CHAPTER 59

Tumingkayad si Karina para bumulong kay Mr. Tao. "Huy, ano na ang sinasabi ng Lolo mo? Ano'ng kasal-kasal?" nakangiwing tanong ni Karina ng pabulong.

"Hindi ko rin alam dito kay Lolo, saglit lang," pabulong rin nitong sagot pabalik.

Bahagyang kumalma si Karina nang lumapit si Mr. Tao sa kanyang lolo. Mr. Tao cleared his throat dahil tila may bumara yata sa kanyang lalamunan.

"Ah Kong, I still have no plans of getting married," he answered and sighed.

"And why?! You are on your legal age! Karina, please, marry my grand son immediately. I want to see my great grand sons and daughters sooner," anito kay Karina.

Kagat-kagat ni Karina ang labi niya at sabay na pinagdikit ang kanyang palad. Diyos ko, ano ba itong pinasok kong gusot? Aniya sa kanyang isipan.

"M-Maybe l-later, Ah Kong. After I finished my course." Sa wakas, naitawid niya rin at may naisip siyang rason.

"Hmmm. Okay, I can't force you now. But please, do it as soon as possible."

"Don't worry too much about that, Ah Kong. So, have you eaten already?" tanong ni Mr. Tao saka marahang tinulak ang wheel chair papunta sa kitchen nila.

Their house is really huge. Para itong bungalow. Sumunod naman sa kanila si Karina.

"Where's Mom and Dad?" tanong ni Mr. Tao.

"They're busy on their date, grand son. Just please, give me some milk and I will lay on my bed," medyo pagod nitong sabi.

"So early?" Mr. Tao asked.

"As much as I want to entertain the two of you, I suddenly felt a pain in the chest. I'm so sorry, Karina," anito sabay tingin sa dalaga.

"No no! It's okay, Ah Kong. Your health is much more important. You can take a rest now. We will be doing good," sagot ni Karina.

"You can at least make a baby while I rest." Suhestiyon pa nito sabay tumawa ng pilyo. Nako, siguro itong si Lolo, chick boy at shooter nang kabataan niya! Matinik! Ang bilis! Sunggab agad ang gusto. Diyos ko! Ani Karina sa isip.

"Ah Kong, let's go. I will led you to your room." Offer naman ni Mr. Tao.

Sa katandaan kasi, minsan, mali ang kuwartong pinapasukan ng lolo nito. Masyado na rin itong nagiging ulyanin, pero kapag nandito ang apo niya na si Mr. Tao, hindi he is alive. Pero ngayon, nagsabi na ito agad na may dinaramdam siya.

Pagkatapos na ihatid ni Mr. Tao ang kanyang lolo sa kuwarto nito ay binalikan niya si Karina. Na sa sala ito at matiyagang naghihintay sa kanya.

"Kamusta si Lolo?" she asked looking so concerned. Malapit talaga ang loob ni Karina sa mga matatanda dahil sabik siya sa magulang. Matagal na panahon na nang mamatay sa aksidente ang mgaa magulang niya kaya at lumaki na siyang ulila, sabik sa pagmamahal ng magulang na kahit kailan, hindi naibigay ng Tiya Alicia niya.

"Nakatulog na agad siya, e. I am worrying for his health. Ang dami na niyang iniindang sakit kahit na iniinom naman niya ang maintainance niya. Nalulungkot ako kapag iniisip kong time will come at baka kunin na siya sa amin," malungkot na sagot ni Mr. Tao.

What's amazing about him is that, kahit matagal na siya sa Taiwan, he is still fluent with Tagalog which is uncommon sa ibang mga tao na makapunta lang ng ibang bansa, parang kinalimutan na ang sarili niyang lengguwahe.

"Nararadaman kita. It's really hard to lose someone important in your life. May plano ang Diyos para sa kanya, Mr. Tao."

"Thank you. I am really glad that I met you, Karina." Saad nito while lookig intently at Mr. Tao's eyes. "At least I know I have a friend to lean on."

"Naku, wala iyon, Mr. Tao. Napakaliit na bagay. Saglit nga, bakit ang sabi mo kay Ma'am Lad kanina na sa party tayo pupunta? You lied." Kompronta ni Karina.

"I know that she will get suspicious, Karina. Saka, this is just a fake relationship so it should only be between us two."

Tumango-tango siya. "Kung sa bagay, napakamalisyosa pa naman ni Ma'am Lad."

Saglit na tumayo si Mr. Tao nang matanaw ang kararating lang na Mom and Dad niya. Napatingin din tuloy si Karina sa kanilang pintuan. Nagulat siya dahil for the first time ay nakita niya ang mga magulang ni Mr. Tao. She felt so honored.

