Kath Pov.
Pagkatapos namin kumain ay iniwan ko muna sina Mrs Ferrer at Max sa may kusena na nag-uusap. At para makapag bihis narin muna ako at para makapagpahinga narin sandali at makapag-isip.
Si Sebastian naman ay kanina pa pinilipilit ang daddy niya na dito matulog kaya itong si Max, ay panay ang tingin sa akin na para bang hinihintay ang desisyon ko.
Kaya tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon na pumayag ako na dito siya matulog. Minsan lang naman makapag bonding ang mag-ama ipagkakait ko pa ba yon? kung ito naman ang magiging kasiyahan ng anak ko.
At dahil nga hindi pa rin ako makapag-isip kahit nasa kwarto na ako ay naisipan ko na muling bumalik sa may kusena para sumali sa usapan nila Mrs Ferrer at Max ngunit bigla naman akong napahinto ng marinig ko ang seryoso nilang pag-uusap.
''Masaya ako dahil okay na kayong dalawa ng inaanak kong si Kath and thank you rin kasi ginagampanan mo na ng tama ang pagiging ama mo kay Sebastian. At sana tuloy tuloy na ito.''
‘’Dapat lang naman po, kasi sa dami ba naman ng taon at araw na sinayang ko para makasama ang anak ko at asawa ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako, pero ang lahat ng 'yun ay sinayang ko lang ng inwanan ko sila. At mas piliin na makasama ko si Kira.'' Mga salitang naririnig kong lumabas sa bibig ng dati kong asawa na si Max. Kaya hanggang ngayon ay nakatayo parin ako dito at hindi maka tuloy sa loob. At nagpasya na lamang akong silipin silang dalawa ng hindi nila nalalaman ang presensya ko.
''Alam mo galit talaga ako sayo ng malaman ko kung ano ang ginawa mo sa mag-ina mo. Pero ngayon na okay na kayo at nakikita ko naman kung gaano ka mag effort sa kanilang dalawa ay tila ba unti-unti narin na nawala galit ko sayo. At tila ba na palitan na 'yon ng saya.''Ani Mrs Ferrer saka masaya itong ngumiti kay Max. I’m very lucky to have her, kahit na hindi ko sya totoong ina. Pero kahit kailanman ay hindi niya pinaramadam na iba ako. Di katulad ni mom na hanggang ngayon ay galit pa rin sakin at mas pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba kaysa sa akin na anak nila. Di niya lang alam kong gaano ako nasaktan sa pag takwil niya sakin bilang anak niya. Di ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Kaya mabilis ko na itong pinunasan gamit ang likod ng mga palad ko.
"Naiintindihan ko po, salamat din sa magaan na pagtanggap nyo sa akin. Kaya asahan nyo po na hindi ako titigil na suyuin si Kath, hanggang bigyan nya ako ng second chance na mahalin siya ulit."
‘’Sinabi na ni Kath, sakin ‘yan. Basta masaya ako kung maging kayo man ulit. At makita na masaya nyong buohin ulit ang pamilya nyo kasama si Sebastian. At lalo na kaming mga nagmamahal sa kanila. Basta ba wag mo na lang siyang saktan at pa iyakin ulit dahil kapag nagkataon ay wala ng magiging third chance para sa inyo.’’ Ani Mrs Ferrer, na may halong pagbabanta. At natawa naman ako sa sinabi nya.
Ngunit bigla namang na baling ang atensyon ko kay Manang Anding. Nakita ko rin ang takot sa mukha nito ''Kath, naa Si Kira. Nangita siya ni Sir Max. Suko kay siya.’’
“Okay po, Manang Anding. Ako nang bahala sa kanya. Paki bantayan nyo na lang si Seb, at wag nyo po siyang palabasin muna ng room nya hanggat ‘di ko sinasabi.”Seryosong sabi ko Kay Manang Anding. Kaya mabilis na itong nagtungo sa room ng anak ko. While ako naman ay nagmamadali ng maglakad sa may gate.
“Kath! Lumabas ka! Kung ayaw mong sirain ko ang gate nyo. Walanghiya ka! Mang aagaw ka!” Sigaw ni Kira.
“Wala akong inaagaw sayo Kira. Mas ikaw pa nga ang ng agaw sa atin eh. Kaya pwede ba umuwi ka na. At wag kang mag skandalo rito.”Sambit ko kay Kira.
“Nasaan si Max? Palabasin mo siya!”Sigaw ulit ni Kira.
"Wait lang tatawagin ko muna si Max. Basta wag ka lang mag sisigaw dyan dahil ayaw ko ng gulo. Nakakahiya sa mga kapitbahay ko."Kako ngunit bago pa ako maglakad ay nagsalita naman si Kira.
"Magkaka gulo talaga kapag hindi mo pa inilabas si Max. Punyeta ka!"Sigaw ni Kira, pero di na sumagot pa. Bagkus ay mabilis na akong naglakad pabalik sa loob ng bahay at pagkapasok ko ay kaagad ko namang nilapitan si Max, para kausapin.
"Max, mas mabuti pa umuwi ka na lang muna at mag-usap kayong dalawa ni Kira. Don't worry ako nang bahalang kumausap sa anak natin."Mahinahon na pagkasabi ko.
"I'm sorry about this okay? I will just talk to her. Babalik ako agad."Hinging paumanhin ni Max. Pagkatapos ay naglakad na nga siya palabas.
Kung bakit ba naman kasi ayaw pang magbago ni Kira. Di nya ba alam na sa ginagawa niyang 'yan ay unti-unti lang nyang nilalayo si Max, kanya.
Palagi na lang siyang tamang hinala atsaka siya nanga itong ng agaw. Tapos siya pa talaga ang may ganang mas magalit pa sakin. Kung tututosin nga dapat mas ako pa ang magalit sa kanya eh.
Gusto ko nga sanang gumanti sa kanya. Pero mas iniisip ko ang anak ko lalo na ngayon na malaki na si Sebastian. Kaya kung may gawin mang masama si Kira, sa akin ulit ay ang batas nang bahalang humusga sa kanya dahil ipapakulong ko na talaga siya.
Dahil ang pinangarap ko lang naman nuon ay ang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang anak ko. At ang mahalin ako ni Max.
Pero ngayong tumatanda na ako ay gusto ko na lamang ng tahimik at masayang buhay kasama ang anak ko. At okay lang kahit wala akong kasamang tumanda. Pero kung ipapa hintulot ng diyos na may taong magmamahal sa akin ay tatanggapin ko yun.
At kung maging kami man ulit ni Max, ay sisiguradohin ko muna na hiwalay na nga talaga sila ni Kira, para wala ng gulo. Nagiging marupok na tuloy ako kaya tatahimik na nga ako kakaisip ko.
"Iha, hindi ka ba sinaktan ni Kira?"Tanong ni Mrs Ferrer. Nandito kaming tatlo ngayon nina Manang Anding at Mrs Ferrer na nakaupo sa may sala.
"Hindi naman po, mom. Ayaw ko na rin ng gulo kaya di ko na siya sinagot sagot pa." Kako at tipid na ngumiti habang nakahawak sa magkabilang braso ko.
"Mabuti naman kung ganun. May gusto ka ba na inumin? Sabihin mo lang at magpapakuha ako kay Manang Anding. Nauuhaw din kasi ako." Mungkahi ni Mrs Ferrer.
"Okay po, mom." I said. At si Manang Anding naman ay tumayo na para kumuha ng tubig na maiinom namin.
"What are you doing here?"Tanong ko kay Kira, at pinilit ko rin hinaan ang boses ko dahil nakakahiya sa mga kapitbahay nila Kath.