Chapter HNL 138

She sensed the bitterness there. Ang alam niya ay di maganda ang reputasyon ng Pantaleon Construction sa panahon ni Bill de Leon. Bagamat kumikita ay di ito nagkakaroon ng awards gaya nito. Bagamat walang kwentang lalaki si Maximo sa paningin, kahit paano ay magaling itong mamalakad sa kompanya. Patunay na naingat nito ang reputasyon ng kompanya nito mula sa di magandang reputasyon.

“We must go to our table,” sabi naman ni Vance. “It is nice to meet you, Mr. and Mrs. De Leon, and congratulations, Mr. Pantaleon.”

Nagpasalamat siya nang sa wakas ay akayin siya ni Vance palayo. Hindi siya kumikibo hanggang nakaupo na sila sa mesa at katabi ang pamilya nila Deutsch pati ang ibang mga taga-Villaviray Construction.

Uminom agad siya ng tubig pag-upo. “You okay?”

Lumunok siya at tumango. “I am okay. Basta siguro wala kaming pag-uusapang personal, okay lang ako.”

“Good,” anito at itinutok ang atensiyon sa programa.

Pilit na pinalis ni Phoenix si Maximo sa isipan. Nag-focus lang siya sa papalapit na speech ni Vance. Ginawaran ito ng Futurarc Green Leadership Award dahil sa pangunguna ng mga disenyo at paggamit ng materyales na makakalikasan.

Niyakap muna siya ni Vance at kinintalan ng halik sa pisngi bago magtungo sa stage. Kuntodo ang palakpak ni Phoenix dahil proud na proud siya sa asawa. Naramdaman niya ang magaang pagsipa ng anak niya at alam niyang maging ito ay nagchi-cheer kay Vance.

“The loudest clap out there is from my wife and our unborn baby,” pabirong sabi ni Vance at inilahad ang palad sa direksyon niya. Nagtawanan ang mga tao. “Thank you to AsiaMoney for the award. Sustainable and pro-environment – these are the vision of the former Mauricio Villaviray. And we are grateful that for three years now, you still bestow us this award. This award is the result of hardwork, commitment and inspiration. We wish to continue the legacy left by Mauricio Villaviray. Ninong, I know you are watching us from Heaven. I know you are smiling right now because all your dreams came true. Everything, this award, the accomplishment of Villaviray Construction, we lift it up to God. Thank you.”

Maluha-luha siya nang sa wakas ay bumalik na si Vance sa mesa nila. Kinamayan ito ng mga kasamahan at binati pero nang makita siya ay mariin siyang nitong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.

“Hey! You are crying,” nag-aalalang sabi nit

Maluha-luha siya nang sa wakas ay bumalik na si Vance sa mesa nila. Kinamayan ito ng mga kasamahan at binati pero nang makita siya ay mariin siyang nitong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.

“Hey! You are crying,” nag-aalalang sabi nito at pinunasan ng hintuturo ang luha niya.

“Nami-miss ko lang si Tito Mauricio. Sana nandito siya.”

Kinabig nito palapit ang katawan niya at isinubsob niya ang mukha sa tuxedo nito habang hinahaplos nito ang likod niya. “Nandiyan naman siya kahit hindi natin siya nakikita. At alam ko na masaya siya ngayon dahil magkasama na tayo at may mag-aalaga na sa iyo. At magkasama tayo di dahil sa mana niya kundi dahil gusto nating magkasama. Tama?”

Tumango siya. “Tama.”

Nang bumalik ang atensiyon niya sa programa ay ina-award na ang Futurarc Leader of the Year.”

“Our Futurarc awardee rose from the ranks under the helm of their new CEO. He was able to apply the technology and designs that he learned from Europe where he stayed for more than twenty years. And now, he is back in the country to give the Filipinos the quality homes that they deserve at a much lower price using recycled materials that would help lessen the country’s burgeoning problem in garbage. Congratulations to Mr. Maximo Pantaleon of Pantaleon Construction.”

Nanigas si Phoenix sa kinauupuan pero tinapik-tapik lang ni Vance ang kamay niya at inalok siya ng tubig na maiinom. Pilit siyang ngumiti at matapos uminom ay nagkunwari na lang na naglalaro sa cellphone habang umuugong lang sa tainga niya ang speech ng ama.

“I can’t leave the stage without acknowledging the presence of my daughter.” Biglang umangat ang ulo ni Phoenix nang marinig ang sinabing iyon ni Maximo. Nang tumingin siya sa entablado ay nakalahad ang kamay nito sa direksiyon niya. “Phoenix Lee Villaviray-Antiporda, this award is for you and for my grandson. I wish that you are proud of me.”

Nakita ni Phoenix ang pagtutok ng mata ng buong bulwagan sa kanya. Sa halip na tunog ng masigabong palakpakan ay mistulang sinabugan siya ng bomba sa kinauupuan. Idineklara ni Maximo sa harap ng publiko na siya ay anak nito. Nakuyom niya ang palad at naramdaman niya ang pamamanhid ng buong katawan niya.

