Lumingon si Vance sa violinist at nag-fade ang unang piyesang tinugtog nito. Napalitan iyon ng isang bagong piyesa na pamilyar na pamilyar sa kanya at siyang ultimate theme song ng sinumang uma-attend sa JS prom. Dumilim ang paligid hanggang ang maliliit na ilaw na lang ang tumatanglaw sa kanila. Animo’y nasa gitna sila ng kagubatan at may mga alitaptap na nagliliparan sa paligid nila.
“King and Queen of Hearts?” usal ni Phoenix nang makilala ang awitin. “Kailangang iyan talaga ang tugtog natin?”
“Bakit ka natatawa?” tanong nito at pinisil ang ilong niya. “E sa iyan naman ang tinutugtog kapag JS prom.”
Humagikgik siya. “Ewan ko. Nako-kornihan ako. Parang kinikilabutan lang ako na iyan ang tugtog tapos matanda na ako. Para sa mga bata lang iyan. I mean, can you imagine us attending the prom with me pregnant? And that was eleven or ten years ago.”
Lumungkot si Vance. “You are hurting my feelings. Pinag-isipan ko pa mandin iyang mabuti. Samantalang iyan ang kantang pangarap na isayaw ng lahat ng mga babae.”
Vance looked visibly hurt. Malungkot na ang anyo nito at saka niya na-realize na di birong effort ang ginawa nito para lang pasayahin siya sa gabing iyon. It was a new start for both of them. Pati hindi masasayang alaala ng nakaraan niya ay pinapalitan nito ng masasayang karanasan.
Yumakap si Phoenix sa leeg ni Vance. “I am sorry. Hindi sa hindi ko naa-appreciate ang ginagawa mo. I am just not used to this. Kahit na bumalik ako sa high school, hindi ko yata maisip na isasayaw ako ng isang guwapong lalaki na katulad mo.”
“You better believe it. You are here in my arms now. Huwag mong isipin na hindi totoo ang lahat ng ito ngayon.”
“Ngayon pa lang unti-unting nagsi-sink in lahat sa akin. Hindi ko lang ine-expect itong sorpresa mo.” Hindi pa rin bumabalik ang ngiti sa labi nito. “Vance, nagtatampo ka pa rin sa akin?”
“Iniisip mo pa rin na corny ang ginagawa ko para sa iyo.”
Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. “Hindi na. Hindi na corny. Kinikilig nga ako. Ngayon lang may guwapong katulad mo na nagsayaw sa akin. Nagpapasalamat talaga ako…”
Iniwas lang nito ang tingin sa kanya. “How sarcastic.”
Aw! Masama nga ang loob nito sa kanya. Kasi naman. Bakit pa ba niya sinabi na corny ang King and Queen of Hearts? Malay din ba niyang may pagka-sensitive pala itong si Vance. Sa susunod talaga ay kailangan din niyang maging maingat sa mga sinasabi niya. Matapos nga naman ang lahat ng effort nito para pasayahin siya ay iyon pa ang mapapala nito – ang masabihang corny. That would mar his confidence when it comes to making women happy and making them fall on his feet.
Bumuntong-hininga siya. “Anong kailangan kong gawin para makabawi ako sa iyo at hindi ka na magtampo sa akin?”
Tumingin ito sa kanya, seryoso pa rin ang anyo. “Try kissing me. Let’s see if it will make me feel better.”
“Okay,” aniya at tumingkayad.
Hinintalan niya ng halik ang pisngi nito. Nang di pa rin ito ngumiti ay sa kabilang pisngi naman niya ito hinalikan. At nang di pa rin gumalaw ang labi nito ay ang dulo ng ilong naman nito ang dinapuan ng labi niya.
Nakita niya na nakapikit na ito at bahagyang nakangiti. “Okay na?”
Nanatili itong nakapikit at itinapik ang hintuturo sa ibabaw ng labi nito. “Sa lips pa,” anitong may pigil na pilyong ngiti sa labi.
Ahhh! Pumaparaan talaga ito. Mas mabuti nang ito ang nanghingi ng halik kaysa naman siya. At willing naman siyang ibigay dito ang gusto nito.
Mariin niyang hinalikan ang labi nito. Nang tatangkain nitong palalimin ang halik ay dali-dali siyang bumitaw.
Tuluyan nang dumilat ang mga mata nito at parang inaapuhap pa ang labi niya. “Bakit ganoon lang? Hindi torrid?”
Pabiro niyang pinisil ang ilong nito. “Naughty boy! Nasa JS prom tayo. Bawal ang torrid kissing. Gusto mong maipatawag ako sa principal’s office,” paalala niya dito.
“Pero hindi naman ito totoong JS prom…” angal nito.
“JS prom ko sa gabing ito.” Yumakap ulit siya sa leeg nito. “Let’s just enjoy the song. Okay?”
Saka siya humilig ulit sa dibdib ni Vance at hinayaan silang tangayin ng nakakahalinang musika mula sa violin. Kung si Vance siguro ang nagdala sa kanya sa prom at hindi ibang lalaki, tiyak na noon pa lang ay in love na siya dito. She won’t stand a chance.
Matapos magsayaw at kumain ay nakahanda ang mainit na tsaa at kape para sa kanila sa tabi ng waterfalls. Bumalik sila ni Vance sa pagku-kwentuhan sa kung anu-anong bagay. Parang walang nagbago sa kanila. Animo’y walang nangyaring di pagkakaunawaan sa kanila. Walang buwang lumipas na di sila nagkasama o mga araw na kinamumuhian nila ang isa’t isa at di nila nagawang magtiwala sa isa pa.
