CHAPTER 56

It is killing her watching the only girl he loves with someone else. Iniisip niyang bakit may kasama agad itong ibang lalaki gayong kadarating niya lang dito? A lot of things kill his head from overthinking. Na-paranoid na siya. Paano kung matagal na silang magkakilala ng lalaking 'to, tapos siya ang dahilan kung bakit nagpa-Taiwan si Karina? Paano kung, may relasyon na sila? How about him?

Kaya hindi na niya napigilan na masuntok si Mr. Tao.

FLASHBACK

"Winston?! Ano bang problema mo?!" galit na sigaw niya.

Napahawak si Mr. Tao sa nagdudugo niyang labi habang inaalalayan siya ni Karinang tumayo. He didn't utter any word.

"What are you doing with him?! Why are you with another guy?!!" singhal ni Winston sa harapan ni Karina.

"Dude, stop making a scene here, please. Karina isa student at the University I am working in. I was just letting her roam around. What is it to you? Ano ka ba niya?"

Winston was caught off guard. He doesn't know what to say. Ano ka nga ba ni Karina, Winston?

"Sagutin mo nga siya, Winston? Ano ba kita? Ano ang karapatan mong magalit kapag may kasama akong iba?" sarkastikong sagot ni Karina.

Naiyukom ni Winston ang kanyang palad sa galit. He knows that it was his mistake. Nagpadala siya sa selos at galit. Nagpakain siya sa selos nang makitang magkalapit si Mr. Tao at Karina.

"Ayaw mo akong bigyan ng oras na makausap ka dahil ibang lalaki ang gusto mong kasama?" tiim-bagang na sagot nito.

Napasinghap si Karina. "You are unbelievable, Winston! Hindi ka ba makapaghintay hanggang handa na akong makipag-usap sa 'yo? You will barge in the scene at basta basta ka na lang susuntok ng tao? Bakit? Ano mo ba 'ko, ha? Hindi ba, ikaw naman 'tong nagsuot sa ilalim ng palda ng ibang babae? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?!"

Tuluyan nang napipe si Winston. Kahit ibuka man lang ang bibig niya ay hindi na niya nagawa.

"Umalis na tayo, Mr. Tao. Hindi na maganda ang ambiance dito. Tsk."

END OF FLASHBACK.

Masakit. Iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na mga salitang narinig niya mula kay Karina. It's the truth by the way. Ano nga ba siya nito? Hindi ba't siya lang naman ang lalaking sumira ng tiwala niya? Siya lang naman ang lalaking nakipagtalik sa ibang babae.

He's dying of getting her back. He's dying of her love. Sana hindi pa huli ang lahat, dahil mababaliw siya kapag nagkataon. Nang makita niya pa lang na may kasamang ibang lalaki si Karina, gusto na niyang tuluyang mag eskandalo sa Kaohsiung. He is impulsive at mabilis lang siyang madala ng emosyon niya. Lalo na pagdating kay Karina.

***

"Ms. de Joseph? Are you okay?" tanong ni Mr. Tao. Nakaupo sila ngayon sa isang bench dito pa rin sa Kaohsiung. Gulat pa rin kasi si Karina sa nangyari.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Mr. Tao. Okay ka lang ba? Nasugatan pa tuloy ang labi mo. Pasensya ka na po."

"It's nothing big, Ms. de Joseph. What's important is you are okay. You look startled. Okay ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

"Okay lang ako, Mr. Tao. Nagulat talaga ako nang bigla kayong bumulagta sa sahig."

"Sino ba ang lalaking 'yon? Who is he in your past?"

Tumikhim si Karina. Napayuko siya. "S-Sinira niya ang tiwala ko, Mr. Tao. Ikakasal na siya, in-arranged marriage siya sa isang babae na kasing yaman din nila. Akala ko, ayaw niyang pakasal do'n. Pero isang araw, bigla na lang akong may natanggap na video. Malaswang video sa pagitan nila ng babae. My whole world fall appart that time. Until now, it's still shattered."

"At malakas pa talaga ang loob niyang sumugod dito? He even followed you all the way here!" Hindi makapaniwala si Mr. Tao sa mga narinig niya. Like, kung nagloko nga si Winston, bakit pa siya sumunod dito para kay Karina?

