CHAPTER 57

"Ano?!" Parang nabingi pa si Dorothy sa narinig.

Napakagat-labi si Karina nang makita ang naging reaksyon ng kaibigan.

"E, Sis. Sorry na. Hinahanapan na daw kasi siya ng jowa ng lolo niya, ako ang naisip niyang magkunwari! Naku, ilalagay pa ako sa alanganin."

"Huhuh, ikaw na talaga! Inggit na talaga ako sa 'yo!"

Mahina siyang hinampas ni Karina. "Huy! Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ibig sabihin lang no'n, single si Mr. Tao! Alam mo ba? Ang sabi niya, hindi pa daw niya nakikita ang babaeng kukumpleto sa buhay niya. Baka ikaw na 'yoooon!" sagot ni Karina habang niyuyugyog ang balikat ni Dorothy.

"Huhu, nawawalan na ako ng pag-asa, Sis! Paano kung magkagusto siya sa 'yo?" naka-pout na sabi nito.

"Baliw ka talaga! Tingnan mo naman ako? At tingnan mo si Mr. Tao! Napakalayo namin sa isa't isa. Saka, wala na akong panahon sa pag-i-pag-ibig na 'yan! Tapos na 'ko diyan."

Napa-weh si Dorothy. "Talaga? 'Di nga? Lalo pa ngayon na sinundan ka ng dream boy mo?"

"Anong dream boy ang sinasabi mo diyan? Hindi 'no!! He was never the man in my dreams! Nagustohan ko lang siya along the process!" depensa pa ni Karina.

"Okay, sabi mo, e," kibit-balikat na sagot ni Dorothy. "Pero, ikaw ha? Magkaibigan lang talaga kayo ni Mr. Tao, ha? Kung hindi, magtatampo talaga ako sa 'yo!" She pouted.

"Oo naman! Hayy! Makampante ka nga. Mula nang masaktan ako, hindi na ako naging interisado sa pag-ibig na 'yan. Nagpunta ako dito para mag-aral, ano." Pagdidiin ni Karina.

Natahimik si Karina matapos niya iyonng sabihin. Agadd na sumagi sa isip niya si Winston. Alam naman niya na sarili niya lang namaan ang niloloko niya. Alam niyaa sa sarili niya na mahal na mahal pa rin niya ito at kahit na nangibang bansa na siya para mag-focus sa pag-aaral, lagi pa rin niyang iniisip si Winston. Lagi pa rin niya itong naaalala. Lalo na ngayon na sumunod pa talaga ito ng Taiwan para lang sa kanya. Para humingi ng tawad sa kanya. Iniisip niya kung ano na nga ba naman ang ginagawa ngayon ni Winston pagkatapos ng naging ganap kanina. Alam niyang nasaktan niya ito and she feels sorry for it pero nasaktan rin naman siya, ah?

"Pero, Sis. May balak ka pa bang patawarin si Mr.Billionare?" Pag-uusisa ni Dorothy.

"Hindi sa ngayon, Sis. Forgiving takes time. Saka, fresh pa kasi sa alala ko ang lahat..Ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Kung totoo man na nagsasabi siya ng totoo at bukal nga sa kalooban niya ang pagso-sorry, I'm sure, mapapatawad ko pa rin siya. . .pero, hindi agad agad, syempre. Nasaktan ako, e."

Natahimik si Dorothy at saglit na nag-isip. "E, hindi mo ba naisip na paano kung totoo ngang inosente siya at na-frame up lang talaga ng other girl na 'yon. Tingin ko, para na rin siyang pinatay sa sakit nang makita niya kayo ni Mr. Tao na magkasama. Naiinggit nga ako na crush ko lang ang half Taiwanese na 'yon, e. How much more kung mahal ko na siya, hindi ba?"

Mas lalong sumakit ang ulo ni Karina. May point ang pinaglalaban ni Dorothy. Ayaw niya lang i-absorb dahil natatakpan ng poot at selos ang puso niya. Bitter pa rin siya hanggang ngayon, nahihiya man siyang aminin.

