Chapter 71

Nakaalis na si Alex pero malalim pa din ang iniisip ni Shelly. She knows na masakit ang nangyari sa pamilya nito.Alex may have revealed that because of the anger he has been bottling up all these time.And he probably feels na dahil sa sinabi nito , she will leave Jake .Sa dami ng pinagdaanan nila kahit maiksi pa lang ang pinagsamahan nila, she feels she knows her man well.Hindi ito masamang tao.Habulin lang talaga ng mga babae.So hindi na siya magtataka na meron isa sa mga nakarelasyon nito ang nahirapang mag move on.Isa nga dun si Cassie pero mas grabe pala ang nangyari sa kapatid ni Alex.She feels for Alex's sister but she has to hear Jake's side first.Pinilig niya ang ulo niya to shake off negative thoughts.She needs to get ready, mag aala-una na.She decided to take a shower again. She ran out of body wash so she decided to get one from the cabinet in the bathroom. Natigilan siya.She saw the packs of tampons na binili niya nung bago pa lang sila ni Jake.

Anak ng tofu! Wala pang nabawas!

She closed her eyes. Posible kaya na buntis siya?

She should be happy na nagbunga na ang pagmamahalan nila ni Jake.But naalala niya ang sabi ni Jake that he doesn't want kids. Nasapo niya ang noo.She needs to buy a pregnancy test kit later just to be sure.Huwag muna siyang mag-isip ng kung ano-ano.

"Ma,nabasa mo ba yung engagement ng bruha kong stepsister at ni Jake Herrera?"tanong ni Lorie sa ina na nasa kabilang linya.

"Okay na din yun ma.Para kami na talaga ni Marco.Lalo na ngayon mukhang buntis na talaga ako.Pupuntahan ko nga siya ngayon.Alam ko kung saan siya magpipictorial."

Pagpasok ni Shelly sa dressing room,napansin niya na parang may something sa atmosphere pero hindi na lang niya pinansin.Nagbubulungan ang tatlong babae at isang beki.Pictorial yun para sa catalog ng isang clothing line for women. Siya pa lang ang unang modelo na dumating.

"Hello Miss Shelly." bati ng isa sa mga babae."I am Thalia.Ako ang in-charge sa make-up mo." she smiled.

Then biglang may nagsalita sa gilid."Hi Miss Shelly,ako ang sa hair mo.Remember me?" Tam asked. Nginitian ito ni Shelly.

She has her eyes close dahil nilalagyan siya ng eye-shadow when she heard an angry female voice," Yoji! Hindi mo naman sinabi sa akin na hindi ko solo ang dressing room!"

She opened her eyes to see a face na medyo pamilyar sa kanya.Ang sama ng tingin nito through the mirror.

"Ay! Miss Trish di ba usually naman may ka-share ka talaga?" asked her gay PA.Nilingon ito ni Trish.Maybe to warn him na tumahimik.

"Okay lang dati yun lalo if ka-level ko naman.Pero pag pipitsuging modelo lang,nakakainsulto naman yata." mataray na sabi nito while looking at Shelly.

So ito pala ang malanding ex ni Jake na tumadtad ng love bites sa kanya.Nakita niya lang ito sa isang men's magazine.So mukhang salamat sa syensiya pala.Ang laking tulong ng make-up and editing sa mga pictures para pagandahin ito sa mga magazine spread.Halos hindi niya nga ito makilala ngayon .Pag wala palang make-up napaka ordinaryo ng hitsura nito at mukha pang ka-federation ni Cassie sa pagbibilad ng dibdib.Nailing siya.Hanep talaga ang nobyo niya.Mahilig sa mga malalaking boobs.

She is still holding her temper dahil kung buntis nga siya baka makasama sa kanya ang ma-stress.

"Thalia! Matagal pa ba yan?" naiinip na sabi ng malanding model kahit kakadating pa lang.

"Sandali na lang Miss Trish,tatapusin ko na lang itong isang mata ni Miss Shelly.Mga 2 minutes na lang." tarantang sabi ng make-up artist.

"I don't like waiting!" padabog na umupo ito sa katabing upuan ni Shelly.May malaking salamin sa harapan nila.

Shelly let out a sigh." Thalia,unahin mo na siya.Mukhang matatagalan ka kasi I think you have to use tons of make-up on her.I can finish putting eyeshadow on my eye." malumanay na sabi niya.

"EXCUSE ME?!" dumagundong ang boses ni Trish.

Nilingon ito ni Shelly,"Oh please don't be offended.I was just looking at this,"sabay pinakita ang magazine na kung saan andun si Trish," and I didn't recognize you ng pumasok ka.Kasi naman ibang-iba ang hitsura mo dito.You are very photogenic." she said smiling a little.

Someone giggled.Shelly suspected yung assistant nito ang tumawa.Nakita din niya na pinipigilan ni Tam and Thalia ang tumawa.