"He said he's sorry. Na na-frame up lang siya. That the girl put something on his drink. Ewan ko, ang hirap nang maniwala. I need time. Pero talagang sumunod siya dito para patunayan na wala siyang ginawang masama."

Napaisip si Mr. Tao saglit. "What if totoo ang sinasabi niya? Paano kung na-frame up nga talaga siya? What will you react?"

"Ewan, Mr. Tao. Kahit na totoo mang nagsasabi siya ng totoo, ang sakit pa rin kasi nagawa na nila, e. Hindi na 'yon basta basta na lang mabubura sa isipan ko. Everytime I am thinking about it, naluluha na lang ako bigla."

"Hindi bale. Now that you are here, why not focus on achieveing your goals and reaching your dreams first. Ang love, makakapaghintay naman 'yan."

Mr. Tao is really kind and understanding. Kung sino man ang magiging jowa nito, malamang, swerte din iyon sa kanya. Napakabait.

"Salamat, Mr. Tao. Thankful ako kasi may nakaalalay sa 'kin dito. Feeling ko tuloy, special ako."

"Haha, swerte ka talaga dahil malakas sa 'kin si Mrs. Emely, e."

"Bakit nga po pala?" Pag-uusisa ni Karina.

"Well, mahabang kwento. But to cut it short, she saved me before. When I was ten, sa Pilipinas pa kami nakatira no'n. We had a family outing. I swam beyond the shallow waters. I almost drowned. My family haven't noticed me drowning and luckily, she came to save me. She was the only one who noticed me."

"Grabe, hindi ako makapaniwala na real life save talaga si Mrs. Emely. Kung sakali man na maging successful ako, I awe it all to her. Napakabait niya kahit kakakilala niya lang sa 'kin."

"Mabait talaga si Mrs. Emely. She even gave me candies to calm me before dahil nanginginig pa rin ako sa takot no'n at sa lamig. Akalain mo, candy lang pala ang makakapagpa-kalma sa 'kin," natatawang kwento ni Mr. Tao.

"So now, I want to give back to her sa pamamagitan mo. Wala na kasi siyang mapaggagamitan ng scholarship kaya mabuti na lang talaga, nag-rent ka sa apartment niya. Para sa 'yo talaga siguro 'to," nakangiti nitong sabi.

"Nakakalungkot lang, kasi kung sino pa ang mga taong hindi ko kilala, sila pa itong hindi nag-aalinlangan na tumulong sa 'kin. Unlike my own aunt."

"Like what I've said, I head a little of your story. Na namatay sa aksidente ang mga magulang mo. But, do you have an issue with your aunt?" tanong nito.

Kumuha ng buwelo si Karina. "Minamaltrato niya 'ko simula pagkabata, Mr. Tao. She never treated me like her niece. Para akong katulong, okay lang sana ang gano'n, pero napakalupit niya. Sinasaktan niya 'ko. Minsan, hindi na nga ako nakakakain. I experienced child labor, lahat ng kinikita ko, sa kanya napupunta."

Mr. Tao was shocked to hear Karina's other side stories. Hindi siya makapaniwala na naranasan niya ang mga ito.

"That was an awful experience! Goodness!" anito.

"Hindi bale. Bakit pa nga ba natin pinag-uusapan ang nakaraan? I need to move forward."

Mr. Tao made up his mind. He decided to give a generous help with Karina.

"Are you interested on making your future beautiful?" he asked while looking intently in her eyes.

"B-Bakit po?"

"I am willing to help you. After you graduate, I will help you find a job, or even open a business. Anything, Karina. Anything."

Karina was in awe. Hindi siya makapaniwalang naririnig niya ito mula kay Mr. Tao ngayon lang. It was like a dream come true. Mr. Tao is more like a fairy god father ready to rescue her.

"P-Po?!" Histerikal na reaksyon niya.

"Ayaw mo ba?"

Napatayo si Karina at biglang napayakap kay Mr. Tao. Ikinagulat ni Mr. Tao ang biglaang pagyakap sa kanya ni Karina. But he eventually smiled.

