CHAPTER 55

Nanginginig ang mga kamay ni Karina nang pindutin ang messag ni Tiffany. Nanumbalik na naman kasi ang ginawa nila ni Winston sa isipan niya. Iniisip niya pa lang na may nangyari sa kanilang dalawa, halos ikabalis na niya. Paulit-ulit siyang pinapatay ng alaala niyon sa sakit.

From Tiffany: Hi, girl, Karina. Gusto ko lang malaman mo that you are invited sa kasal namin ni Winston. Kahit na nauna na ang honeymoon. Alam mo naman siguro 'yon, hindi ba? Anyway, just in case you want to come, here is a virtual invitation. I have attached it to this message. Have a nice day!

Have a nice day? Tsk, tanga ba siya? I was getting some peace here in Taiwan tapos magme-message siya ng walang kwentang bagay para sirain ang araw ko, and she want me to have a nice day?

Inis na hinagi ni Karina ang cell phone niya. Ano naman kung ikakasal sila ni Winston? Ano naman kung invited siya? Wala na siyang pakialam sa kanilang dalawa. She is focused on her ultimate goal to have a degree. At hindi siya magpapa-distract kay Tiffany. She admits, nasasaktan siya, normal lang naman 'yon. Pero hindi ibig sabihin no'n na magpapaka-desperada siya at maghahabol kay Winston. In fact, ito pa ang ang naghabol sa kanya dito sa Taiwan.

At a second thought, natigilan siya. An idea popped up in her mind. Hindi ba alam ni Tiffany na na sa Taiwan si Winston? Hindi niya ba alam na sumunod ito sa kanya? Hah! Napangisi siya sa kanyang isipan.

Akala ko, ako lang ang kawawa. Mas kawawa ka pa rin pala talaga, Tiffany. Ngayon, namnamin mo ang sakit nang ginawa mo sa 'kin.

Nakangisi niyang dinampot ang cell phone niya. She's planning to reply to Tiffany's message. Ngayon siya magmayabang ng kasal nila ni Winston.

She laughed evily.

To Tiffany: Sure! Thanks sa invitation. I appreciate that you remembered me. Anyway, sure ka ba na matutuloy ang kasal niyo? Hindi mo ba hahanapin si Winston? You might not know, baka habang hinahanap mo siya, iba ang hinahanap niya. Anyway, have a nice day too!

Sarkastikong natawa si Karina habang binabasa ang message niya kay Tiffany.

I wonder how she will react? Knowing Tiffany, parang dragon 'yon kapag nagagalit. Nagwa-wild at naghi-histerical bigla.

Sa kasagsagan ng pag-scroll niya, napangiti siya nang makita ang mga message na mula kay Evo. Sobrang dami no'n, binara nito ang messenger niya ng calls and chats.

From Evo: Karina, did you get there safely?

From Evo: Mag-message ka agad kapag na sa Taiwan ka na, please.

From Evo: I hope you get there safe. I miss you, Kars.

From Evo: Hays, I feel so empty tonight. I miss your smile. Get home sooner.

From Evo: Don't get to close to other guys. You don't know them.

From Evo: I love you, my Princess.

"Nako, Evo. Kahit asin, lalanggamin sa sobrang tamis mo. How I wish I could also love you back like you do," ani Karina sa sarili. Mapait siyang napangiti. Nalulungkot siya para kay Evo. Gusto niya itong mahalin pabalik tulad ng pagmamahal at atensyon na binibigay nito sa kanya, pero iyon yata ang pinakamahirap sa lahat. Ang pilitin ang sarili mong mahalin ang taong kaibigan lang talaga ang tingin mo.

From Eliza: Sis, na sa Taiwan ka na ba? Reply ka naman. Si Evo nag-a-apoy na ang puwet. Hindi mapakali.

From Eliza: Miss na agad kita, Kars! Huhu

From Eliza: Picture ka diyan, send mo sa 'kin, ha? Nang makita ko naman ang Taiwan kahit sa pictures lang.

From Eliza: Sis, paramdam ka naman, kinakabahan ako sa 'yo, e.

Natatawa na lang si Karina habang binabasa ang messages ni Eliza. Baliw talaga ito at isa ring paranoid. Nag-type na lamang siya ng reply dahil baka mag-alala na ang dalawang 'yon. Good thing, connected na siya sa internet ng school.

Then a notification suddenly popped out of the blue.

From Winston: Karina, maghihintay ako. Please.

Isang message lang 'yon pero agad na nakapagpatigil sa kanya. Napairap na lang siya sa hangin.

