Chapter Chapter: 91

''Kumain ka muna, ano pala ang pag-uusapan natin ngayon?''Tanong ko.

Austin sigh for a moment bago ito nag salita ''I know everything Kath. Alam ko na kung anong ginawa ni Kassandra sayo. Kung nalaman ko lang sana ito ng maaga ay hindi na sana ako pumayag na pakasalan siya. At ang masaklap pa ay ngayon ko lang ito nalaman kung kailan minahal ko na siya at may anak na kami. At kung hindi ko pa narinig ang pagtatalo ni lang dalawa ay hindi ko pa talaga ito malalaman. Ang tanga ko dahil pinili kong iwanan ka and I'm sorry dahil naging duwag ako at nagpa kulong dahil na takot ako sa pagbabanta ng ama niya.

Marahan kong namang hinawakan ang kamay niya at tipid na ngumiti. ''Austin, pinatawad ko na si Kassandra noong araw na ikakasal na sana kami ni Angelo. She came to me para balaan ako sa planong gawin ni Kira, sakin. Inamin niya rin ang nagawa niyang kasalanan sakin at kasabay din non ay ang paghingi niya ng kapatawaran. At sinabi niyang takot din siya na malaman mo ang ginawa niya sa akin. Kaya siguro hindi niya ito nasabi sayo agad. Mahal ka ni Kassandra at ang anak nyo kaya wag ka ng magalit sa kanya dahil nagbago siya ng dahil sayo. Kaya sige na umuwi kana sa inyo para magkaayos na kayong dalawa.''

''Thanks, Kath. Ang bait mo talaga kahit ang dami ng taong nanakit sayo ay nakuha mo pa rin na ngumiti at maging masaya.''Ani Austin, at saka minadaling inubos ang pagkain nito at mabilis na nagpaalam ito sa akin na uuwi na. Mahal na nga talaga niya si Kassandra at masaya ako para sa kanila dahil totoong pagmamahal na talaga ang nararamdaman nilang dalawa. Pagka alis ni Austin bumalik na ako sa table namin ni Seb at hinihintay ko na nga lang siyang matapos sa pagkain para maka balik na kami sa rest house nila Summer at Tristan.

“Seb, pagkatapos mong kumain ay babalik na tayo sa rest house.” Sabi ko na tinangoan naman agad ng anak.

“Okay po mom, Tara uwi na po tayo. Sa bahay ko na lang uubosin itong fries”Aniya saka marahang hinila ako.

Kath pov.

Naka uwi na kami sa bahay, sila Summer at Tristan naman ay sumabay na rin sa amin sa pag-uwi pati na sina Elana at Ziggy. At ngayon nga ay papunta na ako sa boutique namin ni Mrs Ferrer, mamayang gabi pa kasi ang uwi ni Maribela at bukas na ang balik niya sa trabaho rito sa boutique.

Umuwi kasi siya sa province nila dahil birthday ng ama niya at medyo matagal na rin siyang hindi nakaka uwi sa kanila kaya pinayagan ko siyang mag leave na muna sa trabaho niya dito sa boutique dahil maayos naman niyang ginagawa ang trabaho niya at halos lahat ng mga naging customers namin sa boutique ay gusto rin siya at kasundo ko rin siya.

Bumaba na ako sa sasakyan pagkatapos ay mabilis kong kinuha ang susi sa bag ko para buksan ang boutique at agad na pinalitan ng “Open” ang signboard at binuksan ko rin ang laptop ko para tingnan kung may mga orders at kung may magpapagawa ng gowns at akmang bubuksa ko na sana ang email sa laptop ko ay may biglang namang dumating na customer. Kilala ko na siya, siya yung babaeng bumili rin ng damit dito last week na suot pa nang mannequin kaya bumati ako sa kanya at saka ngumiti.

“Welcome to Ferrer's boutique.”

“Thank you, titingin ulit ako at kapag may magustuhan kami ng asawa ko ay bibilhin namin agad. Ang ganda kasi ng mga damit nyo kaya bumalik ako dito kasama ang asawa ko.” Sabi niya habang pabalik-balik ang tingin sa may entrance ng boutique. Siguro tinitignan niya ang asawa niya akala ko pa naman ay mag-isa na naman siya.

“Sure,” Kako at saka muling na upo sa table ko.

Ariya pov.

I know it's wrong but I think it's about time para malaman na ni Kath ang tungkol sa amin ni Angelo lalo pa ngayon at dinadala ko ang magiging anak namin. And I'm sorry Kath, kung sinabi ko kay Angelo na ikaw ang dahilan kung bakit na coma ako kaya galit siya sayo ngayon. Alam kung aksidente lang yun at wala kang kasalanan don pero gusto kong ikaw ang sisihin niya para iwanan ka niya.

