After a month, nagsimula na ng ang formal classes nina Karina. Mula nang mag-send siya ng mensahe kay Winston, iyon na rin ang huling beses at hanggang ngayon ay hindi na rin ito nagparamdam sa kanya. Nalungkot siya ng sobra. Pero inalala niya na lang ang pinaka-purpose niya sa pagpunta dito. Iyon ay para maging successful na make-up artist. Inaamin niya, may mga gabi pa rin na umiiyak siya lalo na kapag naaalala niya ang mga magulang niya at si Winston, pero ginagawa na lang niya itong motivation para mag-move forward. There are more opportunities that lies beyond the horizon at nag-uumpisa pa lang siya.
Napatigil si Karina sa pagkakatulala nang makarinig siya ng sunod sunod na katok mula sa kanyang pintuan.
"Ms. de Joseph, are you ready?" It is Mr. Tao.
Ngayon kasi ang nakatakdang araw nila para ipakilala siya nito sa kanyang grand father na napag-alaman din ni Karina na bibilangin na lang din ang buhay sa mundo kaya pala nito minamadali si Mr. Tao na mag-girlfriend na at mag-asawa dahil kahit paano bago siya mawala ay gusto niya itong makilala. Na-guilty naman tuloy si Karina dahil alam naman nila ni Mr. Tao na isang araw na pagpapanggap lang naman ito. Feeling niya tuloy, niloloko nila ang lolo nito.
Nataranta si Karina habang fina-final touch ang make-up niya. Yes, ina-apply na niya ngayon ang natutunan niya sa univeristy simula nang mag-umpisa ang formal classes nila.
"Just a little bit, Mr. Tao!" sagot niya na medyo may kalakasan ang boses para marinig ni Mr. Tao.
"Okay! Don't rush. Baka hindi magpantay ang blush-on mo." Pang-aasar nito.
After a few seconds of retouching her make-up and fixing her simple string and glittery dress, she confidently open the door of her room.
Napaawang ang bibig ni Mr. Tao nang lumabas si Karina. His jaw almost drop. Ang simple lang ng ayos ni Karina but she looks gorgeous on it. She literally slayed it!
Malaki ang in-improve ni Karina simula mag-aral siya dito sa Kaohsiung.. Nadagdagan ang confidence niya sa sarili. She totally went out of her shell. Mas lalo siyang nag-bloom na parang isang maganda at mahalimuyak na bulaklak.
"Mr. Tao??" ani Karina saka iwinagayway ang kamay niya sa harapan ni Mr. Tao dahil bahagya na itong natulala.
He blinked his eyes several times nang makabalik sa kanyang sarili.
"Uy, si Mr. Tao, nagandahan sa 'kin?" Pang-aasar pa ni Karina.
Umiwas ng tingin si Mr. Tao. "Matagal na," bulong nito sapat lang na siya lang ang makarinig.
"May binubulong ka ba diyan?" taas-kilay na tanong ni Karina.
"Wala, ano! You are perhaps imagining things."
Kung ire-rate ang closeness ng dalawa ay halos 8 over 10 ito. They are really close like brothers and sisters. But Mr. Tao secretly admires Karina. Pero hanggang doon lang din 'yon at wala naman siyang balak na i-pursue ang dalaga dahil baka isipin nito na tine-take advantage siya nito.
Sa paglabas nila ng dormitory ay nakasalubong pa nila si Ma'am Lad na may hawak na timbaat mop ng sahig.
"O, kay gandang bata mo talaga, Karina hija! Sandali nga, saan ba kayo gagayak at pusturang pustura kayo?" nagtatakang tanong nito sa kanila.
"May pupuntahan lang pong party, Ma'am Lad. Niyaya ko si Karina."
Ngumisi si Ma'am Lad. Binigyan niya ng isang pilya at malisyosong tingin si Karina.
"Talaga ba? Aba, kayo ay mag-ingat na lang." Kumindat pa ito kay Karina.
Napakamo ng ulo si Karina. "Ma'am Lad talaga, kung anu-ano ang iniisip, e."
Napataas ng kilay ang maatanda. "Uy, wala akong sinasabi, ah?" Pagmamaang-maangan ito.
