ang Commonwealth Avenue. “Cold?” tanong ni Vance.
“No.”
She was just excited and thrilled. Matagal-tagal na rin silang di lumalabas gaya nito. Of course, business meeting ito pero kailan pa ba siya nito huling isinama sa meeting o sa parties? Iisipin na lang niya na parang date nila ito.
Maya maya pa ay tumigil na ang kotse nila sa Garden Palace. Parang isang malaking glass structure iyon. As if it was a transparent palace. Sa loob ay isang malaking garden.
She was in awe as she get inside. May man-made waterfalls na bumabagsak sa isang stream na umaagos sa buong restaurant. Pakiramdam niya ay nai-transport siya sa loob ng ibang lugar.
The atmosphere all in all was romantic. Parang di bagay sa isang business meeting. It was too intimate. Halos lahat ng nandoon ay mukhang couples na gusto ng privacy. Ang divider ay ang mga paso ng halaman kung saan natatakpan ang mga mesa.
Sana lang ay hindi ex-girlfriend o isa sa mga babaeng naghahabol dito ang kasama nila sa business meeting. Ayaw niyang masira ang magandang atmosphere doon. Kailan kaya siya yayayain ni Vance na mag-dinner sa ganoon kagandang lugar. Di dahil sa business o sa iba pang dahilan. Gusto niya ay sila lang dalawa.
Inabot ng waiter sa kanila ang menu. “Order whatever you want. Their food is great. Alam mo naman na kung anong pwede at hindi pwede sa iyo,” sabi ni Vance.
“Hindi ba natin hihintayin muna ang mga ka-meeting mo bago tayo umorder?” tanong ni Phoenix at nag-aalangang buksan ang menu.
“Nope,” sagot na nakatutok na ang mata sa menu. “Marami silang vegetarian dishes sa menu. Maganda iyon sa iyo.”
“Isn’t it rude if we don’t wait for them?”
Nagkibit-balikat ito at ngumiti sa kanya. “That is fine. Huwag mong intindihin iyon. Ako ang bahala. Masarap ang asado dish nila. Do you want to try it? Of course, you also love veggies and seafoods. Hmmm… ako na ang bahalang mamili sa iyo kung gusto mo.”
Tumango na lang siya pero di pa rin siya komportable. Hindi magandang impression ang iiwan nila kung oorder agad sila ng pagkain. Nakaka-offend naman yata iyon.
Hinayaan lang niyang um-order si Vance. Sa tagal nga naman ng pagluluto ng pagkain kaya siguro ito na ang um-order. Sinisimulan nang i-serve ang in-order nila pero di pa rin dumadating ang mga taong kausap nito. Nagsimula na siyang kabahan lalo na’t parang balewala lang kay Vance kundi man dumating ang mga ito. Parang hindi ito nagpa-panic. Dapat nga ilang minuto lang na ma-late ang ka-business meeting nito ay natataranta na ito lalo na’t nabanggit nito na importante iyon.
"N-Nasaan na ang mga ka-meeting mo?" tanong niya kay Vance nang lagyan ng waiter ng lobster and mushroom soup ang mangkok niya ng soup.
"Wala tayong ka-meeting. It is just the two of us,” Vance said in a casual tone.