Alex was pacing restlessly the corridor of the hospital when Jake rushed in. Naningkit ang mata ng huli nang makita ang binatang chinito.. Mabilis na lumakad ito para kwelyuhan ito . "PUTANGNA! Anong ginagawa mo dito?" he furiously asked.
Biglang may isang babae at beki ang tumayo mula sa mga upuan sa gilid at patakbong lumapit sa kanila.
"Sir Jake!" tarantang tawag ng beki. "Siya po ang tumulong kay mam Shelly.”
Akmang susuntukin na ito ni Jake ng matigilan siya sa narinig. Wala namang reaksiyon si Alex.Mukhang walang balak lumaban nito kaya pagalit na binitawan niya ito.
Humarap siya sa dalawa, "Asan si Shelly? Sinong doktor niya? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong niya.
Si Alex ang sumagot. "Inuultrasound pa. Si Dra.Benitez ang tumitingin sa kanya.Family friend namin."
"Paano naman ako nakakasiguro na matino ang doktor na yu n lalo na pala kilala mo? Pag may nangyari kay Shelly mananagot ka sa akin Llamarez." banta ni Jake.
"Narinig mo ba ang sinabi sayo? Ako nga ang tumulong kay Shelly.Hindi ko hahayaang mapahamak siya." malumanay na sagot ni Alex.
Namula ang leeg ni Jake." Ano naman ang ibig mong sabihin?! At ano ang ginagawa mo sa lugar na yun? Sinusundan mo ba ang nobya ko?!!"
Tahimik lang sila Thalia at Tam na nakikinig sa dalawang guwapong binata.
Palipat-lipat ang tingin nila kay Jake at Alex.
Bago makasagot si Alex, bumukas ang pintuan sa likod nito.May babaeng naka -green na medical gown ang lumabas.
"Alex." tawag nito.
Lumingon si Alex. "Mel, kumusta na siya?" tanong nito sa doktora.
Tumiim-bagang si Jake."Doctora," lumapit ito sa babae. "I am Jake Herrera,fiancee ko ang pasyente.Kumusta na siya?"
Tumango ang doktora. "Mr.Herrera,okay na silang mag-ina. But your fiancee needs to have a bed rest for a few weeks. Mabuti na lang nadala kaagad ni Alex ang nobya mo.Kung hindi baka nakunan na siya." the doctor said.
Jake combed his hair with his hand.Wala siyang kamalay-malay na buntis si Shelly.
"Ipapalipat ko na siya sa private room .Sige mauuna na ako." tumingin ito kay Alex at tumango.Then tinignan ulit nito si Jake. "Take care of your fiancee and your baby Mr.Herrera."
"Ano ba talaga ang nangyari?" matigas ang boses na tinanong ni Jake si Alex pagkaalis ng doktora.
"Sa labas ko sayo sasabihin.Huwag dito.Kausapin mo muna sila," Alex nodded to where Tam and Thalia are seated, " na huwag ng ipagsabi ang nangyari.Kinausap ko na ang mga guwardiya.Hindi makakabuti sa imahe ng building na yun ang nangyari.I called the management too.So hindi sila magsasalita."
Kumunot ang noo ni Jake.Ramdam niya na hindi maganda ang malalaman niya.Pero sumunod na lang ito sa sinabi ni Alex.
Ibinalik nila Tam at Thalia ang bag ni Shelly.Nagpasalamat si Jake at kinausap ang dalawa na huwag ng ipagkalat sa iba ang nangyari.Pagkatapos ng paguusap nila,he followed Alex sa likod ng ospital malapit sa parking lot.Wala masyadong tao ng mga oras na yun.
"PUTANGNA!!!!!" sigaw ni Jake ng malaman ang kahayupang ginawa ni Marco kay Shelly.
Alam ni Alex ang magiging reaksiyon nito kaya niya ito inaya dito sa labas.Kahit siya kanina nagdilim ang paningin nang makita niya ang nangyari.
Sumandal si Jake sa pader at sapo-sapo ang ulo na yumuko.
