PHOENIX took her time looking at displays of the sixty handcrafted diorama about Philippine history and culture at Ayala Museum.
The displays had a calming effect on Phoenix. Parang nabubuhay ang dugo niya lalo na kapag nakakakita ng mga sinaunang artifacts noong di pa dumadating ang mga Kastila sa bansa. She realized that she missed working. Nami-miss niya ang normal niyang buhay na gigising siya sa umaga, ipaghahanda ng almusal si Vance at aasikasuhin ito, magtatrabaho maghapon at saka magsasalo sila ng hapunan sa gabi. Then they would end the evening with a bang.
Nitong nakakaraang araw ay masyado siyang nagkulong sa sarili niyang mundo. She spent her time wallowing in pain and hating her father. Isang linggo ang lumipas na hindi siya halos kumakausap ng tao kasama na si Vance. At alam niyang nag-aalala na ito sa kanya.
Kaya kaninang umaga matapos niyang malaman na maraming namatay sa putukan sa Gaza sa pagitan ng mga Israeli Forces at Hamas, ang pagbagsak ng isang eroplano sa Ukraine at ang pagragasa ng bagyo sa Hilagang Luzon, naisip niya na may mas malaking problema sa mundo. Idagdag pa ang sex scandal ng isang TV host at isang sexy model kaya may iba nang mapag-uusapan ang mga tsismosa at magpapatuloy ang buhay niya. Kailangan niyang tatagan ang loob niya dahil alam niyang may makating dila pa rin na di makakatiis na mag-usisa sa kanya tungkol sa kanila ni Maximo Pantaleon.
Matapos ang pag-iikot sa exhibits ng museum ay tumuloy siya sa M Café na nasa mismong gusali din ng museo. Matapos um-order ng green tea latte at apricot cake ay nakita niyang palapit sa kanya si Lilia Pantaleon-de Leon. She was still walking like she was a queen in her designer shades, orchid-printed dress na sleeveless at straight cut. Pinarisan iyon ng cream na high heeled shoes habang sa braso ay nakasukbit ang red Hermes bag.
Inalis lang nito ang shades nang tumayo na sa harap ng mesa niya. “Hello, hija! Fancy meeting you here.”
“Good afternoon, Mrs. De Leon.”
“What Mrs. De Leon. Everyone calls me Madam. Pero matapos ang revelation ni Maximo na anak ka pala niya, you should start calling me tita or auntie.” Umupo ito sa bakanteng mesa sa tapat niya at ginagap ang kamay niya. “I hope you don’t mind if I join you, hija?”
“Not at all,” wika niya at pilit na ngumiti. Wala naman siyang problema sa matandang babae kahit di niya ito feel masyado. Wala naman itong kasalanan sa kanya o ginagawang masama.
Tumingin ito sa menu at umorder ng fruit tea. “Hindi pa kita pormal na naiwe-welcome sa pamilya. Hindi lang ako makapaniwala noong una dahil napakatagal nang panahon at hindi man lang sila nagkaanak ng asawa niya dati. Bigla ay may anak pala siya. And you are pregnant.” Nasapo nito ang dibdib. “Oh! Sana lang ay huwag niya akong tawaging lola paglabas niya. Hindi pa ako handang maging lola.”
“I… I am sorry. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na alam na ng lahat na anak ako ni Maximo Pantaleon. Hindi ko ginusto ang announcement na iyon. Just so you know, me and your brother are not exactly in good terms. I am not comfortable yet with the idea that he is my father.”
Pinilit nitong lumungkot ang anyo pero dahil banat na banat ang mukha nito ay hindi ito mukhang malungkot. “Oh! I am sorry. Hindi naman kita masisisi kung nasaktan ka matapos ang ginawa ng kapatid ko sa inyong mag-ina. Masama siguro ang tingin mo sa aming mga Pantaleon. You see, hindi lahat kami ay ganyan kasama. Hindi kita pipiliting tanggapin na tiyahin mo ako, we can be friends. We can go shopping together.”
“Thank you.” Kahit na pakiramdam niya ay di naman sila pareho ng hilig ni Lilia dahil di naman siya mahilig mag-shopping. Naa-appreciate aman niya ang effort nito na mapalapit sa kanya.
“Next time, you will meet my daughter and my son. Nag-aaral pa sila sa New York ngayon.”
