His kindness was slowly killing her. Mas gusto niya noong magkaaway pa silang dalawa. Kaya niya itong tikisin. She was always on defensive. Paano naman siya magiging defensive ngayon kung pagkabait-bait ni Vance. Nag-e-effort ito na maging mabuting ama sa anak nila at asawa sa kanya. He was trying his best to make her happy. Pero sa bawat kabaitan nito, palungkot lang siya nang palungkot. Dahil alam niyang hindi naman siya nito mahal o pinagnanasaan man lang. She didn’t know how she could live with that.
“May inililihim ka yata sa akin,” naghihinalang sabi ng kaibigan. “So… did you do it?”
“What?” inosente niyang tanong.
“The cowgirl position.”
“No way!” bulalas niya. Sinapo niya ang dibdib at nadama niya ang mabilis na tibok ng puso niya. “Luka-luka ka talaga! Walang nangyari sa amin. We are just… just okay. We are friends. Nandito kami para sa anak namin. Mahalaga magkasundo kaming dalawa. Hindi namin kailangan ng sexual relationship para maging masaya. Okay na kami. Period.”
“Ang dami mo namang sinabi. Masyado ka yatang defensive. Siguro ikaw ang tumanggi kay Vance. Pa-virgin ka na naman.”
Kung alam lang nito, kulang na lang ay ialok niya ang sarili niya kay Vance. But he didn’t want her. Ito ang umaway sa kanya. He led her on, para sa huli ay ipagduldulang hindi ito interesado sa katawan niya. Maybe he tried if he could still want her. Pero sa huli ay hindi rin nito kinaya. Ganoon na nga siguro siya kapangit at ka-disfigured para ayawan nito.
"Ma'am, pinapasabi po ni Sir Vance na gabi na siyang uuwi. Huwag na daw po ninyo siyang hintayin at maaga daw po kayong matulog."
Tumingin siya sa labas ng bintana. Malakas ang ulan at hangin dahil sa paparating na bagyo sa gabing iyon. “Sabihin mo umuwi na siya agad. Saka na ang trabaho niya dahil baka ma-stranded pa siya sa opisina kapag dumating ang bagyo.”
May signal number two na bagyo na dadaan sa Metro Manila kaya naman nagsisimula nang umulan sa labas at madilim ang langit. Nitong huli ay ginagabi na naman ito ng uwi.
“Uy! Bumabagyo pala diyan,” sabi ni JK nang makaalis na si Aling Coring. “Masarap may kayakap mamayang gabi dahil malamig ang panahon. Hindi ka mayayakap ng basta friend lang sa malamig na panahon. Kailangan mo ang init ng katawan ng isang hot na lalaki at tunay na pagmamahal. Yihaaa! Go, cowgirl!”
Mariin siyang pumikit. Gusto na lang niyang burahin ang imahe sa isipan dahil alam niyang malabo iyon na mangyari. “Sige na. Kailangan ko na ring maghanda ng hapunan para sa asawa ko.”
“May chance ka pa para mag-cowgirl,” pahabol pa ng kaibigan bago tapusin ang chat nila.
Hindi siya komportable na kausapin ito tungkol sa problema nila ni Vance. Sa palagay naman niya ay wala naman itong maitutulong sa kanya. Masyado ring malaking kahihiyan na ayaw sa kanya ng lalaking pinakasalan niya. Parang sinasampal pa rin siya sa mukha tuwing maiisip niya ang pagtanggi ni Vance sa kanya.
Maaring i-suggest lang ng kaibigan niya na akit-akitin niya si Vance dahil ang iniisip nito ay siya ang tumanggi. But that was not the case. Mababa ang self-esteem niya. Hindi niya maaakit ang asawa niya.
Kaya pala maraming buntis na babae ang nade-depress dahil pakiramdam ng mga ito ay hindi na maganda ang mga ito. Gulping-gulpi na ang puso at pride niya ngayon. At para ulitin pa itong ikwento sa kaibigan niya ay parang paulit-ulit lang niyang sinampal ang sarili niya. Mas mabuting kimkimin na lang niya.
She was not that excited to cook like before. Bagamat nagugustuhan pa rin naman ni Vance ang luto niya at pinupuri nito, hindi na napupuno ng saya ang puso niya. Hindi katulad dati na kahit sinusungitan siya nito kapag nalamang siya ang nagluto, masaya pa rin siya at paulit-ulit iyon na gagawin. Hindi na tulad ngayon na parang wala na siyang drive. Pagod na pagod na siya. Hindi niya alam kung paano mawawala iyon.