At isa pa hindi rin naman siya magpapakasal sayo kung maaga niyang na laman na buhay pala ako non. Mahal ko rin kasi siya at ayaw ko siyang mawala ulit sakin kaya ipagpatuloy ko pa rin ang pagsisinungaling ko hanggat hindi niya ito nalalaman. At alam kong kapag nalaman niya ito ay mapapatawad niya naman agad ako.

“Baby, may na pili ka na?”

Mabilis akong napalingon sa lalaking nagsalita. At bumilis din ang tibok ng puso ko. “Angelo.” At nasambit sa isip ang pangalan ng finance ko. I'm happy that he's alive and okay. Pero ng marinig ko kung anong tawag niya sa babae ay parang tinusok ng karayom ang puso ko at hindi ko rin maiwasan ang hindi maluha na agad ko namang pinunasan upang di nila ito makita. “Masaya ka ba talaga sa kanya?” “Hindi na ba ako nasa puso mo?” “Minahal mo ba talaga ako Angelo?” “Iiwanan mo na ba talaga ako?” Mga tanong ko sa isip ko.

“Yes baby, may na pili na akong damit para sayo.” Sabay pakita niya ng couple t-shirt na may nakasulat “I'm his wife” at “I'm her husband”

Matagal din na napatingin si Angelo sa akin dahil nasa babaeng kasama niya lang ito naka focus ng tingin. At ng palapit na nga sila sa may counter ay tila ba nagulat siya at nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Pero hindi ko nakita ang lungkot sa mga mata niya bagkus galit ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin ito sa akin na ipinagtataka ko naman. Ngayon alam ko ng totoo nga talaga ang sinabi ng mga kaibigan ko sa akin.

Nakita ko namang kinuha niya ang couple t-shirt at mabilis na nilagay ‘yun counter. .

“Mauna ka na muna sa sasakyan. Ako nang magbabayad nito.” Sabi niya na kaagad namang sinunod ng babae.

“Angelo… Why? Bakit hindi mo ako binalikan. Akala ko ba mahal mo ako, bakit mo ito nagawa sa akin?” Maluha-luha kong tanong sa kanya.

“Simple, nakita mo naman di ba na may girlfriend na ako at ikakasal na kami next month. At isa pa, sa oras na saktan mo ulit siya ay ako na ang makakalaban mo.”Mariin niyang bigkas.

“Hindi kita maintindihan, paano ko siya masasaktan kung hindi ko naman siya kilala?”Sambit ko sa kanya

“Tsk! Ang galing mo talagang mag panggap Kath, na wala kang alam. Sige para maalala mo. Ito sasabihin ko na sayo, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit na coma si Ariya. Remember 5 years ago in a car accident.”

“Yes I had a car accident, pero hindi ako ang dahilan kung bakit nangyari ‘ yun at kung bakit na coma si Ariya. Dahil aksidente ang nangyari. Ni hindi ko nga alam na nandun din pala si Ariya that time. Because I was also injured at nag-aagaw buhay.”

“Kaya wag mo akong sisihin sa nangyari. Si Kira ang sisihin mo!” Sigaw ko sa kanya, hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko dahil sa galit. Bakit kasi ako na lang ang laging may kasalanan kahit wala naman akong ginawa.

“Kaya ka pala iniiwan ng mga taong mahal mo kasi sinungaling ka! I hope na sana ito ang huli na mag-uusap tayo because I don't want Ariya to get stressed about our past.” He said, after he paid for the couple's t-shirt.

“Angelo! Please nagmamakaawa ako sayo. Please don't leave me…”Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero tila bingi siya at walang pakiramdam. Ibang-iba na talaga siya sa Angelo na nakilala ko.

“Stop it! Tumigil kana!” Sigaw niya

“No! Mahal kita at hindi ako papayag na iwanan mo ako. Kung kinakailangan na magpaka martyr ako ay gagawin ko. Bumalik ka lang sa akin. Kahit maging disperada pa ako sa gagawin kong ito!” I said, habang naka tiim bagang naman siyang nakatingin sa akin at puno parin ng galit ang mga mata niya.

“Kahit anong gawin mo. Hindi na ako babalik sayo!” Pagkatapos niyang sabihin yun ay padabog naman niyang sinara ang pinto mabuti na lang at di ito nabasag.

“Bakit nag-iba kana Angelo?” Tanong ko ng mag-isa na lang ako habang umiiyak.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.