“What am I doing here tinatanong pa ba iyon Max?”Galit na sagot ni Kira. Ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
“Hanggang kailan mo ba balak akong saktan ng ganito Max, at ipamukha sakin na hindi muna ako mahal?” Tanong ulit ni Kira. Ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya.
“Tama na ang drama Kira. Umuwi na tayo. Dahil nakakahiya na sa mga kapitbahay ni Kath, at kay Mrs Ferrer, itong ginagawa mo.”
“Bakit totoo naman ang sinasabi ko di ba? Na malandi siya. Kasi kung hindi… Ay hahayaan ka na sana niya sa akin.”Ani Kira, kaya marahan ko na siyang hinila papasok sa sasakyan ko.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako Max, nasasaktan na ako.”Nagpupumiglas at sigaw naman niya.
“Masasaktan ka talaga kapag hindi ka pa tumahimik. Alam mo mabuti pa ay maghiwalay na tayo. Susuportahan ko na lang ang anak natin. Kasi ayaw na kitang makasama. Dahil parang hindi na kita kilala Kira. Pinili kita nong una kasi nga mahal kita kaya nagawa kong magbulag-bulagan sa lahat ng mga masasamang ginawa mo kay Kath. At akala ko magbabago kana pero mas grabi kana ngayon.
"What! you're going to break up with me? Hindi, hindi ako papayag dyan sa gusto mo mangyari. Akin ka lang Max!”Singhal ni Kira. Pagkatapos ay nagmamadali na akong paandarin ang sasakyan.
"Oo! Nakikipaghiwalay na ako sayo. Hindi na kita mahal at sawang-sawa na rin ako dyan sa ugali mo." Sigaw ko na nagpa tahimik naman kay Kira.
Kath pov.
Makalipas ang isang linggo simula ng galing dito si Kira, ay bumalik na naman kami ng tagaytay para sa binyag ng anak nina Summer at Tristan. At nanganak na rin pala si Elana, baby girl din ang anak nila. Ako nga lang yata sa aming magkakaibigan na lalaki ang anak. Mabuti na rin 'yon para kapag lumaki sila tapos may ng bully sa kanila ay ipagtatanggol sila ni Sebastian.
Ang bilis talaga ng panahon para kailan lang ay nag-aaral pa kami at akalain nyo ngayon may kanya-kanya na kaming obligasyon sa buhay. And I'm so happy for Summer and Elana, kasi nahanap nila ang lalaking mamahalin talaga sila.
Kahit na nong una ay ayaw naman talaga ni Ziggy kay Elana, pero ngayon ay sobrang mahal na niya ang kaibigan ko ni ayaw nga niyang mawala ito sa paningin niya laging naka buntot kasi itong si Ziggy sa kaibigan kong si Elana.
At sana in talaga dumating din ang panahon na maging masaya ako namay katuwang sa buhay at may kaagapay katulad din ng mga kaibigan ko.
Kaagad akong napalingon na bigla akong tawagin ni Max, at nalaman ko kay Tristan na hiwalay na daw sila ni Kira. “Hey, pumayag ka na bang ligawan kita ulit?”Mahinang bulong ni Max, sa tenga ko.
Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.”Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Sige ka kapag narinig ka ni Kira, I'm sure lagot ka talaga sa kanya.”Kako kahit alam ko naman na hiwalay na sila.
“Nakipaghiwalay na ako sa kanya. Dahil napagtanto kong hindi na talaga siya magbabago.”
“At talagang pumayag si Kira, na maghiwalay kayo? Ni ayaw nga niyang nakipaghiwalay sayo.”
“Kahit hindi pa siya pumayag ay ayaw ko na talaga.”Sagot ni Max.
Tumango naman ako sa kanya “Okay, sabi mo yan eh.”
“Maiwan na muna kita dito sandali Kath, pupuntahan ko lang si Mom, sa loob.”Ani Max.
Kira pov.