Ang kulit din talaga ng lahi niyo, Winston. Pero ngayon pa lang, I already want to say sorry. Sorry pero nasaktan mo ako ng sobra, e. Sorry pero ikaw naman ang dapat na masaktan ngayon.

To Winston: Okay, willing to wait ka naman, hindi ba?

Reply ni Karina.

From Winston: Yes, anytime, Karina. I will wait for you. I will do anything.

Natawa ng payak si Karina sa isipan. Talaga lang, Winston? You will do anything? Hindi na siya nag-reply pa sa binata.

She heard someone knocking on her door kaya pinagbuksan niya agad ito ng pinto.

Bumungad sa kanya si Ma'am Lad. Ang in charge sa facilities.

"Hello po! May kailangan po ba kayo?" she asked

"Yes, dear. Pinapasabi ni Mr. Tao na bukas daw day-off na niya. May pinag-usapan daw kayo. I-chat mo na lang daw siya sa messenger. Real name lang naman daw ang gamit niya."

Na-excite naman si Karina sa sinabi ni Ma'am Lad. Tuwang-tuwa siya at halata iyon sa mga mata niyang kumikinang-kinang pa.

"Talaga po?? Salamat, Ma'am Lad! Salamat!"

"Walang ano man, hija. Nako, mabait iyon si Mr. Tao. Mabuti naman at malapit kayong dalawa." Lumapit pa ito sa may bandang tenga ni Karina. "Alam mo, bagay nga kayo, e," she whispered.

Namilog ang mga mata ni Karina. "Nako, Ma'am Lad! Masyadong mataas si Mr. Tao, mahirap abutin! Saka, wala na po sa isip ko ang ganyan. Focus muna ako sa pag-aaral." Pagkukunwari ni Karina pero ang totoo? May iba lang talagang nagmamay-ari ng puso niya.

Hindi naman maipagkakailang guwapo si Mr. Tao. Chinito, pamatay pa ang ngiti ag professional. Pero, siguro, hindi na talaga interisado pa si Karina. Naranasan na kasi niyang magmahal at masaktan. She's afraid to experience the same again.

Buong gabing hindi makatulog si Karina. She's been thinking kung ano ang mangyayari bukas sa lakad nila ni Mr. Tao. Excited na siyang makagala sa Taiwan. Mabuti na lang talaga at maaga siyang pumunta dito. Blessing in disguise din naman pala ang pagmamadali niya dahil may chance pa siya na mag-lakwatsa habang hindi pa nag-uumpisa ang formal classes. What does the city looks like? Dinaanan niya lang kasi ito. Mas maganda kaya ang view kapag gabi? Imagination niya na lang muna ang limit ngayon dahil bukas na bukas din, first time niyang makakagala ng Taiwan, at kasama pa si Mr. Tao.

***

Taiwan is full of wonders. It is rich in old beautiful temples, vibrant cities and wonderful tourist spots where people can enjoy, and forget their sorrows away.

A burstling city life lies ahead at Kaohsiung. It's Karina and Mr. Tao's first stop dahil nga malapit lang. Kaohsiung is the third most popular city since it give something to everyone to enjoy and look forward for at dahil na rin isa ito sa paboritong puntahan ng mga tao, locals man o tourists.

"Karina, what can you say? Isn't it pretty?"

Nangniningning pa rin ang mga mata ni Karina as her eyes roam around Kaohsiung city. Sobrang ganda, sobrang linis!

"Napakaganda, Mr. Tao. Sobra!" She can't say anything more. Iyon lang ang lumabas sa bibig niya. What more can she say? The place says it all.

"Alam mo ba, this is a wonderful place to do biking, hiking, dahil dinadala nito ang mga bisita sa mga magagandang viewpoints ng city. Sana ma-experience mo 'yon. Don't worry, kapag madami akong time, I will approach you. You can't miss thag fun."

Naku, nahiya naman ang hiyas ni Karina sa sinabi ni Mr. Tao. Talagang ito ang gumagawa ng paraan para sa kanya. Ang bait mo naman, Mr. Tao? Wala bang kapalit 'yan? Aniya sa isipan.

"Naku, hindi mo na kailangang gawin 'yon, Mr. Tao. Nakakaabala na po ako sa inyo masyado."

Mr. Tao chuckled, halos wala na siyang mga mata kapag tumatawa. Sobrang singkit talaga nito.

"Sa akin ka pa mahihiya? Don't mind it, Ms. de Joseph. Ibinilin ka sa 'kin ni Mrs. Emely. I owe her something big, kaya see this as a pay back."

Napakibit-balikat na lang si Karina.

"O, sige po. Pero thank you po talaga. Hindi ko alam na magiging ganito ka-exciting ang pagpunta ko dito."