“Saan po pala mayor ang asawa ninyo?”
Pagak itong tumawa. “Oh, well! You see, siya naman talaga ang mayor sa San Carlos pero nadaya siya ng eleksyon. Kaya fake na mayor ang nakaupo doon. But it doesn’t matter, right?”
“I see,” nausal niya at pilit na ngumiti.
“Don’t worry. Sa susunod na eleksiyon, titiyakin namin na si Bill na ang mananalo. Mahal na mahal siya ng mga taga-San Carlos.”
“Nasabi po sa akin na may kapatid pa kayong beauty queen,” aniya na ang tinutukoy ay ang bunso sa kapatid ng mga ito. Ang alam niya ay iyon ang kahawig niya.
“She’s not really important and not really that pretty. Hindi rin naman ganoon kainteresante ang buhay niya. Mas pinili niya ang mag-asawa ng tagapastol ng baka sa Scotland.”
“Oh! Mukhang tahimik ang buhay niya.”
“And boring.” Sa pananalita nito ay parang ito lang ang may masayang buhay at interesante sa pamilya. Sinipat nito ang relo. “Uhmmm.. I have to go, hija. May flight pa ako mamaya papuntang New York. How about we meet up next month when I get back?”
“Okay,” sabi niya at nagpaalam dito.
Hindi alam ni Phoenix kung bakit hindi maganda ang pakiramdam niya ang matapos ang pag-uusap nila ni Lilia. Parang kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Hindi na nga siya nag-grocery gaya ng plano niya at nagpahatid na lang kay Mang Ador pauwi.
Lumilipad pa rin ang isip niya habang nasa biyahe sila nang magsalita si Mang Ador. “Ma’am, hindi ko po gusto ang nakabuntot na kotse sa likuran natin. Parang kanina pa tayo sinusundan.”
“Ano?” bulalas niya at lumingon sa likod.
Paglingon niya ay nakita niyang masyado ngang nakatutok sa kanila ang kotse. Nasa Commonwealth Avenue sila namamaybay nang mga oras na iyon. Maluwag ang kalsada. Kung nagmamadali ito, pwede naman itong umiba ng lane para sa mas mabilis na biyahe. Hindi na bago sa kanya na may mga posibleng banta ng kidnapping sa mga tulad niya na may kaya.
“Ano pong gagawin natin ngayon?” tanong niya.
Naramdaman na lang niya na binangga sila nang malakas ng kotse sa likuran. Napasigaw siya at sinubukan ni Mang Ador na kontrolin ang manibela pero nawalan ito sa lane at muntik nang bumangga sa isang sasakyan. Iniwas nito ang manibela at nagpaikot-ikot sila hanggang bumangga ang kotse nila sa concrete barrier.
“DOC, is my wife okay? Kumusta po sila ng anak ko?” nag-aalalang tanong ni Vance nang makaharap na ang doktor. Halos mabaliw-baliw siya nang malaman ang aksidente ni Phoenix. Nasa isang importanteng meeting siya nang hapong iyon nang i-forward sa kanya ng sekretaryang si Judith ang tungkol sa nangyari. Kinailangan niyang umalis sa meeting at tumuloy sa Capitol Medical Center kung saan isinugod ang asawa niya.
He spent more than an hour trapped on traffic and it nearly drove him crazy. Napilitan ang isa sa mga executive vice president niya na ipahiram ang driver nito dahil wala daw siya sa huwisyo para magmaneho at baka siya naman ang sumunod na madisgrasya.
Nang dumating siya ay natutulog pa si Phoenix dahilan para lalo siyang mag-alala. Hindi talaga niya alam ang gagawin kapag may masamang nangyari sa asawa niya.
“Ligtas sila ng bata. Maliban sa ilang bugbog sa braso at sa balikat at pananakit ng katawan dahil sa pagkakabangga niya sa katawan ng kotse ay wala naman siyang malalang damage sa katawan. Hindi niya iniinda ang sakit ng ulo niya dahil naihanda niya ang sarili niya sa impak. Nagawa niyang yumukyok kaya naprotektahan sila ng bata. Wala rin naman siyang iniindang bali sa katawan niya. Wala kayong kailangang alalahanin, Mr. Antiporda. Bukas na bukas din ay maari na ninyo siyang iuwi. Hahayaan lang natin siyang magpahinga sa ngayon.”
