Chapter Chapter: 90

Austin pov

Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa ni Kassandra kagabi. Ay hindi pa rin ako umuwi sa bahay nag-aalala na nga ako kay Baby Zian at ilang text messages at tawag na rin ang natanggap ko galing sa asawa ko. I want to forgive her because she's my wife, pero dahil sa mga nalaman ko kagabi ay para bang ang hirap magpatawad lalo na at nakasakit ka ng taong mahal mo. I give up my happiness just to marry Kassandra dahil sa mga pagbabanta ng ama niya sa akin. But me and his dad are in good terms now.

Dahil nag kapatawaran na kami. I sigh for a moment habang binabaybay ko ang daan papuntang tagaytay. I need to think and have some fresh air para ilabas itong mga hinanakit ko at beach nga ang una kung naisip na puntahan. Siguro uuwi na lang ako kapag okay na ang lahat at kung handa na akong patawarin si Kassandra.

Both Kath and my parents ay sobrang na galit sa aming dalawa noon. At hanggang ngayon ay galit pa rin sila kay Kath. Kasi hindi nila alam ang buong nangayri and I'm sure kapag nalaman nila ang lahat ng ito ay ewan ko na lang kung hindi nila pagsisihan lalo na ang parents ni Kath na nag takwil sa kanya noong mga panahon na kailangan nila siya.

''What are your thoughts? Kanina pa kasi Kita napapansin na ang lalim ng iniisip mo?"My wife Mahalia ask, habang naka yapos ang dalawang kamay nito sa bewang ko.

I sigh and take a deep breath bago ko sinagot ang asawa ko. ''Mahalia, when are you going to forgive our daughter?''

Naramdaman ko na mabilis na inaalis ng asawa ko ang mga kamay nya na nakayakap sa bewang ko. Pagkatapos ay taas kilay siyang humarap sa akin

'' Why would I forgive her? Pagkatapos ng kahihiyang ginawa niya sa pamilya natin. At sa pamilya ni Shane at Matilda. Ngayon mo sabihin sa akin kung dapat ko pa ba siyang patawarin.''

''But Shane... Kath is still our daughter ni hindi mo man lang siya pinakinggan at basta mo na lang siyang tinakwil. Ano mas importante pa ba 'yang pride mo kaysa sa anak natin na niluwal mo ng siyam na buwan. Ano mas pipillin mo pa ba 'yang mga kaibigan mo kaysa nag-iisang anak natin? what if kung isang araw ay napatawad mo na siya. Pero huli na pala ang lahat kasi itinakwil kana rin ng anak natin bilang ina niya. Ano rin kaya ang mararamdaman mo kapag nagkataon?''Sambit ko na sandaling nagpa tahimik sa kanya. I know she loves our daughter pero sadyang ma pride lang talaga siya at 'yun ang hindi ko kayang baguhin sa asawa ko.

''Enough Lucas! Ang dami ko na ngang iniisip dagdagan mo pa nito.''Aniya at nagmamadali ng maglakad palabas ng bahay. If I know makipagkita na naman yun kay Shane at Matilda. Hays! sana maayos pa namin itong pamilya namin at hindi ako mawawalan ng pag-asa na mangyari yan.

Kath pov.

Dahil sa dami ng mga iniisip ko ngayon ay nagpasya na lang akong magpunta sa mall kasama si Seb. Medyo malapit lang din naman ito sa rest house nila Summer dito sa tagaytay. Bukas kasi ay babalik na ulit kami ng manila at magiging busy na naman ako sa pagbabantay ng boutique namin ni Mrs Ferrer dahil sa susunod na araw pa kasi ang balik ni Maribela. At ang magbabantay na naman sa anak ko ay is Manang Anding na naman. Nahihiya na nga ako sa kanya pero lagi niya namang sinasabi sa akin ay okay lang daw dahil mabait at masunurin na bata naman daw si Sebastian kaya hindi siya nahihirapan.

