"Mmmmppp!!" nagpupumiglas si Shelly pero sobrang lakas ng humahawak sa kanya.Hinila siya nito palayo habang hawak ng kaliwang kamay nito ang bewang niya .Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya para hindi siya makasigaw.
Tulungan niyo po ako! piping dasal niya.
Dinala siya ng lalake sa mas madilim na parte ng gusali.Walang katao-tao dahil bagong gawa pa lang ang mga silid dun na magiging mga opisina at studio.
Pinasok siya nito sa isang kwarto sa dulo.May kaunting liwanag na galing sa poste sa labas.Mukhang tambakan ito ng mga sobrang materyales ng ginagawa ang bahaging yun ng building.May isang lamesang mahaba dun at pilit siyang hiniga ng lalake.Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim.
Kanina pa tumatawag si Jake pero hindi sumasagot si Shelly.
"Fuck! Answer the phone babe!" alalang sabi niya.Ewan niya pero parang meron siyang ibang pakiramdam. Kahit sinabi na ni mang Eddie na nagtext si Shelly na palabas na daw ito kani-kanina ,hindi talaga siya mapalagay.
"Tam! Hindi ba bag ni Miss Shelly yun?" taong ni Thalia.
Nakita nila ang bag ni Shelly na nasa sahig ng dadaanan nila.
"Oo nga!" sabi ng beking hairstylist.
Paglapit nila sa bag narinig nila na parang may tumutunog sa loob. Binuksan ni Thalia ang bag at kinuha ang telepono.
"Babe!" boses ni Jake.
"Ay hindi po ako si mam Shelly." Sagot ni Thalia.
"Bakit nasa yo ang bag niya?" galit na tanong ni Jake.
"N-Naku sir huwag kayong magalit.Nakita lang naming ang bag niya na nasa sahig."
He angrily cursed.
Halos ubusin ni Shelly ang lakas niya para makawala sa halimaw na nasa ibabaw niya.Nakadagan ito sa kanya at hinahalikan siya sa leeg.Nakatakip pa din sa bibig niya ang kamay nito.Basang-basa na ang mukha niya ng luha.
Marahas nitong pinunit ang pang-itaas niya.Ipinilig ng lalake ang mukha niya sa kaliwa habang makatakip pa din ang bibig nito ng kamay niya.The man is breathing in gasps as he licks her neck.
Diring-diri si Shelly sa ginagawa sa kanya pero hindi siya makakilos.Nilamas ng pangahas ng isang kamay ang isang dibdib niya. Bigla itong nagsalita,"Sa wakas matitikman din kita!" sabi nito sa paos na boses.
"Mmmmmmpppp!!" pilit siyang sumisigaw pero lalong dumiin ang kamay nito sa bibig niya.
Ayaw tanggapin ng isip niya na magtatagumpay ang hayup na lalakeng ito sa maitim nitong balak.Abot ang dasal niya na may tumulong sa kanya. Naramdaman ng dalaga na bumababa sa dibdib niya ang bibig nito.Walang tigil ang daloy ng luha niya as she tries to fight him but she can’t.
May biglang humila sa lalakeng nakapatong sa kanya!
Dahil sa nanghihina, naaninag lang ng konti ni Shelly ang nangyayari.Tinakpan niya ang mga dibdib ng nasira niyang damit habang pinilit umupo.Halos humahagulgol na siya sa takot.
Sunod-sunod na suntok ang pinakwalan ng lalakeng nakatalikod sa kanya. Nagmumura ito habang binubugbog ang lalake na nasa sahig.
May naramdamang kirot si Shelly sa puson niya at bigla na lang siyang nawalan ng malay.
Lupaypay na at duguan ang mukha ng lalakeng nagbalak humalay kay Shelly ng pumasok ang tatlong guwardiya.Kasunod ng mga ito ang isang babae at beki.
"Kayo ng bahala sa tarantadong yan! Dalhin niyo agad sa presinto!" galit na galit na sabi ng bumugbog dito.
"Miss Shelly!" tawag ng beki.
Dali-daling kinuha ng lalaking nagligtas sa dalaga ang isa sa mga flashlight ng guwardiya para puntahan ito na nakahiga at walang malay sa lamesa. Napansin nito na may dugo ang dalaga sa binti.
"SHIT!" mura nito sabay ipinasa ang flashlight sa babaeng kasama ng beki na mukhang natulala.
"Dinudugo siya!" sigaw ng beki. Kaya mabilis na binuhat ng binata ang dalaga.Kailangang madala agad ito sa ospital.
Halos paliparin ni Jake ang kotse papunta sa studio kung saan nag-photo shoot ang nobya.Inutusan niya ang mga nakapulot ng bag ni Shelly na humingi ng tulong para hanapin ang dalaga.
Nag-ring ang telepono niya. "Sir Jake nakita na po si mam Shelly."
"Nasaan siya?" tarantang tanong niya."Dinala po sa ospital!Dinudugo!"
Jake cursed.