Chapter 44

Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa mga binabasang papeles nang marinig ko ang katok sa pinto. Nakita ko si Christine na atubiling nakatayo sa bungad ng pinto. Ni hindi ko namalayan na bumukas na pala iyon.

"What is it Christine?" ani ko bago ibinalik rin agad ang pokus sa ginagawa.

"Ahm sir, pwede na po ba akong umuwi? Nagpaalam na po ako sa iyo kanina na hanggang nine lang po ang overtime ko."

Sinulyapan ko ang relo. Ni hindi ko napansin ang paglipas ng oras.

"Go ahead. Just make sure to submit first thing in the morning the minutes of the meeting with Mr. Kazuki." Kinuha ko ang mug ng kape habang busy pa rin ako sa pagbabasa pero ibinaba ko rin ito nang malamang wala na itong laman. Aktong tatayo ako para magtimpla ng panibago pero maagap na lumapit si Christine sa akin at kinuha ang mug.

"Ako na po, sir."

Tango lang ang sagot ko.

Maya-maya ay inilapag nito ang umuusok na kape sa mesa.

"Thank you," ani ko nang makahigop. "You may go."

"Ahm sir, gusto niyo po bang mag-order ako ng pagkain? Hindi ko po kayo nakitang lumabas para kumain ng hapunan."

"No, I can manage. Umuwi ka na, Christine."

Tila ayaw pa nitong umalis kaya itinigil ko muna ang pagbabasa at ibinaling ang pansin dito.

"It's okay, Christine. Thank you for your concern. Umuwi ka na. You said it's your parent's anniversary at kanina ka pa nila hinihintay. Go home already."

Saglit na nakita ko pa ang pag-aalangan dito bago mahinang tumango at lumabas. Ibinalik ko naman ang tingin sa tambak na papeles sa gilid at sa mug ng kape sa isa pang panig.

Hinubad ko ang salamin at sumandal sa upuan. Hinilot ko ang pagitan ng mga mata. Kanina pa ako hindi makapokus sa ginagawa kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa napapangalahati ang mga trabaho.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang gallery. Nagtaka pa ako nang walang makitang pictures ni Femella. I sighed when I remembered that I bought a new one and threw the old cellphone.

Napapabuntung-hininga na ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at isinubsob uli ang sarili sa mga ginagawa. It's the only way I know to keep my mind from wandering back into the woman who begged me to let go of her. Hindi ko ugaling ipilit ang sarili sa taong hindi ako gusto kaya pinakawalan ko na siya. Walang kwenta kung maghahabol ka pa sa taong ayaw na sa iyo. Sometimes, you have to know when to let go. Siguro nga ay minahal din ako ni Femella pero hindi iyon sapat dito para tuluyan niya akong tanggapin sa buhay niya.

Hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako kung paanong patutunguhan ang sakit dulot ng mga nangyari sa amin. This is the first time I've felt like this. Wala sa ayos ang utak ko. Hirap akong tapusin ang trabaho kaya nakakailang-balik muna ako sa mga pinipirmahan. I can't sleep unless I'm drunk at kahit sa panaginip ay hindi ako pinapalampas ni Femella. I've dreamt about holding her near me and then only to wake up the next day to an empty side of the bed.

Ngayon naiintindihan ko na ang pighating nararamdaman ng mga babaeng nakaulayaw ko noon. Some begged, others plainly cursed me while many accepted the end of our relationships though everyone of them said a line about karma.

Marahas akong nagbuga ng hininga. Ito na nga siguro ang sinasabi nilang karma. Kailangan ko nang pagbayaran ang pagiging pabling ko at ang pagiging mapaglaro ko sa babae.

Sinusubukan ko namang bumalik sa dati ang lahat. I went out with friends, do the usual things I do before she came into my life but I can't find happiness in them anymore.

Kaya iniwasan ko munang umattend ng functions at gathering para makaiwas sa mga pagtatanong. Kahit ang ina na kadalasan ay kinukulit ako sa pag-aasawa ay himalang wala akong narinig ni isang tanong kahit hindi ko naisama si Femella sa natanguan naming pagtitipon sa bahay.

The clock struck at midnight but I didn't move in my seat. Kulang pa ang pagod ko para pag-uwi ay ilang bote na lang ang kailangan para makatulog na. Alas dos na ng madaling-araw nang tumayo ako at kinuha ang coat para umuwi.

Napakatahimik ng hallway. Wala na ring katao-tao ang executive building. Sumandal ako sa loob ng elevator pagkapasok at tinitigan ang pagpapalit ng floor sa panel. Parang kailan lang nangyari ang lahat. Araw-araw pa kaming sumasakay dito nang magkasama at masaya. Wala akong kaalam-alam na nagpaplano na pala siyang iwanan ako ng mga sandaling iyon.

That's why I didn't go to my penthouse since Femella left me. There were too many good memories there. Umuuwi ako sa isang pagmamay-aring condominium  pagkatapos gugulin ang buong malungkot na araw sa pagtatrabaho at pagbabakasakaling maitaboy kahit paunti-unti ang mga alaala.

