Chapter HNL 124

Kumurap siya habang nakatigagal sa asawa. "H-Hindi na dadating ang ka-meeting mo? They cancelled it? Oh, no! Paano na ito? Ano daw ang problema? I hope they didn’t meet an accident or they didn’t like you meeting them with your wife. A-Anong dapat nating gawin?"

May bahid ng panic ang boses niya. Paano kung dating nobya nga nito ang ka-business meeting nito at biglang nag-cancel ng meeting dahil nalaman na kasama siya? Nabanggit sa kanya ni Vance na mahalaga ang meeting na iyon para dito. Mahalaga sa kompanya.

Napahawak siya sa leeg niya at lumunok. Paano kung kamuhian siya ni Vance dahil siya pa ang nakasagabal sa business dealings nito? Na sa halip na maging asset ay liability siya. Baka magsimula na naman ito ng hidwaan sa pagitan nila. Bakit parang kalmado lang ito at hindi apektado sa mga nangyayari?

Come on, Vance. Don’t be like this. Mas gusto kong magalit ka na lang o sisihin ako kaysa di ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo. Stop being so nice. I can handle the truth.

"No. Para sa ating dalawa lang talaga ang dinner na ito," anito at ngumiti sa kanya. “Wala akong ka-business meeting.”

“I-Ibig sabihin sa ating dalawa lang ang meeting na ito? Business meeting nating dalawa?”

Bigla siyang napainom ng tubig. Anong pag-uusapan nila? Tungkol sa kompanya? Tungkol sa pagsasama nila?

Ang kasal nga pala nila ay parang isang business merger. Sa pamamagitan ng anak nila ay makukuha nila ang lahat ng gusto nila – ang kompanya at ang natitirang kayamanan ng tiyuhin nila. May bago ba silang arrangement na kailangang pag-usapan? May kailangan ba silang i-adjust sa set up ng pagsasama nila?

"This is not a meeting. Nandito tayo para mag-relax,” amused na wika ni Vance at ginagap ang kamay niya. “Wala kang ibang iisipin na kahit ano. Not your work, not the company. Tayong dalawa lang.”

It was like a dream. Totoo bang nangyayari ito? Ang totoo ay di pa nga siya makapaniwala na ito ang nagluto ng agahan para sa kanya kanina. He was really trying to take care of her. Ngayon ay sila lang dalawa sa romantic at eleganteng restaurant na iyon.

“Why?” pigil ang hiningang tanong ni Phoenix.

“Mula nang ikasal tayo, di pa tayo lumalabas na gaya ng dati. We are like strangers. May kanya-kanya tayong mundo. Wala tayong pakialamanan sa isa’t isa. And it is not healthy. For you, for me and for the baby. I thought we could go out with just the two of us. Sa ganitong lugar. Para naman ma-enjoy natin kung anong maganda sa pagsasama natin.”

"You mean like a date?” nangangapal ang dila niyang tanong. Ayaw sana niyang itanong iyon dahil baka sabihin ng asawa niya na masyado siyang assuming pero nanulas na sa labi niya at di na niya mababawi pa.

"Yes. Exactly like that,” anito at lumapad ang ngiti sa labi.

"So is this a date?" Ang tanong na iyon ay para talaga sa sarili niya. As if she was wondering if it was real. Pero nausal na niya iyon ng malakas kaya akala ni Vance ay para dito ang tanong.

Kumislap ang mga mata nito. "It is. Kaya wala kang iintindihin na meeting o kung anuman. Tayong dalawa lang ang nandito. So I just want you to relax and have fun.”

Malakas ang tahip ng dibdib niya habang nakatitig sa kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng kamay niya. Date! Date! Date!

She suddenly felt giddy like a teenager. Naghuhurumentado na ang puso niya habang pilit naman niyang kinakalma ang sarili habang kumakain ng soup. Hindi pa rin siya mapakali. Kailangan niyang malaman kung anong tumatakbo sa utak ni Vance.

Pinapangarap niya ang maka-date ulit si Vance. Pero di niya inaasahan na ganoon kabilis na magbago ang ihip ng hangin. Parang isa itong genie na sinunod agad ang wish niya kahit na nasa isip lang niya. Akala niya ay tatagal pa iyon ng ilang buwan. Ganoon ba talaga kabilis magbago ang isipan nito?

"Bakit bigla mo yatang naisipan na mag-date? Anong nangyari?" marahan niyang tanong. Ayaw niyang masyadong mag-assume. Baka mamaya ay madismaya siya na may higit pa sa dinner date na iyon. It might not be romantic on his part. Kailangan niyang kalmahin ang puso niya.

"Us. Our marriage. Our baby. Matapos ang pagtatalo nating dalawa, na-realize ko na hindi pwedeng magpatuloy ang pagsasama natin gaya ng ginagawa natin sa isa't isa. Masyado tayong detached sa isa’t isa. As if… as if we didn’t really exist together. Our marriage won't work that way."

"So you want our marriage to work?"

Naging tensiyonado ang mga labi nito at nagdikit. "My way. When I married you, I thought you were out of control. Na hindi mo kayang magdesisyon ng tama para sa sarili mo at sa magiging anak natin. Kaya lahat ng gawin mo, lagi kong kinokontra. Lagi akong umiisip ng ibang paraan na sa palagay ko ay mas makakabuti sa iyo at sa anak natin."

"Wala kang tiwala sa akin?" aniyang di maitago ang sakit sa boses.

"At wala ka rin namang tiwala sa akin. Kaya mo nga ako iniwan dati, hindi ba? I am just a warm body for you. Not to be trusted. Not fit for a real relationship with you,” anito sa mapait na boses at nakita niya ang tigas sa mga mata nito na parang nilalabanan nito ang sakit.