Nasa tagaytay ako ngayon para sundan si Max at ang anak namin. Nalaman ko kasi na binyag ngayon ng anak nina Tristan at Summer. At may plano rin akong gawin na hindi nila malilimutan.
Dahil hindi ko matanggap na maging masaya sila lalo na ngayon ng malaman ko na nakikipagbalikan na si Max kay Kath. Kaagad ko ng hinanda ang sasakyan ko ng makita kong lumabas si Sebastian ay kaagad kong inutusan ang mga taong binayaran ko na kidnapin ang anak nila tingnan lang natin kung magiging masaya pa kayo pagkatapos nito.
“Kunin nyo ang batang iyan at dalhin sa hideout. Wag nyo rin hahayaan na makatakas iyan. Sa hideout ko na lang kayo hihintayin.”Utos ko sa kanila.
“Masusunod ma’m Kira.” Sagot naman ng Isa sa kanila.
"Bitawan nyo ako!"Sigaw ni Sebastian. Ngunit Wala naman ang nakakarinig sa kanya. Kaagad naman nilang tinakpan ang bibig nito upang hindi makasigaw pagkatapos ay pinaamoy ng pampatulog
“Mabuti naman ay pinatulog mo iyan.”Nakangising sabi ng isa sa mga tauhan ni Kira.
“Ang ingay kasi at ang lakas sumipa.”Sagot naman ng isang lalaki sabay tapon ng yosi.
"Tara na nga dahil baka kanina pa tayo hinihintay ni Kira."Muling sabi ng lalaki na nag tapon ng yosi kanina.
“Kath, kasama nimo si Sebastian?”Nagaalala na tanong ni Manang Anding.
“Hindi po, Manang. Bakit po?”Kinakabahan kong tanong.
"Nasa gate ra sya ganina. Pagbalik naku wala na siya ngadto."Utal na pagkasabi ni Manang Anding, dahil narin siguro sa kaba.
“Hindi naman iyon umaalis basta-basta. Hindi rin iyon nakikipag-usap sa mga hindi niya kilala. Samahan nyo po ako na hanapin siya dahil baka nandito lang si Sebastian.”Sabi ko at pilit pinapakalma ang sarili. Para makapag-isip ako ng maayos.
“Wala ba kaha siya nakidnap?”Sambit ni Manang Anding. Kaya natataranta na ako habang sinisigaw ang pangalan ng anak ko.
“Wag naman po sana Manang. Dahil hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa anak ko.”Sabay punas ko ng mga luha ko.
"Seb! Sebastian! Anak nasaan ka?"Sigaw ko kaya napunta sa akin ang atensyon ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang talaga at kami-kami lang ang nandito kaya walang masyadong tao.
Patakbo rin akong nilapitan ni Max at saka tinanong pati na ng mga kaibigan ko. “Anong nangyari bakit mo sinisigaw ang pangalan ng anak natin?"Tanong naman ni Max.
“Nawawala ang anak natin Max! Nawawala si Sebastian. At hindi namin siya makita.”Nauutal kong sabi.
“What? Then let's call the police.”Suhestiyon ni Max.
“Sige mabuti pa nga.”Sambit ko naman. At akmang tatawagan na sana ang mga police ngunit bigla namang may tumawag ng cellphone ko.
“Hello sino ito?”Kako
“Nasa amin ang anak mo. Kaya kung ayaw mong may mangyari sa kanya ay wag na wag kang mag report sa mga police. Kung ayaw mong may mangyari sa kanya. At kung gusto mo pa siyang makita. Ay dapat Ikaw lang ang pumunta sa address na ibibigay namin sayo. At kapag nalaman namin na nakipag ugnayan ka sa mga police ay hindi mo na makikita ang anak mo dahil papatayin namin siya dahil iyan ang utos amin. Naiintindihan mo?”Sambit ng lalaking kausap ko sa cellphone.
"Oo. Naiintindihan ko basta wag nyo lang saktan ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa inyo..."Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad na nilang pinatay ang tawag.
"Anong sabi?”Sabay-sabay na tanong nilang lahat.