"Nakakagulat ka, Ms. de Joseph," he said while smiling.

Kumalas si Karina sa pagyakap sa kanya saka nagtatalon sa tuwa. "Thank you, Mr. Tao! Huhu! Thank you po!"

Pero natigilan saglit si Karina.

"Saglit, wala po bang kapalit ito?" taas kilay niyang tanong na tila nagdududa pa.

Natawa si Mr. Tao. "Meron," maiksi niyang sagot.

Napahawak si Karina sa puso niya. "Hala! Mr. Tao, baka ano 'yan, ha?"

"Ang totoo kasi, Ms. de Joseph, I need a fake girlfriend."

Namilog ang mga mata ni Karina sa sinabi nito. "What?? F-Fake girlfriend??!" gulat na gulat na tanong niya.

"Calm down. Ano kasi, my grand father, hinahanap na niya ang girlfriend ko. You know, I am still single at hindi ko pa nakikita ang babaeng kukumpleto sa buhay ko kaya puwede ka ba?"

Napakagat-labi si Karina. Para namang nagyayaya lang na kumain sa labas itong si Mr. Tao. Parang sumakit naman yata ang ulo ko. Ani Karina.

"Naku naman, Mr. Tao! Bigla namang sumakit ang ulo ko."

"Natatawa ako sa reaction mo. Huwag kang mag-alala, isang araw lang naman, e."

"Isang araw lang? Talaga?"

"Yes, ano? Will you be my girlfriend for a day?"

"Y-Yes!"

Nag-hand shake pa silang dalawa to make that one-day deal.

***

"Bwiset talaga ang lintek na Karinang 'yan!! Sa tingin ko talaga, may idea siya kung na saan si Winston, e! Grr!!!"

"Calm down, Tiffany! Kung ako sa 'yo, gumawa ka ng paraan para mapauwi mo siya dahil wala na tayong alas laban sa mga Miller!"

"Huhu, Daddy!!! What am I gonna do now?!! I can't take it kapag mawala si Winston sa 'kin!! Hindi puwede! Wait--"

Natigilan si Tiffany nang maalalang may nangyari nga pala sa kanila ni Winston. Puwede pa niya iyong gamitin para mapasunod ang binata.

"What are you thinking?"

"What if I'm pregnant, Dad. Mapasunod ko kaya si Winston?" She laughed like an evil witch ready to cast her magic spell to Karina.

Ngumisi ang Daddy niya sa naisip niyang idea. "That's a good plan, my dear. Hindi ba at may nangyari sa inyo?"

"Yes, Dad. And I wont let him get away with this! Lalo pa at hanggang ngayon, hindi pa ako dinadatnan." She smirked. Ini-imagine niya ang magiging reaksyon ni Karina if ever magkataon na malaman nito na buntis siya. She needs to buy a pregnancy test now kahit na wala naman siyang nararamdaman pang simtomas sa katawan.

"Are you confident that you could possibly be pregnant, sweet heart? Magpa-check-up ka na. Or, you can buy a pregnancy test."

"Yeah, yeah. Whatever, Dad. Gagawin ko na 'yan ngayon din."

Tiffany rushed immediately to the drug store, she herself bought her pregnancy test dahil atat na atat na siya.

"I'll take two of these please," aniya sa counter.

"Okay, Ma'am."

"Can I ask?"

"Sure po. Ano po 'yon?"

"Is it normal to not have pregnancy symptoms?"

Ngumiti ang sales lady sa kanya. "Yes, Ma'am. Meron talagang nagbubuntis na walang symptoms ng pregnancy. Usually, wala silang idea na nagbubuntis na pala sila. Bakit po?"

"Never mind, stop being nosy." Inirapan nito ang sales lady saka padabog na umalis ng drug store.

"Kapag talaga buntis ako, Karina, tingnan natin kung makatawa ka pa." She smirked. Iniisip niya pa lang ang magiging reaksyon ni Karina, gusto na niyang mamatay kakatawa. She'll make sure na sa kanya ang huling halakhak, at kung hindi man? She's desperate to do everything kahit na magpanggap pa siyang buntis ay gagawin niya.

