"Vokloh, sureness ka na ba sa desisyon mo na iyan? Baka pwede pa nating mabago? Wala na bang bawian?" ang tanong ng mulagat na si Chino pagkarinig sa sinabi ko kay Vida na ngayong tanghali na ang alis ko. Kakalabas lang nito sa palikuran at mukhang nasa kasagsagan ng paghuhugas ng kamay. May bula pa sa kamay nito.
"Sureness na to bakla. My time has come to retire. Solo mo na uli ang pagpapantasya sa mga yummy abs sa club." Nginisihan ko ito saka ibinalik ang tingin kay Vida na nakasalampak din ng upo sa sahig tulad ko.
Tinawagan ko siya para makapagpaalam ng maayos. Saktong nasa apartment din niya si Chino kaya inabisuhan kong wag muna niyang paalisin. Gusto kong personal na magpaalam sa baklang ginawang masaya at tolerable ang panahon ko sa La Vida.
Nakapag-empake na ako at ready nang umalis. Nasa trunk na ng luma kong kotse ang mga maleta ko. Sumaglit lang talaga ako para magpaalam.
"O eh di mas lalong hindi na ako papansinin ng mga kalahi ni Adan. Alam naman nating pinagtitiyagaan lang nila akong pansinin dahil sa iyo." Ngumuso ito at kinusot ang mga kamay.
"Diskarte mo na iyan. Aba, libre na nga kitang nabahagian ng kagandahan ko tapos poproblemahin ko pa ang mga advances mo. Wag ganun, baks. Abuso na iyan."
"Palibhasa nakatikim na ng gourmet dish kaya hindi na lumilingon sa pinanggalingan. Pasalamat ka talaga at kaibigan kita Femella kung hindi, inahas ko na iyang si Maverick."
Napalis ang ngiti ko pagkarinig sa pangalan ng lalaki. I tried to hide the pain by laughing. "Luka luka ka talaga. Hindi ka papatulan nun. Doon ka na nga. Maghugas ka na."
Humahagikhik na nagbalik ito sa bathroom kaya napilitan akong harapin ang nang-uusisang mata ni Vida.
"You're still hurting," sabi nito na matamang nakatitig sa akin.
Uminom ako ng tubig. "Of course. One month is too short for moving on from the love of your life especially when you know you hurt him."
"Hindi mo naman kasi kailangang mag-move on. Mahal ka ni Maverick. Mahal mo rin siya kaya ano ang problema? Two people who love each other should be together. Ikaw lang ang nagpapa-complicate sa lahat eh." Sumandal ito sa sofa at iniunat ang nakataas na paa.
"After all I've done? I don't deserve to be happy with him, Vida. I don't deserve him. Magkakasakitan lang kami palagi. Ayoko ring ma-drag ang pangalan ng pamilya niya sa baho ng mga Alcantara. They are so nice to me especially his mother."
"And they'll be nicer to you if you go back to him. Nakausap ko sina Luther at Cholo noong isang linggo, para na raw zombie si Maverick sa mga ginagawa nito. The guy is burrying himself to tons of work. Mas doble raw ang pagiging workaholic ngayon ni Maverick. He's also killing himself through alcohol. I heard matatalo na ng collection niya ang buong bar area ng La Vida sa dami nitong binibiling alak araw-araw. You broke his heart Fem and I find it absurd that you're both suffering when you feel the same way! Hay naku! Kaya hindi ko naiintindihan ang mga taong in-love. They don't see reason sometimes."
Kumurap ako ng ilang beses para umurong ang mga luhang nagsisimula na namang mabuo. Ayokong umiyak ngayon. Mamaya na kapag ako na lang mag-isa. "Kaya ko nga ito ginagawa dahil gumagana pa ang isip ko. If I let my heart decide eh di sana magkasama pa rin kami ni Maverick ngayon, tumatawa habang nagluluto ng paborito kong ulam. Pero hindi. Nandito ako at nagpapaalam sa inyo dahil alam kong walang kinabukasan ang naghihintay sa aming dalawa."
"So you never doubted for once his love for you? You didn't mean what you said when you tell him about how he must have loved you because of Trisha?"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. "How did you know it?"
"Dave. He put a device on your pocket. Naikwento niya sa akin noong araw na umiiyak na sumugod ka rito."
Napailing na lang ako nang maalala ang pasaway na green-eyed na binatilyo. "That boy. Minsan naguguluhan din ako kung nasa kanino ba ang loyalty niya. Last time, I told him not to tell anyone what happened to me but then he called Maverick. Nagsumbong pa siya kung gaano ako ka-exploitative pagdating sa oras ng pagkain kaya ayun nagkaroon silang dalawa ng rason para pagkaisahan ako. And now he's spying on me and he's got a knack on telling people about my personal conversation. Makita lang kita uli, titirisin kita."
Tumawa si Vida. "Dave is a wonderful boy. Now answer the question."