But at the end of each day I painstakingly live after she left is a wish that she'll come knocking on my door to tell me she's sorry and that she's back for me. I want her to come for me on her own accord.

Ayoko nang habulin siya.

Pagod na binaybay ko ang lobby. May ilan akong staff at customer na nakasalubong. Sinuklian ko ng tango ang mga pagbati nila.

"Sir, good morning po."

Tinanguan ko rin ang guard sa entrance na walang palya sa pagbati sa akin araw man o gabi bago lumabas sa revolving door.

Pinagbuksan ako ni Jex ng pinto ng kotse. Nang nasa daan na kami ay tinawagan ko si Ivan. Naka-limang ring pa muna bago ito sumagot.

"I want the chopper on the 25th branch in twenty minutes."

Hindi ko na narinig ang kaniyang sagot dahil ibinaba ko agad ang tawag. Pagdating ko sa condo ay diretso agad ako sa silid para kumuha nang iilang piraso ng damit. Pagkatapos ay nagpunta ako sa mini bar at nagsimulang magpakalango sa alak.

Tumayo ako nang maubos ang dalawang bote. Binitbit ko ang travelling bag paakyat sa helipad kung saan ko hihintayin ang helicopter. Maya-maya pa ay narinig ko na ang paparating na tunog nito. Hinintay ko na makalapag ang sasakyan bago ako nagsimulang maglakad. Bumaba si Ivan mula rito suot pa ang pantulog nito. Nagngangalit sa galit na iniiwas ko ang tingin sa nakatawang mukha ni Sponge Bob na nakabalandra sa harapan ng crotch area nito. Naaalala ko ang kwarto ni Femella. She has that same smiling pineapple on her pillows.

"You're late for five minutes," masungit na putol ko sa anumang sasabihin nito.

"My apologies, sir. Natagalan po ako sa pagkuha ng taxi. Sira po kasi ang service car—"

"Stop," pigil ko sa pagsasalita nito "Dating gawi ulit. Call me only when it's urgent or an emergency. I'll be staying at Isla Balikatan for now. Ikaw lang ang may alam na aalis ako kaya kung may makakatunton kung nasaan ako, I'll take it against you."

Bahagya itong yumuko. "Yes, sir."

"One more thing." Dinukot ko ang susi sa bulsa at ibinigay rito. "Use this car for now until the service car is replaced."

"Thank you, sir."

Tinanguan ko siya saka muling pinukol nang masamang tingin ang suot nito.

"You like Sponge Bob that much?"

Nahihiyang tumikhim ito. "Yes, sir."

I snorted. "I see."

Tuluyan na akong sumakay sa helicopter. I instructed the pilot then we flew away. Blangko ang mga matang tiningnan ko ang makukulay na ilaw sa ibaba. It was a spur of the moment decision. Sawa na akong palaging nagkakampo sa opisina at sa unit. Kailangan kong huminga at isang lugar lang ang pumapasok sa utak ko sa tuwing tila wala na akong kontrol sa mga nangyayari. It's only in Isla Balikatan where I found peace and some answers to my questions.

Makalipas ang kalahating oras ay nasa isla na kami. Marami na ang bangkang nasa dagat pero may mga iilang mangingisda pa ang natira sa dalampasigan na naghahanda na rin sa pagpalaot. Sa ganitong oras nagsisimula ang buhay nila. They live a very simple life compare to mine and yet they are more contented and happy than me.

"Thank you, Carl. I'll call you next week," wika ko sa pilot bago bumaba.

"Yes sir," tugon nito.

Saglit na nagkamustahan muna kami ni Andy na siyang nagdala ng sasakyan ko. Kanina pa raw niya na-receive ang tawag mula kay Ivan. Abot abot ang kaniyang pagpapasalamat sa tulong na ginawa ko sa kaniyang mag-ina kaya automatic akong kinuha na ninong. Pumayag na ako lalo pa at wala akong naisip na maaring gawin sa isla bukod sa magpahinga at kalimutan si Femella.

Kalat pa ang dilim sa kalangitan nang mag-park ako sa harapan ng rest house. Sinusian ko ang pinto at tumuloy sa kusina kung saan kita ko ang malalakas na hampas ng alon sa dagat.

Tumayo ako, kinuha ang dalang bote ng alak, binuksan at nilagok. Sinuyod ko ng tingin ang buong kabahayan. Napakaraming alaala ang ginawa namin ng magkasama rito. Mula sa bangayan, girian at iba pang maiinit na eksena.

Kumuyom ang mga kamao ko nang lumitaw sa aking balintataw ang mukha ni Femella habang walang habas niyang sinasabi sa akin na wala akong puwang sa buhay niya. Tumulo ang luha ko na agad kong pinalis sabay tapon sa boteng nakuha sa sahig. Lumikha ng ingay sa katahimikan ang nabasag na bote. Nagkalat ang bubog sa sahig at dingding pero wala akong pakialam. Kumuha ako ng isa pang bote at uminom.

Balak kong lasingin ang sarili hanggang sa wala na akong maramdaman gaya ng ginagawa ko gabi-gabi. Baka sakaling kahit papaano ay mapunan nito ang butas na iniwan ni Femella.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.