Chapter Chapter: 92

Angelo pov

     Pagkatapos ng mga masasakit na salita na sinabi ko kay Kath, ay nagmamadali na akong lumabas ng boutique para puntahan si Ariya, ''But... why I felt sorry for all the hurtful words that I say to her? Di ba nga dapat ay mas magalit pa nga ako sa kanya, dahil sa ginawa niya kay Ariya. Pero bakit parang nasasaktan ako when she was begging me not to leave her’’. Naramdaman ko na mahigpit na hinawakan ni Ariya ang kamay ko kaya nabaling atensyon ko sa kanya, ‘’Okay ka lang?’’Ariya asked. 

     Pinilit ko naman na ngumiti sa kanya, para hindi na siya mag tanong pa. ‘’Yes, I'm fine. May naalala lang ako bigla. Kaya napa lalim ang iniisip ko. Sige na matulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo.’’Sabi ko bago ko pinaandar ang sasakyan.

  Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto and there I saw Max, na mabilis na naglakad palapit sa akin. Nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mata niya, when he saw me crying.  ‘’What happened, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?’’

 Umiling naman ako saka marahang hinawi ang mga luha sa mga mata ko at  sa pisngi ko ‘’Wala, ito. Bakit ka nga pala nandito Max?’’Pag-iiba ko ng usapan.

  ‘’Tell me, dahil ba kay kaya Angelo, kaya ka umiiyak?’’

   Gusto ko pa sana na magsinungaling, pero I know Max, para rin kasi siyang si Tristan, mapilit at hindi mapag kasinungalingan. Kaya wala na akong nagawa, kundi  ang sabihin sa kanya ang totoo.

 ‘’Galing siya rito kanina. Akala ko hindi totoo ang lahat ng mga sinabi niyo sa akin about him. But I was wrong kasi nakita ng dalawang mata ko,  on how he treated her. And you’re right buntis nga ang babaeng kasama niya and her name is Ariya. Siguro tatanggapin ko na lang na magiging matandang dalaga na lang talaga ako.’’Pabirong sabi ko kay Max, kahit na  sa kaloob-looban ko ay sobrang sakit na at pinipilit ko lang talaga na maging matapang sa harap niya.  

   ‘’Hindi mangyayari yan, dahil ako ang puputol sa kasabihang ‘yan.’’Aniya, saka natawa pa talaga.

   Hindi ko naman maiwasan na pagtaasan siya ng kilay dahil sa sinabi niya ‘’Di nga? Di ba ikaw nga ang naging dahilan kung bakit naging single mom ako. Tapos sasabihin mo ‘yan. Batokan kaya kita dyan ng maalala mo kung ano ang ginawa mo sa akin noon.’’

   ‘’Kaya nga heto ako sa harapan mo ngayon, dahil gusto kong muling mabuo ang pamilya natin. Kaya hindi ako mapapagod na suyuin ka araw-araw. Lalo na ngayon na single ka na.’’Sabay kindat nito sa akin. Akala niya siguro madadaan niya ako sa ganyan-ganyan niyang style. Pero tama nga rin naman siya kasi yan din naman ang pinangarap ko noon pa. Ang magkaroon ng buong pamilya si Sebastian.

 ‘’Papayagan mo na ba akong ligawan ka ulit?’’Muling niyang tanong.

‘’Tigilan mo ako Max, ang tanda ko na para dyan. Mabuti pa tulungan mo na lang akong isara itong boutique. At pagkatapos ay samahan mo ako sa bahay. Dahil ka gabi ka pa gustong makita ni Seb.’’Sambit ko pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko sa table at nag message na rin ako kay Maribela na kunin niya na lang ang susi ng boutique bukas sa bahay 

 Pagbaba palang namin ng sasakyan ni Max, ay nakita na namin si Seb na masayang tumatakbo palapit sa amin at mas nauna pa nga nitong yakapin ang daddy niya kaysa sa akin. Kaya hindi ko tuloy maiwasan na mapa kunot ang noo ko. Habang si Max naman ay nakita ko bumulong sa tenga ng anak na narinig ko naman

 ‘’Anak, ‘hug mo rin ang mommy mo, halatang nagtatampo kasi mas na una  mo pa akong lapitan at yakapin kaysa sa kanya.’’Mahinang bulong ni Max, sa anak namin na narinig ko naman. 

