Chapter HNL 139

Napapailing na lang si Vance habang binabasa ang mga usap-usapan sa blogs tungkol sa pagpapakilala ni Maximo Pantaleon kay Phoenix sa mismong awarding ceremony kung saan naroon silang mag-asa. Isang linggo na ang nakakaraan mula noon pero manaka-naka pa ring pinag-uusapan ng mga makakati ang dila sa alta sociedad at mga social climbers na ang gusto lang ay makisawsaw sa issue.

Isang linggo rin na halos di makausap si Phoenix gaya ng dati. Parang nawala ang kislap sa mga mata nito. Sa mga unang araw nga ay ni hindi nito hinarap ang trabaho nito. Mas gusto nito na maglagi lang sa kuwarto at magmukmok. Ni ayaw nitong lumabas ng bahay para magpaaraw. Na para bang pagpipiyestahan ito ng buong mundo. Sinubukan niya itong yayain na magbakasyon pero tumanggi ito.

Marami ang nanghusga dito lalo na’t anak sa labas ang ina nitong si Elaine Mae tapos ay nagkaroon pa ng anak sa pagkadalaga. And the story was not as romantic as everyone thought. May nasasabing di maganda sa ina nito kahit na di naman totoong kilala ng ibang mga tao.

Mabuti na lang at hindi sila celebrity na nakikilala ng mga tao. Di rin naman lumabas sa mga diyaryo o telebisyon ang tungkol doon. Pero dahil sa internet, magmimistulang markado ang isyu na iyon. Kinailangan pa niyang tumanggi sa mga parties kung saan imbitado sila para makaiwas sa usap-usapan. Masyadong sensitibo ang asawa niya lalo’t’ nagbubuntis. Ayaw na niyang dagdagan ang sama ng loob nito.

Hindi rin siya makapag-concentrate sa trabaho dahil doon. He didn’t know how to coax her out of her shell. “Baka makasama pa dito at sa anak nila kung patuloy itong magmumukmok.

Nang hindi makatiis ay tinawagan niya ito sa cellphone. “Hey, baby! How are you?” Wala pang tanghalian noon. Baka pwede pa niya itong yayain na mag-lunch sa isang tagong restaurant sa Quezon City.

“Fine,” sagot nito sa medyo masiglang tono.

“Fine? Bumalik ka na sa trabaho?”

“No. I decided to visit Ayala Museum early this afternoon. I need to get back on track. Hindi ko magagawa iyon hangga’t di ako nakakadalaw sa kahit anong museum,” anito sa bahagyang pagod na tono.

“Sasamahan na kita,” aniya habang ang isang daliri ay pinapasadahan na ang tablet niya para i-clear ang schedule sa araw na iyon.

“Vance, you don’t have to worry about me. I will be fine. Hindi naman ako artista na dudumugin ng mga tao dahil may video scandal. Kaya ko na ito. I just need some me time.”

That was good to hear. Si Phoenix mismo ang gumagawa ng paraan para bumalik sa normal ang buhay nito. “Okay. Call me if you need anything. Pupuntahan kita agad.”

“Naku! Hindi mo naman mahihintay ang tawag ko. I am sure tatawag ka every ten minutes kahit na nasa gitna ka ng meeting,” sabi nito at saka sinundan ng halakhak.

An invisible hand clenched his heart. Na-miss niya ang pagtawa nito pati na rin ang kakulitan nito. Parang napakahaba ng isang linggong kalungkutan nito. Sa wakas ay bumabalik na sa dati ang asawa niya.

“I love you, baby,” malambing niyang sabi dito.

“I love you, too. Umuwi ka rin agad. I will cook something nice for dinner,” wika nito. “Bye!”

Nakangiti nang bumalik ng trabaho si Vance. Dahil sa pagkakapanalo nila sa Asiamoney Awards ay dumami pa ang projects nila. Heto nga at may isang island resort sa Surigao na gustong ipa-handle sa kanila. Kailangan niyang i-clear ang trabaho niya dahil sa loob ng higit dalawang buwan ay manganganak na si Phoenix. Gusto niya ay nasa tabi siya nito sa mga panahon na iyon at siya mismo ang mag-aalaga sa anak nila.

Nasa gitna siya ng pagsagot sa email sa kliyente niya nang mag-ring ang intercom. “Yes, Judith?”

“Sir, nandito si Mr. Maximo Pantaleon. He wants to see you.”

Tumiim ang anyo niya. Ilang beses na siyang tinawagan ng matandang lalaki pero lagi niyang tinatanggihan na makipag-usap dito. He was really pissed off with the spectacle that he did during the awarding. Pero mukhang wala itong balak na tantanan siya. Ano bang kailangan nito?

Huminga siya ng malalim. “Send him in.”

Pinagsalikop niya ang palad habang hinihintay ang pagpasok ng ama ni Phoenix. Di nagtagal ay iniluwa ito ng pinto kasama ang ngiting-ngiting si Judith. “I will bring your coffee in a while,” anang sekretarya niya.