"SHUT UP!" sigaw nito sa PA.Then matalim na tumingin ulit kay Shelly."Ano naman ang tingin mo sa sarili mo?Sobrang ganda mo?" sabay ismid.

"Wala akong sinasabing ganyan." Shelly smiled.

Lalo yatang ikinapikon ni Trish ang pagiging cool ni Shelly. Tumayo ito and moved her chair to face her. "Hindi porke naanounce na ang engagement niyo ni Jake eh sayong -sayo na siya.Hanggat wala ka pang pinanghahawakang marriage contract huwag ka munang masyadong kampante!" sabi nito.

Shelly also stood up.Nagbulungan bigla ang mga tao sa dressing room. "So hindi ako nagkamali.Ikaw nga pala si Miss Ampalya." Plastic ang ngiti na sabi niya.

Para namang natigilan panandalian ang babae. "W-What are you saying?" pataray na tanong nito pero Shelly knows she got the right girl.

"Saan ba nahuhuli ang isda?" She asked.

Mukhang nakabawi na ito so she said, "Hindi ang tipo ni Jake ang makakatagal sa isang babae.He's too virile to be satisfied only by you!"

Pumalatak siya. "Ahhhh...kaya pala." sabay titig sa bibig ni Trish. "Sino ba naman ang mag-aakala na si Trish Valdez active sa mga volunteer works?"

Hindi nakatiis ang PA ni Trish, "Mam Trish kelan pa kayo nag volunteer work?" tanong nito.

"What the hell are you saying?" tanong ni Trish kay Shelly while totally ignoring the poor PA.

"Ows,hindi mo alam? Pag may mga lalakeng lasing na lasing at halos wala na sa sarili,nag-vovolunteer kang painitin ang katawan nila.Kawawa ka naman nabitin ka ng todo for sure! Kasi hindi nakapagperform si Jake dahil sa kalasingan.And kaya pala sobrang laki ng mga kiss marks ng fiance ko dahil kaka-inject mo lang yata ng botox?" sarcastic na tanong niya.

Everyone gasped at namula ang mukha ni Trish. Biglang nag-ring ang telepono ni Shelly.

Kinuha niya ito and sinagot habang nakatingin kay Trish.Ini-on niya ang loudspeaker. "Babe.." sagot niya.

"Babe,asan ka na?" came Jake's reply.

"Andito sa studio babe."

"Okay,I will pick you up later.Kumain ka na?" tanong ng nobyo.

"Huwag mo na akng sunduin. Si mang Eddie na lang.Nawalan ako ng ganang kumain babe eh." mapaklang sabi niya habang tinititigan si Trish.Tahimik na tahimik sa dressing room.Lahat nakikinig and nanunuod sa mga nangyayari.

"Why? Are you sick? I told you huwag ka ng umalis.Pupuntahan na kita ngayon." he said and his voice sounds worried.

"No I am fine babe. Kaso malas ko lang kasi kasama ko pala dito yung nanamantala sayo when you were wasted with alcohol.Maybe it's time you talk to her." she said.

She turned off the loudspeaker then passed the phone to her man’s former fuck buddy. "I will give you 5 minutes to explain to my fiance tungkol sa kahalayang ginawa mo sa kanya.Namnamin mo na dahil last mo na yan!" sabi niya then shoved the phone to Trish before walking out.

Huminga ng malalim si Shelly pagsarado ng pintuan ng dressing room.She needs to breath some air.Hindi biro ang control na kinailangan niya sa loob.Gigil na gigil na siyang sampalin ang malanding ex ni Jake.Pero pinigilan niya ang sarili.

"Shelly!" tawag ni Lorie.

She closed her eyes for a several seconds bago humarap sa stepsister. Sinusubukan yata talaga ang pasensiya niya. "Lorie I can only spare 5 minutes.Anong kailangan mo?" she asked in a tired voice.

"Well,sasabihin ko lang sayo na salamat naman at mananahimik na kami ni Marco at mabuti naman napilit mo si Jake na pakasalan ka." pang-iinsulto nito.

Shelly sighed before saying, "That's good at makukuha mo na din ang gusto mo.Basta yung sinabi ko ha? Talian mo si Marco." malumanay na sabi niya.

Natawa si Lorie,"Hindi na kailangan.Ngayon na totoong buntis ako,siguradong akin na akin na siya."

"I wish you all the best." sincere na sabi ni Shelly.

Hanggang matapos ang pictorial iniwasan siya ni Trish.May magandang naidulot yata ang nangyari kanina.Shelly just hopes na finally titigil na ito. Halos mag aalas-sais na pala.Tinawagan niya si mang Eddie na palabas na siya.Nauna na siya sa mga kasama niya dahil kailangan na niyang umuwi.Gusto niya paguwi ni Jake nasa bahay na siya.

She passed into a hallway.Medyo madilim na at walang ibang tao. Medyo nakaramdam siya ng takot kaya binilisan niya ang paglalakad.But all of a sudden,someone grabbed her from behind and tinakpan ang bibig niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.