‘’Tse, bubulong nanga lang narinig ko pa,’’ Kako saka nauna ng maglakad sa kanila.

  ‘’Oh, nandyan na pala kayo, hali na kayo sa loob para sabay na tayong kumain. Kath, napansin ko na papasok ka palang sa loob ay nakakunot na ‘yang noo mo.’’

  ‘’Hays, itanong nyo po dyan sa dalawang ‘yan.’’Walang gana kong sagot naman kay Mrs Ferrer.

   ‘’Mommy, I’m sorry. I just miss dad, at na excited lang ako that’s why I hug him first. Kaya please wag kana po, magtampo. Love naman po kita e.’’ 

   ‘’I know anak,’’ I said, then I kissed his forehead.

 Kassandra pov. 

     Kanina pa ako pa ikot-ikot dito sa may garden, habang iniisip kung nasaan na si Austin, sana lang talaga maging okay na kami. Kung hindi lang sana kasi nakialam si Kira, ay hindi sana mangyayari ito. Kumukuha lang naman sana  ako ng lakas ng loob para masabi kay Austin ang lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa kanilang dalawa ni Kath noon.

    At alam ko ang laki ng naging kasalanan ko sa kanila at pinagsisihan ko naman ang lahat ‘yun ngayon. Kaya nga binago ko ang sarili ko para anak ko at kay Austin. At ang laki rin ng pasasalamat ko kay Kath, dahil pinawatad niya ako agad at lalo na diyos dahil kahit na pinilit ko lang si Dad na takutin si Austin para pakasalan niya ako ay ipinagkaloob niya pa rin sa akin na matutunan akong mahalin ni Austin, kahit na ang dami ng naging kasalanan ko. 

  At dahil sa mga kasalanan na nagawa ko noon ay marami din akong natutunan. At sana dumating din ang panahon na matutunan rin ni Kira, na tumanggap ng pagkatalo at magpatawad. At sana magbago na rin siya. Para wala ng gulo at paghihiganti pa na iisipin niya. Lalo na ngayon na alam na niya, na gustong makipagbalikan ni Max kay Kath. And i’m sure dahil dyan ay hindi niya titigilan na gawan ng masama si Kath, para lang hindi mawala si Max sa kanya dahil ganyan ka despirada si Kira. 

  Narinig ko ang pag bosena ng sasakyan kaya mabilis binuksan ang gate. At ang lahat ng mga iniisip ko ay naalis lahat ng makita ko si Austin, na bumaba ng sasakyan at kaagad na niyakap ako. 

   ‘’I’m sorry, dahil na galit ako sayo kaya ako umalis. Hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman mo. I love you, Kassandra. And I forgive you.’’Masinseridad niyang sabi. Habang ako naman ay di ko maiwasan ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko at wala rin paglagyan ang kasiyahan sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Austin. 

   Ngumiti ako sa kanya at siya naman ay marahang pinunasan ang mga luha ko sa mata‘’I love you too, Austin. Thank you, for forgiving me.’’

    ‘’And thanks to Kath, dahil naliwanagan ako sa lahat ng mga sinabi niya, kaya ako nandito ngayon. She also told me, na humingi kana ng tawad sa kanya. At masaya ako dahil inamin mo sa kanya ang lahat ng pagkakamali na nagawa mo.’’

