Chapter HOBH 33

NAALIMPUNGATAN si Verona na may nag-aayos ng kumot niya. Bumalikwas siya ng bangon sa sofa na hinihigaan niya sa ospital nang makitang nakatunghay sa kanya ang guwapo ngunit pagod na mukha ni Kirst.

“Nandito ka na pala.”

Tumango ito. “I tried to get here as fast as I can.”

Mula sa Pangasinan ay inilipat sa Maynila si Inang Salve dahil na rin sa rekomendasyon ng mga doktor na tumingin dito. Mas kumpleto nga naman ang medical facilities sa Maynila. Nakaalalay siya kay Jovita na wala sa sarili dahil sinisisi nito ang sarili sa atake sa puso ng lola nito. Minor heart attack lang iyon pero pinag-iingat na sila ng doktor dahil sa edad ni Inang Selva. Di na daw ito dapat binibigyan pa ng alalahanin.

Nilapitan niya ang matandang babae at napansing gising na ito. “Nandito na po si Kirst, Inang Selva. Kaya magpagaling po kayo. Gusto po ninyo ng tubig?” Tumango naman ang matandang babae.

“She’s not talking,” sabi ni Kirst habang pinapainom nia si Inang Selva.

“Huh?” aniya at nilingon ang binata.

“Gising si Inang pero ayaw niya akong kausapin. Ganoon din daw si Ate Jovita. Wala naman daw problema sabi ng doktor niya. Ayaw ang niya kaming kausapin,” naghihinagpis na sabi ng binata. “Galit din ba siya sa akin?”

Hinawakan niya ang balikat ni Kirst. “Hayaan muna natin siyang magpahinga.”

Subalit kinausap pa rin ni Kirst ang matandanng babae. “Inang Selva, kumusta na po kayo? Nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Ate Jovita. Huwag po kayong mag-alala dahil di na sila magkikita ni Florencio. Dito lang daw siya at babantayan kayo. Saka nandito na po ako. Aalagaan ko rin po kayo.”

“Verona,” anang matandang babae at inangat ang kamay.

“Inang, ano po iyon?” At dali-daling sinapo ang kamay ng matandang babae.

“Gusto kong ibilin sa iyo ang lahat ng mga libro, diary at lahat ng kailangan mo sa research mo at sa mga gagawin mo pang libro. Sana ipagpatuloy mo lang iyan at matupad mo ang pangako mo.”

“Opo. Gagawin ko po iyon.”

“Sabihin mo sa mga apo ko na pwede na nilang ibenta ang bahay kung gusto nila. Hindi ko na pipigilan si Jovita kung gusto niyang sumama sa may asawa at manira ng buhay ng iba. Matanda na siya. Gawin na niya kung ano ang gusto niyang gawin. Kirst, pwede ka nang sumunod kay Emerlyn sa New York.”

“Inang, di ko po kayo maiiwan ng ganoon lang,” sabi ni Kirst.

“Ayoko nang makaabala pa sa inyo. Ayoko nang isipin ninyo na makasarili ako. Ayokong hadlangan ang mga nagpapasaya sa inyo dahil lang isa akong pabigat. Iwan na lang ninyo ako sa Home for the Aged. Kalimutan na lang ninyo ako.”

Umiling ang binata. “Inang, di ko po magagawa iyon sa inyo.”

“Mas masaya siguro akong mamamatay kung nalaman ko na masaya ka sa New York kasama ang babaeng mahal mo. Sige na. Sumunod ka na sa kanya.” At ipinikit ng matandang babae ang mga mata.

Dumating si Jovita para bantayan ang matandang babae at sinabihan silang magpunta muna sa cafeteria para kumain. Gutom na rin naman siya at si Kirst ay ilang oras na din daw walang kinakain.

“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para kay Inang Selva. Parang lalo siyang nanghihina. Narinig mo ba na parang naghahabilin na siya?” mangiyak-ngiyak na wika ni Kirst. “Di ko siya bibitawan. Ikukuha ko siya ng pinakamagagaling na doktor...”

“Hindi doktor ang kailangan niya. Wala siyang ibang gusto kundi bumalik sa Casa Grande at doon mamatay. Gusto niya na makasama doon ang mga kamag-anak niya. Huwag mo siyang hayaang mamatay dito, Kirst. Iilan na lang araw niya sa mundo. Sana pasayahin ninyo siya. Maswerte kayo na may lola pa kayo na nakakasama. Kailan ba siya pahahalagahan? Kapag patay na siya?”