“Thank you, Judie,” anang si Maximo sa suwabeng boses at nakita niya ang pamumula ni Judith. What a charmer. Sa kabila ng katandaan ay di pa rin kumukupas ang karisma nito. Nang sumara ang pinto ay bumaling sa kanya ang lalaki. “Thank you for having me here, Vance.”

Inilahad niya ang kamay sa bakanteng silya sa harap ng mesa niya. “Please take your seat. What can I do for you, Mr. Pantaleon?” walang paligoy-ligoy niyang tanong.

“You don’t have to be so formal, Vance. Hindi na tayo iba sa isa’t isa. Pwede mo akong tawaging Papa o Daddy.”

“I think Mr. Pantaleon is more apt,” aniya at ikiniling ang ulo para hamunin ito na kontrahin siya.

Hindi niya ito matatawag na papa o daddy o kahit ano. Hindi nga ito nire-recognize na ama ng asawa niya, bakit naman niya gagawin iyon? Matapos ang ginawa nitong pagbubulgar sa tunay na relasyon nito sa asawa niya sa harap ng publiko at sa negatibong epekto niyon sa asawa niya, paano naman magiging mainit ang pagtanggap niya dito?

Tumikhim si Maximo at naging pormal ang anyo nito nang tumuwid ng upo. “So how is my daughter?”

“Sa palagay ninyo anong mararamdaman niya matapos ninyong ibulgar sa publiko na anak ninyo siya? Hiyang-hiya siya. Nakaladkad ang pangalan nilang mag-ina. Pati ang nanay niya pinapalabas na masamang babae dahil nakipagrelasyon sa inyo habang ikakasal kayo sa iba. Hindi na nga siya lumalabas ng kuwarto nitong nakakaraang araw. Ni hindi siya makapag-log in sa social media account niya dahil nade-depress lang siya sa pag-uusisa sa kanya ng mga tao na ang karamihan ay di naman niya kakilala ng personal. Sa palagay ninyo masaya siya?”

Bumuntong-hininga si Maximo subalit may resolve sa anyo nito. “I had no other choice. Iyon lang ang nakikita kong pagkakataon para ipaalam sa lahat na anak ko siya. That I am proud of her. At siya ang tagapagmana ko.”

“Alam ba ninyo ang isasagot niya kapag narinig iyan ni Phoenix?”

“I know. She already told me. Hindi siya interesado sap era ko at ng pamilya ko.”

“Kung ganoon, bakit pa kayo nandito?”

“Gusto kong hingin ang tulong mo para matanggap ako ni Phoenix bilang ama niya. Tulungan mo ako para mapalapit ako sa anak ko.”

Muntik nang humagalpak ng tawa si Vance. Nagpapatawa ba si Maximo o hindi nag-iisip? Siya pa ang hihingan nito ng tulong. Hindi nga niya ito matawag na “papa”, gusto pa nito na tulungan niyang mapalapit kay Phoenix. Nahihibang na yata ito.

Subalit nakita niya ang desperasyon at pagmamakaawa sa mga mata nito. “Hindi ko alam kung paano ko kayo matutulungan.”

“Pwede kong ibigay sa iyo ang twenty percent ng shares sa Pantaleon Construction.”

Umangat ang gilid ng labi niya. “Do I look like I need a bribe? Hindi ko naman kailangan ng kapiraso ng kompanya ninyo. I am fine with Villaviray Construction. I am not a greedy soul, old man.”

“Call me crazy. I am an old, desperate man who wants to be with his daughter. Isa pa, kapag nawala ako sa mundo, sa kay Phoenix din naman mapupunta ang lahat ng mayroon ako. Kung tatanggapin mo ang alok ko, hindi ako mahihirapang makipaglapit sa kanya. That is the only bargaining chip that I have.”

“And lose my wife in the process? No! Kalokohan ang hinihingi ninyo. Parang ibinenta ko ang asawa ko para lang sa parte ng kompanya mo.”

“Hindi mo ba gusto na mabuo ang pagkatao ng asawa mo?”

“Sure. I want to give her a peace of mind but not at the expense of our marriage. Hindi ko alam kung paano ko pa kayo matutulungan. Hindi ko kayang manipulahin ang asawa ko para lang mapalapit kayo sa kanya.”

Yumuko ito. “I understand. Sana lang makaisip pa ako ng ibang paraan. At sana lang ay matulungan mo ako sa pagkakataong iyon.”

Pinagmasdan ito ni Vance habang lulugo-lugong lumabas ng opisina niya. Maybe was really trying to change. Magiging ama na rin siya. At kahit di pa ito ipinapanganak, gusto niyang gawin ang lahat para dito.

Ganoon din marahil si Maximo. Kailan lang nito nalaman na anak nito si Phoenix. Sa dami ng gulong nangyari sa pagitan ng mga ito, mahirap nang basta-basta maayos ang relasyon. Masyado nang maraming dumaang panahon. Lubhang marami nang sakit sa puso na naipon. Kung may maitutulong lang sana siya dito subalit hindi niya alam kung paano.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.