***

"Sis, huwag kang magsisinungaling sa 'kin. Ang sabi ni Ma'am Lad, lumbas daw kayo ni Mr. Taoo kanina. Huhu, inggit na naman ako." Kunware ay teary-eyed pa si Dorothy.

Kasalukuyan kasi silang na sa kuwarto ni Karina. Nag-offer si Dorothy sa kanya na tutulungan niya ito na mag-ayos ng kuwarto niya dahil ngaa kakaliat niya lang dito. Mabait naman talaga si Dorothy. Kikay, masayahin, at kalog. Cute rin siya pero kapag pinagtabi sila ni Karina, talaga namang angaat na angat ang ganda ni Karina sa kanya.

"Namasyal lang kaami, Sis. Nagka-problema pa nga, e."

Napataas ng kilay si Dorothy. "Problema ? Bakit? Ano bang nangyari?"

"Mahabang kwento,sis, e. Saka, hindi ko pa naku-kwent sa 'yo ang life story ko."

Napa-pout si Dorothy. She wants to hear more stories from Karina. "Sige naaaa. Magkwento ka, please!" Pagpupumilit nito.

"Mal-MMK ang buhay ko, sis. Ready ka na bang lumuha? Saka, hindi kapanipaniwala lahat ng mga pinagdaanan ko. Baka magduda ka pa nga, e."

"Wala kong pakialam sa haba, o ano. Basta magkwento ka na, please? I want to know you more, Sis. Gano'n naman ang magkaibigan, 'di ba?"

Naupo si Karina sa tabi ni Dorothy. Medyo may isang metro kasi ang distansya nilang dalawa habang nakaupo sa kama ni Karina.

"Namatay sa aksidente ang parents ko, years ago."

Agad na nahabag si Dorothy sa panimula ni Karina.

"Huwag ka munang umiyak, okay? So ayun nga, naging ulila ako. Pero, kinupkop ako ng Tiya Alicia ko."

Nakahingaa ng maluwag si Dorothy. "Mabuti na lang, may tiyahin ka pang kumupkop sa 'yo, sis. Nako, mahirap maulila ng lubos."

Umiling-iling si Karina. "Ang naging buhay ko sa piling ng tiyahin ko ay hindi tulad ng iniisip mo na maayos na buhay, Sis, e. Minaltrato niya 'ko. Bata pa lang ako ay naranasan ko na kung gaano kahirap ang magtrabaho sa munti at patpatin kong katawan. Naranasan ko na rin na magutom. Lahat ng kiinikita ko, napupunta sa tiyahin ko. Pinangsusual niya iyon at binibili ng alak at sigarilyo niya. Habang ako, pinipilit na mabuhay sa tubi lang."

"Grabe naman, 'yan, Sis. Nagtutubig na agad ang mga mata ko.Huhu, tissue, please."

Mapait na ngumiti si Karina habang inaalala ang mga mapait niyang naging karanasan sa tiyahin niya. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang alalahanin pa iyon pero heto, she found herself bringing up her painful past again.

"Hanggang sa nagdalaga ako, Sis. Hindi nagbago si Tiya Alicia. Palala siya nang palala. Pinilit niya pa akong magtrabaho sa bar bilang waitress kahit na maraming bastos doon."

"You worked at a bar, then? Buti na lang, waitress ka doon at hindi ka niya binugaw! Ang dami nang instances na gano'n, Sis."

"Iyon nga. Pero isang beses, may nambastos sa 'kin no'n sa bar. A man rescued me."

Nagtitili na si Dorothy. "Kyaaaahh! Waaahh! Kanna, drama ngayon love story nnaman! Don't tell me, siya ang knight in shining armour mo, Sis?"

Karina smiled at her. "Paang gano'n na nga, Sis. Pero ito ang twist. . .binigyan niya ako ng trabaho. Inalok niya akong maging personal maid niya."

Para kay Karina, memories na lang ang lahat nang natira sa kanila ni Winston. Kapwa masaya at mapait na alaala.

"Mayaman ba siya, Sis? Kasi, ang susyal lang, e. Sa ganda mong 'yan? Personal maid ka lang niya?" kunot-noong sagot ni Dorothy sa kanya.