Paano na lang kaya noh kung hindi si Mrs Ferrer ang nakakita sa akin noon ano kaya ang magiging kapalaran ko kapag nagkataon? May parents nga ako pero itinakwil naman ako at ni hindi man lang ako pinaniwalaan ni mom. Kasi mas naniniwala sya sa mga kaibigan niya lalo na kay Kira at Max. Pero napatawad ko na naman si Max, dahil nakita ko naman ang pagbabago niya at hindi na siya yung katulad ng dati na lagi na lang galit kapag nakikita niya ako at mas lalo niya pa nga akong sinusuyo ngayon dahil gusto niya mabuo ulit ang pamilya namin na pinangarap ko noon. Hays ewan ko ba kung bakit pati ito ay iniisip ko pa.

And about Angelo naman ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siyang may kasamang iba. Kasi iniisip ko pa nga lang ay parang hindi ko na kaya. Sana matapos na ang lahat ng ito at maging masaya na sana ako. Tatanggapin ko naman kung magiging mag-isa na lang talaga ako sa buhay basta kasama ko lang ang anak ko lalo na sina Manang Anding at Mrs Ferrer at ang lahat ng mga kaibigan ko. Na kahit kailanman ay hindi ako iniwan.

Agad akong napatingin kay Seb ng mahina niyang tinapik ang balikat ko “ Mom, what's wrong?”

Pilit naman ako ngumiti sa kanya saka marahang ginulo ang buhok niya. “Wala naman anak. Iniisip ko lang kung anong gusto mong kainin.”Pagsisinungaling ko.

Napa kunot naman ng noo niya ang anak ko “I know that you're lying. I'm your son kaya alam ko that you have a problem. Is this about Tito Angelo? Okay lang naman po kahit hindi ko sya maging daddy. Alam ko rin po na masaya na siya sa iba ngayon. Don't worry mom I will protect you po at hindi kana niya masasaktan.”

Naging proud naman ako sa naging turan ng anak ko. At talagang may tagapagtanggol na ako ngayon at ‘yun ay ang anak ko. Bata pa nga lang si Seb, pero kung magsalita sya ay parang dinaig pa niya ang matatanda. “Thank you anak. Dahil palagi mong pinapagaan ang loob ko? Mahal na mahal kita.”

“You're welcome mom, love na love din po kita.”

“Dito ka muna bibili lang ako ng pagkain natin. Don't talk to strangers okay?.” Pagpapaalala ko sa kanya.

“Don't worry mom, I have this.” Sabay pakita niya naman sakin ng wristwatch na binigay ni Elana at Ziggy noong birthday niya. Para if ever he get lost ay mahanap namin agad kung nasaan ang location niya and for his safety na rin dahil baka may gawing masama sa kanya si Kira at ‘yun ang hindi ko hahayaan na mangyari.

At ng pumila na nga ako ay sakto namang nakita ko si Austin na naglalakad kung saan ako nakapila. But I'm not sure kung nakita nya ba ako kasi parang wala siya sa sarili na para bang pasan niya ang buong universe ganun ang aura niya. Nakita ko namang nagulat siya ng makita niya ako at halatang pinipilit niya lang ngumiti sa harapan ko. “Sinabi na kaya sa kanya ni Kassandra ang lahat kaya nag away sila. Naku wag naman sana.” Naitanong ko na lang sa sarili ko atsaka agad na ngumiti ako kay Austin.

''Austin, bakit mag-isa ka lang?''Tanong ko

Lumapit naman siya sa akin at pumila narin sa tabi ko. ''Kailangan ko lang mag-isip ng mag-isa Kath. Can we talk?''

"Yes, pwede naman."Sabi ko at saka kinuha na yung order namin sa counter table at pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa table namin ng anak ko.

"Siya na ba ang anak nyo ni Max? Magkamukha nga talaga sila ng pinsan ko kaya hindi mapagkakailang mag-ama sila." Manghang sabi ni Austin.

"Oo nga eh. Ugali ko nga lang yata ang namana ng anak ko."Natatawang sumangayon naman ako sa kanya.

"Seb, dito ka muna ha? Mag-uusap lang kaming dalawa ng Tito Austin mo sa kabilang table."Sabay abot ko sa kanya ng kanyang friedchicken at fries.

"Okay po, mom. Dito lang po ako."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.