Kumuha ako ng isang slice ng pizza at nilagyan ng chili sauce. "Minsan. Noong sinabi niyang mahal niya ako, ramdam ko talagang para sa akin iyon, na ako ang taong tinutukoy niya. Pero... sa tuwing nahuhuli ko siyang tinititigan ako, nasasaktan ako. Kung tingnan kasi niya ako ay parang matagal na niya akong kilala. Yung parang nangungulila. The way he looks at me reminds me of the way Trisha looks at him." Ngumiti ako nang mapait at kumagat sa hawak na pagkain.
"Eh di ipaglaban mo. Nakaraan na iyang kakambal mo. Ikaw na ang kasalukuyan."
Nilunok ko muna ang pagkaing ni hindi ko malasahan bago sumagot. "I don't deserve him. I love him that's why I'm letting him go so that he's free to meet the woman who deserves him. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin kaysa mahalin niya ako." Gumaralgal ang tinig ko. "Kasi Vida... Nakokonsensiya ako. Sobra." Pinahid ko ang tumulong mga luha. "Hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal niya kasi kinakain ako ng guilt ko. Dahil sa amin kaya naaksidente siya, kaya nawala ang mga alaala niya. And then I planned to use him for my ends. I felt his sincerity during our stay in the island. He made me happy there pero anong ginawa ko? I still left him. Hinabol niya ako at kahit noong malaman niya na plano ko siyang gamitin, he still cares for me. See, kahit nagalit siya sa akin noong nakipagkita ako kay Lagma, tinulungan pa rin niya akong makalaya si Trisha. Nagpagamit siya sa akin and he knows it. He never forgets to tell me how much he loves me every night before we sleep. Pagkatapos ay magigising ako na nanginginig siya at binabangungot. I feel so horrible. Pumasok ako sa buhay niya na tanging dala ay gulo. I didn't contribute anything to him. Kaya I don't deserve him."
Pumailanlang ang katahimikan.
"Looks like you made up your mind and you've thought about it through and through. Kahit ano man ang sabihin ko, hindi mo tatanggapin. Walang silbi kung ipipilit kong baguhin ang isip mo," wika nito.
I managed to smile. " You're right." Sumulyap ako sa relo. "I think I better go, Vida. Balak kong dumating sa Sta. Barbara bago mag-takipsilim." Tumayo ako at niyakap ang kaibigan. Wala na akong mahahanap pa na katulad nito sa buong buhay ko. I might not be close to my sister but the fate gave me another sister in the form of Vida.
Hinagod niya ang likod ko. "I'll miss you."
Ngumiti ako at gumanti ng hagod sa likod nito. "Ako rin. Pasyalan mo ako doon ha. Isama mo si Chino. I'll be waiting."
"Hoy mga sisterakas! Bakit may yakapan na nagaganap ng hindi ako kasali?"
Natatawang hinila namin si Chino at mahigpit na niyakap.
"Bat ang tagal mo sa loob? May milagro kang ginawa ano?" pang-aasar ko rito.
"Hoy!" Tinampal niya ako sa braso. "Pakasama ng ugali nito. Nagtatae ako, ano ba. Dahil siguro to sa kinain kong bulaklak kagabi."
"Hala ka! Chino, kumakain ka ng bulaklak?" buska ni Vida.
"Sira! Jumbo hotdog ang hanap ko. Tsaka may edible kaya na bulaklak." Bumitaw ito sa yakap namin at binalingan ako. "Dadalaw ako sa kaharian mo sa susunod na linggo basta ba pakiusapan mo tong boss natin na payagan akong mag-leave. Jusko! Na-i-i-stress na ako sa araw-araw na hanggang tingin lang ako sa mga fafa na bigay ng langit. Kailangan kong huminga kundi ay baka mapwersa ko na sila, day!" Hinawi nito ang imaginary na buhok gamit ang pumipilantik na kamay.
"I got it. Magdala kayo ng house presents okay?"
Nagtatatawanan na inihatid nila ako sa labas ng apartment.
"Take care okay? Call me anytime. Kaya kong iwanan ang lahat para sa iyo, senorita."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa dibdib ko sa sinabi ni Vida. Kahit noong nasa Monte Vega pa kami, paborito na niya akong asarin gamit ang pangalang iyan.
"I will. Mag-iingat ka rin."
"Bakit ako hindi mo pinag-iingat, bakla?" nagtatampong tanong ni Chino.
"No need, Chino. Sila ang dapat na mag-ingat sa iyo."
Tumatawang binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumulan. Kumaway ako sa kanila bago pinaandar ang sasakyan. Nakita ko pang tinanaw nila ako mula sa rear view mirror.
Isinuot ko ang shades at kinuha ang cellphone.
"Dave?"
"Yes, I got it. May meeting siya at exactly 10 am sa 33rd branch ng hotel."
"Thank you. Kahit hindi na to kasama sa bayad ko sa iyo ay pinagbigyan mo pa rin ako."
"Crush kasi kita."
