Nagpa-panic siyang dumilat. Nakita na lang niya na nakatayo na sa gilid ng kama si Vance. He didn’t look like he had any intentions to make love with her anymore.
"Yes. You must rest. Masyadong mahaba ang araw na ito para sa iyo. I-I have to go."
Nakatigagal na lang si Phoenix habang pinagmamasdan si Vance na inaayos ang damit nito. Tapos na. Tapos na ang gabing iyon para sa kanila. He kissed her passionately then he suddenly wanted to stop everything.
She thought he wanted to make love with her then he suddenly didn’t want to anymore. Pakiramdam niya ay pinaasa lang siya nito. Sinindihan nito ang apoy sa katawan niya sabay basta na lang siyang binuhusan ng tubig. At iyon mismo ang naramdaman niya. Parang binuhusan siya ng nagyeyelo sa lamig na tubig. Pakiramdam niya ay tumatagos ang panlalamig hanggang sa kaibuturan ng pagkatao niya. Ayaw nito sa kanya. At isang malaking sampal iyon sa pagiging babae niya.
"I get it,” nausal na lang ni Phoenix sa malamig na boses nang sa wakas ay makabawi siya.
Kumunot ang noo ni Vance. "What?"
Tiningnan niya ito sa malamig na mga mata habang umiiyak naman ang puso niya. Inilahad niya ang mga kamay at bumangon. "I am pregnant. I am not desirable anymore.”
Natigagal ito na parang nagulat pa ito sa sinabi niya. “A-Ano bang sinasabi mo? Of course that’s not the reason why I must to stop. I am not saying that you are not desirable anymore…”
Hindi niya pinansin ang pag-apela nito. Matanda na siya. Hindi na siya nito kailangang paikutin at bola-bolahin. Tanggap naman niya ang realidad. She was pregnant. She was not desirable. Marami ngang lalaki ang nawawalan ng gana sa mga asawa ng mga ito kapag nabuntis na, hindi ba? At hindi siya naiiba sa kasong iyon.
Masakit na masakit pero pilit na lang niyang tinatatagan ang loob niya. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa pinto saka binuksan iyon. “Lumabas ka na lang, Vance. Gusto ko nang magpahinga.”
“Just give me a chance to explain. Ang nangyari kanina ay…”
Yumuko siya. “I am really tired. Good night!"
Nang lumabas ito ng kuwarto ay saka niya pabalabag na isinara ang pinto. Parang naubusan siya ng lakas nang sa wakas ay humiga sa kama at tahimik na umiyak.
Her heart was breaking so badly. Pakiramdam niya ay napaka-istupida niya. Hindi na talaga siya nadala pagdating kay Vance. Kaunting pagpapakita lang nito ng sweetness sa kanya ay lumalambot na siya dito. Kaunting paglalambing lang nito at nai-date lang siya ng konti ay tuluyan na niyang binuksan ang puso niya dito. At kaunting halik lang nito ay handang-handa na naman siyang ibigay ang sarili dito nang walang pag-aalinlangan. At ano ngayon ang napala niya? Vance rejected her.
Iniisip tuloy niya kung ayos lang na nagkasundo sila. Kahit paano noong hindi pa sila okay ay ayos lang sa kanya kung ayaw nito sa kanya. But he showed a glimpse that he desired her only to be pushed away. Oo, wala itong interes sa ibang babae pero ayaw din naman nito sa kanya.
And her biggest problem was she didn’t know how to stop wanting him. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang sakit na ito.
"THIS will be our next project. An undiscovered pyramid in the middle of the desert of Egypt. Kung nandito ka, I am sure excited ka nang maghukay."
"Oo nga. Nakaka-miss na iyan,” malungkot na usal ni Phoenix habang tinitingnan ang satellite images na ipinadala ng kaibigang si JK sa kanya. Hindi niya maalis ang tingin sa mga kuwadradong istraktura na nakabaon sa ilalim ng disyerto sa liblib na bahagi ng Egypt. "Paperworks can be boring sometimes."
Well, most of the time. May pagkakataon gaya nito na may bagong discovery ang mga dating kasamahan niya ay parang nangangati ang kamay niya na magbungkal ng lupa. Sa loob ng maraming taon nasanay na siyang magtrabaho sa field at bangong-bango siya sa amoy lupa. Alam niyang sa bawat bungkal niya, ina-unearth niya ang mga sekretong kayamanan at kwento sa mundo.
Nitong nakakaraang araw ay hindi na siya ganoon kasaya kapag nakaharap siya sa computer. May malalim na lungkot sa puso niya. Di niya alam kung dahil nami-miss niya ang trabaho o gusto niyang makawala doon. Kahapon ay nakita niya ang pictures sa pit na nahukay ng mga kasamahan nila. A burial jar was unearthed there.
Bigla ay na-miss niyang humawak ng lupa. Sinubukan niyang magbungkal ng lupa sa garden. It lifted her spirit up a bit, pero biglang dumating si Vance. Nalaman siguro nito na naghuhukay siya sa garden. Hindi naman siya nito pinagalitan. Inakay lang siya nito palayo sa garden at tinanong kung gusto daw ba niya ulit na mamasyal.
"Better than nothing, my friend. Ikaw naman itong malapit nang magka-baby."
Hinaplos niya ang tiyan niya. Hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan pero ito naman ang naiinggit sa kanya dahil magkakaanak na siya. Ibang klaseng saya ang nararamdaman niya tuwing sumisipa ito sa sinapupunan niya na parang excited na itong lumabas sa mundo. He or she would have two loving parents...who didn't love each other. O mas tamang sabihin na di siya mahak ng ama nito. He didn't even desire her.
"Uhmmm... kumusta na kayo ni Vance?" tanong ng kaibigan.
“Okay lang. We are… good. Hindi naman kami nag-aaway,” aniya at pilit na pinasigla ang boses. Mabuti na lang at nasa voice chat lang sila ng kaibigan kaya hindi nito nakita ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi niya alam kung dapat niyang i-discuss dito ang totoong relasyon nila ni Vance. That after a romantic date at Palace Garden and a torrid kiss that nearly lead to love making, he just left her cold and said goodnight. He left her hanging and the message was clear – he didn’t want her.
Hindi nakakatulong ang magandang pakikitungo nito sa kanya nang nakakaraang araw. Noong weekend ay idinala siya ni Vance sa Tagaytay at nag-overnight sila sa isang hotel doon, on separate rooms, of course. She felt emptier than ever. He was polite, he was nice, he was romantic, but that was it. Hindi na tumatagos sa puso niya ang lahat ng ginagawa nito para sa kanya. At hindi na rin ito nag-attempt na halikan siyang muli gaya noong una.