"Come to think of it, Sis." Iyon lang ang huling sinabi ni Dorothy bago nalakad patungo sa pintuan ng kuwarto ni Karina.

"Aalis ka na?" tanong ni Karina.

"Oo, syempre! Alangan namang dito pa ako matulog sa kuwarto mo?" pabalang na sagot ni Dorothy.

"Haha! Sira ka talaa. O, siya sige. Goodnight na lang!"

"Tse! Hindi maganda ang gabi ko. Inggit ako sa 'yo, hmp!" kunware ay nagtatampo na sagot nito.

Natawa na lang si Karina habang pinagmamasdan siyang magmartsa palabas ng kanyang kuwarto.

Walang buhay niyang isinandal ang kanyang katawan sa head board ng kanyang kama. She cupped for her phone para maagbukas ng messenger at makapag-video call kay Evo for the first time. Na-miss niya rin ang kakulitan at ka-sweetan nito sa kanya nu'ng na sa Pilipinas pa lang siya.

Nag-ring naman agad ang messenger ni Evo. Which simply means he's online at the moment kaya mas lalong napangiti si Karina. Na-excite siya bigla.

"Evo!" nakangiting bungad ni Karina nang makita ang mukha ni Evo sa screen ng phone niya. Gamit niya pa rin ang cell phone na bigay sa kanya ni Evo noon. Mabuti na lang talaga at tinanggap niya ito dahil kung hindi, nganga siya talaga ngayon kapag nagkataon.

"My Princess! I missed you! Ikaw na ba 'yan? Lalo kitaang minahal, aah?"

Napahagalpak ng tawa ang dalaga. "Sira-ulo ka talaga, Evo! Hahaha. Ako lang 'to. Ako pa rin 'to." Sinabayan niya ang saltik nito sa ulo.

"Pero totoo, Kars. Na-miss talaga kita! Miss na miss na!"

"Naku, naku, Evo! Napaka-cheesy mo!"

Napa-pout pasi Evo sa kabilang linya. Kitang-kita iyon ni Karina lalo pa at pinkish ang labi nito.

"O, bakit ka nakanguso diyan?" kunot-noong tanong ng dalaga.

"Because I know, Winston is after you there. Sumunod siya sa 'yo. Nagkita na ba kayo? I'm sure hahanapin ka no'n. O, baka nga alam na niyaa agad kung saan ka pupuntahan pagkarating niya pa lang diyan," inis na sagot ni Evo.

Natahimik agad si Karina daahil totoo naman ang lahat nang sinabi ni Evo. Pero, bakit niya alam?

"How did you know?" Karina asked him.

"Tsk. Magkasunod ang flight niyo. Ni-plano niya talagang sundan ka. Tsk."

Hindi mapigilang matawa ni Karina sa nakabusangot na mukha ni Evo. Para itong bata.

"E, ano ang binubusangot mo diyan, ha? Hindi pa ako handang kausapin siya. Alam mo naman 'yon. Alam niyo iyon ni Eliza." Pagkaklaro nito.

Napasinghap si Evo. "Subukan niya lang na lumapit sa 'yo. Susunod rin ako diyan ag gu-guwardiyahan kita." Pagbabanta pa nito.

"Alam mo, para kang bata. Para kang iyong bago kong kaibigan na si Dorothy." Pagkukuwento ni Karina.

"May kaibigan ka na agad?" nagtatakang tanong nito.

"Oo naman. Ako pa ba? Marami palang Pinoy scholars dito. Isa na si Dorothy do'n. You almost share the same characteristics. Parang mga bata. Hmp!"

"Sandali nga, ako ba hindi mo na-miss?" salubong ang kilay na tanong ni Evo.

"E, paano kung hindi, may magagawa ka ba?" Pang-aasar ni Karina.

"Tsk. Alam mo kasing patay na patay ako sa 'yo kya ginaganyan ganyan mo na lang ako," anito na may pagtatampo.