"Oh, my goodness! My only son is here!" Bungad ni Mrs. Lai. Mommy ni Mr. Tao. Agad na dumapo ang kanyang tingin kay Karina. Napataas ang kilay niya dito na tila pinag-aaralan ang mukha ng dalaga. "And who's this very pretty young lady? Hindi ko alam na sa pag-uwi mo dito son, may girlfriend ka nang dala, ah? Wala kang naikwento sa akin. Hmmm nakakapagtampo."

"H-Hello po, n-nice to meet you po," nahihiya at nauutal na sagot ni Karina. This isn't the first time na maranasan niyang maipakilala sa pamilya ng ganito. The last time was with WInston and his mOm.

Napakamot ng ulo si Mr. Tao. "Mom, this is Karina, my friend and a student at Kaohsiung University. Remember Mrs. Emely?" he asked.

"Of course! How will I ever forget your life saver?"

"Well, siya lang naman ang dahilan kung bakit nakapag-aral dito si Karina. And, I'm really sorry to say na nagpanggap siyang girlfriend ko sa harap ni grandpa." Napakamot ng ulo si Mr.Tao.

Napkagat-labi na lang si Karina habang nakikinig sa usapan nina Mr. Tao att Mommy niya.

"What? Bakit ka naman nagsinungaling sa lolo mo? I did not raise yo to be like that!"

"Son, what is the matter?" Ang daddy naman nito ang nagtanong.

Hindi na malaman ni Karina kung kanino sa kanilang tatlo ibabaling ang tingin niya. Nagpapalit-palit ito sa kanilang tatlo. Sumasakit na nga ang ulo niya.

"You know grandpa, Mom and Dad. Atat na atat na 'yon makapag-asawa ako. E, sa wala akong maiharap sa kanya. Naisip ko si Karina." Pagpapaliwanag nito.

His Mom and Dad sat for a while. Sabay pa silang mag-asawa na napahilot ng kanilang sentido. Mr. Tao's father is a full blood Taiwanese kaya sa bahay, english lang din sila mag-usap dahil ito commonly ang language nila lalo na sa work. But he do understand tagalog,, syempre.

"Kahit naman kami, hahanapan ka na ng girl friend! Sumobra ka na nga sa taman gulang, wala ka pa ring girl friend. Son naman!" Her Mom sounded so hopeless. Totoo naman kasi, halos lagpas na sa kalendaryo si Mr. Tao pero wala pa rin itong girl friend.

"Bakit hindi niyo na lang totohanin nitong si Karina, son?"

"Ho?!" gulat na tanong ni Mr. Tao.

Agad naman na napa-ubo si Karina at tila nasamid pa sa narinig.

"Your mom is right, son. Why don't you make it official?" his father asked.

Nawindang si Karina sa mga naririnig niya. Kung makapag-usap naman itong pamilyang Tao, parang wala siya sa tabi nila.

Pansinin niyo po ako. Nandito pa po ako. Huhuh

"That is really not possible, Mom. Darating din ako sa puntong 'yan. I don't want to rush things," he stated.

"You don't want to rush? Oh, my gosh! Kailn ka pa mkikipagrelasyon? Kapag senior citizen ka na?" Nasapok ni Mrs. Lai ang noo niya.

"Let's quit talking about this, Mom. Nandito si Karina, o."

Sabay na napatingin ang mag-asawa kay Karina na pilit lang na nakangiti.

"Sorry, dear." Paghingi ng paumanhin ni Mrs. Lai.

"Okay lang po. I understand your side. Pero sa opinyon ko po, mas mabuti kung si Mr. Tao na lang ang mag-desisyon para sa sarili niya, dahil tulad nga po ng sinabi ninyo, lumagpas na siya sa tamang edad. Hehe," ani Karina.

"You are right. O, siya. Sige na nga. Kayong mga kabataan kayo. Let's go upstairs, hon." Yaya nito sa kanyang asawa. "Maiwan na namin kayo at pagod kami sa date," dugtong pa nito sabay hagikhik.

"Nice too meet you, Karina," ani Daddy ni Mr. Tao.

"It's nice meeting you both din po, Mr. and Mrs. Tao." She politely replied.

Nang maiwan silang dalawa sa sala ay ilang minuto pa munang namalagi ang katahimikan.

"Err, I'm sorry about my parents, Karina." Panimula ni Mr. Tao.

"Naku! Wala 'yon. Ang cool nga nila, e. Naiintindihan ko naman sila, Mr. Tao, e. Alam mo, ang swerte mo nga, e. Because you still have your parents. Nakakainggit."

Ngumisi si Mr. Tao. "O, baka gusto mo maging parents mo na lang din sila? Totohanin na natin?" Pagbibiro nito.

"Baliw!" naka-pout na sagot ni Karina.

Ginulo lang ni Mr. Tao ang kanyang buhok. He wanted to admire Karina, pero alam niyang hindi sila puwede. Because he knows, there is still someone inside her heart.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.