"Maganda ang view ng Kaohsiung pag gabi. Sana maraming time sa susunod. I have lots of places in my list na gusto kong mapuntahan mo. Wulai, Kinmen Islands, Kenting National Park, Alishan National Scenic Area, Tainan, Taroko National Park at marami pang iba. Halos lahat napuntahan ko na. Sa tagal ko ba naman dito."

Kahit na hindi alam ni Karina ang mga sinasabi ni Mr. Tao at hindi siya maka-relate, hindi niya mapigilang hindi ma-amaze dito. How can he get to such places? Ang dami na niyang napuntahan at his age. Samantalang siya, stock sa pagtatrabaho at sa bahay simula pa lang noon. She felt like she missed a half of her life.

"Ang swerte niyo po," malungkot na wika ni Karina.

Mr. Tao raised an eyebrow. "How can you say so?"

"Kasi, sa edad niyo ngayon, ang dami niyo nang nakitang lugar, ang dami niyo nang life experiences, ang dami niyo nang narating. Samantalang ako. . ."

"Ssshhh, you don't need to mention it, Ms. de Joseph. I am aware of your life story. That's my I'm trying my best to do something for you."

Napatigil si Karina sa paglalakad. Na-touch siya sa sinabi nito. Ano daw? He is trying his best to do something for me? Bakit? Dahil ba naaawa siya sa 'kin?

"I see, naaawa rin kayo sa 'kin, 'no?"

Umiling-iling si Mr. Tao. Naguluhan naman si Karina. E, bakit?

"Nope. I want you to experience such things because I know you deserve it more than anyone else. The moment na ibinilin ka sa 'kin ni Mrs. Emely, I said to myself, I won't fail her. I won't fail you. And I will be right here with my utmost strength. As long as I can help."

Bakit ang babait ng tao sa mundo? Lord, salamat dahil kahit na pinagkaitan ako ng pamilya, pinagpala naman ako sa mga kakilala at kaibigan. Karina is almost teary-eyed.

"H-Hey, don't cry!" Nabigla si Mr. Tao sa pagluha ni Karina. He immediately wipe her tears away na ikinagulat ng dalaga. Hindi siya nakagalaw agad.

In few seconds, nagulat na lang siya na bumulagta na si Mr. Tao sa sahig.

Halos manlaki ang mga mata niya nang masaksihan ito.

She titled her head to see who did that and to her surprise. . .

"Winston?! Ano bang problema mo?!" galit na sigaw niya.

Napahawak si Mr. Tao sa nagdudugo niyang labi habang inaalalayan siya ni Karinang tumayo. He didn't utter any word.

"What are you doing with him?! Why are you with another guy?!!" singhal ni Winston sa harapan ni Karina.

"Dude, stop making a scene here, please. Karina isa student at the University I am working in. I was just letting her roam around. What is it to you? Ano ka ba niya?"

Winston was caught off guard. He doesn't know what to say. Ano ka nga ba ni Karina, Winston?

"Sagutin mo nga siya, Winston? Ano ba kita? Ano ang karapatan mong magalit kapag may kasama akong iba?" sarkastikong sagot ni Karina.

Naiyukom ni Winston ang kanyang palad sa galit. He knows that it was his mistake. Nagpadala siya sa selos at galit. Nagpakain siya sa selos nang makitang magkalapit si Mr. Tao at Karina.

"Ayaw mo akong bigyan ng oras na makausap ka dahil ibang lalaki ang gusto mong kasama?" tiim-bagang na sagot nito.

Napasinghap si Karina. "You are unbelievable, Winston! Hindi ka ba makapaghintay hanggang handa na akong makipag-usap sa 'yo? You will barge in the scene at basta basta ka na lang susuntok ng tao? Bakit? Ano mo ba 'ko, ha? Hindi ba, ikaw naman 'tong nagsuot sa ilalim ng palda ng ibang babae? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?!"

Tuluyan nang napipe si Winston. Kahit ibuka man lang ang bibig niya ay hindi na niya nagawa.

"Umalis na tayo, Mr. Tao. Hindi na maganda ang ambiance dito. Tsk."

Tinapunan niya lang ng isang matalim na titig si Winston bago nagmartsa paalis sa harapan nito.

Napayuko na lang ang binata, ayaw na niyang makita pang humahakbang palayo sa kanya si Karina. Nasasaktan siya ng sobra. Hindi pa man sila nagkakaayos pero dinagdagan na naman niya ang kasalanan niya. Gayun pa man, hindi pa rin siya susuko. Not this time na may chance pa siya na makausap si Karina. He will never waste this chance at titiisin niya ang lahat kahit na ipagtabuyan pa siya ng babaeng mahal niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.