Sana ay lagi silang ganito ni Vance. Marami talagang nasasayang na pagkakataon kapag mas inuuna ang galit at sama ng loob. Kahit na araw-araw siya nitong i-date doon at sayawan at kantahan ng King and Queen of Hearts ay hindi siya magsasawa. Of course, di na niya ito sasabihan ng corny. Kung aalisin ang kakornihan ng ginawa nito, napaka-romantic naman talaga ni Vance. Any girl would be lucky to have him as her husband.
Hindi na niya napansin ang paglipas ng oras. Napahikab na lang siya habang ikinu-kwento nito ang kalokohan nito noong bata pa ito at kung paano itong habulin ng palo ng nanay nito dahil sa pagiging pasaway.
“Mukhang bored ka na sa kwento ko,” sabi nito at bahagyang nag-alala.
“No. Sorry. Inaantok lang talaga ako,” aniya at luminga sa paligid. “Anong oras na ba?”
“Alas onse na,” anang si Vance nang tingnan ang Philippe Patek nitong relo. “Kailangan na nating umuwi para makapagpahinga na kayo ni Baby.” At inalalayan siya nito na tumayo.
Parang lumulutang si Phoenix at magaan ang mga hakbang niya hanggang makalabas ng restaurant. Hindi naaalis ang ngiti niya kahit na medyo inaantok na siya. Kung pwede nga lang ay hindi na matapos pa ang gabing iyon.
Nakahilig lang siya sa dibdib ni Vance at hinahaplos nito ang buhok niya habang bumibiyahe sila pauwi. “Kung wala ka lang curfew, marami pa sana tayong ibang pupuntahan. Maraming magagandang sights sa area na ito kahit na disoras ng gabi.”
“Curfew?” tanong niya at tumingala.
“Dati siguro si Ninong Mauricio ang curfew mo. Ngayon ay baby naman natin. Kailangan tulog ka na nang ganitong oras.”
“It is okay. Nag-enjoy naman ako sa date natin. Pwede naman next time kapag hindi ka busy.”
“Next time hindi na masyadong corny ang gagawin ko.”
“Kahit na corny naman naa-appreciate ko ang ginawa mo. At kung corny man ang gagawin mo next time, hindi na lang ako magsasalita.”
“So, okay lang magpaka-corny ako next time?”
“Huwag lang masyado. Dapat slight lang,” nangingiti niyang usal.
Nang dumating si Vance ay ihinatid siya nito hanggang sa mansion. Hindi niya maipaliwanag pero parang may kuryente na gumagapang sa katawan niya habang hawak nito ang kamay niya. Kung pwede lang ay huwag niyang bitawan ang kamay nito.
“Thank you, Vance. I really enjoyed everything you did tonight,” Phoenix said then gave him a peck on the cheek.
If only this night would lead to something else. To something more than just goodnight and peck on the cheek. Pero kailangan na niyang magtiyaga kung ano ang kaya nitong ibigay.
Akmang bubuksan na niya ang kuwarto niya nang itukod nito ang kamay sa pinto at hinarangan siya. “Sandali. Hindi ba tapos na ang JS prom mo at naihatid na kita?”
Marahan siyang tumango. “Yes. Bakit?”
“It means I can kiss you goodnight properly.”
“What do you mean properly?” tanong niya.
“This.” Then his mouth was on hers.
Mistulang gutom na gutom ito sa paghalik niya at nag-uutos na sumagot siya. His tongue stroked inside her mouth, intertwining with hers, teasing her. Nagbaga ang katawan niya dahil sa pangungulila dito at niyakap si Vance.
She had been longing for this kiss for a long time. Na parang napakaraming taon siya nitong di hinagkan. She was craving for Vance and his touch and his kisses. Hinaplos niya ang buhok ni Vance at lalo nitong pinalalim ang halik.
Naramdaman niyang binuksan nito ang pinto at ang pagbigay niyon sa likod niya pero mabilis siyang sinapo ni Vance nang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Her body was starting to burn. Mistula siyang tuyong damo na tinamaan ng kidlat at ngayon ay kinakalatan na ng lumalagablab na apoy.
Dumako ang labi nito sa tainga niya. “You are driving me crazy, Phoenix. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal na malapit sa iyo pero di man lang kita nahahalikan o nayayakap o inaangkin.”
She opened her lust-hazed eyes. Pakiramdam niya ay umiikot ang painting sa kisame habang naglalakbay ang labi ni Vance sa leeg niya. “So do I. So do I.”
Forget about the pride. Forget about the faux friendship that she asked from him a while ago. She wanted this man to make love with her again. At sa pagkakataong ito ay ibibigay niya ang lahat ng emosyon na nararamdaman niya.
His tongue was delicious it made her crave for more. Umungol ito bago sumalakay ang dila nito sa labi niya. Nang hinaplos niya ang leeg ni Vance ay naramdaman niya ang pulso doon. At natitiyak niyang kasing bilis din iyon ng tibok ng puso niya.
Bahagya niyang inangat ang sarili at naghiwalay ang labi nila. Narinig niya ang paghigit nito ng hininga at idinikit nito ang noo sa noo niya. “Phoenix…”
“Yes?” tanong niya habang pinipigilan ang paghinga.
"Goodnight."
"Goodnight?" usal niya. Naramdaman niya na lumayo ito sa kanya. Nawala rin ang init ng katawan nito at narinig niya ang pag-ingit ng kama.