   ‘’Yes, at pinatawad niya naman ako agad. Sorry din kasi sinabi ko sa kanya na hayaan niya, na ako ang magsabi sayo dahil kumukuha lang ako ng lakas ng loob kung paano ko ito sasabihin sayo. Kaso nga lang mas naunahan pa ako ni Kira, na magsabi sayo.’’ 

  ‘’I know everything dahil sinabi na ni Kath, ang lahat sa akin. And from now on you better stay away from Kira, para wala ng gulo at bukas na bukas din ay lilipat na tayo ng bagong na titirhan natin.’’

   ‘’Sige mabuti pa nga, dahil ayaw ko na rin kasi makasama pa si Kira, sa iisang bahay. Tara na sa loob dahil baka gising na anak natin.’’Sabi ko kay Austin.

Malawak na ngumiti naman si Austin sakin pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ko.''Let's go.''

  ‘’Kath, okay ka lang? Napansin ko kasi na simula ng makaalis si Max, ay ang lalim na ng mga iniisip mo’’

 Napalingon ako ng biglang magsalita si Mrs Ferrer para tanungin ako, pinilit ko naman na ngumiti sa kanya.’’Napansin nyo rin po, pala.’’

   ‘’You can tell me, willing naman akong makinig. Remember I'm your mom. Kaya hindi ko kaya na nakikita kang malungkot.’’

  ‘’Ang gulo po kasi ng isip ko, at  ayaw ko sanang sabihin ito sa inyo, dahil ayaw ko na mag-iba ang tingin nyo kay Angelo. Pero ayaw ko naman na maglihim din sa inyo dahil sobra nyo po akong minahal kahit hindi nyo naman po ako totoong anak.’’Kako bago ako muling nagsalita sa kanya. 

   ‘’He came to our boutique and then we talked.’’Panimula ko.

 ‘’Wait di ba he was kidnapped? Paano siya nakatakas? At bakit hindi niya tayo pinuntahan sa bahay?’’Tanong ni Mrs Ferrer. 

  ‘’Hindi po siya nakidnap at kasama niya na ngayon si Ariya. Siya po ang unang babae na minahal ni Angelo, na inakala niya’y patay na. At ngayon nga ay ako ang sinisisi niya sa nangyari at kung bakit na coma si Ariya. At ‘yan din po yung time na may bumangga sa sinasakyan ko. Ni hindi ko nga alam that Arya was there when the accident happened.’’Garalgal na boses kong sabi.

Nakita ko naman na biglang naging malungkot ang mga mata ni Mrs Ferrer pagkatapos kong sabihin ‘yun. Saka marahan niyang hinawakan ang mga palad ko. ‘’I’m so proud of you,Kath. Dahil kahit sa dami ng mga pinagdaanan mo ay hindi ko man lang nakita na sumuko ka at gumanti sa mga taong nanakit sayo.’’

  ‘’Basta kahit ano man ang mangyari ay nandito lang ako para sayo. And if he’s not meant for you, then be it. Hindi lang naman si Angelo, ang lalaki sa buong mundo. Alam kong may makikilala ka pa namang iba. Or baka naman kayo nga talaga ni Max, ang para sa isat-isa.’’Seryosong sabi naman ni Mrs Ferrer sa’kin habang ako naman ay pilit na s’sync in sa isipan ko ang huling mga sinabi niya. 

 I sighed for moment, saka seryosong tumingin kay Mrs Ferrer‘’Isa rin po ‘yan sa mga iniisip ko. Dahil todo effort kasi si Max, sa akin ngayon. Dahil gusto niyang mabuo muli ang pamilya namin. At nakita ko naman po ang pagbabago niya ngayon.’’

Nakita ko namang ngumiti si Mrs Ferrer at pagkatapos ay muli niyang hinawakan ang mga palad ko. ‘’Then why not give him a second chance, para muli ka nyang mahalin.’’

  ‘’I’ll think about it po.’’Tugon ko naman.

''Whatever your decision. I will support you. Kath.''

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.