“Oh, gosh! Is it true? Tatay mo si Maximo Pantaleon? Akala ko ba si Thomas Knowles ang tatay mo.Pero ang mga Pantaleon ay ang mortal na kaaway ng mga Villaviray? How did that happen?” narinig niyang tanong ni Amery na may kalakasan at kahit na di nagsalita ang ibang tao ay alam niyang iyon din ang tanong sa isipan ng mga ito.

Naramdaman niyang ibinuka ni Vance ang nakakuyom niyang palad at hinaplos iyon. “Phoenix…” anitong may pag-aalala sa tinig. Nang tumingin siya ay malamlam ang mga mata nito. “Gusto mo bang umalis na tayo dito?”

Tumango siya. “Gusto ko nang umuwi.”

Inalalayan siyang tumayo ni Vance. Pinilit niya ang sarili na maglakad kahit parang may kadena ang mga paa niya at halos hilahin niya. Gusto na niyang makaalis doon dahil hindi siya makahinga. Bakit? Bakit kailangang gawin iyon ni Maximo? Hindi na siya nito binigyan ng kahihiyan.

“Mang Ador, pakidala na po ang kotse sa harap ng hotel. Kailangan na po naming makaalis dito,” narinig niyang sabi ni Vance habang kausap ang driver nila sa cellphone.

Paglabas pa lang nila sa ballroom ay pinalibutan na sila ng mga reporter. “Mr. Antiporda, totoo ba ang sinabi ni Mr. Maximo Pantaleon na siya ang ama ng asawa ninyo?”

“No comment,” Vance said in a firm voice. Itinabing nito ang isang kamay sa harap ng mukha niya para di siya masilaw sa mga nakatutok na camera.

“Dati mo pa ba ito alam na ama mo si Maximo Pantaleon? Pinaghiwalay ba ang mga magulang mo dahil mortal na magkaaway ang mga pamilya nila?” tanong ng isang reporter at halos iduldol ang mikropono sa mukha niya.

Pinili niyang huwag kumibo at nagpatuloy sa paglalakad. Lalo siyang nahirapang huminga. Parang nagdidilim na rin ang paningin niya. Nahihilo na siya sa mga mikropono Ayaw niyang doon himatayin at lalong pagpiyestahan siya ng mga reporter.

“Will Villaviray Construction and Pantaleon Construction merge soon? Do you plan a total domination in the property development industry?” tanong ng isa pang reporter kay Vance.

“No comment. Excuse us. My wife is pregnant and you are crowding her. Kung may mga tanong na kayo, kay Maximo Pantaleon na ninyo itanong,” anang sabi ni Vance at iniunat ang isang kamay sa harap niya para lagyan siya ng distansiya sa mga reporter.

“Just answer our questions, Mrs. Antiporda,” anang isa pang reporter at pilit pa ring idinuldol ang mikropono sa mukha niya. “Resulta ka ba ng extra-marital affair kaya itinago ka sa publiko?”

“Stay away!” galit na angil ni Vance at niyakap siya. “Hindi ba ninyo nakikitang pinahihirapan ninyo ang asawa ko? She’s pregnant. Kapag may nangyaring masama sa asawa ko, I’ll sue your sorry asses.”

“Sir, Ma’am, tumabi na po kayo. Excuse me po,” anang mga security na sa wakas ay pumagitan sa kanila at sa mga reporter. What took them so long? Na-harass na sila ni Vance at lahat ay di pa agad dumating ang mga ito. Kahit na nagkaroon na ng espasyo sa paligid niya ay parang nahihirapan pa rin siyang huminga.

“We are just doing our jobs, man,” anang isang reporter na iiling-iling nang maglakad palayo.

“Not at the expense of my wife,” mariing wika ni Vance at hinaplos ang buhok niya. “It is okay, Phoenix. Makakauwi na tayo.”

Wala nang nagawa ang mga reporter kundi ang sundan sila ng mga lente ng camera nang sumakay sila sa nag-aabang na kotse. Tuluyan na siyang napahagulgol nang bumibiyahe na sila pauwi.

“Vance, alam na nilang lahat. Ipinahiya niya ako. Anong gagawin ko? Pati buhay ni Nanay pakikialaman nila. Hindi na tayo matatahimik.”

Tuluyan nang makakalkal ang pribado niyang buhay. She was put on the spotlight. Pati ang namayapa niyang ina ay makakalkal sa mga isyu. Ni hindi man lang siya binigyan ng konsiderasyon ni Maximo.

“Shhhh! Tahan na,” anang si Vance at kinintalan ng halik ang noo niya.

“Sabi ko sa iyo wala siyang gagawing mabuti sa atin. Wala siyang gagawin kundi manggulo sa buhay natin. Paano na ngayon?”

“I will protect you, Phoenix. Kayo ng baby natin. Lilipas din ito. Lilipas din,” sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.

Sana nga ay lumipas na lang ang lahat. Sana ay hindi na lang niya nakilala si Maximo Pantaleon. Hindi na sana nito nalaman na siya ang anak nito. Sana ay mas tahimik ang buhay niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.