"Mauna na po kami." Paalam ni Mr. Tao.
Isinakay ni Mr. Tao si Karina sa magara nitong kotse saka minaneho niya ito papunta sa kanila. Habang na sa biyahe, patuloy ang pag-video ni Karina. Amaze na amaze siya sa nagtataasang mga buildings at naggagandahang city view.
Napangiti si Mr. Tao habang pinagmamasdan siya.
After a few minutes ay nakarating na nga sila sa bahay nina Mr. Tao. Sumalubong sa kanina ang isang matandang maid na halatang mayordoma.
"lí chiah pá bōe?" Bungad nito sa kanilang daalawa kaya agad naman na napakunot-noo si Karin.
"A-Ano raw, Mr. Tao?" tanong niya.
"Tinatanong niya kung nakakain na daw ba tayo." Pagpaliwanag nito. Napangiti naman si Karina dahil finally, may natutunan na siyang Hokkien dialect.
"Chiah pá ah," maagap na sagot ni Mr. Tao sa matandang mayordorma.
Kinalabit siya ni Karina sa tagiliran. "O, ano naman iyong sinagot mo?" tanong niya ulit.
"I said I'm still full. Ikaw ba? Gutom ka na?" Pag-iiba nito ng usapan.
Umiling-iling si Karina. "Hindi pa naman. Medyo busog pa."
Bumaling sa kanya ang matandang mayordoma saka nagsalita. "chhiáⁿ-mn g, lí kùi-sèⁿ?" tanong nito.
Napakapit si Karina sa manggas ng damit ni Mr. Tao dahil bigla siyang natakot sa nanlilisik na mga mata ng mayordoma sa kanya. Para siya nitong kakainin.
Bahagyang natawa si Mr. Tao sa naging reaksyon ni Karina. "She's asking you of you name, sagutin mo siya. Sabihin mo góa kiò, Karina." Bulong ni Mr. Tao.
Sinunod namn agad ito ng dalaga. "Góa kiò, Karina." Pagpapakilala niya.
Iginiya sila ng maid sa living room kung saan naghihintay ang Lolo ni Mr. Tao. Pagkarating doon ay nadatnan nila itong nakatalikod at nakaharap sa glass na dingding ng mansyon nina Mr. Tao.
"Jin hua hee kua dio li, grand son," wika ng lolo ni Mr. Tao sa kanya, na ibig sabihin ay nagagalak itong makita ang kanyang apo.
"How are you, Ah Kong??" Ah Kong means grand father in Hakkien dialect in Taiwan.
"I am fine, grand son." Pinaikot nito ang kanyang wheeled chair para makita ang kanyang apo.
Napangiti agad ito nang makita na may kasama si Mr. Tao at ini-expect na agad nito na girlfriend nito ang babaeng dala ng kanyang apo.
"Is she the lucky girl?"
Nakahinga naman ng maluwag si Karina dahil finally, english na ang medium ng pag-uusap nila. Sumasakit ang ulo niya kapag nag-iiba ang lengguwahe ng mga ito.
Nahihiyang kumaway si Karina sa lolo ni Mr. Tao. "Hi, Ah Kong! I am Karina de Joseph." Pagpapakilala ni Karina.
"You have a good taste, dear grand son. You brought a very pretty young lady. How are you, Karina? Do you get along well? My grand son is really picky and I'm glad he ended up to such a pretty young lady."
Nahiya naman ang buong sistema ni Karina sa pagpuri nito. Lumaki na tuloy ang ulo niya.
"Ah Kong, Karina is really a good catch." Pagmamayabang ni Mr. Tao
Mahina siyang siniko ni Karina.
"So. . .when do you plan your marriage?"
Nanlaki ang mga mata ni Karina sa tanong nito. Halos mahulog ang panga niya sa gulat. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap. Did I hear it right? Aniya sa sarili. Nakakabingi iyon dahil hindi niy inasahan na iyon ang magiging tanong ng lolo ni Mr. Tao. Bakit naman kasal agad? Akala ko ba, nobya lang ang hinahanap niya kay Mr. Tao? Tanong ni Karina sa kanyang sarili. Naguluhan na lamang siya bigla.