"Ito pa ang isang twist, Sis. Bilyonaryo siya. He belongs to a real wealthy an crazy rich family."

"Kyaaaaahhh! Sinasabi ko na nga ba! Ano? Nagka-develop-an kayo, 'no?" pag-uusisa ni Dorothy. She really want to hear more. Naging mas interisado siya sa buhay ni Karina. Lalo na at sobrang madaming nangyari sa buhay nito.

"Parang gano'n na rin, Sis. But he is bound to marry someone else. Pero alam mo ba? Boto sa akin ang Mommy niya. Kasi, ang babaeng dapat na pakasalan niya ay ubod ng sama ng ugali."

"Talaga? Naku ganyan naman talaga ang mga bruha sa storya! Singit nang singit at kadalasan, masahol pa sa demonyo ang ugali."

"Nang ma-realize kong parang hindi naman ako bagay sa buhay nila, tinigil ko na ang kapapantasya ko. Alam mo 'yung langit sila tapos lupa ka? Parang gano'n ang set-up namin. Kahit na anong sabi niya sa 'kin na I beong to his heart, the reality is not always like that."

"So, ibig sabihin, umalis ka talaga sa bahay nila? Nag-resign ka talaga, Sis?"

"Oo. At iyon na siguro ang pinakatamang ginawa ko."

Naguluhan si Dorothy.. Paano iyong naging tama? "Ha? Paano mo naman nasabi? E, hindi ba dapat, pinaglaban mo ang relasyon ninyo?" she curiously asked.

"Isang araw kasi, may natanggap akong isang malaswang video.And to my surprise, it is him together with his wife to be. Haha!" Mapait na tumawa si Karina. Ito na naman ang mga traidor niyang luha. Ready na any moment na pumatak.

Napakurap-kurap si Dorothy. "W-What? Teka teka, ang bilis naman?"

"Iyon na nga, e. Hindi nga man lang niya ako hinanap. Pero ayos na rin. Wala ako ngayon dito sa Taiwan kung hindi dahil sa kanya."

"E, ano ang problemang sinasabi mo kanina, Sis?"

Walang buhay na bumuntong-hininga si Karina. "Ito na nga ang isa pang twist, Sis. Sumunod siya dito sa Taiwan. Sumunod siya sa 'kin! Alam mo ang sabi niya? Wala daw siyang kasalanan. Ni-frame up lang daw siya."

Biglaang nanumbalik ang kilig ni Dorothy. Niyugyog-yugyog nito ang balikat ni Karina. "Oh, my gosh! Oh, my gosh! Gaga ka ba? Susundan ka ba no'n dito kung nagsisinungaliing siya? What if he is really telling the truth?"

"Ke totoo o hindi ang sinasabi niya, Sis, hindi no'n agad mabubura ang sakit na bumaon dito sa puso ko. Hindi ko alam kung kakampihan mo pa siya kapag sinabiiko sa 'yo na sinuntok niya si Mr. Tao." Napakagat-labi si Karina.

Napatayo si Dorothy sa gulat niya."What?!" she exclaimed.

"Hehe."

"Ano ang nangyari?" tanong ni Dorothy sabay taas ng manggas ng t-shirt niy. Inilabas niya ang kanyang muscle na ani mo'y tambay na ready rumesbak any time.

"Kasi, Sis. . .Nakita niyang magkasama kami ni Mr. Tao kanina, ayun, nagulat na lang ako, bumulagta na si Mr. Tao sa lupa."

Napaawang ang labi ni Dorothy. "Huhu! Sinira n'ya ang handsome face ng bebe ko!" Nagpapadyak si Dorothy na parang bata.

Napakamot ng ulo si Karina. "Saka, Sis. . .kasi, si Mr. Tao, may inalok sa akin."

"Ano na naman iyan, Sis?"

"Tutulungan niya daw ako makkahanap aagad ng trabaho after I graduate, or, he can also help me daw para makapagpatayo ng business. Pero in return. . ."

Nakanganga lang si Dorothy, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Karina.

"In return, he asked me to be his girlfriend for a day."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.