Maya-maya bigla itong tumayo ng tuwid ,pulang-pula ang mukha nito and medyo basa ang mata ,"I WILL FUCKING KILL THAT SON OF A BITCH!" galit na galit na sabi nito,sabay suntok sa pader ng ilang beses.
Nakita ni Alex na dumudugo na ang kamao nito "Buti na lang sinundan ko sila." He said in a hollow as he remembers what he saw.
Lumingon sa kanya si Jake, "Bakit mo nga pala siya sinusundan?" he asked in with menace in his voive. Tinignan lang siya ng deretso ni Alex,walang emosyon ang mga mata nito.
"Saka na natin pag-usapan yan.Importante okay na sila." sabi nito.
Shelly opened her eyes and she saw Jake's worried face.Nakaupo ito sa tabi ng kama niya at hawak-hawak ang kamay niya.
"Babe.." tawag nito sa kanya.He sounds as if he's in pain.
Hinalikan nito ang kamay niya.She saw the bandage around his right hand.
"B-Babe..napano to?" she asked as she gently touches his injured hand with her other hand.
Umiling ang binata,"Wala yan.Ikaw kumusta ka na?Anong masakit sayo?" alalang tanong niya.
Alam ni Jake na parating na ang pamilya niya at mga lola ng nobya so kailangan na muna nilang mag-usap.
Binasa niya ang labi niya with her tongue.Jake looked at her while she did that.His eyes became dark.
"O-Okay na.Medyo may kirot pa ng konti sa puson ko.Anong sabi ng doktor? Ang baby natin?" She asked, her voice is a little tense.
Alam niya ayaw ni Jake magka-anak pero may laman na ang tiyan niya.No more turning back.She just hopes na okay kay Jake ang pagbubuntis niya dahil kung hindi she will leave him kahit mahal na mahal niya ito.Hindi niya kayang ipalaglag ang bata.
"Okay siya.Don't worry.Kailangan mo lang magpahinga.Kailan mo nalamang buntis ka?" he asked in a hoarse voice.
"Kaninang bago ako umalis nakita ko kasi na hindi pa nabawasan yung mga tampons na binili ko pa nung bago pa lang tayo.Dapat talaga magpepregnancy test ako paguwi ko..." hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin.
Jake clenched his fist as he remembers what happened to his fiancee. "Magbabayad ang hayup na lalaking yun sa ginawa niya sayo." he said while gritting his teeth.
Napapikit si Shelly ng maalala niya ang bangungot na nangyari sa kanya.
"Babe, the doctor said bawal ka ma-stress. Please, alam kong mahirap.Pero try to forget what happened.Makakasama kay baby."
She opened her eyes.Tama ba ang narinig niya? Jake is worried about their baby.So it means.... "Okay lang sayo na magkaka-anak na tayo?" she asked in small voice.
He just looked at her for a full minute,saying nothing.
"Babe? Okay lang ba sayo na buntis na ako?" nag-aalalang tanong ulit ni Shelly.
Jake kissed her palm and said,"I don't want to share you,totoo yun pero dinadala mo ang anak ko.Kahit ako na ang pinaka-selfish pagdating sayo,sa oras mo,sa atensiyon mo,sa pagmamahal mo...hindi naman ako masamang tao para hindi ko gugustuhing maging ama sa anak natin.Mahal kita at ang baby natin." hinaplos nito ang impis pang tiyan niya.
Shelly can't contain her happiness kaya naluha siya."Oh babe,I love you." she said while she squeezed Jake's hand lightly.
Naratanta naman si Jake," Babe,please huwag ka ng umiyak.It's not good for you and our baby." habang hinahaplos ang buhok ng nobya.
"Masaya lang ako babe." she smiled.
Nang biglang may naalala ang dalaga. "Babe sino nga pala ang nag-ligtas sa akin?" she asked curiously.
Biglang dumiretso ng upo si Jake.Naging poker face.
"Babe?" tanong ulit ni Shelly.
Silence.
Akala ni Shelly hindi na sasagutin ni Jake ang tanong niya. Sighing, " Si Llamarez." maikling sagot nito sa malamig na boses.