Ngumisi si Karina. "Ayiie! Ito naman. Siyempre, na-miss kita, ikaw pa ba?"

Agad namang bumawi ng ngiti si Evo pero halatang nagpipigil.

"Thank you, Evo ha? H'wag kang mag-alala, babawi ako kapag naging successful na 'ko."

"Bakit ka ba thank you nang thank you? Wala pa naman akong nagagawang malaking bagay sa 'yo. Basta, nandito lang ako para suportahan ka. YOur happiness is my happiness too, Karina. Alam mo 'yan."

"Paano kung makakapagpalungkot sa 'yo ang bagay na makakapagpasaya sa akin? Will you still support me, Evo? Mananatili ka pa rin ba?"

Saglit na natahimik ang binata. Ilang segundo rin siyang hindi nakasagot..Napaawang na lang ang labi niya pero walang lumalabas na salita mula dito.

"Hindi ko alam. Pero siguro, kung dumating man ang araw at oras na 'yon, kailangan ko na ring hanapin ang kaligayahan ko," sagot nito.

It was straight to the point pero raamdam ni Karina ang sakit sa bawat salitang binitawan ni Evo. Kailangan rin niya itong sabihin. Kailangan na ngayon pa lang, dahil hindi talaga makita ni Karina ang sarili niya na mahulog kay Evo. Kaibigan lang talaga ang turing niya dito.

Mapait na ngumiti si Karina. "Sige na, Evo. Ikamusta mo na lang ako kay Eliza, ha? Busy kasi 'yon sa bar kapag gabi, e. Madami pa sana akong ikukuwento at sasabihin sa 'yo pero sa susunod na lang 'yon dahil medyo inaantok na ako." Pagsisinungaling niya saka kunwari ay humikab pa.

"O-Oo, sige. Matulog ka na at m-magpahinga. S-Sana bukas ulit."

Nakahinga na ng maluwag si Karina nang matapos ang video-call nila. Ewan ba niya, ang bigat lang sa pakiramdam niyaa dahil nararamdaman niya ang emosyon ni Evo at nalulungkot siya dahil hindi niya maibalik ang pagmamahal na binibigay nito. HIndi naman sapat na dahilan ang awa para pilitin niya ang sarili niya na gustuhin si Evo.

Before she slept, muli pang pumasok sa isipan niya si Winston. They way he furiously looked at Mr. Tao kanina ayy parang kakainin niya ito ng buo. Nanginginig ito sa galit nang makitang  may kasama si Karinang ibang lalaki. 

Binuksan niyang muli ang huling message sa kanya ni Winston. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagtipa  ng mensahe para sa binata. 

To Winston: Noong araw na natanggap ko ang malaswang video niyo ni Tiffany,  ay ang araw na nasabi ko sa sarili ko na tama nga ang desisyon ko na tuluyan na ngang umalis ng bahay niyo dahil simula at sapul, alam ko namang hindi ako magiging belong. Sa araw din na 'yon, napatunayan ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal dahil sobra rin akong nasaktan sa napanood ko. Para na rin akong kumuha ng lubid at nagbigti sa leeg habang pinapanood ang video mo kasama ng babaeng mapapangasawa mo. Kung totoo mang wala kang ginawang masama, sana pag-ipunan mong ibalik ang tiwala koo dahil kahit gustuhin ng isip ko, sumasalungat pa  rin ang puso ko na dinurog  mo.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa na i-send iyon. Pagkatapos ng ilang linggo na pananahimik. Ngayon lang siya maglalabas ng kanyang saloobin. Saloobin naa hindi niya kayang sabihin sa harapan ni Winston mismo dahil natatakot siya. Natatakot siya na  baka isang yakap at halik lang ulit nito ay bumigay agad ang mga tuhod niya.

Bago pa siya makatulog ay naramdaman na naman niya ang uni-unting pagbagsak ng mga luha sa kanyang pisngi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.