Chapter Chapter: 89

Kath pov

Pagkatapos namin mag-usap ay nauna na akong pumanhik sa silid na tutulugan ko dito sa rest house nila Summer, habang si Seb naman ay dun daw matutulog sa kabilang guess room kasama ang daddy niya kaya ako lang mag-isa matutulog dito ngayon.

At hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang lahat ng mga sinabi nila sa akin kasi hindi ko naman talaga ito nakita. Pero kaibigan ko sila at alam kung concern sila sa akin kaya ayaw nila akong masaktan. Pero takte! Ang tanga ako lang kasi hindi pa ako nadala pangatlong heartbreak ko na ito eh. Kung bakit ba kasi ang bilis kung maniwala sa mga matatamis nilang salita na kahit ginagago na nila ako ay hindi ko man lang nalaman. At akala ko si Angelo na talaga ang lalaking mamahalin ako at hindi ako iiwan pero shit! Nalaman ko na lang na may mahal na siyang iba tapos buntis pa. Sobrang nag-aalala pa naman ako sa kasi nga nakidnap sya. Don't tell me palabas niya lang ang lahat ng yun para may paraan siyang iwanan ako ni hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko sa ginawa niyang ito.

Inayos ko na ang unan ko para sana mahiga na ako ngunit biglang naman may kumatok ng pinto kaya mabilis ako tumayo para buksan ito “Max. Why are you here may kailangan ka ba?” Tanong ko

Ngumiti naman siya saka tumingin ng seryoso sa mga mata ko “I just want to say thank you kasi pumayag kang tabi kami ni Seb ngayon na matulog.”Aniya habang nakasandal sa pinto

“Welcome, may karapatan ka rin naman kasi daddy ka niya. Kahit na itinanggi mo sya dati at mas pinili si Kira kay sa samin ng anak mo.” Pabirong sabi ko sa kanya sabay mahinang tapik ko sa balikat niya. Bigla naman naging malungkot ang mukha niya ng sabihin ko yun.

“I'm sorry, at sana kahit anong malaman mo at sabihin nila sayo ay sana mapatawad mo parin ako Kath.”Aniya saka akmang luluhod pa sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan.

“Matagal na kitang pinatawad saka nag bago kana rin naman at hindi ka na playboy tulad ng dati.”Kako na nagpa kunot naman ng noo niya kaya ayun nagka salubong tuloy ang dalawang kilay niya. “Kumusta na kaya silang dalawa ni Kira, ngayon? Siguro naman ay hindi na sila nag-aaway nang dahil sa akin.

“Sige na matutulog na ako, dahil baka hinanap na ako ng anak natin. Pasensya na rin sa istorbo. Goodnight.”

“Good night din Max.”Kako saka agad na sinara ang pinto

“Good morning baby.” Bati ko agad kay Ariya, pagkagising niya at kaagad na inaalalayan siya papunta sa may kitchen. Mabuti na lang talaga at na gustohan niya itong town house na nabili ko at malapit lang din sa mall kaya hindi masyadong aksaya sa gas at sariwa pa ang hangin.

“Good morning din Baby. Ang ganda talaga dito noh?”Aniya sabay lagay ng beacon at bread sa plato niya. Nag salin rin ako ng orange juice sa baso niya.

“Mabuti naman at nagustuhan mo dito.”Kako saka marahang hinawakan ang kamay niya at hinalikan ko ito. Ngumiti naman siya sa ginawa kong ‘yun saka tumuloy na sa pagkain.

Kassandra pov

Nagising na lang ako dahil sa malakas na katok ni Kira, dito sa kwarto ko. Kulang na nga lang ay sirain niya itong pintoan mabuti na lang talaga at hindi nagising sa mahimbing na pagtulog si Zian. Tinignan ko naman si Austin at tinangoan niya naman ako kaya tumayo na ako sa higaan ko at kaagad na binuksan ang pinto at saka nauna na ako maglakad kay Kira, papunta sa may sala para dun kami mag-usap, dahil baka marinig kami ni Austin at baka 'yun pa ang maging dahilan ng pag-aaway namin.

“Kira, anong kailangan mo?”Tanong ko

Nakita ko naman na biglang sumeryoso ang mukha niya at hindi man lang inaalis ang paningin niya sa akin, if this is about to help her again well my answer is No! Dahil ayaw ko ng masali na naman sa gulo. Hindi ko pa nga nasasabi kay Austin, ang nagawa kong kasalanan kay Kath, noon. Tapos ngayon dadag-dagan ko na naman.

“I need your help. At gusto ko rin na sabihin mo sa akin kung nasaan si Max, ngayon. Tell me! Magkasama ba silang dalawa ngayon ni Kath?”Galit na tanong ni Kira, kaya agad kong inikot ang paningin ko sa buong sala ngayon dahil baka bigla dumating Austin at marinig niya kaming dalawa ni Kira, ngayon.

“Sinabihan na kita na huling tulong ko na ‘yun sayo, dahil ayaw ko ng masangkot pa sa gulo ninyong dalawa ni Kath. Kaya sana naman maintindihan mo ako Kira. I have a son and a husband. At tungkol naman sa tanong mo kung magkasama ba sina Max at Kath ngayon, ay hindi ko alam. Look Kira, ayaw kong masaktan ka o kaya naman makasakit ka ng iba. Kaya sana naman wag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mong gawin. Mabuti pa ay magbago ka na lang dahil kapag siguro ginawa mo ‘yan ay balikan ka pa ni Max.” Sambit ko habang nakahawak sa mga kamay niya. Ngunit tinulak niya lang ako dahilan upang mapa upo ako sa sahig. Mabilis naman akong tumayo saka inaayos ang palda ko.