Matindi pa din ang selos ni Jake sa lalake kahit alam niya na ito ang nagligtas sa mag-ina niya.Alam niya na may gusto ito sa nobya.Pero kung hindi naman dahil sa pagsunod nito kay Shelly,baka ano na ang nangyari sa dalaga at sa anak nila.
Masakit man kay Alex,kailangan na niyang tanggapin ang pagkatalo.Iba na ang usapan ngayon.Buntis si Shelly sa anak ni Jake.Oras na siguro talaga para isuko na niya kung ano man ang nararamdaman niya sa dalaga.Nagkasundo sila ni Jake na mag-uusap sila minsan.
Nag-ring ang telepono niya.Walang gana niya itong tinignan.Tumatawag si Pat.He decided to reject the call.Wala siya sa mood makipagusap kahit kanino.
Napasimangot si Pat nung ni-reject ni Alex ang tawag niya.Gusto niya lang itong kumustahin and magpasalamat din sa pagligtas nito sa bestie niya.Galing siya kanina sa ospital kaya nalaman niya ang mga nangyari. Ewan niya pero mula ng hinatid siya nito galing sa engagement party nila Jake at Shelly, parang naging sensitive yata siya masyado ngayon basta tungkol kay Alex.
Pero kailangan niyang burahin ito sa isip.Hindi naman siya papatulan ng guwapong binata.
Ang korni niya!Bakit parang biglang maiiyak yata siya?
Tumayo na lang siyang bigla at kumuha ng chocolate bar na nasa drawer ng tokador niya.Napapakain na naman siya sa stress.
Shelly has to stay at the hospital until tomorrow.Inip na inip na siya.Kakaalis lang ng mga Herrera.Dinalhan siya ng mga prutas ng mga ito.Feeling nga ng dalaga pwede na silang magtayo ng fruit stand sa dami ng mga prutas.
Lumabas sandali si Jake to buy coffee.Mula kahapon hindi na ito pumasok sa opisina.Ito ang nagbabantay sa kanya.Nag-offer ang tita niya at si Pat pero Jake politely refused.Gusto daw nito na siya na lang para mapagsilbihan naman daw siya.Knowing Jake,umiral na naman ang pagka-possessive nito.
Ngayon may malaki siyang problema.Napagtanto niya na kaya pala minsan gustong-gusto niyang makita si Alex kasi mukhang napaglilihian niya ang guwapong binata.Kinagat niya ang loob ng lower lip niya.
Jake came inside, bringing coffee and a box of doughnuts.Ang tamis ng ngiti nito habang palapit sa kanya.Ibinaba muna nito ang mga binili then kissed her on the lips.
"I bought the doughnuts you like babe.Gusto mo na ba?" malambing na tanong nito.
Umiling si Shelly while playing with her fingers.
"Anong pang gusto mo babe? Bibilhin ko kahit ano." he said then hinalikan ang noo niya.
"B-Babe.." mahinang tawag ni Shelly.
Jake sat on the chair beside her bed.Kinuha nito ang kamay niya and kissed her palm.
"What do you want babe?" tanong ulit nito.A smile on his handsome face.
"Eh..di ba sabi ng matatanda,dapat palaging pinagbibigyan ang mga buntis?" medyo nag-aalangang tanong ni Shelly.
Tumango ang nobyo,"Babe wag lang yung triplets na saging o guyabano na walang buto ha? Mahirap maghanap ng mga ganun."
"Actually hindi naman ganun ang gusto ko."
Jake gave a sigh of relief.
"Okay babe,ano ang gusto mo? You are the boss." he gave her his killer smile.
"A-Ano..kasi babe...gusto kong makita si Alex ngayon. Papuntahin mo siya.Ngayon na please?" she asked her eyes pleading.
Nabura ang ngiti sa guwapong mukha ni Jake.
"FUCK! Don't tell me na pinaglilihian mo si Llamarez?!!" galit na tanong nito.
Mas napalakas ang mura niya when his fiancée bit her bottom lip habang nakatingin sa kanya.Her pretty face looks guilty.