“Salamat po, Doc,” sabi niya at umupo sa tabi ng hospital bed ni Phoenix. Hinawakan niya ang kamay nito at kinintalan ng halik.
Parang sinaksak ang puso niya at ilang segundo din siyang di nakahinga sa sakit mula nang matanggap niya ang balita. At sa kabila ng assurance ng doktor na maayos ang kalagayan ni Phoenix at ng anak nila, hindi pa rin siya mapapanatag. Kailangang ito mismo ang gumising at sabihin sa kanya na ayos lang ang pakiramdam nito.
Biglang umangat ang ulo niya nang umungol si Phoenix at dahan-dahang dumilat. Nanalangin siya na sana ay ayos lang ito. Na walang diperensiya dito. Nang mag-focus ang mga mata nito at makita ay ngumiti ito. “Hi, handsome!”
Muntik nang malaglag ang puso niya sa sinabi nito. “Oh, Phoenix! Huwag mo akong biruin ng ganyan. Sabihin mo sa akin kung anong masakit sa iyo. Tatawagin ko lang ang doktor o ang nurse,” aniya at tumayo.
Pinigilan nito ang kamay niya nang akmang aalis siya. “I am okay, Vance. Na-check up na ako ng mga doktor at na-obserbahan na rin ako. Pwede na nga akong umuwi ngayon kung gusto ko. You don’t have to panic. Hindi ba nasabi sa iyo ng doktor?”
“Nasabi naman sa akin na pwede ka nang lumabas bukas. G-Gusto ko lang tiyakin na ayos ka lang.” Bumalik siya sa upuan. “A-Anong masakit sa iyo? Do you want me to massage it?”
Umiling ito. “No. Ang gusto ko mawala ang pag-aalala mo. I am fine. Hindi mo na kailangang mag-alala.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Look at you. You look so bad.”
Sinapo niya ang kamay nito at kinintalan ng halik. “I nearly died when I heard about the accident. Hindi mo naman ako masisisi.”
Ngumiti si Phoenix. “Strong kami ni Baby Mauri. Kung pwede lang akong lumabas ng ospital, pwede pa kitang ipagluto ng dinner.”
“Some other time. I want you to rest.”
“Si Mang Ador pala?” nag-aalala nitong tanong.
“He is okay. The air bag saved him. May kaunti lang siyang injury dahil sa impact ng pagkabasag ng salamin. Makakalabas na rin siya mamaya. Hinihingan lang siya ng statement ngayon ng mga pulis tungkol sa aksidente.”
Humikab si Phoenix. “I am sleepy, Vance. Parang pagod na pagod ako. Okay lang bang matulog muna ako?”
“Of course. Take a rest,” aniya at kinintalan ito ng halik sa noo.
Magaan na ang loob ni Vance at nakadama ng kapayapaan nang bumalik si Phoenix sa pagtulog. Sa kabila ng aksidente, mukhang mas maaliwalas na ang mukha nito kaysa nang nagdaang mga araw. Kung may magagawa lang sana siya para hindi na ito masaktan pang muli.
May kumatok sa pinto. “Pasok,” sabi niya nang di inaalis ang tingin kay Phoenix.
“Good evening, Sir,” anang pulis na kumuha ng statement ni Mang Ador kanina. May kasama pa itong isa pang pulis.
“Officers, good evening din. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Gusto po sana naming makausap ang asawa ninyo tungkol sa nangyaring aksidente.”
“As you can see, she’s resting right now. Baka bukas na ninyo siya makukuhanan ng statement o pwede din naman na ipadala na lang namin sa presinto,” sabi niya.
“Kayo po, Sir. Maari po ba namin kayong imbitahan sa presinto?”
Kumunot ang noo ni Vance. “Para saan?” Wala naman siya sa mismong insidente. Anong maitutulong niya sa kaso?
“Ayon po kasi driver ninyo, mukhang sinadyang sundan at gitgitin ang kotse na sinasakyan nila. Maaring hindi po aksidente lang ang nangyari.”
“Sandali. Suspect ba ako?” naaalarma niyang tanong.
“Gusto lang po naming tingnan ang lahat ng anggulo ng kaso,” paliwanag ng mga ito.
“Sasama ako sa inyo. But I hope you don’t mind if I call my lawyer.”