"Aba! At talagang di ka na natatakot sa akin ngayon? Baka naman nakakalimutan mo Kassandra, kung anong ginawa mo kay Kath noon. Kaya wag kang umasta nang bait mo! Di ba nga ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi sila nagkita ni Austin noon.

“Alam ko nagkamali ako dati. Ayaw ko lang naman na mawala sa akin si Austin, kaya ko nagawa ang lahat ng 'yun. Kaya sana naman maintindihan mo ako dahil masaya na ako sa pamilya ko ngayon. At minahal na rin ako ako Austin.”Sabi ko at muling tumingin sa kanya ngunit pinandalitan niya ako ng mga mata nya.

"Minahal ka na nga nya pero ang tanong mamahalin ka pa rin kaya nya kapag nalaman niya ang ginawa mo sa kanya 3 years ago?"

"What are you two talking about? Anong ang nangyari 3 years ago Kassandra. Tell me!" Nagugulohan na tanong ko habang palit-lipat ang tingin ko kay Kassandra at Kira na nag tatalo sa may sala.

"Austin...."Utal kong sabi ng makita ang asawa ko at nakita ko naman ang pa tagong pag ngiti ni Kira, na para bang masaya pa sya dahil narinig kami Austin.

"Gusto mong malaman anong nangyari 3 years ago. Sige sasabihin ko sayo dahil alam kung hindi ito kayang sabihin sayo ni Kassandra." Sagot ko naman kay Austin, na nagpalaki naman ng mga mata ni Kassandra.

"Kira! Tumigil ka na! Umalis kana."Sigaw ko at hinila na palabas si Kira, ngunit pinigilan naman ako ni Austin.

"Si Kassandra lang naman ang taong bumangga Kay Kath 3 years ago. At ang naging dahilan kung bakit hindi naka punta si Kath, sa starbucks para makipagkita sayo noon. And I'm sure kung hindi niya ginawa yun ay masaya na sana kayong dalawa ni Kath ngayon. Ngayong alam mo na ang lahat Austin, mamahalin mo parin ba sya?"Sambit ni Kira.

Nakita ko naman ang pag iba sa expression ng mukha ni Austin at nakita ko rin ang luha sa mga mata niya habang nakatingin lang sa akin.

"Is this true Kassandra, paano mo ginawa 'yun?" Tanong ko sa kanya, at dahil sa mga narinig ko ay para bang bumalik sa akin ang lahat ng sakit na naramdaman ko ng mga panahong pinaglaban ko si Kath sa pamilya ko at sa lahat. At kung paano ko siya sinaktan at tinalikura ng hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman niya in my selfish ways of saving her and my family. Dahil sa pagbabanta ng ama niya sakin noon. At kung hindi ginawa ni Kassandra ‘yun dati. I'm sure ay naging masaya na sana kaming dalawa ni Kath ngayon at ang pinaka masaklap pa ay mahal ko na siya at may anak narin kami.

"I'm sorry Austin at sana mapatawad ko ako sa nagawa ko sayo at kay Kath. Mahal na mahal lang talaga kita kaya ko nagawa ang lahat ng 'yun." Halos kumawala na ang lahat ng luha ko sa mga mata habang sinasabi ko sa kanya ito. Ganito pala ang pakiramdam kapag takot kang mawala ang taong mahal mo dahil sa ginawa mo. Sana lang talaga mapatawad ako niya ako dahil di ko kakayanin kapag tuluyan na nya akong iniwan.

Naikuyom ko ang kamao ko saka galit na tumingin ako sa mga mata ni Kassandra "Wag ka lang sa akin humingi ng tawad! Alam mo bang sa ginawa mong ito ay sobra mo akong sinaktan at ngayon ko pa talaga ito nalaman kung kailan mahal na kita at may anak na tayo!"

"Austin please forgive me."Kako sabay ng aking paghikbi at saka marahang hinawakan ang braso niya

Hinawi nya ang kamay ko na nakakahwak sa braso niya saka muling nagsalita bago ito umalis "I don't know when to forgive you Kassandra. Dyan kana!"

Galit na galit naman akong tumingin kay Kira "Ngayon masaya kana sa ginawa mong pag sira aming dalawa ni Austin? pwes ako hindi! lahat naman ng tulong na hiningi mo sa akin di ba ginawa ko naman Kira? Pero bakit hindi ka makaintindi."

"Kung hindi rin lang naman ako magiging masaya sa piling ni Max ay dapat ikaw din hindi maging masaya sa piling ni Austin." Aniya na kinagalit ko kaya mabilis kong inangat ang kamay ko at saka isinampal ko yun ng malakas sa pisngi niya.

"How dare you slapped me?"Sigaw ni Kira

"That's for ruining my family!"kako at saka mabilis na kinaladkad sya palabas ng gate namin. Serves her right.

Isang kabanata na lang at magtatapos na ang ang kwentong ito kaya more on Kath's revenge naman tayo sa next chapter.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.