Muntik na siyang mapangiwi nang maalala ang mga sinabi niya kay Vance noon. Masakit nga naman sa ego nito ang ginawa niyang pagtapak-tapak sa pagkalalaki nito.

"I have my reasons," she said in a clipped voice.

She was so mad and scared then. She just wanted to lash out. She just wanted to get out. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya bago pa siya higupin muli sa kawalan kung saan siya minsang namalagi nang unang beses silang magkahiwalay. It was self-preservation on her part.

Nagkibit-balikat ito. "I can't really blame you. You have reasons to hate me after all. Pakiramdam mo ay di ako mapagkakatiwalaan. Akala mo lagi akong may ulterior motive sa iyo at lagi kang gugulangan.”

"Sa kabila ng lahat, sinubukan kong maging mabuting asawa sa iyo, Vance. Sinunod ko ang lahat ng gusto mo dahil gusto kong ipakita sa iyo na pwede pagkatiwalaan bilang asawa mo. I really tried, Vance."

"Naiintindihan na kita. Ang kagustuhan mong magtrabaho, ang gusto mong magkaroon ng sariling identity at kung ano ang pakiramdam ng isang buntis kapag nakakulong lang sa bahay at kina-coddle ng asawa niya habang de-numero ang kilos."

"Naiintindihan mo ako? Talaga?" paniniyak niya. Gusto lang niyang maging sigurado dahil baka ngayon ay okay sila pero bawiin din nito ang lahat ng kalayaang ibinibigay nito sa kanya.

"Yes. I-I asked Judith. May ganyan din silang problema ng asawa niya dati. Ayaw din daw siyang magtrabaho at gusto lang nasa bahay siya lalo na nang magbuntis siya.” Pinagsalikop ni Vance ang mga palad. “You see, lalaki kami. Natural lang sa amin na gustuhing alagaan ang asawa at anak namin. Pinalaki ako ng tatay ko na iyon ang nakatanim sa utak ko. Na kailangang alagaan ko ang asawa at anak ko. Hangga’t kaya ni Papa, ayaw niyang mahirapan si Mama. Ayaw niyang magtrabaho. And I am trying my best to do just that. Simpleng housewife lang si Mama pero masaya siya na alagaan kami ni Papa. Di ko sinasabing maging simpleng housewife ka lang. Ang gusto ko lang talaga ay magpahinga ka habang nagbubuntis ka.”

“Pero magkaiba kami ng kondisyon ng Mama mo. Ang alam ko, napagkasunduan nila iyon ng Papa niya. She decided to be a housewife. The rules were not imposed on her,” aniya sa malamig na boses. And his parents got married because they were in love. Handang mag-adjust ang mga ito para sa isa’t isa. Para sa pangangailangan ng pamilya ng mga ito.

Ibang-iba sa sitwasyon nila ni Vance. They hated each other. Wala silang tiwala sa isa’t isa. Habang gumagawa ang bawat isa ng paraan para bumuti ang pamilya nila, pakiramdam din nila ay ginagawa iyon para pasakitan ang isa’t isa. It was a messy relationship. Not healthy.

“Yes. Akala ko ay madaling intindihin iyon sa lahat ng babae. Na automatically kapag nagbuntis ay mas dapat pumirmi sa bahay. Sabi ni Judith ay depressing sa mga babae kung pakiramdam nila ay wala silang silbi. I can't be too Neanderthal about it. Na kung gusto ko daw mag-work ang pagsasama natin, I must make you feel worthy. Sabi ng asawa ni Judith sa akin na kung ayaw ko daw na pumangit ang magiging anak ko, kailangang ibigay ko daw sa iyo ang gusto mo. With my minimum supervision, of course,” anang si Vance na may kasiyahan sa boses. Mukhang di lang ito napipilitang sumang-ayon sa mga advice dito ng sekretarya nito at ng asawa nito.

"At iyon ang ginagawa mo nitong nakakaraang araw. And I am thankful for that. Kaya kung gusto mong magtrabaho, hindi na talaga ako kokontra."

"Hindi ka napipilitan lang?"

"Ayokong pumangit ang magiging anak ko,” sabi ni Vance at humalakhak. “Mood swings on pregnant women are bad enough. At dahil na rin sa pagbabago ng katawan at frustration sa dami ng bagay na di ninyo pwedeng gawin at kainin, nagdudulot iyon ng depression. I am sorry. Hindi ako naging maunawaing asawa sa iyo. Pero ibinibigay ko sa iyo ang kalayaan mo na gawin ang kahit anong gusto mo. Now that we are talking and more open with each other, I trust that you will prioritize our child’s welfare before anything else. Iyon lang naman ang gusto ko. I want you to stay healthy and happy. At kung may desisyon ka ay mapag-uusapan nating dalawa. Wala tayong itatago sa isa’t isa.”

"Thank you,” usal niya at nakadama ng luwag sa dibdib.

Malaking bagay sa kanya ang kumpirmasyon nito na gusto siya nitong muling pagkatiwalaan. Sa wakas ay naramdaman nito ang sincerity ng lahat ng ginagawa niya, sapat para pagkatiwalaan siya nitong muli. Pakiramdam niya ay tuluyan na nitong binubuksan muli ang gate sa puso nito na minsan nang nagsara.

"At naisip ko na lagi ka na lang nasa bahay. Hindi na kita naaasikaso. Hindi na rin tayo nagkakausap katulad nito. O sa kahit na ano. Partly, may kasalanan ako kung bakit nararamdaman mo na parang mag-isa ka lang. W-We are not a normal couple. I also hate what we have become. We were close once. Nasasabi natin ang gusto natin sa isa't isa. Nakakapagkwentuhan tayo sa kahit na anong topic.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.