Chapter HNL 142

Kinuha nito ang mga damit. Ito pa mismo ang nagtanggal sa hanger at nagtupi. “Ito na lang ba ang problema mo?”

“Errr… the underwear. Hindi pa ako nakakapag-decide,” sabi niya at binuksan ang drawer ng underwear.

“Don’t bring any,” nakangising wika ni Vance.

Nag-init ang mukha niya at naniningkit ang mata itong nilingon. “Paano ako makakaharap sa ibang tao kung wala akong suot?”

“Hindi tayo lalabas ng suite.”

“Nah! Gusto kong mag-relax sa beach,” sabi niya at pumili ng apat na pares ng lacy underwear saka ihinagis dito. “I am ready now.”

Nawalan ng choice si Vance kundi ang ilagay iyon sa bag niya. Isinasakay na nito ang mga gamit niya sa kotse nang makatanggap ito ng tawag. “Hello. Yes, Judith?” Kumunot ang noo nito. “What? Bumagsak ang scaffolding sa Alta Towers? May mga nasaktan ba? Namatay? Fine. I will be there.”

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Phoenix.

“Bumagsak ang scaffolding sa bagong building na ginagawa. Kailangan kong pumunta sa site para i-check ang sitwasyon. I am sorry. Hindi matutuloy ang weekend getaway natin.”

“It is okay, Vance. I understand. I hope everything will be okay.”

“I hope so.”

NAKAYUKO ang ulo ni Vance sa pagitan ng tuhod nito habang ipinapalabas ang interview nito sa late night news. He looked so defeated that he couldn’t lift his head high. Sampu sa mga tauhan nito ang injured at pasasalamat na lang niya ay walang nasaktan.

Ayon sa imbestigasyon, may sira sa scaffolding kaya tuluyan iyong bumigay. Sa ngayon ay sinisisi ng ibang news megia ang posibleng negligence ng kompanya sa operasyon. At ang masakit ay in-emphasize pa kung gaano karami ang awards na nakuha ng kompanya para lang sa huli ay isampal dito ang isang pagkakamali.

Kinuha ni Phoenix ang remote at pinatay ang TV. Tumayo siya sa likod ng asawa at minasahe ang balikat nito. “Sabi ko naman sa iyo huwag mo nang panoorin iyan.”

“I don’t know what went wrong. Galing ako sa site three days ago. Mahigpit ang bilin ko sa mga scaffolding na iyan. Lagi kong ipinapaalala. It is actually basic to check it every once in a while and repair the damage. Maraming buhay ang nakasalalay diyan.”

“Yes. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari.”

Alam niyang sa harap ng maraming mga tao ay isang matatag na Vance ang humarap sa media. Sa kabila ng pambabatikos dito ay mukhang di ito natitinag. Saka lang ito nagpapakita ng kahinaan kapag silang dalawa na lang.

Inangat nito ang ulo at sinabunutan ang sarili. He looked tired and worn out. Mula pa noong isang araw ay wala na itong tulog. “I am not sure. Kahit naman iyan ang sabihin ko, sa akin pa rin babagsak ang responsibilidad. Pangalan pa rin ng kompanya ang masisira. You know how much Alta Towers mean to me.”

“Yes, I know.”

Isang ambisyosong project ang Alta Towers. It was launched under Vance’s time. It was a condo resort and the energy would be supported by solar and wind energy. Subalit kasisimula pa lang ng construction ay nabahiran na iyon ng kontrobersiya.

“Nag-start nang bumagsak ang stocks ng kompanya. Kung tutuusin mas malala pa ang ibang mga construction accidents. Ngayon lang tayo nagkaproblema pero nagpa-panic na ang mga investors natin. I am afraid some might pull out of the project. At sinasamantala ito ngayon ng mga kalaban ko. They are starting to spread rumors which agitate my clients more. Baka mawala ang kompiyansa nila sa akin.”

Hindi ang mismong aksidente ang nakakasira sa pangalan ng kompanya kundi ang di magagandang mga tsismis. At di ganoon kadali ang pagsugpo doon lalo na kung nagtanim na ng duda sa mga tao.

Niyakap niya ito. “Vance, alalahanin mo na minor lang ito. Ginagawa naman ng media relations officer mo ang lahat para makontrol ang damage. Pati ang mga tsismis na iyan ay mawawala. Hindi pa naman tapos ang imbestigasyon, di ba? Kapag lumabas ang resulta ng imbestigasyon, tiyak ko sa iyo na malilinis din ang pangalan mo.”

“I hope it is as simple as that. Natatakot ako na lahat ng pinaghirapan natin, lahat ng pinaghirapan ni Tito Mauricio ay mawala na lang. Ngayon pa kung kailan lalabas na ang anak natin.”

Alam niya kung gaano kaimportante kay Vance ang kompanya. Hindi lang dahil sa karangalan at kayamanan na natatamo nito kundi dahil pamilya ang kahulugan para dito – si Mauricio, si Phoenix at ang magiging anak nila.

“Huwag mo nang intindihin iyon. Mabait ang Diyos. Hindi Niya tayo pababayaan. Kaya sa ngayon, magdasal muna tayo at magpahinga. Marami ka pang trabaho bukas. Maraming umaasa sa iyo.”

Tumango ito at mariin siyang hinalikan sa labi. “Thanks for staying with me, Phoenix. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.”

“At hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Kaya huwag kang susuko. Okay?”

“Okay,” anito at makalipas ang ilang sandali ay nagpahinga na sila. Marami ring inaalala si Phoenix pero ayaw niyang magpatalo sa problema. Kailangan niyang maging malakas para kay Vance. Kailangan nilang maging malakas para sa isa’t isa.

Nasa gitna siya ng pagtulog nang maalimpungatan siya. Kinapa niya ang tabi niya at bakante iyon. Nang bumaling siya ay nakita niyang nakatayo si Vance sa gilid ng kama habang nakatalikod sa kanya. Nakapamaywang ito habang may kausap sa cellphone.

“Okay, Ted. I will be there ASAP,” wika nito at hinubad agad ang T-shirt matapos ibaba ang cellphone sa bedside table.

“Aalis ka?” tanong niya sa malat na boses.

“Yes. Tumawag sa akin si Ted. Lumalabas na hindi aksidente ang nangyaring collapse ng scaffolding kundi isang sabotage.”

Dahan-dahan siyang bumangon. “Sabotage?”

“Yes. Isa sa mga construction worker ang nakita ng mga kasamahan niya na parang nilalagari daw ang ibang parte ng scaffolding. Sabi niya inaayos lang daw pero kalaunan ay bumigay ang mismong bahaging iyon. Sinadya niyang pahinain ang structure at nang araw na bumigay iyon ay hindi na siya pumasok sa site. Nahuli na ngayon ang suspect nang akmang sasakay siya ng barko pauwi sa pamilya niya sa Biliran.”

Isinuklay niya ang daliri sa buhok. “Nagsalita na daw ba siya kung sino ang master mind?”

“Yes.”

“Sino?”

May pag-aalinlangan sa mga mata ni Vance nang sumagot. “Ang ama mo. Si Maximo Pantaleon.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.