Napahalakhak ako. "Sorry, I can't return back the feelings. I'll wait for you three years from now. Ako pa ang manliligaw sa iyo."
"Di nga Ate Fem. Totoo."
Napangiti ako.
"Mami-miss kitang asungot ka. Thank you for everything, Dave. Goodbye for now. Take care."
I ended the call and glanced at the time. May kalahating oras pa ako. Binilisan ko ang pagpapatakbo.
Saktong ipinaparada ko na ang sasakyan sa tapat ng Fuentebella Hotel nang lumabas si Maverick mula sa sasakyan nito kasunod ang mga unipormadong lalaki. He unbuttoned a part of his coat and adjusted his tie, a sign that he's being confident. Sinundan ko ng tingin kung paano nito maawtoridad na kausapin si Jex na nasa tabi nito.
Nakasuot ito ng aviator kaya hindi ko mabasa ang nasa mga mata nito. His strides were long and sure. An obvious air of presence and excellence on his appearance.
Kanina pa nakapasok si Maverick sa building pero nakatitig pa rin ako sa direksiyon nito kanina. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo na pala. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang sarili.
"Thank you for everything, Mav. Goodbye, my love. Live a happy life."
Nagsisikip ang dibdib na binuhay ko na ang makina at pinasibad ang kotse palayo kay Maverick. Palayo sa taong una at huli kong mamahalin sa buong buhay ko.
Inaliw ko ang sarili habang nasa daan. More than six hours din ang byahe papuntang Sta. Barbara. Nagpatugtog ako ng kanta. Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na biyahe ay huminto ako sa isang gasoline station para magpa-full tank. Humanap na rin ako ng kainan para mananghali.
Four hours on the road helps me relax. Napapangiti na ako sa nakikitang tanawin. Dumadalang na ang mga nakakasabay ko na sasakyan. Napapalitan na rin ng mga kahoy sa daan ang mga gusali.
Binuksan ko ang bintana at inamoy ang preskong hangin. This is what I wanted from the very start. A new fresh reset in the province.
Pumasok ako sa isang kurba na may arkong nakasulat na Welcome to Sta. Barbara. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Makupad pa rin ang paglago ng lugar. Iilang establishment lang ang nadagdag. Nadaanan ko ang plaza sa harap nang malaking simbahan.
Mas gumanda pa ito lalo. Mas lumago ang mga puno at bagong pintura ang mga nagkalat na concrete benches kung saan may mga batang naglalaro. May mga nakita rin akong mga branches ng mga sikat na fastfood chains.
May ibang mga naglalakad na tumitigil at sinisipat ang sasakyan ko. Sta. Barbara is a small town. Halos lahat ay magkakakilala kaya naku-curious ang mga tao rito sa bagong mukha.
Sa pinakadulong bahagi ng lugar nakatirik ang iilang estarya ng lupa na sa laking pagkagulat ko ay nakapangalan pala sa akin. I thought it's in Trisha's name since she lived in here. I was shocked when the lawyer announced after the burial that it's under my name.
Ilang taon din itong nakatiwangwang dahil nga wala akong pera pampaayos kaya nang mag-alok si Vida sa akin na pauutangin niya ako, hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ito.
Ipinagiba ko ang buong bahay at nagpatayo nang maliit na cabin house sa gitna nito. Maliit lang dahil ako lang namang mag-isa ang titira rito habang iniisip ko pa ang gagawin sa buhay ko simula ngayon.
Ipinasok ko ang kotse sa private property. Tanaw ko na ang maliit na bahay. Ang cute lang talaga nitong tingnan sa gitna ng bakuran na puno ng mga makukulay na bulaklak. I plan to till the land here. Sapat naman na siguro ang kaalaman ko tungkol sa pagtatanim.
Bumaba ako sa kotse at nag-inat. I took out the key and opened the door to the house. Bumungad agad sa akin ang napakalinis na sala at makintab na sahig na kakalampaso lang. I called Manay Letty's daughter who is the caretaker of the property to clean the house this morning.
Ipinasok ko na ang mga bagahe sa maliit na kwarto at ang grocery supplies sa ref. Nang makaramdam ng pagod ay natulog muna ako.
I woke up to the sound of crickets and other night animals. Kinapa ko ang side ng kama. "Mav," I whispered.
Natigilan ako nang wala akong mahawakan. And then reality hits me. Wala na si Maverick sa buhay ko. I chose to left him.
Nag-iinit ang mga matang isinubsob ko ang mukha sa unan. I cried and wept. The emptiness that has been gnawing since that night slaps me again.
Tapos na ang misyon ko kaya wala na akong dahilan pa para magpanggap na matapang ako at walang kinatatakutan. It's exhausting.
Niyakap ko ang unan at ibinaon ang mukha rito. I'm looking for his scent. I miss his warmth embrace. Humagulhol ako habang yakap ang sarili sa gitna ng kadiliman. I feel so lonely and sad.
It's the truth I have to live from hereon.