“I appreciate that you care for my grandmother. Pareho lang naman tayo ng nararamdaman,” sabi nito.

“Di tayo pareho ng nararamdaman, Kirst,” angil niya sa binata.

Mataman siya nitong pinagmasdan. “Tungkol pa rin ba sa lola ko ang pinag-uusapan natin o tungkol sa atin?”

“Wala namang atin na matatawag dahil walang tayo.”

Hinawakan nito ang baba niya at pilit na hinuli ang mga mata niya. “Ano ba ang nararamdaman mo sa akin?”

“Wala,” aniya sa pilit na pinatatag na boses.

“Nagseselos ka ba kay Emerlyn? Hinihiling mo ba na sana ikaw na lang siya? Ayaw mo bang umalis ako papuntang New York?”

“Kirst, ano pa bang gusto mo sa akin?” Gusto ba nitong pigain sa kanya hanggang kahuli-hulihang patak n pride na mayroon siya? Wala na siyang ibibigay. Said na.

“Gusto kong malaman ang totoo.”

“Na gusto kita? Na posibleng in love ako sa iyo? Iyon ba ang gusto mong marinig?” tungayaw niya at tumayo saka lumabas ng cafeteria.

Sinundan siya nito at hinila sa isa sa mga fire exit. “Oo. Dahil gusto ko ring malaman kung bakit ginugulo mo ang mundo ko. Okay na akong maghintay kay Emerlyn. Sabi ko mundo talaga ng pagmomodelo ang gusto ko para makasama ko siya. Pero dumating ka at iniba mo ang ihip ng hangin. Handa akong iwan ang pangarap ko para lang matupad mo ang iyo. Kung sasabihin mo na mahal mo ako, hindi ako aalis.”

“Kirst, don’t do this. It doesn’t make sense.”

“What doesn’t?”

“Na magugustuhan mo ako. Nakita ko si Emerlyn sa internet. Perpekto siya. Galing sa magandang pamilya at ginawa niya ang lahat para magkasama rin kayo. Hindi mo siya pwedeng basta talikuran na lang.”

“Alam ko. Pero kahit anong sabihin ko sa puso ko na si Emerlyn ang mahal ko, bakit ikaw pa rin ang iniisip ko? It doesn’t make sense, right? The same thing that love doesn’t make sense.”

Tumingala siya. “This is insanity.”

“This is love.”

At dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Umurong siya hanggang dingding na lang ang nasa likuran niya. He stalked her like a sleek panther. Lumapit ito sa kanya hanggang halos magdikit ang katawan nila. Inilapit nito ang labi sa kanya at tumigil ilang pulgada ang layo. She could feel the heat of his body caressing her skin.

“Let me kiss you and touch you. Let me show how perfect we are for each other.”

Nanghihipnotismo ang boses nito. Her soul was calling out to him. Her heart was beating wildly. Parang pinipiga ang puso niya habang inuutos ng isipan niya na tanggihan ito. Oras na pumayag siya ay masisira na naman ang katinuan niya. At saan siya pupulutin pagkatapos?

“Ayokong magkamali ka, Kirst. Ayoko rin magkamali ako dahil pareho nating pagsisisihan ito. Siguro nadala lang tayo sa mga kwento ng pamilya mo na nababasa natin. Parang nasa fairy tale tayo at akala natin totoo ang nararamdaman natin.”

Hinaplos ng likod ng palad nito ang pisngi niya. “Babalewalain na lang ba natin ito? You are not taking a chance again, Verona.”

Lumunok siya at tumango. “I just want to go back to my safe world, Kirst. Sinubukan kong sumugal minsan sa iyo pero di pa man, nasaktan na ako. A-Ayoko na ng ganito.”

Itinulak niya ang dibdib ng binata at nagtatakbo palabas ng fire exit. Hindi kailangang ibigay ng isang babae ang sarili niya o mabuntis at iwan ng lalaki para masira sa ngalan ng pag-ibig. Sapat na ang kahangalan.

At muntik na siyang maging hangal kung di niya nalabanan ang nararamdaman. Kung hinayaan niyang halikan siya ni Kirst, tiyak na mawawasak nang tuluyan ang depensa niya. Subalit parang hinahanap-hanap niya ang haplos nito. She wanted to know what his kisses tasted like. Ano ba talaga ang tunay na kahangalan?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.