Chapter HNL 125

“Yes. We can discuss your work and I can bore you with my take on history of the world, my excavation adventures,” aniya at nangingiting inikot ang mga mata.

Hinaplos ng daliri nito ang likod ng palad niya. “You know that you never bore me. Lahat ng nai-kwento mo sa akin mula pagkabata ka pa ay natatandaan ko. I think you are most beautiful whenever you tell stories about your discoveries and how much you adore your mummified pharaoh, the love of your life. Your eyes light up whenever you talk about those. And I miss that about you.”

“At nami-miss ko rin na nakikinig ka sa akin. I really enjoy it whenever you ask me about how my day was, kung anong mga plano ko pa at mga lugar na gusto kong i-explore,” sabi naman niya.

Kung alam lang nito na miss na miss na rin niya ito. May mga gabi pa nga na nakaupo lang sila ay yakap siya nito mula sa likuran hanggang makatulugan na nila ang pagkukwentuhan.

At hindi nito alam na dati pa niya na-outgrow ang kabaliwan niya sa mga mummy. Ito na ang love of her life. They missed so much. Ilang buwan na parang estranghero ang trato niya sa isa’t isa ay marami na siyang pinanghihinayangan na panahon.

Inangat nito ang kamay niya at kinintalan ang likod ng palad niya. “Gusto kong subukan ulit. Gusto kong pagkatiwalaan ka. Na pareho nating gustong maayos ang pagsasama natin. We have good times together. Nasa iyo kung...gusto mo akong pagkatiwalaan."

Lumunok siya. She felt really emotional at that moment. "Of course. Gusto ko. And I am really trying to trust you…again.” Nang bitawan niya ang huling salita ay saka niya natuklasan na pinipigilan niya ang paghinga niya.

Gusto niya noong mga panahon na bukas ang puso niya dito. But she was willing to risk it. That she was happy about giving him her whole heart without caring that she might get hurt. Baka pwede pa nilang subukan ulit iyon. And she wanted to start their forever tonight.

Binasa niya ang pang-ibabang labi. “I mean, makakabuti sa anak natin kung maging magkaibigan tayo bilang mag-asawa.”

“Friends?” gulat nitong tanong.

“D-Di ba iyon naman ang gusto mo? Kasi noong magkaibigan tayo, nasasabi natin ang gusto natin sa isa’t isa. W-Walang masyadong pressure at walang masyadong expectations. Hindi ba okay iyon?”

Okay. That was safe… and stupid. Sa sobrang takot niyang huwag isipin ni Vance na nag-a-assume siya ay nag-suggest siya na maging magkaibigan sila nito. Sino bang matinong babaeng mahal ang asawa niya na gustong maging magkaibigan lang sila?

Only a stupid girl like Phoenix would do that. She asked him to be Vance’s friend when all she wanted was for him to kiss her and make love with her and never let her go.

E sa friendship lang ang kinayang anggulo ng dibdib niya. She couldn’t ask Vance or demand that they would be lovers again and have a normal marriage. Siya itong babae at wala siyang ganoong lakas ng loob at kapal ng mukha. Kung gusto ni Vance na magkaroon sila ng normal na pagsasama, kailangan ay ito ang mag-effort at manguna. He must make the moves. Kahit paano naman ay sinagip niya sa kahihiyan ang sarili niya nang hindi niya ipagduldulan ang sarili niya dito. Ayaw niyang masyadong magpadala sa mga pangyayari sa gabing iyon.

Sumimsim ito ng wine at hinintay niya kung sasagot ito na gusto nitong maging magkaibigan lang sila o gusto na nitong totohanin ang pagsasama nila nang isang violinist ang nangharana sa tabi nila. Pumailanlang ang instrumental cover ng love song na Wanna Take Forever Tonight.

Oh, drat! How awkward. Heto siya at kasasabi lang niya na gusto nitong maging magkaibigan lang sila sabay may tutugtog ng love song sa tabi nila. She felt like she ruined a romantic date.

Way to go, Phoenix! Now that’s a perfect way to ruin a date that you haad always dreamt of. Wrong timing. You should have kept your mouth shut.

Tumayo si Vance at inalok ang kamay sa kanya. “Dance with me.”