Saktong alas siyete ng gabi ay nakahain na ang hapunang ihinanda niya. Dati alas sais y media pa lang ay nandoon na si Vance. Tumatawag ito kung nasa daan ito pero sa pagkakataong ito ay wala itong paramdam.
Lumipas ang kalahating oras at wala pa rin itong paramdam sa kanya. Nagsisimula na siyang manlamig katulad ng hapunang nakahain sa harap niya. Mukhang hindi na ito dadating.
“Ma’am, tinawagan ko na po si Sir Vance pero di po sumasagot,” anang si Manang Carmella na hawak pa ang wireless phone. “Baka po nasa gitna ng meeting iyon. Kumain na lang po siguro kayo, Ma’am. Baka po magutom kayo ng baby.”
Tiningnan niya ito sa malamig na mata at marahang tumango. “Sige po. Pakisabi na lang po sa lahat na samahan akong kumain. Malungkot po kasi na kumain na mag-isa habang malakas ang ulan,” aniya at tipid na ngumiti. “Ipagtira na lang po natin ng hapunan si Vance.”
“Sige po,” sabi ni Manang Carmella at tinawagan ang iba pang mga kawaksi. Nang mapuno ang mesa ng mga kasambahay ay mas nakadama siya ng init. Kahit paano ay saglit niyang nakalimutan si Vance lalo na at puro biruan ang mga ito habang kumakain. Wala siyang ginawa kundi tumawa.
Bumalik lang ang panlalamig niya matapos ang hapunan at wala pa rin si Vance. Pasado alas nuwebe pa lang ng gabi ay nakahiga na siya sa kama. Malamig ang gabi at nakakatamad na ring magtrabaho o magbasa-basa o gumawa ng kahit na ano. Pero ang totoo ay ayaw pa niyang maabutan siya nitong gising. Baka isipin pa nito na inaabangan niya ang pag-uwi nito. Tapos na ang panahon na itinapon niya ang pride para dito. Di na nito malalaman kung ano ang totoong nararamdaman niya. Na nasasaktan siya sa pagtratong ginagawa nito sa kanya. Ngingiti na lang siya pero di na niya ito tatratuhin na extra espesyal.
Maya maya pa ay narinig na ni Phoenix ang pagdating ng kotse nito. Pasado alas nuwebe na noon ng gabi. Tumalikod siya sa pinto nang maramdaman niya ang papalapit na yabag ni Vance papunta sa kuwarto niya. Naninigas siya sa pagkakahiga sa kama nang marinig ang pagkatok nito. “Phoenix, I am home,” narinig niyang sabi nito kasunod ang pagbukas ng pinto.
Pinigilan niya ang sarili na manigas ang buong katawan niya nang lumapit ang yabag nito patungo sa kama niya. Naramdaman na lang niya na nakatayo ito sa likuran niya. Hindi siya halos humihinga. Bakit kailangan pa niyang maabutan nito na gising? Ngayon ay hirap na hirap siyang magpanggap na tulog.
Naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Anong gagawin nito sa kanya ngayon? Hahalikan siya nito? Bakit naman siya nito hahalikan? Mas desirable siya kapag tulog?
Huwag kang masyadong umasa. Masasaktan ka lang, payo niya sa sarili. Hindi ba harap-harapan ka na nga niyang tinanggihan?
Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa noo niya. “Goodnight, Phoenix!” Naramdaman niya ang paghaplos nito sa umbok ng tiyan niya. “Goodnight, baby.”
Nanatili siyang nakapikit at hindi gumagalaw hanggang lumabas ito ng silid. Saka lang kusang tumulo ang luha niya sa mga mata nang sumara ito ang pinto. Hindi niya alam kung bakit kakaibang emosyon ang naramdaman niya sa halik nito. It was nothing carnal nor sensual. But she felt like he really cared for her and her child.
Sa huli ay pinalis din niya ang luha sa mata. Walang ibang ibig sabihin iyon. “Hormones. Just hormones,” usal niya at muling pumikit. Hindi niya pwedeng paasahin ang sarili niya. Hindi niya pwedeng dayain ang sarili sa nararamdaman nito para sa kanya.
Ayaw na niyang umasa. Parang lason lang ang pag-asa. Habang pinasasaya siya ay lalo lang siyang masasaktan sa huli. Ayaw na niyang mangarap. Kung kaya lang sanang kontrolin ang puso niya.