Hindi agad nakapagsalita si Phoenix. Hindi niya inaasahan na aalukin pa siya ng asawa niya na magsayaw. Saka di pa niya nakukuha ang kumpirmasyon nito kung anong gusto nitong mangyari sa pagsasama nila. Kung approve o reject dito ang ihinain niya na gusto niyang maging magkaibigan muna sila.

“Pero…”

Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya sa unang senyales pa lang niya ng pagtutol. “Kusa ka bang tatayo o gusto mong halikan na lang kita? I don’t really mind kissing you all night long, wife.”

Biglang tumigil ang tibok ng puso niya nang magsalubong ang mga mata nila at saka nito ibinaba ang mga mata sa labi niya. She felt her lips quiver as if he already kissed her even without their lips touching. Would she give in to the temptation?

Saka niya naalala na hindi pa niya naranasang makipagsayaw dito. Hindi siya mahilig makipagsayaw. Kapag dumadalo siya sa mga party ay kadalasan lang siyang nakaupo sa isang tabi at di nakikipagsayaw sa iba. When Vance married her, they didn’t get the chance to have a wedding dance. Ito nga ang unang beses na niyaya siya nitong magsayaw. She didn’t really want to miss this chance.

“Yes,” nausal na lang niya. Makakapaghintay naman ang halik nito.

Inalalayan siya nito na tumayo at hinawakan ang baywang niya habang hawak ang isang kamay niya. Matapos ang ilang hakbang ay hinapit nito ang katawan niya palapit dito.

“Vance, if there’s one thing I am not good at, it is dancing. Alam mo ba na ilang beses na akong muntik bumagsak sa P.E. at nagpalit ng ibang sports dahil dito?” tanong niya sa asawa at tumingala.

“Hindi mo naman ako P.E. teacher. We will just dance.” Hinaplos nito ang likod niya. “Relax. Hindi kita ibabagsak. Hindi naman kumpleto ang date natin kundi kita maisasayaw.” Isinandig nito ang ulo niya sa dibdib nito. “Just close your eyes and listen to the music. I will do the rest.”

Sumunod siya dito at ipinikit ang mga mata niya. Kinintalan nito ng halik ang noo niya at naramdaman na lang niya na umiindayog ang katawan niya kasabay ng musika. She also found herself humming and she was starting to relax. Nakatulong din ang haplos ni Vance sa likod at balikat niya.

“See? It isn’t so bad. Kaya mo namang sumayaw,” bulong ni Vance at nahimigan niya ang ngiti sa boses nito.

“I don’t really dance socially. Naalala ko noong JS prom namin, may kaklase ako na inireklamo ako dahil naapakan ko ang paa niya. Gusto daw niya na i-suspend ako dahil doon,” aniyang di maiwasang matawa.

“Siguro hindi mo alam na muntik ko nang bangasan ang kaklase mo na iyon. Hindi lang siya magaling magdala ng ka-partner. Hindi ko alam kung bakit pumayag kang maging partner siya sa prom. Nag-offer naman ako na ako na lang ang maging partner mo dahil pwede naman ang outsider, di ba?”

Dumilat siya at tiningala ito. “Hindi ba ayoko nga sa iyo dahil feeling ko robot ka na utusan ni Tito Mauricio? Baka kung anu-ano pa ang isumbong mo sa kanya. Saka gagawin at gagawin ko ang lahat makaiwas lang sa iyo.”

“Kung pumayag ka na lang sana na ako ang partner mo sa prom, hindi sana tragic ang prom experience mo. Nag-enjoy ka sana noon.”

Lumabi siya. “Hindi rin. Kung ikaw ang isinama kong ka-partner, tiyak na walang ibang kaklase ko ang makakalapit. At tiyak na magiging wallflower lalo ako dahil pagkakaguluhan ka ng mga girls. Maiiwan lang akong mag-isa sa isang tabi.”

“I would never treat you that way. Hindi kita iiwan kung ako ang escort mo at hindi rin kita ipapa-suspend kapag natapakan mo ang paa ko. I will make sure that you will enjoy dancing with me.”

“Hindi naman na natin maibabalik ang panahon kaya di ko malalaman kung mae-enjoy ko ang JS prom ko kung ikaw ang escort ko.”

“Pwede mo pang i-experience ang JS prom mo ngayon. Pero siyempre ako na ang escort mo.”

“Paano?” tanong niya at tiningala ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.